logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 6

“IKAW PALA JANUS,” maiksing pagbati ni Mr. William Smith sa kanya.
Tipid na ngumiti si Janus dahil halos hindi kababakasan ng pagiging banyaga ang matandang lalaki sa pananalita. Marahil ay dahil sa matagal na itong naninirahan sa Pilipinas kasama ang Pilipinang asawa na si Mrs. Eleonor Comilang-Smith at ang dalawang anak na babae na sina Laila at Louise.
“Magandang umaga, Sir,” ganting bati niya dito.
“Napasadya ka?” anitong iminuwestra sa kanya ang upuang yari sa magandang klase ng kahoy na nasa harap ng mesa kung saan ito abala sa mga dokumentong binabasa.
Pansin rin ni Janus na may ibang iniisip ang matanda dahil na rin sa panay ang pagtapik ng mga daliri nito sa gilid ng mesa. Walang halong pagmamadaling lumapit siya sa upuan at naupo. Naroon sila sa library ng mansyon ng mga Smith at namangha si Janus sa karangyaan naghuhumiyaw sa silid na iyon. Hindi na iyon katakataka dahil mayaman naman talaga ang pamilya nito.
Nang muli niyang ituon ang pansin sa lalaki ay tumikhim muna siya na dahilan para mapaigtad ang kaharap.
Nagtatakang tinanong niya ito. “Are you okay, Sir?”
Ilang segundong tinitigan muna siya nito saka tipid na ngumiti. “I’m fine, son. By the way, why are you here?” Mabilis na pagbabago nito sa paksa ngunit hindi na niya binigyang pansin pa iyon.
“Well, dahil ikakasal naman na kami ni Laila, naisip ko na mas maiging magkakilala kami,” saad niya.
Nag-iwas ng tingin ang matanda at tumayo mula sa kinauupuan. Nagtatakang sinundan ni Janus ito ng tingin hanggang sa huminto ito sa harap ng isa sa mga bookshelves at tila may hinahanap.
“Sir?” tawag niya sa atensyon nito.
“Mabuti iyong nasa isip mo lalo’t nagmamatigas ang aking anak. Ipagpaumanhin mo na rin ang inasal niya nang nagdaang gabi sa party,” sabi nito na hindi siya nilingon.
Nagtataka man sa ikinikilos ng kausap ay hindi siya nagtanong.
“Kukumbidahan ko na rin sana si Laila na lumabas ngayon kasama ako,” aniya. At dahil nakatingin siya kay Mr. Smith ay kitang-kita niya ang biglang pagtigil nito sa ginagawa. Lumipas pa ang ilang segundo bago siya nito muling hinarap.
“Iho, pasensya na ngunit hindi mo maaaring ilabas ngayon ang aking anak. Wala siyang ibang ginawa sa buong magdamag kundi ang umiyak. At ngayon pa lamang siya nagpapahinga. Maintindihan mo sana,” paliwanag ng lalaki na hindi tumitingin sa kanya.
Napatango-tango na lang si Janus. “Wala pong problema. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya. Huwag kayong mag-alala, sisikapin kong kuhanin ang loob niya para naman hindi na siya tumutol pa sa naging desisyon ninyo,” aniyang nakangiti.
“Salamat Janus,” tugon nito.
“I think, I have to go. Thank you, Sir,” paalam niya saka tumayo mula sa kinauupuan at diretsong lumabas ng library.
Malalaki ang mga hakbang na lumabas siya ng mansyon na iyon at agad na sumakay sa kanyang kotse at nagmaneho pabalik sa mansyon ng mga Villones. Hihingi na lang siya ng tips at tulong sa kapatid na si Jenna tungkol kay Laila tutal nabalitaan niyang matalik nitong kaibigan ang bunsong kapatid ng fiancé niya.
“I think, she’s mad at me,” bulong niya sa hangin habang nagmamaneho at iniisip ang sinabi ng ama nitong kalagayan ni Laila.
Hindi gusto ni Janus ang desisyon ng mga magulang na ipakasal siya. Ngunit dahil na rin siguro sa katandaan ng mga ito ay naisipan na lang niyang pagbigyan. Sa katunayan ay plano niyang buwisitin ang kung sinumang babaeng ginusto ng mga ito para sa kanya para walang kasalang maganap. Hindi niya gusto ang pinangungunahan siya. At mas lalong wala sa bokabularyo ni Janus ang magpatali na lang sa kung sinong babae. Hindi niya gusto ang nirerendahan lalo’t marami pa siyang planong gawin sa buhay niya at marami pa siyang gustong patunayan.
Ngunit ang tangka niyang galitin ang babaeng nakatakdang pakasalan ay naudlot nang makita niya itong natulala sa gitna ng maraming tao matapos ianunsyo ang pag-iisang dibdib nila. Lalo pa iyong nawala sa isip niya nang matagpuan niya si Laila sa hardin nila na umiiyak.
Palagay pa ni Janus, sa pagitan nilang dalawa ng dalaga ay mas mapalad siya dahil nalaman niya nang mas maaga ang tungkol sa engagement nila at hindi gaya nito na nagitla na lang sa balita at kailangang kontrolin ang sariling emosyon sa harap ng mga tao na nanonood sa kanila nang nagdaang gabi para walang mapahiya sa mga pamilya nila.
Humigpit ang pagkakahawak ni Janus sa manibela. Dahil sa announcement na iyon ng ama ay dinumog siya ng mga kaibigan at tinukso. Bagay na ayaw na ayaw niyang ginagawa sa kanya ng kahit na sino sa kahit na anong paraan. Lalo’t karamihan sa mga kaibigan niya ay kapwa niya mayayaman at may ego sa katawan.
Ilang sandali pa ay ipinaparada na ni Janus ang kotse sa garahe ng mansyon. Saka lumabas mula roon at naglakad papasok sa malaking bahay. Bawat isang nakakasalubong ni Janus ay yumuyuko sa kanya at bumabati.
“Good morning Sir Janus,” bati sa kanya ng mayordoma.
“Good morning din, Manang,” ganting bati niya na may ngiti sa labi na ikinangiti rin ng matanda. “Nasaan po si Jenna?”
“Nasa kuwarto niya Sir,” sagot nito saka nagpaalam na babalik na sa kusina.
“Tanghali na, ah,” mahinang sabi niya saka umakyat sa mataas at malapad na hagdan paakyat sa ikalawang palapag. Nang makarating sa second floor ng mansyon ay dumiretso siya sa kwarto ng kapatid. Akmang kakatok siya nang mapansing bahagyang nakabukas ang pinto niyon at narinig ang magkahalong gulat at pag-aalala sa boses ng kapatid habang may kausap sa cellphone nang silipin niya.
“What?” may kalakasang boses ni Jenna. Saglit itong nanahimik pagkatapos ay tila namomroblemang naupo sa gilid ng kama patalikod sa pinto. Tila hindi pa nito napapansin na naroon siya. Iiwan na lang muna sana niya ang kapatid at babalikan na lamang nang marinig niya ang sunod na sinabi nito. “Kailan pa? Pumunta d’yan si Kuya. Tiyak na malalaman niya na nawawala si Ate Laila, Louise. Ipinahanap na ba siya ni Tito William?”
Para namang natuod si Janus sa harap ng pinto ng silid ng kapatid. Si Laila? Nawawala? Kailan pa? Hindi niya alam pero nakaramdam siya nang pag-aalala para sa dalaga. Mayamaya pa ay wala nang pag-aalinlangang pumasok na siya sa loob ng silid ni Jenna.
“Jenna,” tawag niya dito.
“What the hell─ Kuya!” gulat na napatingin ito sa kanya at agad na napatayo si Jenna mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama nito. “Akala ko pupunta ka kina Louise,” natatarantang tanong nito na agad ibinulsa ang hawak na cellphone.
Mataman niyang pinagmasdan ang kapatid. Sigurado siya sa narinig at mas lalong nakasisiguro siyang tama iyon dahil sa reaksyon nito.
“Nanggaling na ako doon. What happened?” seryosong tanong niya saka isinara ang pinto ng kuwarto upang walang makarinig sa kanila.
“What do you mean, what happened, Kuya?” balik-tanong nito sa kanya. “Di ‘ba ako dapat ang nagtatanong─”
“I heard you Jenna,” sansala niya sa kapatid. “Nawawala si Laila? Where is she now? Alam ba ni Louise kung nasaan ang Ate niya?”
Nanlalaki naman ang mga matang napatitig sa kanya ang kapatid. “Kuya─”
“Where is she?” galit na niyang tanong.
Para namang nahintakutan ang kapatid na napaatras dahil sa galit niyang pagtatanong. Hindi niya masisisi ito dahil kahit kailan ay hindi niya ito nasigawan. He was a sweet brother to her little sister. Nang makabawi ay saka ito sumagot.
“Nobody knows,” wika ni Jenna.
“Kailan pa?”
“S-Sabi ni Louise, baka kagabi pa. Walang nakakaalam.”
“Shit!” aniya.
“Kuya─”
“Bakit hindi sinabi sa akin ni Mr. Smith na nawawala ang anak niya?” galit na tanong niya na para bang masasagot iyon ng kapatid.
Nagkibit-balikat si Jenna saka lumapit sa kanya at hinawakan siya sa braso. “Siguro ayaw lang ni Mr. Smith na mag-alala at magalit ang pamilya natin sa oras na malaman natin na tumakas si Ate Laila. You see, it’s a big problem. Your engagement was just announced last night and now it seems like Ate Laila disagreed to this so she ran away afterwards.”
“Tumakas?” kunot-noong tanong niya sa kapatid. “Lugi pa ba siya sa akin?” Hindi gusto ni Janus ang ideyang hindi siya ang tipo ng lalaki ng dalaga. He’s a good catch already!
Masamang tingin naman ang isinagot sa kanya ng kapatid saka ito tumango. “According to Louise, Ate Laila was fuming mad last night. Nagsagutan daw ito saka si Mr. Smith. At dahil siguro galit talaga siya, umalis na lang siya.”
Napabuntong-hininga na lang siya. “Kahit siguro sinong nasa kalagayan ni Laila ganoon din ang gagawin. Pero paano siya nakaalis ng mansyon? Nang dumating ako doon, marami nang bantay at sigurado akong normal na iyon doon.”
“Matalinong tao si Ate Laila. Walang trace kung nasaan siya. Pero sa CCTV na nakuha sa loob ng bahay ay sa kusina siya dumaan. At kung paano siya nakalabas sa bakuran ng mga Smith nang walang nakakapansin, Louise has an idea. But that doesn’t matter now anyway. The question is, where is she?” sabi ni Jenna na naupo na uli sa kama. “Ikaw Kuya, hindi ka ba galit sa desisyon ni Daddy?”
Natigilan si Janus sa tanong ng kapatid.
“I know that you love your lifestyle as much as your status being single and you’re cool. A very responsible successful man and a lovable nice brother to me and son to our parents, but this? Hindi ba parang sobra naman?” ani Jenna na may lungkot sa boses.
Lumapit si Janus sa kapatid at umupo sa tabi nito sa gilid ng kama. “Bakit ka ba nag-aalala eh ako naman ang na-engaged at hindi naman ikaw?” I am mad a little bit sis. I don’t like the idea as well. If you only knew but you better did not. It’s better that way.
“Paano kung sa susunod kapag nasa right age na din ako, ako naman ang i-arranged wedding nila Dad─”
“No way!” putol niya sa inaalala ng kapatid. “Sa ating dalawa, it’s okay that it would be me. Pero sa’yo hindi nila puwedeng gawin iyon. Magagalit ako. Promise, malaya kang makakapili ng lalaking magugustuhan mo,” nakangiting sabi niya kay Jenna at inakbayan ito. “I have one favor to ask from you little Sis,” mayamaya ay sabi niya.
“What is it Kuya?”
“Never say anything about Laila to Dad and Mom.”
“Why?” kunot-noong tanong sa kanya ni Laila na tiningala siya.
“Dahil baka mag-away sila nina Mr. Smith. Our families are that so close so let’s not make anything for them to fight.”
“Pero paano si Ate Laila. Malalaman at malalaman din nila iyon sa katagalan.”
“Just let her.”
Taas ang kilay na sinalubong ng kapatid ang mga mata niya na mahina niyang ikinatawa. “What?”
“Let her? Para walang kasal? Or atleast let her for a while?”
Hindi na napigilan pa ni Janus ang sarili na tumawa saka ginugulo ang buhok nito bago tumayo na at naglakad palapit sa pinto ng kuwartong iyon.
“Kuya?” tawag sa kanya ni Jenna.
“Yes?” tanong niya nang lingunin ito.
“Galit si Ate Laila. Pero nag-aalala ako sa kanya. Sabi ni Louise may pagka-introvert si Ate. She’s always alone. At duda ako kung may kaibigan man lang siya. At kung meron man siyang kaibigan siguradong hindi siya doon pupunta,” malungkot at may halong pag-aalalang sabi ni Jenna sa kanya.
And Janus was stilled for a few seconds. Laila is an introvert?
At ilang sandali lang niya pang tinitigan ang kapatid habang naglalaro sa isip niya ang mga sinabi nito tungkol sa fiancé niya at saka ito nginitian at walang sabi-sabing lumabas na ng silid nito.
That woman, bakit ba ako nag-aalala sa kanya? aniya sa sariling kinuha ang cellphone mula sa bulsa ng suot niyang pantalon at saka dali-daling may i-dinial na numero. Ilang sandali pa ay sinagot na iyon ng tinatawagan niya.
“Hello, I need some favor from you…”

Komentar Buku (7)

  • avatar
    YuGabriel

    hi I love to read this coming Thursday ok lang

    18d

      0
  • avatar
    Rhydian Chan

    very noice

    06/11

      0
  • avatar
    EligarcoSetty

    very good

    05/07/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru