logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

PART 6

PAGKATAPOS kong makita si Meyo ay muli kong binalikan si Mama.
"Oo nga pala Ma, may hindi po ako nasabi sayo." ani ko sabay pakita ng poster na may picture ni Aedan kasama ang mga kagrupo niya.
"H-Huwag m-mong s-sabihin n-na?" hindi makapaniwalang tanong ni Mama.
"Opo, Mama. Siya nga iyan. Siya si Aedan ng 'Heptagon',...  'yong idol at kinababaliwan ko."
"Kaya ba niligtas mo siya kasi alam mong siya iyan?" tanong ni Mama.
"Hindi po. Hindi ko po alam na siya iyan. Dito ko lang din po nalaman sa bahay no'ng makita ko ang mukha niya. Nakita mo  naman po 'yong reaksiyon ko 'di ba?–Apaka OA. Tinulungan ko siya kasi ako lang 'yong pwedeng gumawa no'n–kasi ako lang 'yong tanging nando'n. Ako na lang 'yong maasahan niya. Hindi ko kayang daanan lang siya at magbulag-bulagan sa nangyayari sa kaniya. Kaya kahit na alam kong delikado, kahit na alam kong pwede akong mapahamak, tumulong ako. Kung hindi ko siya tinulungan baka napatay na siya ng mga hudas na lalalki na iyon."
"Ano pa nga bang magagawa ko? E, nangyari na. Magpapasalamat na lang tayo at walang nangyaring masama sa inyo, lalo na sa'yo."
"Alam n'yo po ba, Ma... ang saya-saya ko po ngayon. Ma, si Aedan po iyon. 'Yong idol ko. 'Yong kinababaliwan ko. 'Yong pinapangarap ko. 'Yong gusto kong maging asawa. 'Yong dahilan kung bakit masaya ako... kung bakit nagagawa kong tumawa. At kung bakit nangangarap akong yumaman... kasi gusto kong daluhan lahat ng concert. At gusto ko ding bumili ng mga merchandise nila. Akala ko hanggang sa picture at screen ko na lang siya makikita. Akala ko hanggang sa panaginip ko na lang siya makakausap at makakasama. Akala ko hanggang sa pangangarap na lang ako."
"Masaya ako at masaya ka, Jañella. Pero nagtataka lang ako, bakit kaya ang isang katulad ni Aedan ay napadpad dito? At bakit siya binugbug ng mga masasamang tao na iyon?
"Ang sa palagay ko po ay... balak siguro nilang nakawan or else kidnapin si Aedan. Kasi Ma, hindi lang basta-basta ang isang Aedan Roak Rebellon. Sobrang yaman at kilalang tao niya. Kaya tiba-tiba sila kung sakaling kidnapin nila ito. At sa tanong n'yo naman po na bakit siya nandito sa lugar natin ay hindi ko po alam."
"Kawawa naman 'yong tao, minsan na nga lang mapabisita dito sa lugar natin, nabugbog pa. Baka mamaya hindi na siya bumalik pa dito dahil sa nangyari.
"Huwag naman po sana." malungkot kong ani dito. "Pero Ma, tanong ko lang, masama ba ko kung sasabihin kong masaya ako sa nangyari kay Aedan? Masama ba ako kung sasabihin kong buti na lang nabubugbog siya? Kasi kung hindi nangyari iyon ay baka wala siya ngayon dito. Baka hindi ko siya kasama at nakakausap ngayon. Ma, masama ba ako?"
"Hindi. Hindi ka masama kasi 'di ba nga tinulungan mo pa siya, niligtas mo siya. Hindi ikaw ang masama kundi 'yong mga taong bumugbog kay Aedan. Sila ang masama, Jañella. Sila, hindi ikaw. Kaya huwag kang magsalita ng ganiyan."
"Hindi lang sila masama.... kundi mga wala silang kaluluwa!" nanggi-gigil na sabi ko.
"Mabuti pa mag-report na tayo sa pulis."
"Ma, pwede bang bukas na lang po? Pagpahingahin muna po natin yung tao."
"Mabuti pa nga. Mukhang kailangan n'ya rin talaga ng pahinga. Hay, kawawa naman si hijo."
Pagkatapos naming mag-usap ni Mama ay iniwan ko na ito at agad akong nagtungo sa CR para pasuki—I mean para abangan pala si Aedan my loves.
Pagkarating ko do'n ay saktong kabubukas lang niya ng pinto.
U... La... Lam!... Nakatapis lang siya ng tuwalya. Tanging pang ibabang katawan lang nito ang natatakpan ng tuwalya. Habang ang pang itaas naman nito ay lantad na lantad. Ilang beses akong napalunok habang pinagmamasadan ang katawan niya. 'Yong abs niya hulamadong-hulmado. Nakita ko na ko na ito sa picture at TV, pero iba pa rin talaga sa personal. Magagalit kaya siya kapag hinawakan ko ito?
Haist! Nagiging mahalay na ako!
Bakit ba kasi ang sharap? Bakit ang sharap-sharap niya? Naglalaway na tuloy ako.
"Haist! Ayan na naman, kung ano-ano na naman ang pumapasok sa utak ko!" ani ko habang tinatapik-tapik ko ang ulo ko na para bang inaalog ito.
"Hey. Why are you hitting your head?" nag-aalala niyang tanong sabay lapit sakin at pigil sa kamay ko.
"Ah... Eh... Ang hot mo kasi." bulong ko.Iniiwasan ko ring tumingin sa katawan niya. Masiyado na kasi akong nagkakasala. Baka mamaya hindi na ako makapag pigil at ma-rape ko siya.
Hello, si Aedan kaya itong nasa harap ko. Kahit sino naman siguro ang nasa posisiyon ko ay hindi makakpag-pigil kapag isang katulad niyang mala Greek God ang nasa harapan nila.
Pinilit ko hindi tumungin sa katawan niya kaso hindi ko talaga maiwasan na paminsan-minsan itong sulyapan. Ang hirap umiwas sa tukso kaya ie-enjoy ko na lang.
"What?" naguguluhan nitong tanong.
"Ahm, nothing. I'm just came here to give you this." tukoy ko sa damit na hawak ko. Inabot ko ito sa kaniya at agad niya rin naman itong tinanggap.
"Pagpasensiyahan mo na, that clothes is little bit old. Kay Papa pa kasi iyan. And one more thing. We don't have an extra underwear for men. As you can see, we're just two in this house, me and my Mama. We're same girl, so, therefore we don't have an underwear for a men. But don't worry i have a cycling shorts, you can use it as an underwear" ano ba itong pinagsasabi ko. Wish ko lang na sana naintindihan niya 'yong barok-barok kong English. "Pero kung gusto mo magpanty ka na lang meron pa akong extra dito. Don't worry cause very bago pa iyon." bulong ko pa.
"Thanks for this" tukoy nito sa damit na ibinigay ko. Ambang papasok na ulit ito sa CR ng agad ko itong pigilan.
"Wait..." pigil ko sa kaniya.
"Why?"
"Pwedeng sumama?... Ako na lang magbibihis sayo."
He chuckled. "What?"
"I mean, take care, the floor is slippery. Sige ka, baka madulas ka at magka-amnesia ka. Pagkatapos isipin mo pa na ako ang asawa mo. Although pabor din naman sakin iyon. Kaso ayaw ko ng masaktan at malagay na naman sa peligro ang mo." dadag ko pa. Wala e, malakas 'yong loob kong mag-salita ng kung ano-ano. Hindi niya naman kasi naiintindihan ang mga pinagsasabi ko.
Teka... para akong sinampal ng isang daang tao...
S-Si Aedan. ... H-He know how to speak and understands tagalog... kasi nga local band lang naman sila, means dito lang sila sa pinas but they are known all over the world. Sobrang sikat sila
Anak ng tokwa naman oh!
Bakit ngayon ko lang na-realize!?...
Kaya naman pala ganoon na lang siya makangiti dahil naiintindihan naman pala niya n'ya mga kabaliwang pinagsasabi ko!
Nakakahiya!...
Masiyado na akong kinain ng sistema niya kaya hindi na gumagana ng maayos ang utak ko!
Pero nakakahiya pa rin talaga!
Siguro narinig niya rin 'yong bulong-bulong ko—Waahhhh! Nakakahiya!
Ang paglutang ng utak ko ay agad na bumalik sa ulo ko nang magsalita si Aedan.
"Thanks for the concern." may ngiti sa labing anito. "If you have nothing more to say, I'll just get dressed" dagdag nito bago tuluyang pumasok sa CR.
Habang ako heto, naiwan lang na nakatanga.

Komentar Buku (125)

  • avatar
    Chesca Galicia

    gave me robux pls

    25d

      0
  • avatar
    FormaranGerard

    this story are so amazing

    22/08

      0
  • avatar
    OlimpiadaMaribeth

    beautiful

    01/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru