logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

PART 2

"HANAPIN n'yo!"
Ayan na sila, malapit na sila samin. Hindi pwede, ayaw ko pang mamatay. Masiyado akong maganda para mamatay ng maaga. Ni hindi ko pa nakikita ang Heptagon, especially si Aedan Roak Rebellon, the band vocalist of  'Heptagon'. Ang bandang kasalukuyan ngayong bumabaliw sa sangkatauhan—ay mali, sa buong mundo pala.
Hindi pa ako pwedeng mamatay kasi magpapakasal pa kami ni Aedan, tapos magkakaroon pa kami ng mga anak. At higit lahat magiging kabit ko pa 'yong ibang member ng 'Heptagon', kaya hindi talaga ako pwedeng mamatay ngayon. For sure hinihintay na nila ako. Paano kaya kung iwan ko na lang 'tong lalaki na 'to?
Haist! Ano ba itong pinag-iisip ko? Bakit ko siya iiwan? Nagpakahirap-hirapa akong iligtas siya, halos itaya ko na ang buhay ko tapos bigla ko na lang siyang iiwanan?...  Paninidigan ko ito. Bahala na kung anong mangyari sa'kin.
Mukhang wala na talaga kaming choice kundi magtago muna. Kasi kung patuloy kaming maglalakad ay baka makikita nila kami. Kaya siguro mas mabuting magtago muna kami. At ang unang-unang pumasok sa isipan ko na pwede naming pagtaguan ay walang iba kundi sa ilalim ng tulay. Gawa ito sa bato, at tamang-tama kasi hindi gaanong malalim 'yong sapa. For sure hindi papasok sa utak ng mga masasamang tao na iyon na nasa ilalim kami ng tulay nagtatago.
"Mr. Ewan, kailangan muna nating magtago, ha... kasi malapit na sila sa'tin." ani ko sa kaniya.
"Ano nakita nyo na ba?" boses ng isa sa mga lalaking naghahanap samin—este dito lang pala sa kasama ko.
Nagmadali na kaming lumapit sa tulay. Medyo matarik at madulas 'yong daan pababa ng sapa. Kaya naman dahan-dahan kaming bumaba dito. Hawak ko pa rin ang bewang niya upang maalalayan ko siya na makababa.
Iniwasan naming makagawa ng kahit na anong ingay na pwedeng maging dahilan upang makuha ang atensiyon nila at makita kami.
Halos maubos na 'yong lakas ko sa pag-alalay sa lalaking ito. Pasalamat siya mabango siya kaya naman kahit papaano ay nai-enjoy ko ang pag-alalay sa kaniya. At hindi lang iyon kasi ang tigas din ng mga muscle niya... ang sarap pisil-pisilin. Mukhang mahilig siyang tumambay sa gym, batak na batak, e.  At sigurado din ako na may abs din siya... mapisil nga mamaya.
"Haist! Tama na nga muna ang kaharutan Jañella!" saway ko sa sarili ko.
Nang tuluyan na kaming makakaba ng sapa ay dahan dahan na kaming lumusong, at agad na lumusot sa ilalim ng tulay. Buti na lang hanggang ilalim ng baba ko lang yung tubig. Habang dito naman kay Mr. Ewan ay hanggang dibdib lamang nito. Sana lang marunong siyang lumangoy... kasi ako–sa totoo lang hindi ako marunong.
Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa bewang niya dahil sa takot na baka malunod ako.
Pero laking gulat ko ng biniklas nito ang kamay kong nakayakap sa bewang n'ya. Akala ko katapusun ko na kasi dahan-dahan na akong natutumba ng...  bigla niya akong hinapit sa bewang dahilan para mapalapit ako sa kaniya at mapahawak sa balikat niya. Napatingila ako sa kaniya, hindi ko makita ang mukha niya dahil nga madalim pero ramdam na ramdam ko ang mga titig niya. Ramdam na radam ko din ang mainit niyang hininga na tumatama sa aking mukha. Ang bango naman ng hininga nya... ang sarap lang langhapin ng langhapin.
"J-Just hold on to me..." bulong niya, habang ang pagkakayakap naman niya sa bewang ko ay bahagyang humigpit at halos magkadikit na ang katawan naming dalawa. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng pagkailang.
"A-Ano sa tingin mo 'yang ginagawa mo, ha?" utal kong tanong ko sa kaniya.
"Encircle your arms around my neck..." He whispered on my ear.
"Ano daw? Encircle my what?" englishero pala itong si Mr. Ewan. Takte mukhang mapapasabak ako nito englishan. Hindi pa naman ako ready.
"Ehem, ehem." I cleared my throat. "Ahm, w-what—what—wh-at d-did y-you sese—say?" kanda utal-utal na tanong ko dito.
Matapos kong sabihin iyon ay nakahinga ako ng maluwag. Haist! Buti natawid ko 'yong tanong na iyon. Buti na lang magaling akong mag English. Kung hindi n'yo kasi naitatanong best in English ako no'ng kinder. Ganiyan ako kalupit sa English.
"I said, encircle your arms around my neck" ulit niya gamit ang paos na tinig. In fairness ang sexy ng boses niya.
Ah. So, gusto niyang sakalin ko siya? Tama ba ako? Tama ba 'yong pagkakaintindi ko sa sinabi nya?
E, sira naman pala ang ulo niya, e! Bakit gusto niyang sakalin ko siya? Siguro naalog na 'yong utak n'ya dahil sa sobrang pagkakabubog sa kanya. Kawawa naman, baka masiraan na siya ng bait.
"Ahm, Mr. I can't do that. I'm not that kind of person. I can't kil—ah basta hindi ko kaya—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niyang takpan ang bibig ko.
"Shhh..." pagpapatahimik niya sakin. At alam ko na kung bakit niya ginawa iyon.
Ang mga gunggong, nandiyan na naman sila.
"Ano, nakita n'yo na ba?!"
"Boss hindi pa nga po, e."
"Mga bwiset kayo! Hanapin nyo! Hindi pwedeng hindi n'yo makita! Kasi malilintikan talaga kayo sa'kin!" sigaw nito."Maghiwa-hiwalay kayo para mas mabilis n'yong makita! Kung kinakailangan katukin n'yo lahat ng bahay dito makita n'yo lang siya...gawin n'yo! Ang tatanga n'yo kasi! Mga bwiset kayo!"
Nang maramadamn naming wala na sila ay tsaka lang nito inilalis ang pagkakatakip sa aking bibig.
"You're too noisy, they might hear us." bulong niya.
"Sorry naman, ikaw kasi dinadaldal mo ako." paninisi ko sa kaniya. "Oo nga pala, ayos ka na ba? May masakit ba sayo? Tanong ko.
Haist! Oo nga pala, englishero nga pala itong si Mr. Ewan. Bahala na nga siyang umintindi sa sinabi ko. Alangan naman kasing ako pa 'yong mag-adjust sa kanya 'di ba?... Ano siya, gold?

Komentar Buku (125)

  • avatar
    Chesca Galicia

    gave me robux pls

    25d

      0
  • avatar
    FormaranGerard

    this story are so amazing

    22/08

      0
  • avatar
    OlimpiadaMaribeth

    beautiful

    01/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru