logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

KABANATA 2

Magda's POV
Bukang-liwayway pa lamang ay nagtungo na ako agad kay Celia. Nais ko kasing sabihan siya tungkol sa kanyang ginawa kagabi.
Mabilis ang aking lakad, dahil sigurado akong ito ay hindi ko na maaabutan pa sa kanyang kubo, ngunit alam ko rin naman kung saan siya matatagpuan.
Sa gubat na malapit sa Sanana.
Hindi na ako nakatagal pang maglakad, kailangang makabalik ako ng bahay bago pa man magising ang aking mga bisita.
( Swoosh! )
Mabilis ang aking pagtalon.
Salit-salit sa mga punong matatayog.
At ilang puno pa nga at natanaw ko na si Celia.
Kasalukuyang nagpipiyesta pa silang dalawa ng kanyang apong si Abner sa isang malaking baboy ramo nang abutan ko.
( Blagag! )
"Ma--Magda!"
Ang gulat na sambit ni Celia. Tiningnan ko siya agad ng masama.
"Celia, binabalaan kita sa ginawa mo kagabi! Huwag na sanang maulit iyon!" 
Nakayuko lang si Celia habang punas pa ang kanyang bibig na puro dugo.
"Pasensya na Magda! Napakatagal na kasing hindi ako nakaamoy ng sariwang karne ng sanggol...Nasabik lang ako.." 
"Oo nga Celia, sana ay hindi na ito maulit pa!"
Agad namang sumagot si Celia.
"O--oo Magda! Pa--pangako, hindi na.."
Binalingan ko pa muna nang tingin si Abner na alam kong kasama ni Celia kagabi.
"Pati ikaw Abner! Naamoy din kita kagabi!"
Napayuko na lang si Abner sa pagkapahiya.
"Hindi sila katalo Celia!"
Ang huling sinabi ko at sinabayan ko na nang lukso pataas.
Bago ako bumalik sa bahay ay dadaan ako sa bilihan ng saging para maihain sa aking mga panauhin.
***
Maagang namulat ang mga mata ni Kadyo. Hindi kasi siya pamilyar sa lugar at isa pa ay hindi rin siya naging komportable sa magdamag nilang pananatili sa kubo ni Magda.
Nag-aalala kasi siya sa pagsakit ng tiyan ni Emma. Ngunit talagang nakatulong ang langis na may kakaibang amoy na ipinahid ni Emma sa kanyang tiyan. Guminhawa ang pakiramdam ng kanyang asawa nang mabanyusan ang tiyan.
Paglabas niya ng kuwarto ay tahimik ang buong bahay ngunit bukas na ang mga bintana.
Amoy na amoy niya ang sariwang hanging mula sa mga berdeng halamang nakapalibot sa buong paligid. Nakaramdam siya nang kaunting lungkot dahil tila naalala niya ang kanyang kabataan.
Kabataang sandali niya lamang iginugol sa lugar kung saan siya ngayon naroon. Tanda niya pa ang amoy, ngunit hindi na ang mga ala-ala.
Ipinaalaga kasi siya ng kanyang ina sa kanyang Tiyo Mar noong siya ay apat na taong gulang pa lamang. Tanda niya rin na ang kahirapan ng buhay ang naging dahilan nang kanyang paglisan sa piling ng mga magulang.
At iyon lamang talaga ang kanyang natatandaan.
"Gising ka na pala, gising na rin ba ang mga bata?"  Ang biglang sulpot ni Magda sa mula sa kanyang likuran.
Nagulat naman si Kadyo dahil sa hindi niya ito naramdaman man lang at hindi rin nakitang dumaan sa pintuan.
"Sa -- saan ka dumaan?" tanong nito.
Ngumiti pa si Magda at.. " Diyan sa pinto! Hay naku! Kumain ka na muna.."  alibay ni Magda.
Sandali pa at lumabas na rin si Emma at ang mga bata.
"O! Kamusta ang tulog mo? Mabisa ba ang langis na ipinahid mo?"  tanong ni Magda kay Emma.
"Oo, naginhawaan ako pagtapos ko maglagay.."  nakangiti pang sagot ni Emma.
"Saan ba gawa iyon at ang gara kasi ng amoy eh! Ha-ha!" natawa pang sabi ni Emma.
Muling napangiti si Magda at.. "Ah..ano --- dagta kasi iyon na niluto ko kasama ng langis, gamit ko iyon kapag masakit ang katawan ko.."  muli niyang alibay.
Naghain na siya ng nilagang saging at kape upang makapag-agahan muna ang mag-anak bago magtuloy sa paglakad.
"Kain na muna tayo, kaunting lakad na lang naman at makikita n'yo na ang bago n'yong titirahan.."  sabi ni Magda.
***
Inihatid na lamang sila ni Magda nang tingin.
Kumaway na lang sila bilang paalam kay Magda.
"Kadyo, hindi kaya natatakot si Magda mag-isa sa kubo niya lalo na sa ganitong lugar siya nakatira?"  tanong ni Emma.
"Mukhang hindi naman, kapang-kapa niya na ang lugar na ito sigurado at maging mga nakatatanda ay kilala niyang lahat.."
Pinag-uusapan ng mag-asawa si Magda habang daan.
Ngunit ang hindi nila alam ay..
"Hindi talaga ako natatakot...dahil sila ang dapat matakot sa akin.."
Dinig ni Magda ang kanilang usapan kahit pa ilang kilometro na ang distansya nila. At isa lang iyon sa mga katangiang bukod tanging siya lamang ang meron.
Ilang lakad pa at nasilayan na nila ang huli at ikatlong liko na sinabi ng mga walang imik na dalawang lalaki.
"Ito na iyon sigurado Emma...Tanda ko na ang paligid.." bulalas ni Kadyo.
Napangiti naman ang asawa. Hindi kasi ganoon kasalimoot ang lugar na tulad nang inakala niya. May mga maliliit na kubong maayos ang paligid, at may mga taniman din bawat bakuran.
"Saan ang bahay Kadyo?"  tanong ni Emma.
Naunang lumakad si Kadyo. " Ayun Emma! Iyan ang dati naming kubo! Ha-ha!"  Tuwang-tuwa si Kadyo nang masilayan ang kanyang dating tirahan.
Agad nitong kinayag ang kanyang mag-iina. Nagmamadali siya at sabik na sabik. Tuwang-tuwa siya dahil sa wakas ay may matatawag na silang bahay na talagang sila ang may-ari.
"Itay ang ganda po! Ang daming halaman!"  Ang masaya ring banggit ni Aleli.
Nagtuloy na sila sa loob ng bakuran. Binuksan ang tarangkahang gawa sa kawayan at tuloy lang sa paglakad.
Napansin din nilang ang mga halaman ay malulusog, maging ang mga puno ng kalamansi ay hitik sa bunga.
Tila nabagabag si Emma at.. "Kadyo, sigurado ka ba na walang ibang may-ari nito? Eh mukhang may tumitingin sa mga pananim eh!"  sabi nito.
"Emma! Kung meron man ay hindi ako papayag na hindi sila aalis! Akin ito! Atin ito!"  Ang gigil pang sabi ni Kadyo.
Nagtungo na sila sa kubo.
Tahimik at tila wala talagang tao dahil sarado ang mga bintana at pinto nito.
Umakyat si Kadyo upang tingnan ang kubo. Pagtulak niya ng pinto ay bukas ito, nang silipin niya ay walang tao ngunit may mga ilang gamit na naroon.
Sumunod sa kanya si Emma at ang dalawang bata.
Pinabayaan muna nilang siyasatin ni Kadyo ang buong bahay.
At sandali pa at..
"Kayo ba ang bagong titira rito?" biglang salita ng isang lalaki mula sa kanilang likuran.
Nagulat naman si Emma at natakot sa itsura nito. Bulag kasi ang isang mata nito.
"Ho? Ka--kami nga po!" nauutal na sagot ni Emma.
Lumapit ang lalaki. "Ako nga pala si Lino, ako ang tagapangalaga ng bahay na ito ni Ka Pidyong.."  tugon ng lalaki.
Biglang labas ni Kadyo.
"Kadyo?" bulalas ng lalake.
Natitigan ni Kadyo ang lalaki. Tila kanya itong kinikilala.
"Kadyo ako 'to! Si Mang Lino! Hindi mo na ba ako natatandaan?"
Nakatingin lang si Kadyo at nakakunot ang noo.
"Ngayong nandito ka na ay aalis na ako rito at babalik na sa amin.."
"Kayo po ba ang nangangalaga ng pataniman nila inay? Ba -- bakit po --- asaan na po sila?"  tanong ni Kadyo.
Naupo ang lalaki sa hagdan ng kubo.
"Matagal ng patay si Kanora Kadyo, at isang taon din at ang Ka Pidyong naman!"  tugon ng lalaki.
"Ano po ang nangyari sa kanila?"
"Namatay sila sa parehong sakit Kadyo.."
Kahit pa narinig ay walang reaksyon si Kadyo. Matagal na ring kasing panahon na wala silang komunikasyon ng kanyang mga magulang. Ilang taon na rin kasi nang mabanggit ang bahay sa kanya, at hindi niya naman inakalang matutuluyan silang mapunta ng kanyang mag-anak doon.
Sandaling kuwentuhan.
At ilang sandali pa rin at nagpaalam na ang lalaki.
Naiwan na sila Kadyo sa kubo upang maiayos na ang lahat.
"Kadyo, marunong ka bang mag-alaga ng pananim? Dagat ang kinabubuhay natin at hindi ang lupa..Sana ay maipagpatuloy mo ng maayos ang mga ito.."  may pag-aalalang sabi ni Emma.
Isang malalim na buntong-hininga ang inilabas ni Kadyo at.. "Oo Emma, aayusin ko, wala na tayong iba pang ikabubuhay kapag pinabayaan kong mamatay ang mga halamang ito.." kanyang sagot.
***
Kumagat na ang dilim.
Wala kang maaninag kung'di mga gaserang ilaw lamang sa ilang pirasong kubong kalapit-bahay. Maninikip ang iyong dibdib kapag minasdan ang napakadilim na paligid.
"Bukas ay aayusin ko ang mga gasera at gagawa ng mas marami, masyadong madilim ang paligid at kailangan natin ng liwanag sa magdamag.."  Ang sabi ni Kadyo habang isinasara na ang mga bintana.
"Nakakatakot itay, ang daming mga humuhuni.."  sabi ni Alfie.
Niyakap naman ng ina si Alfie. "Huwag kang matakot, dito na tayo titira kaya dapat masanay ka na anak.."  alo naman nito.
Hinugot ni Kadyo ang nakabalumbong banig at inilatag na. Tulad din ng ilan sa mga kalapit bahay nila ay may silong din ang kanilang kubo.
"Hindi po ako sanay ng may ilalim ang bahay itay, nakakatakot.."  sambit ni Aleli.
Nangiti naman ang ama. "Sige na, magsitulog na kayo at babantayan ko kayo.."
"Ang hina po ng gasera itay.."
"Bukas gagawa ako ng mas malaki para mas malakas ang ilaw Aleli, sige na anak, tulog na.."
Nahiga na ang mag-iina nang magkakayakap pa habang si Kadyo ay nasa tapat ng bintana at minamasdan ang mga ito.
Hindi niya alam ngunit tila may iba siyang nararamdaman.
***
Hatinggabi.
Dinadalaw na ng antok si Kadyo at unti-unti na ring bumabagsak ang kanyang mata.
Ilang sandali pa nga at tuluyan na siyang napikit.
Habang tahimik at himbing na ang tulog nila ay may mga nilalang palang nasa paligid lang din nila at nagmamasid.
"Aaah..napakasarap talaga ng sariwang amoy niya.."
"Nana Celia, binalaan na po tayo ni Magda na huwag pakialaman ang mga bisita niya! Hindi ko ipagsasapalaran ang dila ko para lang sa masarap na karneng iyan! Kuntento na po ako sa karne ng hayop!"
"Amoy lang Abner! Hindi naman natin kakarnehin! Lapastangan kang bata ka! Napakaduwag mo talaga!"
"Pero Nana Celia! Alam naman natin na kapag paulit-uli nating inamoy iyan ay para na rin nating silang pinapatay, unti-unting matutuyo ang bata sa loob ng kanyang tiyan hanggang sa malusaw na ito! At alam ninyo rin po na nabubusog din tayo kahit pa amoy lang, dahil natitikman din natin!"
"Tumigil ka na nga Abner! Baka bituka mo ang wakwakin ko kapag nag-ingay ka pa! Alam mo namang naririnig ni Magda ang lahat kahit pa gaano kalayo!"
Nanahimik si Abner.
At tuloy lang sa paglanghap si Celia sa amoy ng pinakamasarap na putahe para sa kanila.
Maya-maya pa at..
"Ugh! Ugh! Kadyo!" baling balingit si Emma sa pagkirot ng kanyang tiyan. "Kadyo!"  tinapik niya na ang nahihimbing na asawa.
"Huh? Agh! Emma! Bakit?"
"Kadyo ang sakit ng tiyan ko!"
"Hindi ka ba nagpahid ng langis? Di ba bilin ni Magda na maglagay ka bago matulog? Nasaan na?"
Natataranta si Kadyo, sumasabay pa kasi ang gasera nilang panay na ang pugak ng ilaw.
"Kadyo bakit ba ganito! Ano bang meron sa lugar na ito!"
Nagising na ang dalawang bata sa ingay ni Emma. Halos umiyak na kasi ito sa sakit.
"Eto! Eto na!"
Agad na binuksan ni Kadyo ang maliit na bote at sa kanyang  pagmamadali ay natapon at naibuhos sa sahig ang lahat ng laman ng langis.
"Kadyo ano ba? Sayang!"
Halos wala ng natira sa botelya, ang mga nasaid na lang sa sahig ang hinapyawan ni Kadyo nang dampi at siyang ipinahid sa masakit na tiyan ni Emma.
At nang madampian na ang buong tiyan ay..
"Har! Bakit? Bakit biglang nawala ang amoy?"
Nagtatakang tanong ng nakatingala pang si Celia at mapulang mapula na ang mga mata sa kasibaan. Panay na rin ang tulo ng kanyang laway, maging ang kanyang apong si Abner na hindi rin naiwasan ang tukso.
"Har! Baka --- baka may ibinigay sa kanila si Magda!"  Ang segunda naman ni Abner.
"Wakwakin na lang kaya agad natin Abner? Hindi na ako makatiis pa!"  Ang nananabik na salita ni Celia.
"Har! Har!"
Gumapang ito patungo sa silong. Gumagapang na animo ay isang ahas.
Sandali na lang at makakapasok na siya nang biglang..
"Iiiiiiiiiiiiii!!! Iiiiiiiiiiii!!!" Ang ipit na sigaw ni Abner. Ipit na sigaw ng sakit.
At pagharap ni Celia ay..
"Aar! Aaar!"
May biglang humila sa kanyang kanang paa. At pagtingin niya ay..
"Har! Har! Magda?"
Nanlaki ang kanyang mapupulang mga mata nang makita si Magda.
"Sinabi ko sa inyong huwag n'yo silang pakialaman Celia ngunit 'di kayo nakinig ng apo mo!"
Bitbit si Celia sa isang paa at ibinitin nito patiwarik.
At pagtapos ay dinampot din sa isang paa si Abner na naghihilamos na sa kanyang sariling dugo.
At pagtapos ay..
( Swoosh! )
Itinalon na ni Magda palayo ang mapangahas na mag-lola.
At sa loob ng kubo ay..
"Kadyo, narinig mo ba iyon?"
"Oo Emma, parang baboy ramong nasilo!"
Narinig pala nila ang impit na pag-iyak ni Abner.
Ni Abner at Celia na ngayo'y bitbit ni Magda.
June_Thirteen

Komentar Buku (65)

  • avatar
    DecenaLyka

    na gosto han ko Yong kwento

    13d

      0
  • avatar
    Marlo Elle

    more

    15/08

      0
  • avatar
    Rhogie Ducusin

    hoho

    04/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru