logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

I LOVE YOU, KUYA [BOOK 2]

I LOVE YOU, KUYA [BOOK 2]

ItsyourgirlZiryang


CHAPTER 85.

Hi, before you read this story, basahin mo muna ang I LOVE YOU, KUYA [BOOK 2]. Released na siya. Salamat!
Thrizel's POV
1 month later...
Nandito ako ngayon sa VIP Room. Kinuha ko ang beer na nasa aking harapan. Tiningnan ko iyon saka pinatunog ang yelo sa baso. Huminga ako nang malalim at tinitigan ang aking kaharap. Napailing-iling ako at ngumisi. "What are you asking?" Ininom ko ang laman ng aking baso. Pagkatapos ay nilapag sa lamesa.
"Ano nga bang tinanong ko?" Tamad itong tumingin sa akin. Sumandal naman siya sa sofa at pinikit ang mga mata, nairita ako sa paraan ng pagkilos niya. Siya ang may kailangan, siya dapat ang nangungulit sa akin para sagutin ko ang tanong niya.
"You can leave now." Masungit kong sabi sa kaniya. Tumayo ako at pumunta sa closet. Naghanap ako ng damit na aking isusuot dahil may pupuntahan ako ngayon.
"Mas lalong sumama ang uga-"
"I don't care." Putol ko sa kaniyang sasabihin nang hindi siya nililingon. Tuloy pa rin ako sa pamimili. Kahit anong sabihin niya tungkol sa akin, wala akong pakialam.
"Seriously, Thrizel?" Ramdam kong tumayo siya mula sa pagkakaupo ngunit hindi niya pa rin nakuha ang aking atensyon. Kung may gawin man itong masama sa akin, edi magkakaso ako ngayon. Bakit hindi nalang kasi ulitin ang tanong niya? Kasalanan ko bang makalimutan ko nang inunim ko ang beer? Silly boy.
Hinarap ko siya na nakataas ang kanang kilay. "I said you can leave now. You need me, right? Alam mo namang mabilis akong mawala sa mood. Uminit ang ulo ko kaya lumabas ka na." Mas lalo kong tinaas ang aking kilay ng wala siyang naging kilos. Napatawa ako nang mahina at lumapit sa pinto. "O baka naman gusto mo pagbuksan pa kita." Hinawakan ko ang doorknob. Bubuksan ko na sana nang magsalita siya.
"Anon dahilang ng rejection mo? That's my question." Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin. Ganitong tao ang mga gusto kong kausap. Nasasabik ako kapag ganito dahil pakiramdam ko, mapipikon lang sila sa akin.
"Kahit non-sense ang tanong mo, I can answer that." Napasinghal siya sa aking sinabi. Halatang nagtitimpi sa ugaling pinapakita ko ngayon. "I rejected your boss. God, hindi ako pumapatol sa gano'ng mga lalaki. Oo, nakakasama ko kayo. May pagtitiis naman, edi iyon ang pinili ko." Natawa ako roon. Kita ko ang pagyukom ng kaniyang kamao kaya mas lalo akong ginaganahan na sumagot. "Walang respeto at bastos ang boss mo. Hindi ako easy to get at patol nalang nang patol. Pinili ko ang magtiis, kung pipiliin ko na naman para sa boss niyo. Ano nalang ang mangyayari sa buhay ko? Matalino ka niyang kanang kamay, huwag mo ngang isalang ang sarili mo sa katangahan ng pinuno mo. Nakakatawa kayong dalawa, nagmumukha kayong desperado. No, you two are certified desperate."
"I respect you kahit ganiyan ka sumagot." Tiningnan ko ang kaniyang kamay. Hindi na ito nakayukom at ramdam kong kalmado na siya ngayon. "But please kung sasagot ka ng tanong, iwasan mo ang panglalait. Thanks to them na nakapagtiisan ka nil-"
"Hindi nila ako pinagtiisan." Matigas kong sabi rito. Umaaktong may alam sa aking pagkatao. "Hindi niyo 'ko kilala. Kung walang respeto ang kaharap ko, bakit ko rerespetuhin? Umaasa ba kayong aayos ang pagtrato ko sa inyo?" Seryoso ang pananalita ko ngayon. "Mga tanga, para kayong naghintay na mahahati ulit ang dagat."
Napahinga siya nang malalim, alam ko namang susuko agad 'to. "I need to go, hindi ka talaga makakausap ng maayos." Nakapamulsa itong lumabas ng kwarto. Hindi ko naman na siya pinansin. Nag-usap naman na kami dati, ganito rin ang nangyari. Dapat masanay na siya sa akin, umaasa pa kasing aayos ako sa kanila. Tsk.
Nang makahanap ako ng damit. Pumasok na ako sa banyo para maligo. Mabilis din namang natapos. Lumabas ako ng kwarto, bumungad sa'kin ang napakaraming lalaki. Nakuha ko rin ang atensyon ng karamihan dahil napatingin sila sa akin. Hindi ko na pinansin ito, naglakad na ako palabas. Ang mga tingin nila ay masyadong mapanuri, pakiramdam ko 'yong ibang hindi ako kilala, para akong hinuhubaran sa kanilang mga titig. Tsk, may mga ganito talagang lalaki.
"Hi, Thrizel, good morning."
"Hi, Miss Beautiful."
"Hey, baby girl."
Tinanguhan ko ang mga bumati sa akin, dahil doon nagbulungan sila ng ang suplada talaga. Hindi ko pinansin ang mga 'yon. Sanay na akong lagi silang nagbubulungan kapag hindi ko binibigyan ng pansin. Matapos ang isang buwan, masyado na akong mailap sa lalaki. Pili lamang ang aking kinakausap. Mas lamang ang aking mga nakakaaway. Kahit saan talaga ako magpunta, lapitin ako ng gulo. Hindi na nakakapagtaka.
Pumunta ako sa aking motor nang makalabas. Puro puno ang nakapaligid dito, masyadong tahimik ang daan. Sa loob lang naman sobrang ingay. Sinuot ko na ang helmet, i-start ko na sana nang may kotseng huminto sa aking harapan. Kilala ko kung kanino ito. Nang lumabas ang tao, hindi nga ako nagkamali.
"Saan ka naman pupunta?" Sinarado niya ang pinto ng kaniyang kotse saka humarap sa akin. Ang mga tingin ay nagtatanong.
"Hindi ko alam." Sagot ko dahil hindi ko naman talaga alam kung saan ako pupunta. Gusto ko lang umalis, gusto kong maglibang mag-isa. "Ikaw? Saan ka galing?"
Ngumiti siya sa akin. "Saan naman ako pupunta? Siyempre sa bahay lang naman. Ito at pamilya lang ang pinupuntahan ko."
Napangiti ako roon. "Alis na ako?"
"Huwag ka nang bumalik, huh?" Sinimangutan ko siya dahil doon. Natawa ito bigla. "Kidding. O, sige, ingat. Bumalik ka rito."
"I will, Kein." Parehas kaming natawa sa aking sinabi.
"Ang pangit talaga kapag galing sa 'yo ang real name ko. Just call me 'Brooks', okay?"
"What if I don't want to?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Pakialam ko sa 'yo."
Natawa ako dahil doon. Sanay na kami sa ganito simula nang tulungan niya 'ko. Inistart ko na ang aking motor at sumakay. Humarap ako sa kaniya. "Taliwas na ako."
Tumango siya sa akin kaya pinaandar ko na. Tuloy lang ako sa pagmamaneho dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hanggang mahinto ako sa tahimik na lugar, bihira lang ang mga bahay. Bumaba ako sa aking motor at naglibot-libot. May nakita akong ilog doon, agad ko itong pinuntahan. Napakalinis ng tubig at may mga water lily din. Umupo ako sa damuhan. Kapag may nahahawakan akong bato ay binabato ko sa ilog. Tanging pag-agos lang ng tubig ang aking maririnig. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag wala kang iniisip.
Humiga ako at huminga nang malalim. Hindi ako makatingin ng diretso sa langit dahil sobrang liwanag. Pumikit ako at dinama ang hangin. Mas gusto kong mapag-isa kaysa sa makisalamuha. Napatingin ako sa isang direksyon, biglang may pumasok sa aking isip.
"Hoy, mahulog ka riyan!" Sigaw ng batang lalaki sa batang babae. Nakahiga ang lalaki sa damuhan habang ang babae ay nakayuko sa tubig dahil naglalaro ito. Hindi ko kilala ang batang lalaki, may peklat ito mula sa kilay pababa sa pisngi. Ang batang babae naman, ito ang nasa panaginip ko.
"Shhh, huwag ka nga maingay, maririnig tayo ni dad. Papaluin niya na naman ako." Hindi tiningnan ng batang babae ang lalaking kasama niya. Tuloy pa rin ito sa paglalaro.
"Paano kung malunod ka? Hindi ako marunong lumangoy. Umalis ka na riyan." Suyaw pa ng batang lalaki rito. Halatang naiinis na dahil ang tigas ng ulo ng babae.
"Edi magpakamatay ka rin, magkaibigan naman tayo."
"Siraulo ka ba? Magagalit ang mommy ko."
Pinilig ko ang aking ulo dahil sa aking naisip. Hindi ko mawari kung kusa ko bang naisip o ala-ala. Napatingin ako sa aking harapan, may nakita akong isang bahay roon. Pamilyar sa akin at parang napuntahan ko na. Gusto kong makasigurado kaya tumayo ako mula sa pagkakahiga. May tulay akong nakita, dumaan ako para makapunta. Nang libutin ko ang bahay, bahay pala nila Link. Tinigil ko na ang paglilibot, bumalik ako sa ilog. Kaya naman pala parang kilala ko kung kanino.
I lost my mood kaya pumunta na ako sa aking motor. Mahigit 30 minuto rin akong nandidito. Huminga ako nang malalim at saka na umalis doon. Hindi ko na naman alam kung saan ako pupunta. Sa sobrang wala akong iniisip hindi ko naman alam ang aking gagawin kaya sa huli, pumunta akong hideout ni Brooks.
Pumasok ako sa loob, hinubad ko ang aking helmet at pinatanong sa lamesa. Binagsak ko ang aking katawan sa sofa, huminga ako nang malalim. Nabuburyo ako ngayon, ayaw kasi ako papuntahin ni Brooks doon sa boxing, huwag daw muna ako pumunta dahil may nakaaway ako kahapon. Iyon ang boss ng nakausap ko kanina, boss nilang bastos. Because of rejection, nagalit sa akin. Ako ang dahilan ng gulo kahapon. Sanay.
"Ang lalim ng iniisip mo." Kilala ko kung kaninong boses 'to. Hindi na kailangan tingnan. "Asawa ni Brooks." Iyan na naman siya sa asawa ni Boss Brooks thingy. Pinaliwanag ko naman sa kaniya na magkaibigan lang kami ng boss niyo pero kahit anong paliwanag ko, pinipilit niya pa rin.
"Bakit nandito ka, Blue?" Tiningnan ko siya ng sandali. Nakita ko rin 'tong nakatingin sa akin. Iniwas ko ang paningin ko sa kaniya. Pakiramdam ko walang sawa ito sa pang-aasar e.
"Bawal na ba ako rito?" Tumayo siya, lumapit sa salamin. Sinuklay niya ang kaniyang asul na buhok. Wala akong makitang itim na buhok sa kaniya. Blue talaga siya. Linggo-linggo ba 'to nagpapakulay?
"Bakit parang walang pagbabago 'yang buhok mo? Alagang-alaga mo ba?"
Dahil sa aking tanong. Napahinto siya sa pagsusuklay, sinuri niya ang kaniyang buhok. "Pinanganak nga kasi akong kulay asul." Napasimangot ako dahil doon. Wala talagang makukuhang maayos na sagot sa kaniya. Nagsalita siya muli. "Ang haba na ng buhok mo, pinanganak ka bang mahaba ang buhok?" Kingina.
"Ewan ko sa 'yo." Kinuha ko ang unan at nilagay sa aking mukha. Rinig ko ang kaniyang tawa at iyon ay nakakainis. Sa kaniya lang talaga ako laging napipikon. Grabe mang-asar ang lalaking 'to.
Natahimik kaming dalawa ni Blue. Dadalawin sana ako ng antok nang biglang may nagbukas ng pinto. Napabangon ako, sabay kaming napatingin ni Blue roon dahil pabagsak nagbukas ito ng pinto. Nainis naman ako nang makilala ko kung sino. Wala siyang karapatan ditong mag-ingay.
"Who do you think you are?" Turo nito sa akin. Ramdam ko ang kaniyang galit. "Akala mo papalampasin ko ang pangyayaring 'yon? You embarrassed us to a lot of people. Remember, Thrizel. Kapag may kasalanan sa amin, we don't stop. I will do everything para makaganti sa 'yo." Nakita ko ang piercing sa kaniyang labi. Doon ako nakatingin habang nagsasalita ito. Ang special ko naman, boss na nila ang pumunta sa akin. Kaninang umaga lang ay kanang kamay.
Tumayo ako at hinarap siya. "Bakit? Ano bang kasalanan ko? Because I rejected you? Why don't you just accept? Lumalabas kang immature sa akin. Isa na sa dahilan 'tong pinapakita mo ngayon sa akin kung bakit ako hindi sumagot ng oo sa 'yo. Kung hindi kayo titigil. Okay, fine. Tandaan mo 'to, Cide, mas matigas pa 'ko sa bato ngayon. Kahit anong pilit mo, hinding-hindi ako bibigay sa 'yo."
Nagulat ako nang hatakin ako nito palabas, hawak-hawak niya ang aking pulsuhan. Agaran namang sumunod sa amin si Blue, kinakagat ang kamay ni Cide pero walang epekto iyon sa hampas lupa. Tumawag din siya ng isa niyang tauhan para tanggalin si Blue sa pagkakakapit dito. Walang hirap na binuhat ito ng lalaki, parang manika si Blue na nilapag lang.
"Ano bang kailangan?!" Inis kong tanong dito. Pilit nagpupumiglas, ramdam ko rin ang sakit sa kaniyang paghawak. Maraming tao ang nakatingin sa amin, galing 'to loob, sa away. Sikat ang lalaking 'to, hindi na ako magtataka kung bakit nakuha niya ang atensyon ng mga nanonood ng away.
"Ikaw ang kailangan ko, tanga ka rin pala." Matigas niyang sabi. Kahit kailan walang hiya ang lalaking 'to.
"Ulol, pare-pareho lang naman kayong mga tanga ng mga alaga mo. Huwag mong isalin sa'kin 'yang inuugali ninyo." Natahimik ang lahat. Pati si Cide ay walang naging reaksyon sa aking sinabi. Mukhang napahiya ko siya.
Nagulat ako nang sasampalin ako nito. Agad akong napapikit. "Ang talas ng dil-" Hindi natuloy ang sasabihin nito kaya agad akong dumilat. Napatingin ako kay Brooks na hawak-hawak ang kaniyang kamay. Alam ko namang darating ang lalaking 'to pero kahit hindi siya dumating, kaya ko ang sarili ko.
"Bro, pati babae papatulan mo?" Kalmado ang pagtatanong niya rito. Halatang ayaw gumawa ng ulo. "Kasamahan ko 'yan, kaibigan ko. Bitawan mo." Seryoso ang tinginan ni Brooks. Nagtatalo sila ni Cide gamit ang mga titig pero kahit gano'n, hindi ako binitawan ni Cide. Napangisi si Brooks. "Cide..." Banggit niya sa pangalan. Lumapit siya at bumalong. "Kilala mo ako kapag sa kaaway."
Suminghal si Cide roon at pabatong binitawan ang aking kamay. Napailing-iling si Brooks doon. Nagsalita si Cide habang nakatingin sa akin. "Huwag mong gustuhing mapag-isa. I'm not done ye-"
"Ang dami mong alaga, Cide." Putol ni Brooks sa sasabihin nito. Tiningnan niya lahat ng kasama ni Cide. "Kung isa-isahin ko kaya sila, may matitira pa kaya sa 'yo?" Tanong niya sa mismong mukha nito.
"Madaya ka talaga lumaban, Brooks." Inis na sabi nito.
Natawa si Brooks doon. "Kilala mo naman pala ako. Huwag mong galawin ang mga hawak ko." Hinawakan ni Brooks ang aking pulsuhan at ginaya paalis doon. Tumalikod na kami pero biglang sumigaw 'tong si Cide.
"You rejected me because you're still in love with your brother named Thrale!"
Natigilan ako sa paglalakad. Paano niya nalaman? Ano ba talaga gusto ng lalaking 'to? Walang nakakaalam dito kung ano ang nakaraan ko. Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili. Naglakad na ako pero sumigaw muli siya.
"Come on, Thrizel Wrent. Your brother has a girlfriend. Kadiri ka naman maging kapatid."
Tiningnan ako ni Brooks. Hinihintay niya lang ang gagawin ko. Humarap ako rito. "Ang mahalaga, rejected ka." Hindi siya nakaimik sa aking sinabi. Nagmadali na akong maglakad. I hate boys.
Itutuloy...

Komentar Buku (37)

  • avatar
    Thresia_writes

    i really love the story tells,ang ganda nya grabe May halong kilig,tawa, lungkot,iyak,the way threzil and thrale love each other mapapa sana all Kana lang talaga,5 stars for you author mwuahhh

    15d

      0
  • avatar
    BermasKathlyn

    :< ...

    02/06

      1
  • avatar
    NERZARECHELLE

    ❤️❤️❤️

    30/01

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru