logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 6

EVERY last Sunday of the month, usual nang family get-together iyon ng mga Alcantara sa Claveria. And this particular sunny Sunday, sa bahay naman nila ngayon ang venue.
            Pero alam ni Karl kung bakit may interesting buzz ngayon kaya nagsilitaw yata halos ang buong angkan nila doon. Obviously, the wind blew the news na may nagpupugad, albeit, pansamantala sa kanila na ang pangalan ay Mutia Leilanie Aliga, ang ambisyosang dalaga na nagnanais maging alkalde ng sariling bayan. What makes the pot thicker was the fact that the resident playboy can’t make his move. Dapat alam ng mga ito na hindi naman bantay-salakay ang playboy na ito. Doon sa irony na iyon natatawa ang mga nakakaalam.
            At least, iyon ang impormasyong ipinasa sa kanya ni Aling Myrna. Dismayado siya roon. Pero may magagawa pa ba siya? Huli na yata para maituwid pa niya ang maling akala na iyon. Naging legendary na pala ang tag sa kanyang playboy.
            Nang umentra na nga si Mutia, dumaan bigla ang sangkatutak na anghel. Dito napukos ang atensiyon ng mga ito. She wore a simple floral dress na walang manggas. Sumasang-ayon iyon sa beach-themed get-together nila. May straw hat pa ito na naaadornuhan ng fake na sunflower. All healed na ito kaya parang kabubukadkad na bulaklak na naman ang aura nito.
            Napansin naman yata iyon ng dalaga. Tila tuloy na-freeze ito sa tangkang pagbaba sa dalawang baitang na na hagdanan papuntang garden area kung saan nakaayos ang mga mesa, upuan at buffet sets. Pansin niya ang pagkailang nito sa nakukuhang atensiyon kaya dagli na siyang tumayo mula sa grupo nilang magpipinsang lalake. Naglakad siya palapit dito saka pumalakpak para kunin nang buo ang atensiyon ng mga naroroon.
            “Hey, huwag niyo nga’ng tignan nang ganyan at baka matunaw na, oh.” May nagtawanan sa sinabi niya. “By the way, this is  Miss Mutia Leilanie Aliga. She’s one of us, people.”
            That broke the spell. Pero ang siste, biglang nagsitayuan ang mga binatang pinsan niya at nilapitan na si Mutia!
            Bigla tuloy siyang na-badtrip. Kahit naman magandang lalake siya at titulado, hindi rin papahuli sa kanya ang karamihan sa mga ito. Nagmukha tuloy siyang engot nang mayaya na ng isa niyang pinsan si Mutia kasunod ng iba at naiwan siyang nakatayo roong mag-isa.
            Lumapit sa kanya si Erlyn kalong ang babaeng one year old na anak nito. “Kasalanan mo. Dapat binakuran mo na agad pagbaba pa lang kanina ng hagdan. Now, all the bees are vying some attention from her, saan ka pa lulugar?”
            “Ano’ng ibig mo’ng sabihin?”
            Umirap ito. “As if. Kuya, huwag mo nang balaking mag-deny. Hindi ka nga yata tumitingin sa salamin sa mga nakalipas na araw, pero sa aming kapamilya mo, you are obvious. Gusto mo si Mutia.” At sinabayan na nito iyon ng talikod.
            Naasar naman ang isang itlog. Naiinis na napakamot siya sa ulo.
Kailangan niyang makagawa ng paraan.
 
ALCANTARA family is one big happy family. They are warm, hospitable, friendly and lovely bunch of people. Iyon ang napansin kaagad ni Mutia. Na-touch siya sa mainit na pagtanggap ng mga ito sa kanya. Bukal sa loob. Muli, umantak na naman ang sugat na ewan niya kung maghihilom pa. May panahon pa kaya na maramdaman niyang walang puwang ang kahungkagang iyon sa dibdib niya sanhi ng nangyari sa sarili niyang pamilya? Totoo, pinilit punuhan ng lolo at lola niya pero sa tuwina’y hindi pa rin nakakasapat. Pinipilit na niyang balewalain iyon. She tried her best. Hindi na nga niya iniiyakan ang katotohanang hindi na kailanman mabubuo ang pamilya niya. Subalit hindi pa rin pala siya makakaiwas. Sa gitna ng mga nabuo na niyang kasagutan sa utak niya para maliwanagan siya, hindi pa rin niya napapatawad nang tuluyan ang mga magulang.
            At kung hindi pa sa sunod-sunod na patawa at pag-i-imbita ng mga kabinataan doon at ibang mga oldies na sumayaw sila, kanina pa siya nag-e-emote sa isang tabi. All thanks to Karl who broke the ice for her.
            And speaking of that man, gabi na at pagod na siya sa kasasayaw pero hanggang sa mga sandaling iyon, hindi pa siya tinangkang isayaw. Parang nananadya pa ito, he keeps on bumping her pero tuwina’y mga oldies o kaya asa-asawa ng mga pinsan nitong lalake ang isinasayaw. Ang ibang pinsan nitong nagsama ng mga nobya’y malalakas ang loob na ipahiram din dito ang mga ito para isayaw. Pero hindi siya!
            In fact, nag-disappearing act na din mayamaya. Dismayadong-dismayado siya. Kaya nang akala niya’y wala nang nakakapansin sa kanya, lihim na din tuloy siyang tumalilis. Inalis ang sandalyas niya at binitbit na lang iyon. Nakapaang binaybay ang pasilyo pahantong sa gilid ng bahay kung saan may pocket garden doon na may wall fountain and pond. Nakahinga siya nang maluwag nang madatnan niyang walang tao doon. Umupo siya sa isang malaking bato na tumutunghay sa pond at minasahe ang sumasakit na paa.
            Muntik na siyang mahulog sa lagoon nang biglang lumitaw si Karl mula sa kung saan.
            “A-ano ka ba naman? Ginulat mo naman ako,” sita niya na napahawak sa dibdib.
            “Sorry. I didn’t mean to. Okey ka lang ba?” sabi naman nito na tumalungko ng upo, searching her face.
            Kung kanina, kabang-kaba ang dibdib dahil sa pagkagulat, iba na ang dahilan nu’n ngayon. All aware of the man again, her heart did an excited thud and dance merrily on its own beat. Tila naglahong bigla ang buong paligid at sila na lang ang naiwan doon.
            Napatingala siya rito. Karl seemed to make her bolder, iyon ang napansin niya lately. At hindi niya mawari kung tama iyon o mali. Hindi isang pagmamalabis kung sasabihin niya ngayon na may invisible electric charge na namamagitan ulit sa kanila. Hindi naman siya iyong tipong romantiko, pero sa ngayon, hahayaan niya muna ang lahat at titignan kung saan siya dadalhin ng pagkakataon.
            “M-medyo masakit lang ang paa ko.” Nag-stammer pa siya. “Pero okey lang. Nag-enjoy naman ako. I like your family.”
            “Thanks.” Ngumiti ito. “Akin na, hilutin ko muna ang paa mo.”
            “Naku, huwag na. Okey lang naman.” Iniiwas niya ang mga paa.
            “Please let me be, okey? Dahil pagkatapos nu’n, ako naman ang makikipagsayaw sa’yo.”
            “Oh…” Lihim siyang napangiti. Diwang na diwang bigla ang kalooban niya. Hindi rin siya nabigo! Pumalakpak ang tainga niya.
            Inabot na nito ang isang paa niya. Kung kanina, mabining kuryente lang, nang dumampi na nang tuluyan ang mga kamay nito at minasahe ang kanyang paa, pumutok na ang Bulkang Mayon at niyanig siya. May ganoon pala. Pinagtiim ang mga labi para mapigilan ang kahit anong ingay na maaaring umeskapo sa lalamunan niya. Napakapit siya nang mahigpit sa gilid ng inuupuang bato. Pinaghirapang apulahin ang kanyang paninigas at baka matulad siya sa inuupuan.
            Sa gitna ng paghagod nito sa paa niya, tumingala ito. Nagsalubong muli ang kanilang mga mata. Dapat ay umiwas siya dahil alam niyang magsidungawan na sa kanyang mga mata ang mga halo-halong emosyon. Pero nasa mata din nito ang emosyong dati nang nakita niya roon.
 Raw emotions. And they are tempting her.
Napalunok siya. At bago pa niya mauunawaan kung ano na ang nangyari, Karl stop the kneading altogether. Tinawid nito ang distansiyang nakapagitan sa kanilang mga labi at sinelyuhan ng halik. Walang tanung-tanong. Walang isip-isip. Sila lamang dalawa at ang nagyayari ngayon sa pagitan nila. Ginagad niya ang paghalik nito. Madaling matutunan ang paghalik subalit sa bawat pagkakataon ay parating bago ang damdaming ipinakikilala niyon, iyon ang natuklasan niya. Ang pagtibok ng puso niya sa antisipasyon sa maaaring kahahantungan niyon ay sapat para pagliwanagin ang buong bayan!
 Kumunyapit siya rito. Niyakap naman siya nang mahigpit.
Saka naman nila nadinig ang boses ni Aling Myrna, tinatawag siya. Awtomatiko siyang bumitaw kay Karl.
Tumatawag daw ang lola niya.
Nagkatinginan sila ni Karl. Kumikislap pa rin ang mga mata nito sa simbuyo ng damdamin habang siya’y naghahabol pa rin ng paghinga at pilit na inaapula ang pagtatakbuhan ng mumunting kuryente sa kanyang gulugod. Naliliyo siya. Pero nang kumilos si Karl, napahakbang na din siya palayo rito at napipilitang tinalikuran ito.
 
“’INSAN, paano ba ang tamang panliligaw?”
            “Huh..?” Nabitin pa sa ere ang bote ng alak na tinutungga ni Derrick sa tanong niyang iyon.
            Nasa balcony sila ng kuwarto niya. Inaya niya itong mag-inuman ulit sila matapos silang maghiwalay ni Mutia. Hanggang ngayon, dama niya ang umuukilkil na katanungan na iyon na parang gustong i-question kung ano ang nangyari kanina. Para kasi siyang naibitin nang patiwarik nang tuluyan siya nitong iniwan nang walang kaabog-abog.
            “Well…?” Tumaas ang mga kilay niya nang makitang kumurap-kurap pa ito. And then, he laughed out loud sukat para magsilingunan sa gawi nila ang mga taong nasa ibaba. “Mukha ba ako’ng nagpapatawa?” iritadong dugtong niya. Matigas ang mukha na ibinaba ang bote ng beer sa malapad na railings. Kapwa sila nakasampa roon on both ends pasandal sa dingding kaya magkaharap sila. Pati mga paa, nakapatong doon.
            Pinilit ni Derrick na sagkaan ang pagtawa. “Sorry, ‘Insan. Ginulat mo ko, eh. In fact, hindi din ako makapaniwala sa tanong mo. At bakit mo ako tinatanong ngayon? Sa ating dalawa, ikaw ang mas matinik sa babae. Dapat nga, ako ang nagtatanong niyan sa’yo.”
            “Basta sagutin mo ako,” may diing utos niya.
            Itinaas ni Derrick ang dalawang kamay sa kanya na parang sumusuko. “Hey, easy, man. Ano bang klaseng panliligaw ang nais mo’ng gawin? Matimtiman, maginoo, brusko, paspasan o baliktaran? Take your pick.”
            “’Yong kombinasyon ng dalawang nauna.”
            Nabulunan tuloy bigla ang pinsan niya. Dinalahit ito ng ubo. Napababa siya tuloy sa railings at tinagtag ang likod nito.
            “Serves you right,” ngisi niya rito.
            “O-okey, that’s enough,” sawata ng pinsan niya pero muli din itong napaubo. Pinunasan ang naluhang mga mata at ilong na nilabasan ng ininom. “Kung ‘yong dalawang nauna, mag-aasawa ka na.”
            Ngumiti lang siya nang makahulugan at humanda sa magiging paliwanag ng pinsan niya.
            Nauwi sa ngiwi ang ngiti niya nang matapos ito. “Pinsan, hinalaw mo ba iyon sa Noli Me Tangere ni Rizal?” reklamo niya.
            “Aba, sa ganoon iyon, eh. Dagdagan mo iyan ng pagsasalok ng tubig, pagsisibak ng kahoy, pagtulong sa mga gawaing-bukid at kung anu-ano pa. Magpaalila ka muna bago mo makamtan ang ligaya. At huwag mo din kalilimutan ang sangkaterbang dowry mo, ha?”
            “I-upgrade mo naman, ‘Insan. Iakma mo sa bagong panahon.”
            “Diskartehan mo na lang nang ayon sa sarili mong pamamaraan, ‘Insan. Kaya mo iyon, I’m sure of it. Matanong ko nga: sino na naman ba ang malas na dalagang nais mo’ng pasukuin at siyang dahilan ng lahat ng ito?”
            Binato niya ito ng tansan. “Ang baduy mo, ‘Insan, ha? Sobra ka. Hindi naman sila lugi sa akin, ah.” Iniliyad-liyad pa niya ang dibdib.
            Nagkatawanan sila.
            “Sino nga, ‘Insan? Nandiyan pa naman si Cindy unless umiral ulit ang pagiging playboy natin diyan.”
            “Si Mutia. And no, wala na kami ni Cindy, ‘Insan. Ngayon lang, hiningi niya ang kanyang kalayaan. O, di ibigay. Pero bago mo isipin  na panakip-butas lang si Mutia kaya gusto ko naman siyang suyuin ngayon, hindi rin. Siguro, hindi ko lang talaga totoong mahal si Cindy. But to be fair, pinahalagahan ko din naman siya. After all, naging mabuti naman siya sa akin in the course of our relationship.”
            “Sinasabi ko na nga ba.” Napalatak pa ito.
            “Hindi ko naman binabantay-salakay sa lagay na ito, Pinsan.” Defensive siya kaagad. “Kaya nga, nagtatanong na ako ng tamang panliligaw. Gusto ko nang gawin nang ayon sa tama mula ngayon. Ipinangako ko na sa sarili ko na hindi na ako magdadalawang sagwan. Ayokong makarma. Hihintayin ko lang na makauwi siya para makapagsimula na din ako.”
            “’Di ba taga-Calanasan, Apayao pa siya? Ang layo nu’n. Kaya ng power mo? Base sa nalalaman ko about Apayao, Calanasan, teritoryo iyon ng mga Isnag. Baka delikado ka doon.”
            “I did my homework. Matagal nang payapa ang lugar nila. Lalo na nang tuluyang maging regular province ang probinsiya nila. Ayon sa kasaysayan, namumugot sila. Gusto iyong patigilin ng mga Espanyol sa pamamagitan ng Kristiyanismo. Kaso inayawan nila. And then, a Spanish soldier abused an Isnag woman. Bilang ganti, may nangyaring himagsikan laban sa Kristiyanismo. Pinugutan ang isang pari at ginamit ang bungo nito sa isang lumang ritwal kung saan iyon na rin ang ininuman ng alak. Marami pang nangyari pagkatapos nu’n hanggang sa inabot pa ng pananakop ng mga Amerikano. Somehow, the headhunting activity was ended in 1913 after the Battle of Waga kung saan na-subdue ng Constabulary forces ang mga Isneg. Insurgency was also history. Peace-loving people na sila for so long kaya kahit iyong mga national government officials, labas-masok na sa probinsiya nila.”
            “Eh, paano mo titibagin ang language barrier sa pagitan niyo at ng mga taong nakapaligid sa kanya? Mahirap din iyon.”
            “Hindi naman isolated ‘yong lugar nila. Kung hindi mo napapansin, marami sa kanila ang lumalabas dito sa atin. Given that, di na malayong natutunan nila ang ating wika. Saka hindi naman big deal sa akin iyon. I can learn.”
            “Tsk. Wala na. Talagang seryosohan na ito. Magbuburles ka rin pagdating doon?”
            “’Tado! Inabot na sila ng makabagong takbo ng panahon. Tuwing may special occasions na lang yata iyon isinusuot. Sa mga lalake, abag ang tawag sa pang-ibabang kasuotan at badiyu ang pang-itaas. Sa babae, aken yong pang-ibaba, binayủbuan yong pang-itaas at laddung ‘yong sa head gear. Sibilisado na doon kaysa sa inaakala mo. First class municipality na nga ang bayan nila at wala na din sa listahan ang probinsiya nila sa grupo ng First 20 Provinces sa Pilipinas. Sign iyon na unti-unti nang nagiging progressive ang probinsiya nila. Lolo daw niya iyong dating alkalde sa bayan nila na dating gobernador din. Iyon siguro ang dahilan kaya hindi kataka-takang nagnanais din siyang pumasok sa pulitika.”
            “Buong bayan ang karibal mo kung ganoon, if ever.”
            “Okey lang. Kahit buong probinsiya pa,” determinadong saad niya.
            “Wow, Pinsan. Ikaw na!”
 
“BABABA ako bukas. Gusto ko ring makilala ang iyong kaibigan na nakituluyan mo diyan, apo. Gusto ko siyang pasalamatan sa kabutihang-loob nila sa’yo.”
            Iyon ang parting shot ng Lola Matilda niya matapos siyang tawagan para kumustahin.
            “Now, what?” tanong niya sa vanity mirror. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa harap nu’n at dumako na naman sa balcony. Pansin niyang kapag nag-iisip siya, parati siyang doon dumadako kagaya ngayon. Nag-thinning out na ang mga tao sa bakuran maliban sa mga staff ng kinontratang catering service na abala sa pagliligpit. Umuwi na ang ibang kamag-anak nina Karl pero may mga mag-o-overnight stay din.
            Tumunog ang cellphone ni Aling Myrna na hawak pa rin niya. Si Karl ang nagtext saying:
            Can I call? I wanted to hear your voice. I won’t invite you out na kasi gabi na rin. Ayokong mapuyat ka nang husto.
            Napangiti siya. ‘Di pa siya nakapag-reply, tumatawag na nga ito.
            “Hello?” bati niya, controlling the lilt in her voice at baka makahalata pa iyon na bigla siyang na-excite na naman.
            “Hi. Hindi ba kita nai-istorbo? Baka inaantok ka na. I won’t take your time a little longer total narinig ko na ang boses mo.”
            “Ilang babae na ba ang pinagsabihan mo ng ganyan?” paepek niya.
            “Would you believe kung sasabihin ko’ng ikaw pa lang?”
            “Ows? Playboy ka raw kaya. At least iyon ang narinig ko.”
            Tila ito nadismaya nang hindi kaagad nakasagot. Bumuntong-hininga si Karl sa kabilang linya. “So, you’ve heard,” tahimik na saad nito mayamaya.
            “Totoo iyon?” Dismayado din naman siya nang marinig niya iyon in passing sa umpukan ng ibang bisita nila Karl nang dumaan siya papuntang CR bago siya nagtuloy sa kanyang kuwarto para sagutin ang tawag ng lola niya. Pero she reserved her judgment until now.
            “No.”
            “Ano’ng nangyari sa nobya mo?”
            “Wala na kami.”
            May nagdiwang sa loob niya.
            “Bakit naman?”
            “Puwedeng akin muna ang sagot? I will tell you at a given time.”
            “No problem.”
            Dumaan ang katahimikan sa pagitan nila. Kung di pa sa audible na paghinga nito sa kabilang linya, iisipin niyang tinapos na nito ang tawag.
            “Mutia?”
            “Hmmm…?”
            “Can I kiss you goodnight again? I will come at your door.”
            Nanlaki bigla ang kanyang mga mata. Dagli siyang napaupo sa naroong upuan at baka mag-hyperventilate siya. God, how his kiss could wreak a havoc all over her! Parang hindi na niya kayang pangatawanan ang pasya niyang tignan kung hanggang saan hahantong ng sitwasyon nilang iyon. Kasasabi lang ni Karl na wala na sila ni Cindy, ayaw niya naman maging panakip-butas kung sakali sa lagay na iyon. Paano kung naglalaro lamang ito? Papatulan ba niya?
            Napailing siya. Kailangan niya munang umiwas. She can’t tempt the fate just now. Baka mag-backfire, masasaktan lamang siya.
            Pikit-matang tinapos niya ang tawag. Daglian siyang tumayo at halos patakbong nilapitan ang pinto at ini-lock.
 

Komentar Buku (8)

  • avatar
    Gianna Sta Maria

    Must read

    17/07

      0
  • avatar
    r Yn

    Kakdjvjdjskdkfkfkffkfkfkfkfkfjfjfjfjfjfjfjfjvvmcmcmcmcmcmcmcncncncc sndjfjcj jsjfjcv jsjdjf

    21/06

      0
  • avatar
    JoevedJoeven

    nice

    27/11

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru