logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

SI PRINSESA MAGDA

SI PRINSESA MAGDA

June_Thirteen


KABANATA 1

Ilang oras na ring naglalakad ang isang mag-anak patungo sa lugar kung saan sila bagong maninirahan. Nagmula pa sila sa isang maliit na bayang tawid-dagat din mula sa kinalalagyan nila ngayon. Isang sampung taong batang babae at isang mas bata pa sa kanya na lalake na nasa pitong taong gulang lamang.
"Magpahinga na muna tayo, Kadyo, nananakit na ang balakang ko eh.." Ang sabi ng kanilang ina na limang buwang buntis.
"Nagugutom na po ako inay.." Ang sabi ng batang babaeng si Aleli.
Eksakto namang may malapit na tindahan sa kanilang kinatatayuan kung kaya at agad na silang nagtungo rito upang makapagpahinga na muna at makakain ng kaunti. Pansin nila ang katahimikan sa buong lugar. Iilan lamang ang bahay at naliligiran pa ng madadawag na puno.
"Ate! Nakakatakot naman dito.." Ang sabi ng batang si Alfie.
"Ikaw naman bunso, parang hindi ka naman sanay, ganito rin naman sa dati nating tinitirahan eh.." sagot ni Aleli.
Napansin siguro ng matandang lalaki na may mga bitbit ang mag-anak kung kaya at inusisa niya ito.
"Mukhang --- bago lang kayo ah? Saan ba ang tungo n'yo?" tanong nito.
Sumagot naman ang ama. " Sa Sanana po, galing pa po kami sa Daingan." magalang n sabi nito.
Hindi agad nakakibo ang matanda. Ngunit..
"Sanana? Galing kamo kayo ng Daingan? Eh bakit naman ninais n'yo pang lumipat sa Sanana eh mas maayos namang di hamak ang kabuhayan sa tabing-dagat?" may pagtatakang tanong ng tindero.
Sinenyasan naman nang titig ng asawa niya ang lalake upang huwag ng magkwento pa. Agad naman itong nakaintindi.
"Malayo pa ang Sanana dito, ilang maliit na baryo pa ang madaraanan n'yo, bilisan n'yo na lang ang paglalakad upang 'di kayo abutin ng dilim, wala rin kasing masasakyan papunta roon at tanging mga kalabaw lamang ang aming gamit ngunit sa kondisyon ng asawa mo ay mukhang mahihirapan siyang sumakay ng kalabaw, " saad ng matanda.
"Ganoon po ba?" tugon ni Kadyo.
" Mabuti pa umpisahan na nating maglakad ulit, kawawa naman ang mga bata eh.." Ang sabi ni Emma habang isa-isa ng binibitbit ang kanilang mga tampipi.
At nag-paalam na sila sa matanda at nagpasalamat din.
"Gusto ko na makita ang bago nating titirahan itay, sigurado marami kaming makakalaro doon, " nakangiti pang sabi ni Alfie.
Nag-umpisa na silang maglakad sa malawak na kalsadang lupa, na walang makikita kung'di puro puno at damo. Matindi naman ang sikat ng araw kung kaya at hindi naman ganoon nakakatakot ang daan.
***
Dalawang oras.
Dalawang maliit na baryo na ang kanilang nadaanan. Pagod na ang mag-anak ngunit nang magtanong ay isang huling maliit na baryo pa raw ang dadatnan nila at mga tatlong oras pang lakad.
"Tatlong oras Kadyo? Mukhang 'di ko na kakayanin pa, masakit na ang mga paa ko at mamaya lang ay madilim na.." Ang reklamo na ni Emma. " Bakit naman kasi hindi sinabi ng nanay mo na ganito pala ito kalayo? "
Tahimik lang si Kadyo. Hindi makatingin sa asawa.
"Nakita mo na? Alam mo palang patay ang kabuhayan natin dito dahil sa layo sa sentro ng bayan at pati na rin ang mga eskwelahan! Bakit ka kasi nagdesisyon na ikaw lang? " may galit na sa pananalita ni Emma.
Nakatingin lamang ang dalawang batang pagod na rin.
"Huwag na tayo magtalo, mas mabuti na ito kaysa ang paulit-ulit tayong tinutuya ni Tiyo Mar!" sagot ni Kadyo. " Saka --- saka hindi ko na nga alam kung buhay pa ang nanay at tatay ko! Matagal na nilang sinabi sa akin ito, kung hindi pa natin nakaalitan ang Tiyo eh hindi pa tayo aalis doon!" pahabol pa nito.
Hindi na rin kumibo pa si Emma at nauna na lamang sa kanyang paglakad.
"Tara na mga anak, mas maayos dito kaysa sa dati.." Ang alo ni Kadyo sa dalawang papaiyak ng bata.
At sumunod na rin sila sa kanilang inang ilang metro na ang distansya.
***
Humupa na ang init ng araw.
Takip-silim na ang kasunod nila, ngunit hindi pa rin nila nararating ang mismong lugar na kanilang pupuntahan.
"Inay, pagod na po ako at gutom na rin.." naiiyak na sabi ni Alfie.
Inakap naman agad ng ina si Alfie at inilabas ang isang balot ng tinapay na binili nila sa unang tindahang napuntahan at pagtapos ay naupo muna sa gilid ng kalye.
Naiwang nakatayo si Kadyo sa gitna ng daan. Tinatanaw kung may dadatnan na bang huling baryo pa.
"Padilim na Emma, siguro maari muna tayong makisilong sa mga bahay na madaraanan natin..hindi naman siguro nila tayo ipagtatabuyan.."
Tumingin lang sa kanya si Emma.
"Itay, may mga bahay ng ulit doon..tara na po!" Ang yaya na ni Aleli.
Ngumiti naman ang ama at inalalayan na rin si Emma upang makatuloy na sa paglalakad. "Halika na.."
Si Aleli ang unang nagtatakbo. Sadyang aktibo ang batang si Aleli. Hindi ito ganoon kadaling matakot kahit pa sa hindi pamilyar na lugar para sa kanya, ang tanging nasa isip niya lamang ay ang paglalaro at ang mga bagong kaibigan.
Malapit na nilang marating ang mga kabahayan.
Sa kanilang paglalakad ay may nakasalubong na dalawang hindi naman katandaang lalake na nakatingin sa kanila.
Huminto si Kadyo nang matapatan na ang dalawang lalake. "Magandang hapon po..Magtatanong lang po sana kung malapit na po ba ang Sanana?" tanong ni Kadyo.
Nagkatinginan ang dalawang lalaki at sinulyapan si Emma na nakakunot na ang noo dahil sa pagod. " Ah..nagtatanong lang po.." sabi nito.
Sumenyas ang isa sa mga lalaki. Isinenyas ng mga daliri nito na limang liko pa raw at doon na. Maging ang isang lalaki ay tumango lang at hindi rin nagsalita.
"Ah..ganoon po ba? Sige po salamat.." magalang na sabi ni Kadyo.
Nagtuloy na sila sa paglalakad at nilampasan na ang dalawang lalaki.
"Pipi siguro sila Kadyo, pareho pang hindi kumibo eh.." sabi ni Emma.
Sinulyapan pang ulit ni Kadyo ang dalawang lalaki at nakita niyang nakatingin pa rin ang mga ito sa kanila.
Nakaramdam naman ng kakaiba si Kadyo kung kaya at.. "Halina kayo..papadilim na.."
Inakay na ang kanyang asawa at dalawang anak. Maingat na pinagmasdan ang kanilang paligid na dinaraanan.
"Kadyo, nakakatakot naman ang lugar na ito, hindi ko alam na ganito pala rito, pati mga tao ay mukhang hindi palakaibigan.." may pag-aalalang sabi ni Emma.
Hindi naman kumibo si Kadyo at inakbayan na lang ang asawa. Bakas naman sa mukha niyang, may mga tumatakbo sa isip na tanging siya lang ang nakakaalam.
***
Agaw-dilim na nang makarating sila sa unang liko.
Hindi na ninais pang maglakad ni Emma dahil sa ito ay talagang pagod na.
"Kadyo, marami namang bahay, baka sakaling puwede tayong makituloy kahit pa isang gabi lang! Hindi ko na talaga kaya pa, at ang mga bata! Nag-aantok na!" reklamong muli ni Emma.
Inobserbahan ni Kadyo ang paligid. Malumanay ang mga tao at tila magigiliw. May isa na ngang matandang babaeng lumapit sa kanila at nagtanong.
"Hindi kayo taga-rito amang?" tanong nito.
Agad namang bumati si Kadyo sa matanda. Naisip niya kasing maaring makatulong ito sa kanila. "Ah! Kamusta ho? Medyo ginagabi na po kasi kami sa daan, may bahay po bang maaring masilungan ng mag-iina ko kahit ngayong gabi lang?" magalang na salita ni Kadyo.
Napangisi naman ang matanda.
Hindi nakakatakot ang itsura nito bukod nga lang sa kanyang mahahabang kuko at maitim nang pudpod na mga ngipin.
"Ahehe..Meron naman amang, kung gusto ninyo ay sa aking kubo..wala akong kasama doon.." sagot nito.
Nagkatinginan muna ang mag-asawa. Nag-uusap ang mga mata na tila nagtatanungan.
At..
"Ah sige po, maari po ba? Kung hindi naman po nakakaistorbo?" magalang na tanong ni Emma.
Muling napangiti ang matanda.
"Ahe! Hindi!" tugon ng matanda.
Hindi na nagdalawang isip ang mag-asawa at agad na binitbit ang kanilang mga dala-dalahan.
"Sumunod kayo sa akin amang.."
Naglakad na ang matanda. Lumiko ito sa pagitan ng dalawang gibang kubo.
Habang nakasunod ang mag-asawa ay lumilibot ang mga mata nito. Napansin kasi nilang ilang kabahayan din ang tila walang nakatira at sira-sira pa.
Hindi na nakatiis pa si Emma at nagtanong na tuluyan. "Ah, inang..bakit po tila maraming bakanteng bahay dito? Wala na po bang mga nakatira diyan?"
Nilingon siya ng matanda at sandaling huminto sa paglalakad. "Oo, wala ng mga nakatira..nagsisi-alis na sila dahil sa hirap daw ng buhay sa dako ng lugar na ito, mas lalo na ngayong tag-araw.." tugon nito.
Tumango-tango na lamang si Emma.
Nagtuloy na sila sa paglalakad.
Malayo pa lang ay tanaw na nilang may makakasalubong na isang dalaga.
Ngunit nagulat sila sa biglaang naging reaksyon ng matandang ale.
"Ah! Sandali lang at may nakalimutan ako sa bukana!" Agad itong tumalikod at naglakad pabalik sa kanilang pinagmulan.
Mabilis ang kanyang pagkilos ngunit..
"Celia?" tawag sa kanya ng dalagang kasalubong nila.
Napatingin ang mag-asawa sa matandang napahinto sa kanyang paglakad.
"Celia? Bakit may mga kasama ka?" tanong ng dalaga.
Hindi kumibo ang matanda at sa isang iglap ay napakabilis nitong lumiko sa isang bakanteng kubo.
Naiwan ang mag-anak kasama ang dalaga.
Nang makita ng dalaga si Kadyo ay sandali itong napatitig sa kanya. Mga titig na tila nagsasabing, nagkita na sila.
"Hindi kayo taga-rito 'no?" tanong ng dalaga.
Si Emma naman ang unang sumagot. "Ba--bakit tumakbo ang ale?"
"Huwag ninyo intindihin si Celia, talagang ganoon iyon dahil sa may katandaan na..Saan ba ang tungo n'yo?" tanong ng dalaga.
Sumusunod sila sa dalaga habang lumalakad ito papalabas ng eskinitang pinasok nila.
"Madilim na, dapat hindi kayo nagpapaabot ng dilim lalo na at buntis ka! Saan ba ang punta ninyo at ng maihatid ko kayo!" medyo matigas ang salita ng dalaga. Nangimi tuloy sumagot ang mag-asawa.
Nang makalabas na tuluyan ay muling nagtanong ang dalaga.
"Saan po ang tungo ninyo? Sa Sanana ba?"
Nagkatinginan ang mag-asawa. May pagka-istrikta sa pananalita ang dalaga.
"Doon nga, siguro ay kilala mo si Aling Kanora?" tanong ni Kadyo.
Napahinto ang dalaga nang marinig ang pangalang Kanora.
"Kanora?" napasulyap pa ito kay Kadyo. Tila pamilyar sa kanya ang pangalan.
"Kanora ba kamo? A --- Ang kilala kong Kanora kasi ay matagal ng patay..Kung ang sinasabi ko nga ang tinutukoy mo ay kaano-ano mo siya?" tanong ng dalaga.
"Ang nanay ko.." dagliang sagot ni Kadyo.
Halos madilat ang mata ng dalaga nang marinig ang sinabi ni Kadyo. "Na --- nanay mo?" Halos ang lahat ng kanyang naririnig sa kausap ay ikinagugulat niya.
Ngunit sa huli ay hindi rin siya nagpahalata. At..
"Siya iyong matandang may taniman ng gulay at kalamansi sa Sanana, doon ba ang punta ninyo sa bahay na iyon? Ang alam ko ay may nakatira na ngayong bago roon!"
Nagkatinginan ang mag-asawa.
"Kadyo, kung may nakatira ay paano na tayo?" tanong ni Emma.
"Walang ibang puwedeng tumira roon Emma kung'di tayo! Hindi ako papayag na napakalayo nang nilakbay natin para lang sa wala! At ang taniman -- hindi maaring mapunta sa iba! Iyon lang ang tanging magiging buhay natin dito kung sakali! " may pagkainis na saad ni Kadyo.
Nakatingin lamang sa kanila ang dalaga.
"Inay, nagugutom na po ako.." sabi ni Alfie.
Nahabag naman ang dalaga at.. "Mabuti pa at sa akin na lang kayo tumuloy, kawawa naman ang mga bata at mukhang inaantok na.."
Ngumiti lang ang mag-asawa at..
"Maraming salamat.."
"Ano nga bang pangalan mo?"
Ngumiti ang dalaga at.. "Magda, ako nga pala si Magda.." sagot niya.
***
Tulog na ang mag-anak.
Payapa at malalim na ang gabi ngunit nananatiling gising si Magda. Hindi kasi siya makapaniwala kung sino ang kanyang nakita. Pinakikiramdaman at pinakikinggan niyang mabuti ang huni sa kanyang paligid.
Sandali pa at narinig niyang umingit si Emma.
"Ugh! Kadyo, ang sakit ng tiyan ko..Ugh!" daing nito.
Agad namang naalimpungatan si Kadyo at bumalikwas nang marinig ang daing ng buntis na asawa.
"Emma? Bakit?"
"Ugh! Kumikirot ang tiyan ko Kadyo, ang sakit.."
Naririnig ni Magda mula sa labas ng kwarto ang usapan ng mag-asawa, tila nakakatunog ito na may nangyayaring kakaiba kung kaya at biglaan ang pagsakit ng tiyan ni Emma.
"Hmmm.." sininghot ang hangin.
Tahimik itong lumakad papalabas ng pinto at..
"Celia?"
Nagulat naman ang isang matandang namumula pa ang mga mata na nasa ilalim ng silong ng kubo at nakasilip sa mga siwang ng sahig.
"Celia, umalis ka diyan! Mga bisita ko ang mga iyan at nakita mo namang may mga bata!"
Maya-maya pa at..
"Ah! Magda, sinisilip ko lang naman.."
"Iba ang sinisilip sa inaamoy! Tantanan mo ang mga bisita ko!"
"Magda --"
"Gusto mo bang hindi na makapagsalita Celia?" may gigil na sa mga salita ni Magda.
"H--hindi Magda! Ayoko! Pa--pasensya na! Matagal na rin kasi akong ---"
"Sige na Celia! Umalis ka na! Baka marinig pa nila tayo!" Ang taboy ni Magda sa matandang may mapupulang mata. Ang matandang kanina ay kasama ng mag-anak.
Umalis naman ito nang hindi na kumibo pa.
Nang matanaw na wala na talaga si Celia ay pumasok na rin si Magda sa loob.
Nauulinigan niya pa rin ang mag-asawang nag-uusap kung kaya at pumasok na siya sa loob ng kuwarto upang tingnan ang mga ito.
"Ugh! Napagod ka sigurado kaya ganyan, bibigyan kita ng langis para ipamahid mo, maiibsan ang pananakit niyan sigurado.."
Kinuha ni Magda ang isang maliit na kulay itim na bote. "Eto, ipalibot mo sa tiyan mo para mawala ang sakit.."
Inabot ni Kadyo ang bote.
"Sige, magpapahinga na rin ako.." At lumabas na rin si Magda. "Binigyan kita niyan para maiwas ang mabangong amoy mo sa kanila..." bulong niya.
Ang langis pala na ibinigay niya kay Emma ay isang pangontra.
Sandali pa nga at narinig niyang tahimik na ang dalawa.
Sumilip muna ito sa bintana at nang makitang malinis ang paligid ay pumunta na ito sa kanyang upuan kahoy at nahiga na rin.
June_Thirteen

Komentar Buku (65)

  • avatar
    DecenaLyka

    na gosto han ko Yong kwento

    13d

      0
  • avatar
    Marlo Elle

    more

    15/08

      0
  • avatar
    Rhogie Ducusin

    hoho

    04/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru