Vaiah's POV "Kanina ka pa ba diyan?" biglaang tanong ni Lola Melchire at sinusubukang pakalmahin ang sarili ngunit sa mukha niya ay parang hindi ito nagulat na andito ako. "A-Ah kakadating ko lang po," sagot ko naman dito. Sumingkit ang mga mata nito na tila ba'y hindi naniniwala sa akin.
"Sa susunod, huwag kang nakikinig sa usapan ng mga matatanda! Hindi ba't sinabi kong dun ka sa labas?" paglilinaw pa niya. Namuo ang kaba sa aking dibdib ng masilayan ko ang kaniyang mata. Nanlilisik at pulang-pula ang paligid nito. "P-Pumunta po kasi ako sa Cafegamano kaso nga lang po, h-hindi ko po alam kung paano magbayad," malumanay kong saad upang hindi madagdagan ang galit niya. Tsaka wala din naman akong pera. "Ganoon ba? Halika at sa hotel ka na kumain, wala kang makakain doon na pasok sa panlasa mo," saad naman niya at agad akong inakay. Malayo-layo rin ang aming nilakad dahil nasa ground pa ang portal. Tama nga si Lola, hindi pwede sa akin ang mga pagkain dito. May mga hilaw, pagkain ng hayop, at mga pagkaing pangtao ngunit ginamitan ng mahika. Hindi ko alam kung paanong nalagyan ito ng mga mahika basta't makikita ang mga ito na lumiliwanag. "Lola, bawal po ba sa atin iyong pagkaing may mahika?" tanong ko dito habang nakatingin lamang ng diretso sa restaurant ng hotel. "Hmm? Maaari namang kainin mo iyon ngunit mas mabuting kumain ka muna ng nakasanayan mo," sagot niya tsaka iniabot sa akin ang steak na aming inorder. Sa totoo lang ay hindi naman ako nasanay kumain ng mga steak dahil hindi ko afford bumili ng mga ganito. Kaso dahil andito ako ay sagot na ako ni Lola. "Sige na hija, kumain ka na at magk-klase ka pa ulit mamaya," ani nito kaya nagsimula na akong kumain. Habang kumakain, ako'y napaisip. Kanina ko pa hindi nakikita sila Shaza, pumapasok din kaya sila gaya ko? Bakit hindi ko sika nakasalubong? Ah tatanungin ko na lamang sila mamaya sa duty namin. Lumipas ang 30 minuto ay natapos na kaming kumain at iniwan na rin ako ni Lola Melchire sa school ground dahil may pupuntahan pa raw ito. Tinatamad pa akong pumasok, maaari kayang lumiban? "Kabago-bago mo lang dito, ganyan agad ang nasa isip mo? Gamano ka ba talaga?" pasulpot na tanong mula sa aking likuran kaya agad akong napalingon. Nang una ay wala akong nakita ngunit bigla itong sumulpot na parang bula mula sa isang sumbrero na para sa mangkukulam. "A-Ah nagbibiro lang po ako," sagot ko dito ngunit nanatiling nakakunot ang noo nito. Sino ba ito? "Ako ang SCHOOL PRESIDENT dito," saad niya nang may pagdiin. Pinagmasdan ko siya dahil sa kaniyang sinabi. Isa itong babaeng may mahabang asul na buhok. Kung hindi ako nagkakamali ay isa siyang witch dahil sa suot nitong sombrero na sumulpot kanina at may dala itong basket na naglalaman ng mga iba't-ibang halaman. Ang ganda naman ng costume nito. "Stop staring at me, just follow me," natauhan ako sa kaniyang sinabi at agad sumunod sa kaniya. Saan kaya ako dadalhin? Hala baka sa principal's office dahil sa sinabi ko? Grabe naman kung doon ako dadalhin dahil lang sa sinabi ko. "Stop thinking nonsense okay? Nakakarindi ka," sabi niya muli. Siguro ay kagaya niya si Monique? Edi ibig sabihin ay mangkukulam din si Monique? "Argh, hindi ka ba titigil? May iba't-ibang uri ng mind reader so cut it okay?" sabi na naman niya. Ang sungit naman nito. Saan ba kasi ako dadalhin nito? Pumasok kami sa isang silid-aralan na may karatulang 'portals'. Portals? Marami bang portals dito? Nakapasok na kami ngunit wala naman akong nakikitang portals dito. Bakit pa tinawag na portals ito kung wala naman palang lagusan? Nagitla ako nang may inilabas na umiilaw itong school president 'daw' na ito. Pag pindot niya sa bagay na iyon ay tsaka lumabas ang portal. "Halika na, gusto mong lumiban sa klase di'ba? Sumunod ka sa akin, excuse ka na," sabi niyang muli at nauna nang pumasok sa portal. Ano bang gagawin namin? Paano kung may kakain sa akin pag sumama ako sa kaniya? Pero hindi ba't school president siya? Aish bahala na. Pumasok ako sa portal at agad bumungad sa akin ang babaeng kasama ko. Isinara niya ang portal at nagsimula na namang maglakad. Napadpad kami sa isang gubat ngunit hindi nakakatakot ang awra nito. Maraming nagsisiliparang ibon na siyang gumagawa ng munting musika sa aking tainga. Nawala ang aking pagmumuni nang napasubsob ako sa likuran ng babaeng aking sinusundan ng tumigil ito. "Halika, pumasok ka," saad nito. Kaya pala siya tumigil ay upang pumasok sa isang kubo, binuksan niya ito. Agad akong sumunod sa kaniya at pinaupo naman niya ako. Kung hindi ako nagkakamali, isa itong opisina ngunit naiba lang ang palamuti at kagamitan. "Aalamin ko kung totoo kang Gamano," saad niya na agad kong kinakaba. Ngunit imposibleng kaya niyang malaman iyon. "Sabi ng mga kaklase mo, matalino ka. Pero hindi sapat iyon para masabing Gamano ka," saad nito at inihanda ang kumukulong kaldero? Hindi ko alam kung ano iyon basta't mayroon itong berdeng kulay na tubig. Habang naghihintay ng susunod na mangyayari ay nakaramdam ako ng sakit sa ulo. Bumunot pala siya ng buhok ko psh hindi man lang magpaalam. "Nagrereklamo ka?" pairap niyang sabi kaya agad na lang akong umiling. Mahirap na, baka sabunutan ako nito. May inilagay siyang pulang likido sa kaniyang kaldero kung saan may nakasulat na 'gamano'. Ano kaya iyon? "Akin na ang daliri mo," saad niya habang nilalahad niya ang kaniyang kamay. Anong gagawin niya sa daliri ko? Puputulin? Huwag naman sana. May pag-aalinlangan may ay inilahad ko sa kaniya ang isa kong daliri. Kumuha siya ng karayom at agad pinisil ang aking daliri. Hinila niya ang aking kamay sa ibabaw ng kaldero at doon pinatulo ang aking dugo. Sa isang iglap ay naging itim ang tubig. Anong nangyari? Ngumisi ito bago nagsalita. "Hindi ka nga talaga isang Gamano, gaya ng aking kutob," pailing pa niya. Ganoon niya lang kadaling nalaman iyon? Paano kung ipagkalat niya ito? Lagot ako kay Lola Melchire.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
The is the wonderful novels that I read
07/03/2025
0best
27/01/2025
0haydee
02/01/2025
0Lihat Semua