logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

IKA-LIMANG SULYAP

ANG PANGAKO
"Hah! Agh! Hah! Aggh!"
"Nangako ka sa'kin!! Mangako ka!!"
Napabalikwas ako sa aking higaan. Butil ang malalamig na pawis at habol ang hininga. Isang masamang panaginip ang sa akin ay dumalaw. Pagbangon ko ay aking sinilip ang maliit na orasang nakasabit, alas tres lamang ng madaling araw.
Napanaginipan ko ang kaluluwang si Ruben, ang batang nagtitinda ng dyaryo. Galit siya sa aking panaginip, alam ko naman kung bakit. Ito ay dahil sa aking hindi pagbalik.
Dahil sa aking hingal ay tumayo muna ako at kukuha ng maiinom na tubig sa kusina. Hindi ko pa man nabubuksan ang pinto ay..
Tsik!
May bumagsak na maliit na bagay sa aking sahig. Hindi ko alam kung bakit tila nawala na ang aking takot, marahil siguro ay dahil sa nakakausap at nakikita ko na nang malinaw ang mga kaluluwang lumiligid sa akin, at dahil rin siguro na alam kong nariyan lamang sila upang humingi ng aking tulong at 'di para manakot.
Nilingon ko ang maliit na tunog nang pagbagsak. At ang aking nakita ay ang ID ng babaeng marungis. Nilapitan ko 'yon at dinampot. Bigla kong naisip na maging siya nga pala ay nanghihingi ng tulong, at mas nauna nga pala siya kaysa sa bata.
At sigurado akong siya ay nagpapa-alala rin.
Binasa ko ang nakasulat, at ang pangalan niya ay Maggie De La Rosa. Siya ay nagtatrabaho sa isang department store bilang isang saless clerk, 'yun ang nakalagay doon. Meron ding kontak number at pangalan ng kung sino sa likod.
Nagulo na naman ang utak ko. Paano ko ba uumpisahan ang mga ito? Konting araw na lamang at mag-aaral na ako, at sa edad kong ito na bago pa lamang sa Maynila ay siguradong malilito.
"Haay.."  aking buntong hininga.
Habang hawak ko ang mahiwagang ID ay nabalingan naman ng aking tingin ang lumang poster na aking ipinatong sa ibabaw ng cabinet. Inisip ko tuloy bigla kung itutuloy ko pa ba ang lahat.
Bahala na.. iyan ang maari ko munang isagot.
Malalim na naman ang nalalakbay ng aking utak. Ako ay talagang naguguluhan sa lahat. Bigla na naman akong nakaramdam ng malamig na hangin, ang malamig na kakaibang hangin na nagsasabing...
Nariyan na sila.
Pagpaling ng aking mga paningin sa sulok ng aking kuwarto ay nakita ko na ang may dala ng malamig na hangin. Narito na naman siya at ako ay binibisita. Naririnig ko na ang pagdaloy ng tubig, nagtataka talaga ako kung bakit ganoon ang itsura niya. Napakarumi at basang-basa. Nagsalita na ako dahil ramdam ko na ang kanyang presensya.
"Ano ba'ng nangyari sa iyo....? Maggie?"  aking tanong.
Umihip ang mas malamig na hangin, at..
"Nasa ilalim ako ng tubig.."  sagot niya.
"Ba--bakit?!"  muli kong tanong.
"Doon nakagapos ang aking katawan, maging ang aking kaluluwa.."  sagot niyang muli.
Parang isang normal na tao lamang ang aking kausap, naging natural na lamang sa akin ang lahat. Kung dati rati ay sumasakit ng sobra ang aking ulo at halos mabingi sa mga bulong na hirap akong umintindi ay siya namang linaw ng lahat ngayon.
Ito na yata talaga ang aking pagtanggap sa isang pamana na talagang 'di ko maiiwasang pagdaanan. Muli akong nagtanong sa kanya..
"Paano ba kita matutulungan? Hi---hindi ko talaga alam!" 
At ang sagot nya naman ay..
"Sundan mo lamang ang yong panaginip Luisa, doon ay bibigyan ko nang daan ang lahat.."
Pagtapos ng kanyang mga binitawang salita ay naglaho na siyang bigla.
"Panaginip? Sa aking mga panaginip?"  bulong ko.
Naalala kong tuloy bigla ang isang matandang babae na napanaginipan ko nang ako ay nasa probinsya pa, sa aking panaginip ay may itinuturo siyang isang tambak ng lupa malapit sa ilog. Ngunit 'di ko fyon binigyang pansin, ni sa aking ina ay di ko 'yon naisalin. Wala kasi talaga sa intensyon ko ang ganito, ang magkaroon ng tinatawag ni inang, nakatagong mata.
Tila nawala ang aking pagka-uhaw at naisipan na magbalik sa aking higaan.
"Haay.."  aking malalim na paghinga ng mailapat na ang katawan. Matutulog na muna ako, 'yan muna ang aking gagawin at bukas na lamang sila intindihin.
***
ANG PANAGINIP
Napakadilim ng lugar na aking tinatahak. Isang kalyeng maraming ilaw ang poste ngunit wala namang naglalakad. Tingin sa likod at harap ang aking ginagawa, medyo basa pa ang daanan kung kaya ako ay dahan- dahan.
Kitang-kita ko mula sa aking puwesto na sa dulo ng daanang ito ay may isang dagat. Tila isang lugar ng pasyalan. Tumuloy lamang ako sa paglakad hanggang sa akoy nalalapit na rito. At nang malapit na ako ay biglang napahinto.
May tatlong lalaking paparating. May bitbit silang isang sako na may tumatagas pang dugo. Nakatali ito ng lubid, ngunit pansin ko ring may nakalawit pang isang lubid na mula sa bagay na nasa loob nito.
Ang dalawang lalaking may bitbit ng sakong duguan ay huminto nang ako ay makita.
"Huh??"
Kung kaya naman ako ay napakubli, ngunit may kung ano na parang tumagos lamang sa akin ang kanyang paningin. Ngunit kahit nakakubli na ay pilit pa rin niya akong nakikita. Ngunit 'di naman pala sa akin siya nakatingin.
May lalakeng lumalakad papunta sa aking tapat. May dala itong isang shoulder bag na itim.
"Bilisan mo naman!" 
Ang sigaw ng isang lalaki sa lalaking nasa aking tapat. At habang siya ay papalapit ay panay ang halungkat niya sa kanyang dalang shoulder bag na maliit.
"Wala namang pera! Ganda lang talaga!"
Ang sabi nito.
At nang magkatagpo-tagpo na sila ay dumating naman ang isa sa kasama ng naunang tatlong may bitbit ng sako, may dala itong isang timbang maliit na puno ng semento. Agad na iniabot ng lalake ang maliit na timba upang maitali ang lubid na nakalawit mula sa bagay na nasa loob.
Habang panay ang kanilang buhol ay siya namang masid ng isang may dalang shoulder bag. At nang matapos na sila ay pinagtulung tulungang hatakin ang sako, kitang- kita ko ng kanilang ihinulog ang maliit na timbang puno ng semento, kasabay nang pagkahulog ay ang sunod ng sakong nakatali rito. Itinapon nila ito sa tabi lamang ng isang nadaraanang lugar, ngunit nakapagtataka ring wala man lamang ni isang nakakita kung'di...
Kung'di ako..
Nang matapos na sa kanilang ginagawa ay isa isang itinaktak ang laman ng shoulder bag sa tubig at matapos ay inihagis na rin ang shoulder bag. At pagtapos ay... Palinga- lingang naglakad ang apat na lalakeng, akala mo ay walang ginawa.
"Walang kwenta! Tagal natin pinlano tapos bokya! Wala bang sabit talaga diyan?!"  malakas na salita ng isang lalake.
"Wala nga! Hindi ba probinsyana nga 'yan! Kapitbahay ko 'yan kaya alam ko!"  sagot naman ng isa.
Nang makalayo na sila ay maingat na akong lumakad sa bukana. Nilingon ko ang aking paligid at may nabasang karatula ng isang malaking tindahan na tila isang kainan.
"Roland's Fish Eatery.."  'yan ang aking nakita.
Tandang-tanda ko ang mga letra at itsura. Lumakad pa akong kaunti, may napansin akong tila isang maliit na bagay na nasa gitna ng daan. Binilisan ko ang aking hakbang nang makita 'yon.
At laking gulat ko, isang ID ang naiwan ng mga lalake. Siguro ay nahulog ito sa kanilang paghahalungkat sa shoulder bag na kanilang itinapon rin. Dinampot ko ito at tiningnan. Pamilyar ang babaeng nakalarawan.
Walang iba kundi si Maggie.
Tok! Tok! Tok!
"Luisa! Tanghali na! May balak ka bang kumaen?!"
Ang malakas na katok kasabay nang pagsigaw ni Ate Elena.
"Hah!"
Nagulat ako sa malakas niyang sigaw. Pagtingin ko sa aking orasan ay alas onse na pala ng tanghali, napakatagal na pala ng aking tulog.
"Huh?!"  agad kong naalala ang ID sa aking panaginip. Bumangon akong mabilis at hinagilap 'yon.
"Asan na ba!"  natataranta kong sabi.
Hinalungkat ko maging ang drawer ngunit wala roon. Napasabunot na lamang ako sa aking buhok at..
"Haah...Grabe ang panaginip na 'yon, parang totoo...nararamdaman kong napapagod pa rin ako.."  sambit ko.
Muling katok ni Ate Elena.
Tok! Tok!
"Isang! Buhay ka pa ba? Sumagot ka nga!"  sigaw niya.
Sumagot na ako at alam kong itoy tinotopak na.
"Buhay pa 'te! Sunod na ako!"
At 'di na nagsalita si Ate Elena.
***
ANG OBLIGASYON
Alas-dos ng hapon.
Naka upo ako sa silyang bakal sa may garahe at malalim na naman ang aking isip. Sa ilang araw ay 'di ko man lamang naisipang tawagan ang aking mga magulang, dahil sa sobrang abala sa mga kaluluwa. Ngunit nitong mga oras na ito ay talagang kailangan ko ang tulong ng aking ina.
Dinukot ko ang aking cellphone. Magda-dial na sana ako nang maisip kong wala pala akong load. Namataan ko ang bahay sa aming tapat na nagloload nga pala. Tumayo na akong agad upang magpunta rito.
Pagtawag ko ay agad namang lumabas ang matandang lalake. Nang kausap ko na siya ay sumilip ang batang babae na dalawang beses ko nang nakikita, mukha pala siyang espanyola sa malapitan. Nang makita ko siya ay aking agad na nginitian, ngunit 'di siya gumanti ng ngiti sa akin. Panay pa rin ang kanyang silip, ewan ko kung bakit ngunit ako ay nakatunog. Sa itsura ng kanyang pananamit ay mukhang hindi siya tagarito, 'di na ako nakatiis at..
"Kaano-ano niyo po iyang batang babae?"  tanong ko.
Napatingin naman ang matandang lalake sa akin, bahagya pang ibinaba ang kanyang salamin at..
"Bata? Si--sinong bata?"  tanong pabalik sa akin. At ayun at sapul na, 'di nga siya isang tao kundi isa na namang kaluluwa.
"May bata po kasi sa bintana niyo.."  sagot ko.
"Huh?!"  gulat naman siya.
"Ma--may bata sa bintana namin?" agad niyan sinilip, natalisod pa nga ang matanda sa kanyang pagmamadali.
Lumapit pa nga at saka sumilip sa loob ng bahay. At..
"Wa--wala naman ah!"  sambit niya.
Hindi ko na lamang ipinilit. Sa tingin ko ay mas mabuti na ring 'di nila alam, dahil mukhang matagal na naman nila itong kasama sa bahay.
Nagpaalam na lang ako agad at umalis na rin. Nilingon ko pa ang bintana at naroon pa rin ang bata.
"Ang hirap pala talaga ng ganito.."  bulong ko sa sarili ko.
Pagbalik ko sa amin ay agad kong dinayal ang numero ng inay.
Mabuti naman at agad rin siyang nakasagot.
Kinamusta nila ako ng itay, at ganoon rin ako. Maging si Ate Sonia at Kuya Abel ay akin ring naka-usap. Napakasarap sa aking pandinig ang marinig ang mga boses nila.
Ilang segundong kamustahan at bigla na lamang..
Anak.. Gusto mo ba talaga silang tulungan?
Nagulat akong bigla sa itinanong ng inay. Gusto ko nga rin sanang sabihin ngunit nagdalawang isip ako, nakalimutan kong gano'n nga pala katindi ang nanay ko na kahit milya pa ang layo ko ay ramdam niya ang mga kaganapan sa buhay ko. At sumagot naman ako..
Paano po inay?
Sandaling namagitan ang katahimikan. Tila may sinisilip ang aking ina na nasa kabilang banda.
At ayun na nga..
Ang lola ng nagtitinda ng dyaryo ay makikita mo sa bangketa malapit sa isang eskwela, siya lamang ang nag- iisang nagtitinda ng dyaryo doon.
At ang babaeng sinalbahe ng apat na lalake ay sa probinsya pa ang mga magulang, tawagan mo ang numerong nasa ID upang silay masabihan..
At pagtapos noon.. A mo naman kung nasaan siya.
Biglang gumaan ang aking pakiramdam sa mga sinabi ng inay, tunay ngang napakagaling nya. Hindi ko pa man nababanggit ay kilala niya na ang lahat.
Salamat po inay.. Salamat po..
Magsasalita pa sana ako nang maputol na ang linya.
"Haay...kainis.."
Andrea's POV
Malaki ang ngiti sa aking labi. Alam kong napakahirap para sa aking anak ang kanyang pinagdadaanan ngayon. Hindi ko siya kinukumbinsi ngunit mukhang siya na mismo ang nakakadiskubre.
Nagpunta siya ng Maynila upang sundan ang pangarap, ngunit tila madaragdagan ang kanyang daang tinatahak. Ngunit 'di ko naman siya pababayaan hanggang ako ay may hininga. Huwag lamang sana siya makakilala ng kaluluwang mananakit sa kanya.
Medyo nakakaramdam din ako ng kaba, dahil, dahil paano niya kaya ito susuunging mag isa. Alam ko na! Magpapadala ako ng isang magiging bantay niya..
Walang iba kung'dii..
Ang aking lola..
June_Thirteen

Komentar Buku (81)

  • avatar
    SebastianCarlo

    5000

    26/07

      0
  • avatar
    Allesh Ledesma

    surprising but scary story

    25/07

      0
  • avatar
    CasipitCielo

    ddyy

    20/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru