logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 6: Gamano Role

Vaiah's POV
"Woah.."
"Isa siyang Gamano?"
"Baka naman lampa iyan?"
Ilan lamang yan sa aking narinig mula sa bulungan ng mga nilalang na ito. Ayaw na ayaw kong ginaganito ako.
"Hindi siya mahina, lampa, at kung anu-ano pa mang iniisip lalo na't anak ko siya," saad muli ni Lola Melchire.
Makikita sa mga mata ng estudyante ang mangha habang ako ay hiyang-hiya dahil sa kaganapan.
"Maligayang pagdating Vaiah! Halika at dito ka maupo," saad ng guro sa akin at agad ko naman itong sinundan. Umalis na si Lola Melchire at ngayon ko lang napansin na ang iniabot niya sa akin kanina ay mga gagamitin ko dito sa paraalan para sa unang araw ko.
Agad akong umupo sa pinakaunang upuan kung saan ako pinuwesto. Isinara ng guro ang pinto at sa isang palakpak niya ay lumutang ang mga upuan namin na siyang dahilan ng pagkagulat ko. Muntik na akong mawalan ng balanse ngunit wala na akong magagawa dahil napuno ng tubig ang sahig.
"Okay class, let's start," saad ng guro na nasa harapan. Nasa sahig siya ngunit hindi siya nalalagyan ng putik dahil parang may boundary ito upang hindi makalapit sa kaniya.
"Huwag kayong mag-alala dahil multiplication lamang ang gagawin niyo," saad ng guro kaya't nakaramdam ako ng kaunting ginhawa. Ngunit agad ding naglaho ang ginhawang iyon nang magsimulang umikot ng dahan-dahan ang aming upuan.
"First, 1564 x 836?" tanong kaagad ng guro. Grabe naman iyon, akala ko ay tag-iisang digit lang.
Nakita kong nagreresolba ang mga kaklase ko sa kani-kaniyang papel kaya agad akong nakigaya. Ayaw kong mapahiya lalo na't ipinakilala ako ni Lola Melchire na anak niya kaya dapat ay makasagot ako.
"1,307,504!" sigaw kong sagot sa guro dahil baka ako ay maunahan at maisubsob pa ako sa putik. Akala ko ay mali ang aking sagot dahil agad na bumaba ang aking upuan. Akala ko ay mapuputikan na ako ngunit iniurong niya ang aking upuan sa kaniyang tabi.
"Unang dating, unang tamang sagot! Nasaan ang mga kaangasan ng iba?" sarkastikong sabi ng guro ko.
"923 x 475?" tanong muli ng guro. Ang mga estudyante ay tila hindi nagreresolba. Napatingin ako sa aking guro na ngayon ay nakatingin sa akin, teka ako ba ang sasagot?
Agad muli akong nagresolba. Buti na lamang at multiplication lamang ang mga katanungan.
"438,425 ma'am," sagot ko at agad naman itong ngumiti.
"Oo nga pala, bago ka. Hindi mo pa alam ang rule," saad ng guro at agad binura ang mga isinulat niya sa board.
"Ang unang makasagot ng aking tanong ay siya rin ang sasagot ng lahat ng aking katanungan. Pag ikaw ay nagkamali, dalawa sa kaklase mo ang ilalaglag ko sa putik," pagsasalaysay ng guro. Mas lalo akong kinabahan dahil sa tingin ng mga kaklase ko. Para akong kakainin ng buhay pag ako ay nagkamali. Sana hindi na lang ako naunang sumagot.
"Okay next question, 1753 x 2893 is?" nagresolba na naman ako. Hindi ko na maintindihan ang sulat ko dahil sa kakamadali dahil sa mga tingin nila ay parang inoorasan nila ako.
"5,071,429 po ma'am," sagot ko at ngumiti naman ulit ito na sinasabing tama ang aking sagot.
Madaming katanungan na ang aking natapos at napuno na ang aking mga papel.
"Huling katanungan, 5282525 x 76?" wala mang espasyo sa aking papel ay ipinilit kong tapusin ang pagsosolve at nakuha ko naman ang sagot.
"401,471,800?" patanong na sagot ko dahil baka ako ay nagkamali. Napasimangot ito at agad na nilaglag ang dalawang lalaking nasa likuran. Hala lagot, lalaki pa naman.
Tiningnan ko kung saan ako nagkamali. Ah, dahil sa pagpipilit kong pagkasiyahin ang pagreresolba ay nagkaroon na ng guhit ang numerong dapat 9 lang. Hay naku, sayang.
Agad bumangon ang mga nalaglag na lalaki sa putikan. Akala ko ay magagalit sila sa akin ngunit nabigla ako nang pumalakpak sila sa akin maging ang mga nakaupo ng maayos sa nakalutang na mga upuan. Hindi ba dapat ay magalit sila sa akin?
"For the first time! Hindi putikan ang lahat ng estudyante ko!" may pahalakhak na sabi ng guro.
"Isa ka ngang Gamano, matalino ka," saad muli ng guro at tinapik ang aking balikat.
"Nakakapagtaka lang na hindi matalino ang mga kapatid mo," pagpapatuloy nito na siyang dahilan upang malunok ko ang sarili kong laway. Paano kung mabuking ako?
"A-Ah matalino din naman po sila, kasipagan lang po ang kulang," kunwaring may alam na saad ko habang kinakamot ang batok ngunit napakunot ang kaniyang noo. Napatingin naman ako sa paligid at kapansin-pansin na nawala na ang ilan sa mga kaklase ko at ang mga naiwan dito ay nagkumpulan na sa likod. Naging magulo na ang mga upuan. Siguro ay breaktime na.
"Ganoon ba? Dito naman sa paaralan ay sila ang pinakamasipag kumilos maging sa loob ng hotel," nadali na. Lagot. Anong sasabihin ko?
"Ang mga batang iyon ay nagmana kay Saturno. At si Vaiah ay mana sa akin," pasulpot na naman ni Lola Melchire. Dati ba itong kabute? Pasulpot-sulpot.
"Ngunit paanong hindi ko nalamang nabuntis ka Malchire?" tanong muli ng guro.
"Mabuti pa Vaiah ay makihalubilo ka muna sa mga kaklase mo sa labas," pag-iiba ni Lola Melchire sa usapan kaya agad na lamang akong tumango.
Iniwan ko ang aking bag sa aking upuan at lumabas na. Sinundan ko na lamang ang iba pang estudyante upang hindi ako maligaw.
Bumungad sa akin ang karatulang 'Cafegamano' sa aking pagliko pakanan. Cafegamano? Siguro ay ito ang cafeteria. Pagpasok ko ay napasandal ako sa pinto. Napakarami palang tao dito.
Habang ako'y nasa pintuan, tanaw ko na ang mga benta. Pero bakit ganoon? Hindi ata pera ang ibabayad.
Sumilip ako sa counter kung ano ang kanilang ibinabayad ngunit iba't-iba ang kanilang ibinibigay. Paano ko mahuhulaan ang akin? No choice, kailangan kong bumalik kay Lola Melchire.
Pagbalik ko ay napasandal muna ako sa pintuan dahil sa pagod nang may narinig ako.
"Wala kang sasabihin sa kaniya maliwanag? Binabalaan kita Katina!" bakas sa boses na iyon ang pagbibigay ng awtoridad. Sigurado akong galing iyon kay Lola Melchire.
"Pero para ka nang nagsisinungaling sa bata Melchire!" pabalik na sagot ng isa pang boses. Halata ang kaba sa boses nito ngunit hindi pa rin ito nagpatinag. Kung hindi ako nagkakamali ay iyon ang aking guro. Katina pala ang kaniyang pangalan.
Sa gitna nang aking pakikinig ay agad na bumukas ang pintuan. Bumungad sa akin ang galit na mukha ni Lola Melchire. Lagot na.

Komentar Buku (22)

  • avatar
    MosqueraRica

    The is the wonderful novels that I read

    07/03/2025

      0
  • avatar
    Sevilla JR.Darwin

    best

    27/01/2025

      0
  • avatar
    Haydee Galit

    haydee

    02/01/2025

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru