logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

KABANATA 3

Kinabukasan ay maagang gumising si Kadyo.
Nakapagsibak na siya ng ilang piraso ng kahoy na panggatong at nakapagpakulo na rin ng tubig pangkape.
Naglibot muna siya sa harapan ng kanilang kubo at nang makitang wala na palang laman ang mga banga ng tubig ay agad na humanap ng balde na magagamit upang makapag-igib. At nang makita niya na ang dalawang malalaking balde na gawa sa lata ng pintura ay agad itong dinampot.
Umikot siya palikod at nagulat siya sa kanyang nakita. "Huh? Dugo!" Napahinto itong bigla.
Binitiwan ang dalang balde at umupo upang masuring mabuti ang mga bakas ng dugo sa lupa. "Ito siguro 'yong narinig namin kagabi...May nakasilo nga siguro ng baboy ramo dito sa gubat at napatakbo rito.."
Muli siyang tumayo.Nilingon muna ang paligid bago nagtuloy sa likod-bahay upang maghanap nang mapagkukunan ng tubig.
"Lilinisin ko muna ang dugo, baka makita ng mga bata at matakot pa!"
Binaybay niya ang bakas ng daanan papuntang gubat. May mga damo na kasing natuyo rito at nagsilbing daan ng tao. Makipot lamang ito at halatang madalang ring nadaraanan dahil hindi pa naman lumabas ang lupa. Sinundan niya ito nang sinundan.
Paglingon niya ay nakita niyang hindi na gaanong matanaw ang kanilang kubo dahil sa medyo malayo na pala ito.
"Ang layo ko na pala!"  sambit niya.
Ngunit kahit ganoon ay nagtuloy pa rin ito. Tinuloy niya lamang ang  pagsunod sa mga bakas ng daan.
At konti pa at..
"Naku! Buti at may balon dito!"
Agad na siyang tumakbo paroon at hinanap ang panalok. Napatingin siyang saglit sa balon. Nakita niyang may kalaliman ito dahil sa ubod nang dilim at ni 'di matanaw ang tubig sa ilalim. "Delikado kina Aleli ito, dapat hindi sila magawi rito.."
Iniikot niya ang paligid ng malaking balon ngunit wala siyang makitang panalok.
"Paano ako makaka-igib? Walang panalok!"  Ang kanyang may pagka-inis na salita.
Muli siyang naghanap, lumakad pa siya palayo sa balon at..
"Ayun!"
Nakita niya ang panalok na gawa sa pinutol na galong plastik. Malayo ito sa balon at nakatapon sa lupa. May karumihan na ito at mahahalatang matagal nang hindi nagagamit.
"Wala sigurong nag-iingat ng balon! Pati ang panalok pinabayaang nasa lupa na lang.."  bulong niya.
Agad niya itong dinampot. Bumalik sa balon at marahang ibinaba ang panalok upang makakuha na ng tubig.
Ngunit nang makakuha na ng isang salok ay kanyang ikinagulat ang nakitang kulay ng tubig. "Bakit ganito ang kulay? Kulay putik!" At nang kanya itong amuyin ay.. "Saka ang baho ng amoy!"
Itinapon niyang agad ang nasalok na tubig. Luminga sa paligid upang tingnan kung may iba pang pagkukunan nito.
Nagawi ang kanyang tingin sa bandang ibaba ng gubat. May naririnig kasi siya sa hindi kalayuang may tunog nang umaagos na tubig.
Muling binitbit ang kanyang mga balde. Lumingon pa muna ulit sa kanilang kubo na hindi naman na tanaw at saka lumakad na pababa ng gubat.
Makipot at makalat ang daan. Nagkalat ang mga sanga ng puno at maging mga ligaw na damo.
Habang abala sa kanyang paglalakad ay hindi niya alam na may dalawang kamay na may matutulis na kuko nang nakalitaw at nakakapit sa bunganga ng balong kanyang pinanggalingan. At konti na lamang ay lalabas na ang buo nitong kaanyuhan.
Lumakad lamang siya nang lumakad.
At ang nilalang naman na nasa balon ay nakasilip na sa kanya ang dalawang mga mata na bahagyang nakalabas na sa bunganga nito..
Mapuputing mga mata at mahabang naglalagkit na buhok.
Habang napapalayo na si Kadyo ay papalapit naman ang isang panganib.
Magda's POV
Ha?
Ang mga taga-tubig!
Bakit nararamdaman ko ang presensya nila!
Sina Kadyo!
Sino kaya sa kanila ang gumambala sa pamamahinga ng mga ito?
Agad kong binitiwan ang mga botelyang hawak ko upang magtungo sa balon.
Kailangan kong masabihan si Kadyo!
Pagtakbo ko papalabas ay agad akong tumalon nang mataas, mabilis at walang hinto.
***
Napangiti pa si Kadyo nang makita ang maliit na ilog. "Ang ganda pala ng ilog dito, kaya pala mayayabong din ang mga halaman dahil sa malapit ang tubig.."
Naupo siya sa gilid nang umaagos na ilog.
Isinalok ang unang balde.
Ngunit sa kanyang pagkatuwa ay inililis pa muna nito ang laylayan ng suot na pantalong maong at saka dumako sa bandang gitna ng ilog at naghilamos ng kanyang mukha.
"Aah...Ang sarap ng tubig, ang lamig!"
Ngunit ang hindi niya namamalayan ay..
"Heeeer..."
May isang nakakatakot na nilalang na palang gumagapang papunta sa kanya habang kumukubli sa mga puno.
Isang basang nilalang na puno ng putik ang hubad na katawan at may mahabang buhok na kasing haba rin ng kanyang katawan. May malapad itong bunganga at kulay puting mga mata.
At konting gapang na lamang ay mararating na siya nito.
At nang makalapit na ang nakakatakot na nilalang ay marahan itong sumisid sa ilalim ng tubig ilog, at..
"Kadyo!" Ang sigaw ni Magda.
Nagulat ang naghihilamos pang si Kadyo.
Maging ang nilalang na nasa ilalim ng tubig.
"Kadyo! Ano'ng ginagawa mo rito?"  Ang pakunwa'ng tanong ni Magda.
Habang kinakausap si Kadyo ay sadyang nilalakas ang boses niya, at iyon ay para marinig siya ng nilalang na nakalubog pa rin sa tubig.
"Sumasalok lang ako ng tubig Magda, marumi ang balon kaya dito ako nagpunta!" Ang sigaw din ni Kadyo.
"Naku Kadyo, huwag mo bubulabugin ang balon, matandang balon na iyan at ang kuwentuhan ay may nananahan diyan.."
"Ganoon ba? Hindi ko kasi alam Magda.. Akala ay ayos pa!"  tugon ni Kadyo.
Napapansin ni Magda na mapilit ang nakalubog na nilalang. At sigurado siyang kapag ito ay umatake ay magugulat si Kadyo at matatakot, ngunit hindi naman niya ito pababayaan, ngunit makikita nga lang ni Kadyo ang kakaiba ring anyo ni Magda, kung kaya at..
"Halika na Kadyo, magsabay na tayo palabas, sapat na ang mga panggatong ko na nakuha.."  Ang yaya ni Magda.
Isinalok na ni Kadyo ang kanyang dalawang balde at binuhat na ang mga ito.
Pinauna na rin siyang lumakad ni Magda dahil sa minamatayagan niya pa rin ang nilalang na nakalubog sa tubig.
Marahan siyang lumakad, lumalakad nang papaatras at alisto pa rin ang mga matang nakamatyag sa taga-tubig.
Hindi pa rin komportable ang pakiramdam ni Magda hangga't naroon sila sa teritoryo nila. Kailangan muna nilang makalampas sa matandang balon upang matiyak na sila ay ligtas na.
Kitang-kita ni Magda ang mga nakaumang na mapuputing mata ng taga-tubig na pinagmamasdan sila nito.
Atras, paabante ang lakad na ginagawa ni Magda.
Konti na lang at makakalampas na sila sa matandang balon.
At nang matapat na sila rito ay nakita pa ni Magda ang isang pares pa ng matutulis na kukong nakakapit sa bunganga nito.
"Huh?"
Binilisan na ni Magda ang paglalakad.
At sandali pa ay nakalayo na sila.
"Kadyo! Huwag na kayong gagawi rito sa balon, delikado, sabihan mo rin ang mga anak mo.." Ang paalala ni Magda.
Huminto na si Kadyo sa tapat ng bintana ng kubo, kung saan ang mga bakas ng dugo ay naroon pa.
"Kadyo! Bakit may dugo rito?"  Ang muling pakunwaring tanong ni Magda.
Alam niya naman kung kaninong dugo ito. Ito ay ang dugong galing kay Abner nang pilasin niya ang dila nito.
"Siguro may baboy ramong nasilo kagabi, dinig pa nga namin ni Emma ang pag-ingit eh!"  tugon ni Kadyo.
Tumango na lamang si Magda at lumingon sa buong paligid.
Nang magawi ang kanyang tingin sa gubat ay payapa na ito. Wala na ang kanyang kakaibang pakiramdam.
"Ah sige Kadyo, mauna na ako..Hindi na ako magpapakita sa kanila at mukhang tulog pa naman sila, huwag mo kalilimutang bantayan ang mga bata at baka magawi sa balon.." muling paalala ni Magda.
Ngumiti na lamang si Kadyo.
Inihatid niya na lang din ng tingin si Magda. At habang naglalakad naman papalayo ay.. "Huwag kang mag-alala kapatid ko, hindi ako papayag na burahin ka nilang muli rito, kahit pa ako na lamang mag-isa ay ipagtatanggol kita.." Ang pangako niya.
Sa wakas ay napagtanto niya na kung ano ang ibig sabihin ng mga kutob niya.
Na si Kadyo pala ang kanyang nag-iisang kapatid na ibinilin sa kanya ng kanyang namayapang ina.
Kadyo's POV
Sa tuwing makikita ko si Magda ay naaalala ko ang aking ina.
Medyo may pagkakahawigan kasi sila.
Kaya siguro magaan ang loob ko sa kanya..
At isa pa ay may maganda rin siyang kalooban.
Bibihira ang mga tulad niyang bukas ang mga palad para tumulong.
Sana ay mas makilala pa namin siya ng lubusan at maging matagal na kaibigan.
Magda's POV
Hindi sumagi sa aking isip na muling tutungtong ang mga paa ni Kadyo dito sa Sanana at makikita ko siyang muli, napakatagal na panahon nang masilayan ko siya at ako ay masyado pang bata noon ngunit tanda ko pa rin ang kanyang amoy at hindi ako maaring magkamali.
Mahigpit na bilin sa akin ng aming ina na kung sakaling magkrus ang aming landas at itaboy siya ng hangin dito ay aking bantayan ang kanyang likuran.
Ngunit hindi lamang siya ang nagbalik, may kasama na siyang pamilya. At 'yon ang aking lubos na ipinangangamba.
Ang mga bata.
Alam ng lahat na ang nananahan sa mga baryong ito ay mga aswang. Iba't ibang uri ng mga ito. Walang kahit sino ang normal na tao kaya nang makita na sila ng mga ito ay halos magwala ang kanilang mga bituka.
Ngunit nang malaman din naman nila na ito ay sa kubo ng inay Kanora mananatili ay mas lalong nagrebelde ang mga sikmura nila.
Si Kadyo kasi ay ang batang iniligtas at kinupkop ng inay nang paslangin ng mga kalabang aswang ang kanyang pamilya.
Alam din ng lahat na nang ang aming mga magulang pa ang namumuno ay bawal ang pumatay at kumain ng karne ng tao.
Halos ang lahat ay napasunod niya bukod nga lang sa tandang Miyo na isang buong angkan rin ang pinamumunuan.
At dahil sa patakarang iyon ng inay ay nakalaban niya ang lahat.
May kakaibang lakas at mga namumukod tanging kakayahan ang aking mga magulang na minana pa nila sa kanilang mga ninuno na akin ring taglay ngayon.
Ngunit ano nga ba ang laban ng dalawang malalakas na aswang sa isang buong baryong naghihimagsik?
Wala silang nagawa.
Nasaksihan ko pa ang paglapa sa kanilang dalawa, maging ang pagdiriwang nila nang matapos na ang lahat.
At ako?
Si Celia.
Si Celia na aking pinilasan ng dila ay ang kumupkop sa akin.
Ugh! Celia!
Patawarin mo ako sa aking nagawa...
Hindi ko ito nais ngunit kaligtasan lamang nila ang aking inisip..
Tama ba ang aking ginawa na tinalikdan ang aswang na kumupkop sa akin dahil lamang sa isang nilalang na hindi ko naman talaga lubos kadugo?
Ngunit..
Iyon ang aking naipangako sa aking mga magulang.
Isang malaking responsibilidad ang naiatang sa akin bilang kapalit na pinuno ng mga ilan pang matatapat na alagad ng aking mga magulang.
Ako ang kanilang sandigan sa lahat ng kanilang laban..
Ako ang kanilang prinsesa..
Ngunit..
Bakit tila nawawala ang aking pagtingin sa kanila at bukod tanging sina Kadyo na lamang ang naiisip ko..
Karapat-dapat pa kaya nila ako tawaging kanilang prinsesa?
Ngunit sana ay maintindihan nila..
Na kahit pa wala na ang aking mga magulang ay ipinagpapatuloy ko ang patakarang kanilang ipinaglaban.
Ngunit may limitasyon din ang lahat...
Hindi saklaw ng aking pamumuno ang mga taga-tubig..
Ang mga taga-tubig na pinagdamutan ng aking mga magulang ng karapatang manirahan kasama ng mga iba pang aswang, ngunit ito naman ay dahil sa kanilang kakaibang gawi.
At dahil sa hindi sang-ayon ang aking mga magulang at labag ito sa kanilang batas.
Kung kaya sila ay naging mortal na kaaway nilang lahat.
Isa sa mga mortal na kalaban ng aking mga kalahi.
Kumakain ang mga ito ng kapwa nila aswang..
Nag-aalala ako para kina Kadyo na malapit sa kagubatan nakatira..
Wala kasi siyang alam sa lahat, maging ang kanyang tunay na pinanggalingan..
Paano ko kaya maipaliliwanag sa kanila ng kanyang pamilya na ang baryong kanilang tinitirikan ngayon ay...
Pugad ng mga aswang..
June_Thirteen

Komentar Buku (65)

  • avatar
    DecenaLyka

    na gosto han ko Yong kwento

    13d

      0
  • avatar
    Marlo Elle

    more

    15/08

      0
  • avatar
    Rhogie Ducusin

    hoho

    04/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru