logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

PART 5

"YOU'RE so heavy Mr. Ae." Reklamo ko.
"I know and I'm sorry for being heavy." aniya.
"Hmn. Naku, tara na nga."
May pinto kami sa likod kaya naman kinatok ko ito. Unang katok wala. Pangalawang katok wala pa rin. Kaya naman kinalampag ko ito ng malakas. Hindi nagtagal ay bumakas din ito at iniluwa nito ang ina kong bakas sa mukha ang sobrang pag-aalala.
"Jusmiyung bata ka!" gulat na bungad agad sakin ni Mama. "Saan ka ba nanggaling? Alam mo bang kanina ka pa kita hinahanap? Saan ka nagpupu-punta? Akala ko kung ano ng nangyari sayo! Bakit basang-basa ka at sino yang kasama mo?" sunod-sunod niyang tanong.
"Mama sa loob na lang po tayo mag-usap. Huwag po dito, masiyadong delikado" ani ko dito. Hindi na ito nagsalita at tumabi na lang upang makapasok kami.
Nauna akong pumasok kay Mr. Ae, dahil hindi kami pwedeng magsabay kasi pang isahang tao lang 'yong kasiya sa pinto namin.
Pagkapasok ko ay agad kong nilingon si Mr. Ae. A-At halos matulala ako ko na parang hindi makapaniwala. Halos lumuwa ang mga mata ko, 'yong bibig ko naman ay nai-stuck na sa pagkanganga. Habang ang puso ko naman ay halos magwala na sa sobrang lakas ng tibok nang makita ko ang mukha niya.
Siya ba talaga?
Siya ba talaga 'yong niligtas ko?
Hindi ba ako na nanaginip lang?
Please lang kung isa lang itong panaginip huwag n'yo na akong gisingin pa.
Si Aedan Roak Rebellon!
S-Siya—Siya..... 'yong..... niligtas..... ko!....
Hindi ko napansin na tumulo na pala ang luha sa aking mga mata. Habang siya naman ay mataman lang akong tinititigan.
At ngayon dahan-dahan na siyang naglalakad papalapit sa akin. Hanggang sa tuluyan na itong makalapit sa'kin. At Halos isang hakbang na lang ang layo namin sa isa't isa.
"Hey, why are you crying?" nag-aalala niyang tanong. pero wala do'n ang atensyon kundi sa kamay nitong nakahawak sa kamay ko. "Why are you crying?" ulit pa nito, at ngayon ay titig na titig na siya sa mga mata ko.
"Y-You?... I'TS YOU. Nandito ka talaga sa harapan ko. Hindi ako na nanaginip, hindi ito isang panaginip lang. Totoo ka talaga." ani ko habang hinahaplos ang mukha niya. At hindi ko na napigilan pa, agad ko siyang niyakap ng mahigpit.
"IT'S YOU.  It's really you... Aedan Roak Fundrado." bulong ko habang yakap pa rin siya.
"Y-ea, it's me... Aedan." bulong din niya.
"Ehem, ehem." biglang singit ni Mama dahilan para mahiwalay kami ni Aedan sa isa't isa. "Mabuti pa magsiligo na muna kayo, basang-basa kayo. At para magamot natin yang sugat mo hijo. At pagkatapos ikuwento n'yo sakin ang lahat-lahat." dagdag pa ni mama habang may makahulugan ako nitong tinititigan.
Mukhang hindi nakilala ni Mama kung sino itong kasama ko. Sabagay hindi naman siya fan ng 'Heptagon'.
Muling kong pinagmasdan si Aedan. Hanggang ngayon hirap pa rin ako na paniwalaan na siya talaga itong kasama ko. Na nandito talaga siya. Kasi ni minsan hindi ko inisip na pwedeng mangyari ang bagay na ito.
Kahit may ilang pasa at sugat siya sa mukha ay ang gwapong-gwapo pa rin niya.
Oo nga pala pinapaligo na pala kami ni Mama.
"Ahm, Mr. Ae—Aedan, let's take a bath togethe-I mean you should to take a bath and then after that, I will treat your wound and bruises."
"You should take a bath first."
'Sabay na lang tayo kung gusto mo, para wala ng away.' bulong ko. "Ahm. No, you take a bath first and after you I'm the next." ani ko.
Mabuti naman at hindi na ito nakipag argue pa sakin. Kasi kung hindi baka mahalikan ko siya.
"Speaking of halik... Oh My—Oh My Gosh!... Siya 'yong First ko!?" Hindi ko na napigilan pa ang mapatili.
"Hey, are you okay?"
Nakalimutan ko nandito pa nga pala siya.
"Ah... Eh... Yah–yah. I'm okay."
"Are you sure?" paninigurado pa niya.
"Yea. Hehehe!.... Sige na go, go to the CR." pagtatataboy ko sa kaniya. Baka kasi hindi ako makapagpigil at sumama na lang sa kaniya.
"I don't know where the bathroom is."
Tinuro ko sa kaniya kung saan 'yong CR at sinabi ko na rin sa kaniya na wala kaming shower, bathtub or anything na ginagamit ng mga mayayaman sa paliligo. Na ang tanging meron lang kami ay tabo, timba, tubig sa gripo. At siyempre shampoo, sabon at buti na lang din may extra kaming toothbrush. Ngayon kasalukuyan na siyang naliligo.
Habang ako naman ay nagkwento muna kay Mama habang hinihintay na matapos maligo si bebe Aedan ko.
At tulad ng inaasahan ko ayon binulyawan ako. Sari-saring sermon sng nakuha ko.
"Ginawa mo iyon?" hindi makapaniwalang tanong ni Mama. "Kahit kailan talaga padalos-dalos ka Jañella! Paano kung may nangyaring masama sayo!? Paano kung nahuli ka ng mga masasamang tao na iyon? Paano kung napatay ka nila? Jańella, naman! Dadalawa-dalawa na lang tayo! Hindi ko kakayanin kapag may nangyari masama sayo."
"Mama, sorry po talaga, naawa lang naman po ako sa tao kaya tinulungan namin siya ni Me—Oo nga po pala. Ma, si Meyo po ba umuwi na?"
"Oo, umuwi na, kanina pa. Ayon tulog n—"
Hindi ko na hinintay pa na matapos si Mama sa pagsasalita, agad 'kong tinakbo ang kwarto ko kung saan natutulog si Meyo.
"Meyo?" tawag ko sa aso ko.
Nagising naman ito at agad na tumakbo papalapit sakin. Habang ako naman ay agad itong niyakap ng mahigpit, pagkalapit na pagkalapit pa lang nito sakin.
"Buti naman at ayos ka lang Meyo." nakahinga na ako ng maluwag.
"Arf... Art... Art... Arf... " ( Translation: Mga tanga sila, mga duwag. Nihindi manlang ako pinagpawisan.)
"Buti wala silang ginawang masama sayo."
"Arf... Art... Art... Arf... " (Translation: Wala talaga silang masamang magagawa sakin dahil wala naman silang ginawa kundi tumakbo lang.)
"Sige na bumalik ka na sa pagtulog, maggpahinga ka na, kasi alam kong napagod ka sa ginawa mo."
"Arf... Art... Art... Arf... Arf... " (Translation: ikaw din magpahinga ka na, mukhang mas napagod ka kaysa sakin.)

Komentar Buku (125)

  • avatar
    Chesca Galicia

    gave me robux pls

    25d

      0
  • avatar
    FormaranGerard

    this story are so amazing

    22/08

      0
  • avatar
    OlimpiadaMaribeth

    beautiful

    01/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru