logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 3: Sadness In Her Eyes

"Geo, pwede ka bang maggrocery muna!?" Sigaw ni Mama mula sa labas ng kwarto ko. "Kailangan ko na kasing pumasok sa opisina eh!"
Itinigil ko muna ang ginagawa kong pagpipinta at nilingon ang pintuan ng kwarto ko.
"Opo, Ma! Ako na po bahala!" Sigaw ko pabalik.
"Salamat, 'nak! Iiwan ko yung pera at listahan sa kwarto ko ha? Kunin mo na lang do'n! Yung tanghalian mo nasa ref, ipainit mo na lang. Alis na 'ko! Ikaw na bahala sa bahay ah? Bye!"
"Ingat po kayo, Ma! Bye!"
Narinig ko ang mga yabag ng paa ni Mama paalis. Ako naman ay tumayo na mula sa pagkakaupo ko para magpunta ng banyo at maligo. Kailangan ko nang sundin muna ang iniuutos ni Mama at baka makalimutan ko pa. Lagot ako ro'n mamaya.
Matapos kong maligo at magbihis ay nagpunta na 'ko sa kwarto ni Mama para kunin ang sinasabi niyang pera at listahan. Nakita ko naman 'yon agad sa ibabaw ng side table niya.
Aalis na sana ako nang may mapansin akong bagay na nakaipit sa may unan ni Mama. Nakalabas yung dulo no'n kaya napansin ko. Tinanggal ko yung unan ni Mama at nakita kong family picture namin 'yong apat kasama si Papa. Kinuha ko 'yon saka pinagmasdan.
This was taken 4 years ago. Itinatago pa rin pala 'to ni Mama. Akala ko itinapon na niya ang lahat ng mga bagay na makakapag-paalala kay Papa sa amin ni Gin at sa kaniya.
Mapait akong napangiti habang nakatitig sa picture. "Mahal mo pa rin talaga si Papa kahit na iniwan na niya tayo."
Tinanggal ko na 'yon sa isipan ko. Ibabalik ko sana 'yon sa ilalim ng unan niya nang mapatigil ako. Sa halip na ro'n ko ilagay ay sa side table ko na lang niya 'yon ipinatong. Inayos ko ang pagkakalagay no'n do'n bago lumabas na ng kwarto bitbit yung pera at listahang iniwan ni Mama.
Matapos kong masigurado na nakalock na ang bahay namin ay naglakad na 'ko palabas ng subdivision para pumara ng taxi. Hindi rin naman nagtagal ang pag-iintay ko at nakasakay rin agad ako. Mabuti na lang din at hindi matraffic kaya nakarating ako ng mabilis sa grocery store.
Habang itinutulak ko yung cart ko ay nakatingin ako sa mga nakalistang pagkain sa ginawang listahan ni Mama. Dahil hindi ako nakatingin sa daan ay may nabangga ako ng cart na tulak-tulak ko.
"Sorry po—"
Nagulat ako nang malaman kong si Papa yung nabangga ko. Halatang nagulat din naman siya nang makita niya 'ko.
"G-Geo?" Hindi makapaniwalang sambit niya.
Lalapitan niya sana ako nang may bigla na lang lumapit sa kaniyang babae. Napatitig ako sa kamay no'ng babae na nakapulupot sa braso ni Papa.
"Love, ibili mo 'ko no'n oh!" Maarteng utos sa kaniya no'ng babae. "Love? Love! Sino ba kasi 'yan? Kilala mo ba siya?"
Napatingin ako sa babaeng 'yon nang tanungin niya 'yon kay Papa. Hindi ko akalaing sa ganitong babae niya ipinagpalit si Mama.
"H-Hindi." Hindi makapaniwalang tinignan ko si Papa nang sagutin niya ang tanong no'ng babae. "Hindi ko siya kilala."
Magkatitigan lang kaming dalawa ni Papa sa mga mata ng isa't-isa. Natigil lang 'yon nang higitin na siya no'ng babae paalis. Naiwan akong nakatayo lang do'n at nakatulala.
"H-Hindi. Hindi ko siya kilala."
Mapait akong napangisi. "Hindi rin naman kita kilala." Bulong ko.
Mahigpit akong napahawak do'n sa hawakan ng cart sa sobrang galit na nararamdaman ko para sa lalaking iniwan si Mama.
"Mr. Stalker?" Napalingon ako sa nagsalitang 'yon. At nang makilala ko kung sino 'yon ay nawala lahat ng galit na nararamdaman ko. "Ikaw 'yon, hindi ba? Ikaw yung nasa Southvill Park kahapon! Yung nagsketch sa'kin 3 years ago?"
Napansin kong nakasuot na naman siya ng pink na jacket. Mukhang 'yon din yung suot niya kahapon.
Napatango naman ako na parang wala sa sarili. "O-Oo, a-ako nga 'yon."
Muli kong nasilayan ang maganda niyang ngiti. "Sabi ko na nga ba ikaw 'yan eh!" Tinignan niya yung cart ko na wala pang lamang kahit ano. "Naggogrocery ka?"
Napatingin din ako ro'n sa cart ko. "Ahh o-oo." Muli ko siyang tinignan. "Ikaw? Ano'ng ginagawa mo rito? Namimili ka rin?"
"Obviously."
Napakamot naman ako sa batok ko dahil sa tanong kong 'yon.
Ano ba naman 'yan, Geo? Syempre nandito siya para mamili. Ano bang ginagawa sa grocery store? Tumatae?
"Gusto mo tulungan na kitang mamili?" Tanong niya saka lumapit sa'kin para tignan yung listahan na hawak ko. "Medyo marami 'to pero keri lang." Aniya saka ako nginitian.
"Uh b-baka maabala pa kita. Okay lang, kaya ko naman 'to." Giit ko.
Nakita ko ang disappointment sa mga mata niya sa sinabi kong 'yon. "O-Okay. Ahm, sige ah! A-Alis na 'ko."
Nginitian niya muna ako bago niya 'ko tinalikuran at naglakad paalis.
"Ahh, Belinda!"
Napatigil siya sa paglalakad at napalingon sa'kin. Gulat ang itsura niya at mukhang alam ko na kung bakit. Nakakagulat naman talagang alam ko ang pangalan niya.
"Ano'ng tinawag mo sa'kin?"
Bahagya akong napayuko sa hiya. "Ahh...B-Belinda?" Kumunot ang noo ko nang bigla siyang tumawa. "May nakakatawa ba sa sinabi ko?"
"Sorry!" Matapos niyang tumawa ay muli siyang naglakad palapit sa'kin. "Belinda is not my name."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "H-Hindi? Eh bakit—"
"It's Ali. Alison Marquez." Inilahad niya ang kamay niya sa'kin. "You are?"
Noong una ay nag-alinlangan pa 'ko pero nakipagkamay na rin ako sa kaniya.
"Geo. Geo Castillo."
Muli niya 'kong nginitian. "It was nice meeting you again, Geo."
"Gano'n din ako." Nakangiti ko rin namang tugon.
Niyaya na niya 'kong mamili ng mga nakalista sa listahang dala ko. Siya ang kumukuha ng mga nakalista habang ako naman ang nagsasabi sa kaniya no'n at nagtutulak no'ng cart. Sinama na rin niya yung bibilhin niyang isang kilong mansanas.
"Ang dami naman ng mga mansanas na 'to." Komento ko habang inilalagay ko 'yon sa cart ko. "Para saan ba 'to? Kakainin mo lahat 'to?"
Napansin ko ang pag-iiba ng ekspresyon ng mukha niya. "Sabi kasi nila, an apple a day keeps the doctor away. Ayoko magkasakit eh." Ngumiti siya pero hindi 'yon umabot sa mga mata niya. "Tara na, bayaran na natin 'to."
Nauna na siyang maglakad sa'kin. Ako naman ay saglit pa munang tinitigan ang likuran niya bago itinulak na yung cart at sumunod na sa kaniya.
Matapos naming magbayad ay lumabas na kami ng grocery store bitbit ang mga pinamili namin.
Napatingin ako sa kaniya nang makita kong mukhang nahihirapan siya sa pagdadala no'ng binili niyang mga mansanas.
"Gusto mo ako na lang magdala niyan?" Tanong ko sa kaniya.
Napatingin naman siya sa dala niya bago muling tumingin sa'kin. "Okay lang ba?" Nahihiya pa niyang tanong. Ngumiti naman ako at tumango. Kinuha ko sa kaniya yung dala niya habang bitbit ko yung dalawang supot din na pinamili ko sa kabila kong kamay. "Salamat."
"You're welcome."
"Pero hindi ka ba nahihirapan?"
"Hindi, sanay ako magbitbit." Pagsisinungaling ko.
Ang totoo niyan, nahihirapan na talaga ako. Pero hindi ko naman kayang hayaan na lang siyang bitbitin 'to mag-isa.
Naglakad kami papunta sa kalsada para pumara ng taxi. "Saan ba ang bahay niyo? Ipagpapara na kita ng taxi. Mauna ka nang sumakay."
"Sa Valley Village." Sagot niya.
"Do'n ka nakatira?" Tumango siya bilang sagot sa tanong ko. "Edi mayaman ka pala? Ang lahat kasi ng nakatira ro'n ay mayayaman, 'di ba?"
Nahihiya naman siyang ngumiti sa'kin. "Hindi naman masyado."
Magsasalita pa sana ako nang mapansin kong may parating na taxi. Pinara ko agad 'yon at agad naman 'yong tumigil sa tapat naming dalawa.
"Sige na, sumakay ka na. Papara na lang ako ng akin."
Binuksan naman niya yung pintuan ng kotse saka sumakay sa loob. Saka ko naman inabot sa kaniya yung pinamili niya.
Muli niya 'kong nginitian. "Thank you."
Ngumiti rin ako pabalik. "You're welcome. Ingat ka pauwi."
"Ikaw rin."
Sinara ko na yung pintuan ng kotse pero nang maisara ko naman 'yon ay siyang pagbaba ng bintana sa tapat niya.
"Bakit?" Tanong ko sa kaniya.
"Ahm, busy ka ba?" Nahihiya niyang tanong sa'kin.
"H-Hindi naman."
"P-Pwede ba tayong magkita ulit mamaya sa Southvill Park?" Hindi ko inaasahan na itatanong niya 'yon sa'kin kaya hindi agad ako nakaimik. "K-Kung ayaw mo—"
"Gusto ko." Pagputol ko sa sasabihin niya sana. "G-Gusto ko. M-Magkita tayo mamaya."
Muli ko na namang nasilayan ang mala-anghel niyang ngiti. "O-Okay. 4pm, Southvill Park. Sa dating pwesto. I'll be waiting for you there. See you, Geo."
"O-Okay. S-See you...Ali."
Nakita ko pa ang malawak niyang pagngiti bago niya itinaas yung bintana. Nang makaalis na yung taxi ay napangiti ako ng malawak. Pinagtitinginan na ako ng mga tao pero hindi ko matago yung nararamdaman kong saya ngayon. Para akong nanalo sa lotto o kaya naman sinagot na ng babaeng nililigawan ko.
Nagmadali akong makauwi. Kumain na rin ako ng tanghalian pagkatapos kong maayos yung mga pinamili ko. Hinugasan ko na rin ang mga pinggan at naglinis ng buong bahay.
Hindi ko alam pero parang sinisipag ako sa lahat ng bagay ngayon. Makikipagkita lang naman ako sa kaniya mamaya pero bakit ganito yung nararamdaman ko?
Matapos kong magpakasipag ay pumasok na 'ko ng kwarto para maghanap ng isusuot ko mamaya. Lahat ng damit kong pang-alis ay inilabas ko sa cabinet ko saka inilatag sa kama ko. Tinignan ko lahat ng damit ko kung alin ba ang maganda kong isuot mamaya.
"Teka, sandali. Hindi ka naman makikipagdate sa kaniya, Geo." Pagkausap ko sa sarili ko.
Inis akong napakamot sa ulo ko saka napabuga ng hangin. Pabagsak din akong nahiga sa kama ko at napatitig sa kisame.
Naimagine ko bigla yung mukha niya sa kisame nang tinanong niya sa'kin kung pwede ba kaming magkita ulit mamaya. Muli na namang sumilay ang isang malawak na ngiti sa labi ko habang iniisip ko 'yon.
"Nabaliw na siya."
Gulat akong napatingin sa pintuan ng kwarto ko at napabalikwas ng bangon nang makita kong nakatayo si Gin sa may pinto.
"Pambihira! Hindi ka man lang ba marunong kumatok?" Himutok ko sa kaniya.
"Kanina pa 'ko katok nang katok, 'no? Ikaw 'tong napakabingi." Nakasimangot naman niyang tugon sa'kin. "Hindi ko naman akalain na nababaliw ka na pala rito sa loob ng kwarto mo, Kuya. Tss!"
Sinimaan ko siya ng tingin. "Ano bang ginagawa mo ritong bata ka!? Ang aga pa ah! Ba't nandito ka na agad sa bahay? Hindi ba mamaya pang 5pm ang awas mo? Nagcutting ka, 'no?"
"Aba! Ang bait ko kayang estudyante para magcutting." Pagmamayabang niya na lalo namang nakapagpasimangot sa'kin. "Maaga ang uwi ko dahil may biglaang meeting daw ang mga teachers namin." Paliwanag niya. "Saka sabi ni Mama itanong ko raw sa'yo pag-uwi ko kung nagawa mo raw yung inuutos niya sa'yo kaya ako nandito."
"Nagawa ko na. Umalis ka na! Isara mo 'yang pinto ha?"
"Baliw." Pahabol pa niya bago tuluyang isinara yung pinto.
"Aba't—sa lahat ba naman kasi ng pagmamanahan ng ugali, sa lalaking 'yon pa talaga?"
Dahil sa sinabi ko ay muling bumalik sa isipan ko ang pangyayari kanina sa department store nang hindi sinasadyang magkita kami ng lalaking nang-iwan kay Mama para lang sa isang walang kwentang babae na mukhang pineperahan lang naman siya.
Bumuntong hininga ako saka pumikit ng ilang minuto. Nang magmulat ako ng mga mata, una kong nakita ang hindi ko pa tapos na painting ko ng mukha ni Ali nang makita ko siya kahapon.
I stared into her eyes in the painting. There I saw sadness again. Sadness that I don't know why it's written in her eyes. Sadness that I think she's hiding from people.
"Bakit ka malungkot?" Pagkausap ko ro'n sa painting. "Bakit palagi kong nakikitang malungkot ang mga mata mo? Tatlong taon na yung nakalipas, pero bakit hanggang ngayon ay malungkot ka pa rin? Ano bang dahilan niyan? Gusto kong malaman kung bakit hindi mo magawang maging masaya."
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama ko saka nakapamulsang lumapit do'n sa painting. Marahan kong hinaplos ang mga mata niya.
Why do I feel like I want to change that sadness in your eyes into happiness, Ali?
"Why am I feeling this way?"

Komentar Buku (128)

  • avatar
    ObiasRosemarie

    thats kinda great

    2d

      0
  • avatar
    Arc Hie

    need money

    28/07

      0
  • avatar
    Mi Les

    ilove it

    25/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru