logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

KABANATA 3

Nagulat ako nang may tumamang kung ano sa ulo ko kaya naman napatayo ako at agad kong napansin ang mga kaklase kong mahinang mga tumatawa.
“Mabuti naman at nagising ka na,” kalmadong sabi ng isang lalaki sa harap na sa tingin ko ay isa sa mga lecturer namin. “Balita ko ay bago ka tapos maabutan kitang natutulog,” sabi niya at umupo sa desk sa harap.
Napapakamot naman ako sa ulo ko at nakayuko dahil sa hiya.
“P-pasensya na po,” sabi ko at bahagya siyang sinilip at nakita ko namang pumaling ang ulo niya nang makita akong nakatingin sa kaniya. Hmp! ang pogi naman ng nilalang na ’to.
“Hija, silid aralan ’to hindi silid tulugan,” sabi niya at lumakas ang tawanan ng mga kaklase ko.
“Puyat ka!?” ranong ng isa kong kaklase na hindi ko matingnan dahil sa hiya.
“Ikaw? Papansin ka?” Mas lalong lumakas ang tawanan ng barahin ni Sir ang kaklase kong ’yon. “Tahimik! May sinabi ba akong tumawa kayo?” tanong nito na nakapagpatahimik sa lahat.
Uupo na sana ako nang bigla ulit siyang magsalita. “Pinaupo na kita?” tanong nito kaya naman tumayo ako at pilit na ngumiti rito. “I’m your class advisor. Bright Achlys Villarba,” pakilala nito at seryosong nakatingin sa qkin. “Just call me sir Aly,” sabi niya at tumango ako.
Aasta na sana akong uupo ulit ang kaso nagsalita na naman siya. “Hindi pa kita pinapaupo,” sabi niya kaya naman tumayo ulit ako ng deretso at tumingin sa kaniya. “Kung may balak kang matulog sa klase ko ay sabihin mo lang at papayagan kita, ’wag lang ’yong matutulog ka na lang ng basta-basta. Nakakawalang galang.” Nanlalaki naman ang mga mata ko na nakatingin sa kaniya.
“Ayos palang maging teacher to,” bulong ko.
“May sinasabi ka Miss Caleb?” tanong nito sa akin na ikinailing ko naman. “Okay, class dismiss,” sabi niya bago kunin ang mga gamit njya at dumeretso sa likod kung saan may isang parang cubicle.
Nagtayuan naman ang mga kaklase ko at kinuha ang mga gamit nila kaya gano’n din ang ginawa ko.
Kinuha ko lahat ng gamit ko at inilagay ’yon sa bag ko. Paglabas ko ay sumalubong na sa akin si Vanessa.
“Tara kain na tayo,” sabi niya at kumapit sa braso ko. “Kumusta naman ang klase mo?” tanong niya sa akin habang naglalakad kami.
“Ayos naman medyo napagalitan lang,” ani ko at kumamot sa ulo.
“Huh? Bakit naman?” takang tanong niya.
“Hindi ko kasi namalayang nakatulog na pala ako, dala na rin siguro ng pagod,” S
Sabi ko at muling humikab.
“Hay, dapat kasi nagpahinga ka muna. Dapat ay bukas ka na pumasok,” sermon niya sa akin.
Lumiko kami sa isang hallway kung nasaan ang hagdanan pababa.
“Sayang araw, lunes pa man din ngayon,” sabi ko na mahina pa siyang hinampas sa braso.
Nagk’wentuhan lang kami nang nagkwentuhan hanggang sa makarating kami sa cafeteria ng school.
Sabik na sabik kami sa isa’t-isa ni Vanessa dahil ang huling kita namin ay no’ng nakaraang buwan pa at dahil ’yon sa pagkawala ng lola Mina.
Tumingin ako sa menu ng mga pagkain at napalunok ako nang makita ang mga presyo nito, wala na akong pera at ang tanging kasya na lang sa pera ko ay tubig na bente pa ang halaga.
“Pumili ka na ako na ang magbabayad,” bulong sa akin ni Vanessa at agad naman akong umiiling.
“Nako! ’Wag na, magtutubig na lang ako at saka hindi naman ako gutom,” pagsasabi ko ng totoo.
“Ano ka ba, dalian mo na mahirap ang mag-aral na walang laman ang sikmura,” pagpupumulit ni Vanessa, tumanggi ako at sinabi niyang maupo na lang ako at siya na raw ang oorder kaya wala na akong nagawa kung hindi ang maghanap ng lamesa at umupuan na p’wede naming p’westuhan.
Kumaway ako kay Vanessa nang makita ko siyang hinahanap ako.
“Wait na lang natin ’yong order,” sabi nya at naupo sa katabi kong upuan.
“Salamat do’n sa pagkain, ha?” nahihiyang sabi ko ay mahina naman niya akong pinalo bago tumawa.
“Ano ka ba! Maliit na bagay lang ’yon,” sabi niya kaya naman nginitian ko siya.
Ang bait talaga ni Vanessa, may kaya ang pamilya niya kaya naman maganda ang buhay niya rito. Naka-uniform siya, may magandang sapatos, may magandang bag, maganda siya at matalino.
“Here’s your order, Ma’am.” Tinulungan kong maglapag ng mga pagkain si Kuyang waiter sa lamesa namin.
“Thank you po,” ani ko at yumuko naman siya bago umalis.
Sumubo ako ng pagkaing binili sa akin ni Vanessa, alam ko ang tawag dito chicken curry. Napapikit ako ng malasahan ito, masarap.
“Ang sarap,” sabi ko at napangiti naman ang kaibigan ko.
Pinagpatuloy namin ang pagkain namin habang nagkukwentuhan.
“Oo, naalala mo pa ba si Shasha ’yong nang-aaway sa atin no’ng bata pa tayo?” Tanong sa akin ni Vanessa at naalala ko naman ang mukha ni Shasha na mukhang chaka de joke lang.
“Oo naman, siya kaya ’yong tumulak sa akin no’n kaya subsob ako sa putik,” natatawang k’wento ko sa kaniya.
Nagpatuloy kami sa gano’ng sitwasyon hanggang sa....
“Hala!” Naiatras ko ang upuan ko dahil sa isang basong juice ang lumipad sa lamesa namin pero sa pag-atras ko ay naramdaman kong may nabangga ko at kasabay no’n ang pagkabasa ng ulo ko na parang may tumapon.
Tumayo ako at tinignan kung sino ang nasa likod ko at parang hindi naman maipinta ang mukha niya.
“Are you stupid— no you’re stupid!” inis na sabi nito at pinagpagan ang polo niya na nabasa run.
“Pasensya na,” sabi ko at kumuha ng tissue para sana punasan siya pero hinampas lang niya ’yon. Lalaki siya kaya naman nasaktan ako sa ginawa niya.
“Trinity...” Tumayo si Vanessa at tumabi sakin. “’Wag mong sasaktan ang kaibigan ko,” sabi ni Vanessa at nakipagtagisan nang tingin dito sa lalaking kaharap namin na tinawag nyang Trinity.
“Humingi na nga ako ’di ba ng pasensya, ikaw na nga lang ’tong tutulungan ko nananakit ka pa,” ani ko sa kaniya at pinanlakihan niya naman ako ng mata.
“Kung hindi ka ba naman kasi tat*nga-t*nga,” sabi nya na ikinaawang ng labi ko.
“Malay ko bang nand’yan ka!?” inis na sabi ko dahil grabe siya magsalita parang hindi babae ang kausap niya.
Kumuha ako ng tissue at inilagay ’yon sa ulo ko.
“Dapat kasi tumitingin ka sa aatrasan mo!” singhal niya rin sa akin kaya naman tumaas na ang kilay ko.
“Pasensya na, ha!? May nagbalibag kasi sa amin ng p*steng basong may laman na juice kaya umiwas kami!” sagot ko rito at naramdaman ko namang hinila ako ni Vanessa, tahimik ang buong cafeteria no’ng mga oras na ‘yon at lahat ng paningin ay nasa akin.
“Ang yabang no’n, ah,” sabi ko habang pinupunasan ng wet wipes ang buhok ko na bigay ni Vanessa.
“’Wag mo na siyang patulan, si Trinity ’yon.” Tinulungan niya akong punasan ang buhok kong nanlalagkit na dahil sa juice na tumapon sa ulo ko. “Bully ’yon, kaya ’wag mo nang patulan kung ayaw mong maging target niya,” aniya naikinakunot ng noo ko.
“Bully? Hindi oobra sa akin ang mga gano’ng tao,” sabi ko at sinuklay ang buhok kong makapal.
“’Wag mo ng patulan Zeles, magugulo lang ang buhay mo kung makakabangga mo siya,” sabi niya na ikinakibit balikat ko na lang.
‘Wala akong pakialam sa lalaking ’yon, kung hindi niya ako guguluhin ay maganda pero oras na guluhin niya ako ay hindi ko siya aatrasan.’
Nang maayos na namin ang buhok ko ay napagpasyahan na naming bumalik sa room namin dahil makapit na rin ang oras ng klase.

Komentar Buku (8)

  • avatar
    Jorie_Cutie01

    Hi Mr/Miss Author waiting po sa next updata🤧❤ ganda ng story😻❤

    04/06/2022

      0
  • avatar
    Recji Garcia

    nice Ang galing namn

    17/07

      0
  • avatar
    Rones Erich Dawn

    it's beautiful story

    10/04

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru