logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

PART 7

HINDI na ako umalis, nag-abang na lang ako dito sa labas ng CR hanggang sa matapos siya. Hindi nagtagal ay lumabas na rin siya, suot-suot 'yong damit na ibinigay ko.
Kahit ano talagang ipasuot sa kaniya bumabagay at nagmumukhang mamahalin. Ang gwapo-gwapo niya.
Hindi pa rin ako masanay sa kagwapuhan niyang taglay, nakaka-star struck pa rin.
Hala! Lumipad na naman ang utak ko.
Bumalik lang ako sa ulirat ko ng bahagyang tumikhim si Aedan.
"A... E... A-Are you done na ba?" tanong ko sa kaniya, kahit na obvious na obvious naman na. Memasabi lang talaga ako.
"Yea." maikling sagot niya.
"Ahm, let's treat your wounds na." ani ko sabay hawak sa braso niya, at ambang hahatakin ko na ito papuntang sala ng—"
"You should take a bath first. You are wet, you might get sick." aniya.
"Ah... Eh... Ih... Oh—Oo nga pala. Sige I'll take a bath first. But can you wait me here?"
"Sure, I will wait you here."
"Promise, I'm just quick." ani ko bago mabilis pumasok sa CR at naligo ng mabilis.
Ni-hindi na ako nagshampoo at nagsabon. Nagbuhos lang ako ng nagbuhos ng tubig.
Pero out of the blue, bigla kong na realize na dapat pala magpabango ako. Kailangan hindi ma-turn off sa'kin si baby—este si Aedan pala. Hehehe!
At dapat sa oras na lumabas ako ng banyong ito ay kailangan mabangong-mabango ako. Kaya ayon inayos ko ang pagligo ko. Ligong tao ang ginawa ko, hindi ligong wak-wak.
Tapos na akong magshampoo at sabon. Mag tu-toothbrush na lang ako. Akmang kukunin ko na ang toothbrush ko nang mahagip ng mata ko 'yong toothbrush na ginamit ni Aedan.
Napangiti ako na parang baliw.
Wala naman sigurong masama kung gamitin ko ito 'di ba? Sa amin naman ito kaya may karapatan akong gamitin ito.
At ayon nga, ginamit ang toothbrush na ginamit ni Aedan. Feel na feel ko ang pagtu-toothbrush. Pati labi ko sinipilyo ko, feeling ko kasi nagki-kiss kaming dalawa. Haist! Bigla na namang nag-pop up sa utak ko 'yong kiss namin sa ilalim ng sapa.
Yieee... Kinikilig ako! Mauulit pa kaya iyon?... Sana maulit pa. Hehehe!
Susulitin ko na talaga kapag nangyari iyon... lalaplapin ko na talaga siya.
Pagkatapos ng isang taong pagsisipilyo, finally tapos na rin.
Pero teka... Haist! Ang tanga ko talaga! Wala nga pala akong dalang tuwalya at damit.
Ano nang gagawin ko?
Paano na 'to?
Mukhang wala na akong choice. Bahagya kong binuksan yung pinto. At tanging ulo lang ang inilabas ko.
"Ahm, Aedan, are you still there?" tawag ko sa kaniya.
"Yea. Why?"
"Can you come here, here?"
"You want me to go inside there?" nasa tinig niya ang pagkagulat.
"No, no! Just here, near the door."
"Oh. Okay." anito sabay lapit dito sa pinto. "What now?" hindi makatinging tanong niya sa'kin. Pansin ko rin ang pamumula ng tenga at leeg niya.
"A-Ahm, can I borrow your towel?" tukoy sa tuwalya na nakasapay sa balikat nito.
"Towel? This towel?" turo niya sa tuwalyang nasa balikat niya. "Why this?"
"I forgot my towel kasi in my room." ani ko sa maliit na boses.
"But, I already used it."
"It's ok, I'm not maarte nama e. "
'Tsaka mukhang mas masarap pa ngang gamitn yang sayo, lalo na't dumaan na iyan sa katawan mo.' usal ko sa isipan ko.
"Are you sure?" paniniguradong tanong pa niya.
"Oum." ani ko habang tumatango-tango.
"Okay, here." sabay abot sakin ng tuwalya niya.
"Thanks." ani ko, pagkatapos sinara ko na ang pinto.
"Hmmmn..." Amoy ko sa tuwalya niya. "Ang bango-bango."
Haist! Para na akong manyak sa ginagawa kong 'to!
Tinapis ko na 'yong tuwalya sa katawan ko at dahan-dahang lumabas. Nang tuluyan na akong nakalabas ay hinanap agad ng mga mata ko si Aedan. Natagpuan ko siyang nakasandal sa pader malapit sa pinto ng CR. Katulad kanina ay hindi pa rin siya makatingin ng diretso sakin.
And then tasaka ko lang narealize kung bakit?.... makatapis nga lang pala ako ng tuwalya!... Nakakahiya! Baka mamaya isipin niya na inaakit ko siya!
Kaya ayon, dali-dali ko siyang iniwan at nagtungo sa aking kwarto para magbihis.
Ang sinuot ko ay jogging pants na itim at oversize T-shirt na kulay puti. Pagkatapos ay lumabas na ako.
Pero laking gulat ko ng pagbukas ko ng pinto ay si Aedan agad ang bumungad sa'kin.
"Wa—W-What aare you doing here?" utal at kong tanong. Paano ba naman kasi ginulat niya ako.
"I follow you here." very chill na sabi niya.
"E, bakit?—este why?"
"You said, you'll treat my wounds."
"Ang sabihin mo hindi ka lang talaga makapaghintay na makita ako." ani ko sabay hawak sa braso niya, at hinatak na ito papasok sa kwar—este papunta pa lang sala. Kung saan naabutan namin si mama na nagbababa ng tasa ng kape sa maliit na table katabi ng sopa.
"Mabuti naman at tapos na kayo. Nagbabalak na sana akong puntahan kayo doon. Baka kasi mamaya kung ano-ano ng ginagawa nyo."
"Mama naman, ganyan ba 'yong tingin mo sakin?"
"Hindi naman sa ganoon Jañella, baka lang kasi sa sobrang pagkagusto at pagkahumaling mo diyan kay Aedan ay mawala ka na sa katinuan at kung ano-ano na lang ang magawa mong bata ka."
"Mama naman!" Nakakahiya! Baka kung ano pang isipin nitong si Aedan dahil sa mga pinagsasabi niya.
"Oh, siya, mabuti pa maupo na kayo rito at uminom na muna ng kape para mainitan ang sikmura n'yo. At maiwan ko na rin kayo, inaantok na talaga ako." naghihikab na sabi ni Mama.
"Tara." yaya ko kay Aedan, at tsaka ko lang napansin na hawak ko pa rin pala ang braso niya.
Tumango lang siya.
Pagkaupo namin sa sopa ay agad kong iniabot sa kaniya 'yong tasa ng kape.
"Drink this. it's coffee, to makes your stomach burning."
"Hmn?" nalilito nitong tanong.
"Ahm, I mean, drink this." tukoy ko sa coffee. "It's coffee. Don't worry it safe and it wasn't poisonous."
Hala, ano ba itong pinagsasabi ko? Baka mamaya isipin niya may balak akong lasunin siya.
Tsaka teka nga muna... bakit ba ako nag-i-English, e nakakaintindi naman siya ng tagalog? Hayyy... ginagawa ko lang boba ang sarili ko sa harapan niya.
At isa pa, ako lang naman talaga 'tong nag-assume na englishero siya at hindi nakakaintindi ng tagalog. Pasensiya na, maganda lang nagkakamali din. Nadala lang ako sa mga pa-english-english niya.
"Ahm, just drink. Let's drink." ani ko. At ako na rin 'yong unang lumagok ng kape para makampante siya na nawala itong lason.
Pagkatapos naming magkape ay sinimulan ko ng gamutin ang sugat at mga pasa niya sa mukha.
"Is it hurt?" tanong ko.
"A little bit."
"You know what, when I was a child
may Mama use to kiss my wounds or any part of my body that hurting. Because she said, it heal fast and it lessen the pain . Share ko lang naman." Wala na, napapa-english na talaga ako. Hindi ko na maiwasan. Tsaka pakiramdam ko kapag nagsasalita ako ng English... I feel like I'm matalino ang pretty. Kaya kakaririn ko na.
"Then, kiss my wounds. I want to know if it's really effective." aniya.
Napatanga ako.

Komentar Buku (125)

  • avatar
    Chesca Galicia

    gave me robux pls

    24d

      0
  • avatar
    FormaranGerard

    this story are so amazing

    22/08

      0
  • avatar
    OlimpiadaMaribeth

    beautiful

    01/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru