logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

KABANATA 2

Hindi ako nakagalaw sa kinakatayuna ko halos pigilan ko na ang hininga ko nang lumapit ang mukha niya sa akin.
“Opps, another target?” rinig kong sabi ng isa sa mga nanonood bago sila mahupa.
“Hay, bagong eksena na naman.”
“Siguradong hindi siya palalagpasin ni Thaddeus.”
“Nako, pabayaan mo na sila baka madamay pa tayo d’yan.”
“Hey? Zelestaire?” Nabalik ako sa ulirat ng makita kong kumakaway sa harap ko si Dark. “Pagpasensyahan mo na ’yong taong ’yon,” sabi niya at napapailing.
“S-sino ba ’yon?” ganong ko rito at huminga ng malalim.
“His one of my friend, Thaddeus,” sagot sa akin nito.
“Zeles,” tawag sa akin ng kaibigan ko na bigla na lang sumulpot. “A-ayos ka lang ba?” tanong sa akin nito kaya napangiti ako at tumango.
“Ayos lang ako, ikaw ang ayos lang ba?” tanong ko rito at pinagpagang muli ang namumuti niyang uniform.
“Oo naman,” sabi niya kaya ngumiti na ako.
“Nga pala Dark si Vanessa kaibigan ko, Vanessa si Dark nakilala ko,” pakilala ko sa kanila at nagkamayan naman sila.
“Bakit hindi mo sinabing darating ka ngayon? Sana ay nasundo man lang kita,” sabi ng kaibigan ko at kumamot naman ako sa ulo.
“Ano ba ayos lang ’yon at saka may pamasahe naman ako,” nahihiyang sabi ko sa kaniya dahil sobra na ang naitulong sa akin ni Vanessa, sa pagpapahiram pa lang ng perang pamasahe ay sobrang laking tulong na no’n.
“Ah, mukhang may kasama ka na Zelestaire. Una na ako may klase rin kasi ako ngayong umaga,” singit ni Dark sa usapan namin ni Vanessa.
“Sige, salamat nga pala sa pagsama sa akin sa pag-iikot dito,” sabi ko at kumaway bago magsimula na ring maglakad.
Sabay kaming naglalakad ni Vanessa dahil ang sabi niya ay magkatabi lang daw ang room namin kaya naman natuwa ako at hindi kami magkakalayo.
“Kilala mo na pala si Dark?” tanong niya sa akin kaya ngumiti ako sa kaniya at tumango.
“Oo, nakabunggo ko kasi siya kanina tapos ayon nagtanong siya kung gusto ko raw bang samahan niya ako sa paglilibot,” kwento ko sa kaniya na agad naman niyang ikinagulat.
“Ang s’werte mo naman Zeles,” nakangusong aniya kaya bahagya akong natuwa.
“Hindi naman, tao lang din naman siya na nabiyayaan lang ng sobra!” sabi ko at natawa kami.
“Pero alam mo ba si Dark ay sikat dito sa campus?” tanong niya na ikinagulat ko.
“Sikat? Bakit artista ba siya?” Tanong ko.
‘Kaya ba ganon na lang ang mga tingin sa amin ng mga estudyanteng nadaraanan namin kanina?’
“Oo, madaming nagpapantasya kay Dark, kaya naman nagulat ako ng makitang kasama mo siya,” sabi niya na.
“Eh?” Napamaang ako dahil sa sinabi niya, g’wapo nga naman si Dark. “Ikaw naman? Ano naman ang ginagawa mo sa lupa kanina?” tanong ko rito na ang tinutuloy ko ang eksenang naabutan ko kanina.
“A-ah, wala lang ’yon,” bamumulang aniya at bahagya pang yumuko.
“Sino ba ang lalaking ’yon at kung makaasta ay parang hari!?” Sa tuwing maaalala ko ang mukha nya ay nag-iinit ang ulo ko. Nakakabwisit!
Lumiko kami sa isang hallway kung saan may hagdanan, sa 3rd floor daw kasi ’yong room namin.
“Si Thaddeus ’yon, kaibigan ni Dark,” sagot niya habang namumula. May sakit ba siya at namumula siya? O siguro ay...
“Type mo?” tanong ko at mas lalo lang siyang namula na ikinailing ko. “Pangit mahalin ang mga gano’ng tao, mga walang modo,” sabi ko at nakita ko naman ang mga mata niyang nakatingin sa akin na mukhang nagulat. “Totoo ang sinabi ko, kung magmamahal ka ay siguraduhin mo ng kaya kang mahalin,” Dugtong ko pa at nakita ko naman siyang napayukong muli. Ayaw kong nakikitang nasasaktan ang kaibigan ko dahil parang nasasaktan din ako sa tuwing makikita ko siya sa gano’ng sitwasyon.
“Dito na ’yong room natin. D’yan ang sa’yo rito ang sa akin,” sabi nya kaya sumilip ako sa room na sinabi niyang sa akin, may mga tao na ro’n na sa palagay ko ay classmate ko.
“Sige, mamaya nalang ulit,” sabi ko at naunang pumasok sa room namin.
Pagpasok ko ay nahinto silang lahat sa pag-iingay at tumingin sabakin, sinipat nila ako mula ulo hanggang paa kaya naman pilit akong ngumiti at kumaway.
Kinakabahan ako baka kasi hindi nila ako magustuhan.
Tinignan lang nila ako bago bumalik sa mga ginagawa nila kanina at hindi na ako pinansin. Binaba ko ang kamay ko at naghanap ng bakanteng upuan na p’wede kong p’westuhan. Lumapit ako sa isang upuan na walang laman at mauupo na sana kaso nagsalita ang tao sa katabing upuan nito.
“Pasensya na may nakaupo na d’yan,” sabi niya at bumalik sa paglilinis ng kuko niya. Tumango ako at naglakad ulit sa may isa pang upuan na may katabing bakla siguro ’yon dahil sa pula ng nguso nito at sa hairband na nasa ulo nito.
“May naka—” Hindi ko pa man din nasasabi ng buo ang tanong ko ay sumagot na siya.
“Oo ’te may nakapwesto na d’yan kaya maghanap ka na lang ng iba,” maarteng sabi nito at inirapan ako.
Nakakita ako ng isang upuan sa may dulo, nag-iisa lang ’to sa dulo pero ayos na rin ’yon kaysa walang maupuan.
Inilagay ko ang bag ko at naupo, medyo nalula pa ako ng biglang gumalaw ito na parang hindi pantay ang mga paa. Sinilip ko ’yon at nakita ko na nakayupi ng bahagya ang paa nito sa may likod kaya napailing ako.
Arm-chair kung tawagin ang mga ganitong upuan at ang alam ko ay magaganda ang mga ganitong klaseng upuan pero mukhang ’yong sa akin pumangit.
Binalanse ko na lang ang pag-upo ko upang hindi bumaba ang paa ng upuan ko, inilibot ko ang paningin ko at napansin kong lahat sila ay nakauniform p’wera lang sa akin na naka-plain white t-shirt at isang jeans. Mukha rin silang mayayaman dahil sa mga ayos at mukha nila at ’yong mga bag nila mukhang mga mamahalin din dahil magaganda samantalang ’yong sa akin no’ng first year high school ko pa ginagamit dahil wala akong pambiling bagong bag.
Matibay naman ang bag ko na ’to kahit may kalumaan na at saka tinatahi-tahi ’to ni Lola pagnabubutas o napupunit ko.
Nakaramdam ako ng lungkot ng maalala ang lola kong sumakabilang buhay na nitong nakaraang buwan.
Tama ngang dito dapat ako sa likod dahil pangit tignan ang isang klase na lahat ay naka-uniform ay masisira ko lang, pero kahit na gano’n hindi ko minamaliit ang sarili ko dahil hindi ako pumunta rito para mainggit sa mga bagay na mayro’n ang iba na wala ako, nandito ako dahil gusto kong makapagtapos ng pag-aaral.
“Goodmorning 10-Saturn.” Nagtayuan ang mga kaklase ko ng may isang babae ang nasa harap sa table.
“Goodmorning Mrs. Herera,” bati ng mga kaklase ko na hindi ako nakasabay dahil hindi ko naman kilala ang isang ito.
“Please, take your sit,” utos nito kaya naupo ulit kami.
Tiningnan ko ang babaeng nasa harap namin, batang-bata pa ang mukha nito at katamtaman lang ang kaniyang pangangatawan. Maputi siya at masasabi kong maganda siya.
“Caleb? Zelestaire Kai?” Napatayo ako nang marinig kong tawagin ang pangalan ko.
“Y-yes po?” tanong ko at bahagya naman siyang ngumiti bago tumingin sanakin.
“Introduce your self, hija,” sabi niya kaya lumunok ako ng ilang beses bago magsalita.
“Goodmorning Everyone, I’m Zelestaire Kai Caleb, 17 years old. From Quezon Province,” nakangiting pakilala ko at ngumiti naman si Mrs. Hererra at sinenyasan akong umupo.
Nagsimulang magturo si Mrs. Hererra at natutuwa ako dahil ang galing niyang magturo, nakukuha ko agad ang mga tinuturo nya. Science teacher namin siya.
Napansin ko rin na active rin sa pagsagot ang iba kay naman mas lalo akong ginaganahan.
“Okay, that’s all for today,” sabi ni Mrs. Hererra bago magpaalam at umalis.
Humikab ako dahil nakakaramdam ako ng antok dahil hindi pa ako nakakapagpahinga ng maayos simula nang dumating ako kaninang ala una ng madalinga araw.
Medyo malayo ang naging byahe ko dahil taffic, tumuloy muna ako sa kaibigan ni Lola rito sa Maynila dahil hindi pa ako nakakahanap ng apartment na p’wede kong tirahan at syempre hahanap na rin ako ng p’wede kong pagkakitaan.
‘Totoo nga siguro ang sinabi nila na masarap mamuhay sa Maynila pero mahirap ang buhay.’

Komentar Buku (8)

  • avatar
    Jorie_Cutie01

    Hi Mr/Miss Author waiting po sa next updata🤧❤ ganda ng story😻❤

    04/06/2022

      0
  • avatar
    Recji Garcia

    nice Ang galing namn

    17/07

      0
  • avatar
    Rones Erich Dawn

    it's beautiful story

    10/04

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru