logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 5 Five

Since vacant time naman, balak kong pumunta sa cafeteria. Bibili lang ako ng water dahil nauuhaw ako.
"Hello, Avlyn! Ibabalik ko na pala sa'yo. Thank you!" Inabot sa akin ni Johaina ang notes ko na hiniram niya no'ng isang araw.
"No problem." Muli siyang nagpasalamat bago umalis. Inilagay ko na muna sa bag ko ang notebook. Matapos ilagay ay tuluyan na akong lumabas.
Pero kung mamalasin ka nga naman. May humarang na naman sa akin na tatlong clowns, este, ang tatlong babae na tinambangan ako sa banyo no'ng party.
"Ano na naman ba?! Alam niyo sa kakaabang niyo sa akin ay iisipin ko talagang lesbian kayo at ako talaga ang bet niyo." Tumaas na naman ang kilay nila.
Tanggalin ko kaya ang mga kilay nila na halatang tattoo lang.
"Akala mo ba titigilan ka na namin porket niligtas ka ni Raven? Of course not! As long as you're here in this university, we won't stop
beating you." As if I'm scared, bitches.
Magsasalita pa sana ako nang may biglang umakbay sa akin. Tumingala ako upang malaman kung sino 'to.
"Avy! Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap." Ha?
Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Pero nakangiti lang siya habang nakatingin sa akin. Binalingan niya ng tingin ang tatlong babae sa harap namin.
Tagong-tago ang inis nilang tatlo dahil nandito si Gavin. Pero obvious naman sa mga mukha nila.
“Hi, Girls! May problema ba rito?” Ngumiti sila kay Gavin tapos umiling-iling.
“Wala naman, Gavin. Anyways, we have to go. See you around!” Kumaway sila kay Gavin tapos nang mapadako ang tingin sa akin ay pinanlakihan lang ako ng mata tapos sabay-sabay umikot ‘yun bago sila tumalikod.
Napailing-iling na lang ako at tumingin kay Gavin nang tuluyan na silang umalis.
“Bakit mo nga pala ako hinahanap?” tanong ko sa kaniya. Tila naman napaisip siya sa tanong ko.
Ha?
“Oh yeah! May ibibigay pala ako sa’yo.” May kinuha siya sa bulsa niya tapos iniabot ito sa akin.
‘Yung bracelet ko.
“Sorry I forgot to give this to you yesterday. May inasikaso kasi ako sa isa kong subject.”
Hay salamat! Sinuot ko na ang bracelet at siniguradong nakasuot ng maayos.
"Seems like that bracelet is so important for you." Ngumiti ako at tumango. Lahat naman ng bagay na binibigay sa akin ay pinapahalagahan ko talaga.
"Yeah! This bracelet was given to me by Dylan when they migrated to States. Besides, ugali ko nang pahalagahan lahat ng bagay na binibigay sa’kin." Napangiti naman siya ro’n. Mayroon pa nga siyang sinabi pero sobrang hina kaya hindi ko na narinig.
“Sa’n ka pala pupunta?” Oo nga pala! Nakalimutan kong nauuhaw pala ako.
Posible ba ‘yun? ‘Yung tatlong clowns kasi na ‘yun ang may kasalanan.
“Bibili ng tubig sa Cafeteria.”
“Really? Great! Doon din punta ko kaya sabay na tayo.” Talaga ba?
All of a sudden? Tumango na lang ako at sabay na kaming naglakad papuntang Cafeteria.
Nanatili lang kami ni Gavin ng mga ilang minuto rito. Parang sira kasi, bumili ba naman ng pagkain. Kaya kailangan naming ubusin ‘yun, mabuti na lang at thirty minutes ang vacant ko. At siyempre mabuti na lang wala masyadong students, kung hindi ay malilintikan na naman ako sa fans nila.
“I’m sorry, Gavin. But I really have to go. Malapit na kasi mag-start ang next class ko.” Ngumiti naman siya at tumango.
“No problem, Avy. Ihahatid na kita.” Mabilis naman akong umiling bilang pagtanggi.
“There’s no need, Gavin. Malayo pa ang room ko, mapapagod ka lang. Sige alis na ako. Thank you sa food at dito. Bye!” I’m referring to my bracelet.
Tumayo na ako at tuluyan nang umalis. Kahit naman mabait si Gavin sa akin at mukha naman siyang harmless, ang fans niya naman ay harmful.
“Kay bago-bago mo lang malapit ka na agad sa kanila? Ano ba’ng pinakain mo sa kanila? Oh yeah! You’re using your connection to Dylan. What a shame!” Here we go again.
Bahala sila r’yan ma-stress sa issue na ‘yan. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad at hindi na inalintana ang tatlong babaeng nakasunod sa akin. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay humarang na sila sa harap ko.
“Kinakausap ka pa namin! Napakabastos mo naman.” Maang-maangan lang ako na tila clueless sa sinabi nilang kinakausap daw nila ako.
“Kinakausap niyo pala ako? Sa pagkakaalam ko kasi kapag kinakausap ang isang tao dapat harapan. Likod ko yata kausap niyo, kaya lang hindi kasi sumasagot ang likod ko.” Mainis pa kayo, ‘yan ang gusto ko. Nakakairita na kasi kayo.
Nagulat ako nang may umakbay na naman sa akin. Gosh! Sino na naman ba ‘to?
“Avlyn! Tara sabay na tayo pumasok.” Oo hindi na si Gavin dahil si Payton na.
Diyos ko! Pati sa kanila mai-stress ako.
“Anyways, Girls. We have to go, baka kasi ma-late na kami sa class namin. Bye!” And with that ay hinila na niya ako. Agad ko na rin tinanggal ang pagkakaakbay niya sa akin.
Masyadong natuwa? Badtrip.
“See? If we just let them, they won’t stop beating you. Even if they already hurt you at the party, that won’t stop them from doing that again. Hindi sila titigil hanggang sa mag-drop out ka.” Ano naman kaya ang gustong iparating ng lalaking ‘to?
“Wala akong paki sa kanila, hindi nila ako mapapaalis dito. Kahit pa ilang beses nila akong i-bully, that won’t also stop me from staying here,” matapang kong sambit na ikinakibit-balikat niya lang.
Sino ba sila para mag-drop out ako rito sa school? No one can kick me out of this school, not even those clowns.
“Isa lang naman ang way para hindi ka nila masaktan.” Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.
“Ano naman ‘yun aber?” Muli siyang nagkibit-balikat at tumingin sa akin.
“Stop isolating yourself from us. Sumama ka sa amin palagi.” Ha? Is he trying to make me laugh?
Did he already forget why those clowns are eager to kick me out of this school?
“Are you kidding me, Payton? Kayo nga ang pangunahing rason kung bakit ganoon na lang ang galit ng clowns na ‘yun sa akin.” Hindi porket kinakausap ko na sila ng matino ay close na kami.
If I keep myself connected to them, my life will never be at peace in this school.
“The safer base is ours. Kung gusto mong hindi ka galawin ng kalaban, manatili ka sa kung saan ang kahinaan nila. Nakita mo naman siguro ang reaksyon nila nang dumating ako. Hindi ka nila magalaw.” May point naman siya, kasi ganoon din kanina nang si Gavin at si Raven nang gabing ‘yun.
Pero kasi…
“I'm getting your point, Payton. Pero hindi naman pwedeng sa buong taon na gugugulin ko rito sa university ay magtatago lang ako sa inyo. I should face my enemies, kahit sugo pa ‘yan ni Satanas.” Matapos ko iyon sabihin ay nauna na ako at iniwan siya, malapit na rin naman ang room.
Anong gusto niya? Gamitin ko sila para maging panangga sa mga clown na ‘yun? Hindi naman pwedeng mangyari ang bagay na ‘yan. Ang best way pa rin talaga ay iwasan ko ang cause kung bakit nila ako tinutugis, as much as I can. Pero iyon na nga ang ginagawa ko, kaya lang sila naman itong kusang lumalapit.
Kapag ako talaga nainis ay mag-f-file ako ng TRO sa korte para hindi nila ako magalaw o malapitan man lang. Joke! Wala na nga kaming pera tapos may kaso-kaso pa akong nalalaman. Hay naku talaga, Avlyn!
“Miss Pilapil! Pay attention to the class.” Shit! Gano’n na ba talaga kalalim ang iniisip ko? Nag-sorry na lang ako kay Ma’am at nagsimula nang mag-focus sa discussion niya.
Hindi pa ako nagtatagal sa university na 'to, para bang may pagsisisi na akong nararamdaman. Malay ko bang maraming sugo ng masamang nilalang ang nag-aaral dito.
Nang matapos ang klase ay inayos ko na ang gamit ko. Dadaan ako sa library para ibalik ang librong hiniram ni Gavin para sa akin. Manghihiram din ako ulit ng libro dahil isa akong hampas-lupa at walang pambili ng libro. Ang mahal kaya!
Nahanap ko na ang librong hihiramin ko pero nasa itaas na naman. Wala kasing ladder dito kaya paano ko ito kukunin? Gayunpaman, pilit ko pa rin itong inaabot pero nagulat ako nang may lumitaw na kamay at kinuha ito. Kaya naman umikot ako para makita kung sino ang kumuha.
"Hi, Avlyn!" Nakangiti siya at kumaway pa. Inabot niya sa akin ang libro, kaya naman kinuha ko ito.
"Totoo ba ito? Hindi ka naughty ngayon?" Bahagya naman siyang natawa sa sinabi ko.
"Well, I think there's nothing wrong for being a good boy sometimes, right?" Good!
Nagkibit-balikat na lang ako sa sinabi niya.
"Himala hindi ka nagtataray sa akin ngayon." I chuckled.
Mabait naman ako sa mabait.
"Wala rin namang rason para tarayan ka. Besides, you helped me get this book without your naughtiness. Anyways, thanks for this." Ngumiti naman siya at tumango saka sumagot nang, "No problem."
Sinimulan ko nang maglakad upang humanap pa ng hihiramin. Pero nagulat ako sa kaniya nang humarang siya sa harap ko tapos inabot ang kamay niya.
"So…pwede na ba tayong maging friends?" Bahagya akong natawa muli at tinapik ang kamay niya.
"Gain my trust first, Calvin. For me, friendship is a special thing." He shrugged and then smiled.
"Nakalimutan ko, kakaiba ka nga pala. Okay! I'll prove you that I'm sincere." May pag-wink pa ang Kuya mo.
Talaga ba, Calvin?
"Ewan ko sa'yo, Calvin. Alis na ako. Thanks ulit dito." Kumaway siya sa akin, ako naman ay tuluyan nang umalis.
Matapos mahiram ang libro ay umalis na rin ako dahil kailangan ko nang pumasok sa café.
Honestly, day by day ay unti-unti kong nare-realize na hindi naman masama ang grupong 'yun, except that boastful monkey. Pero feel ko kasi kapag hindi ako lumayo sa kanila ay mas lalong hindi matatahimik ang college life ko.
Sapat nang si Dylan na lang. Besides, he's already a friend of mine since then.
"Talaga, Bal? Naku! Kung ako ikaw ay talagang sinabunutan ko na ang mga babaeng 'yon. Kagigil!" Binatukan ko nga, ang oa talaga minsan ng loka-lokang 'to. Masyado talagang palaban ang babaeng 'to, simula pa noon.
Kaya napakaraming kalaban nito sa previous school namin.
"Hayaan na natin 'yun, Bal. 'Di sila worth it pag-stress-an." Agad naman din siyang sumang-ayon.
Ipinagpatuloy na lang namin ang ginagawa namin. Pumasok ako sa stock room para kumuha ng mga bagong baso at paper bag. Pero nagulat ako sa nadatnan ko paglabas ng stock room.
"Dylan?" Kumaway siya sa akin, o sabihin na nating silang lahat maliban kay Raven.
Oo kumpleto sila rito.
"Hi, Avs!" Ngumiti na lang ako at kumaway tapos inilagay na muna ang mga baso at straw sa dapat paglagyan.
"Napadako yata kayo rito sa shop?"
Malamang, Avlyn! Coffee shop yata ito.
"Definitely not for you." Umikot ang mata ko at tumingin sa tukmol na nagsalita.
"Definitely I'm not talking to you, Sir." Kahit kailan talaga napaka-epal nitong lalaking 'to.
"You just mentioned the word kayo. So definitely I'm part of it." My eyebrow raised.
Hay naku, epal!
"My bad. Akala ko kasi alagang unggoy ka lang nila. Pasensya ha? Matino lang kasi ang kinakausap ko." Nginitian ko siya nang may pang-aasar. Halatang-halata na ang inis sa mukha niya, pero tawang-tawa lang ang mga nasa paligid namin.
Binalingan ko na lang sila Dylan na inaasar pa rin si Raven.
"Anyways, for sure naman kaya nandito kayo ay para um-order 'no?" Baka kasi kung saan pa mapunta ang usapan at magwala na si Raven dito sa loob ng shop.
"Actually, no. Gusto lang talaga namin masaksihan ang bangayan niyo ni Raven. Natutuwa kasi kami kapag bars siya lagi. Kidding aside!" Bahagya na lang akong natawa sa sinabi ni Gavin habang naiiling-iling pa.
Um-order lang sila ng cake at drinks kaya naman inasikaso na agad namin ito ni Karen.
"Bro, why not invite Avlyn to our party next Saturday?" Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Payton. Kasalukuyan ko kasing ginagawa ang drinks nila.
Bale narinig ko lang.
"Oo nga 'no. Avs, join us! We're throwing a party at Raven's private resort. You can also come, Karen." Bigla namang na-excite si Karen sa sinabi ni Dylan.
Ako naman ay medyo nag-aalinlangan.
"Not sure if I can come, Dy." Actually I can but I don't want to come.
"It's fine! Hindi ka naman kailangan do'n." Nakisabat na naman ang tukmol na 'to.
"Pwede ba? H'wag kang sasabat kung hindi ka naman kausap. Napaghahalataan kang kulang sa pansin." Nakakabanas talaga ang bwisit na 'to. Feel ko ang dami ko nang nabubuong tawag sa kaniya. Bwisit kasi!
Tumayo na si Calvin at Payton saka tinulak palabas si Raven.
"Bro, una na kami sa labas. Pasmado na naman kasi bibig nitong si Raven. Anyways, Avlyn! Sama ka na." Lumabas na sila nang tuluyan matapos sabihin iyon ni Calvin.

Ibinigay na namin ang mga order nila sa kanila.
"Don't mind him, Avy. Mas masaya kapag nandoon ka," nakangiting sambit ni Gavin, labas pa ang malalim niyang dimples.
Talaga ba?
"May ilang araw pa naman para mag-isip, Avs. Ako na bahala sa kanila Tita, papayag 'yun for sure." Gagamitin na naman niya ang charms niya sa magulang ko.
"Hope the two of you will be there." After that, nagpaalam na sila.
Pag-iisipan ko pero ewan ko kung oo ang magiging desisyon ko. Napatingin ako kay Karen na nakatingin sa labas, glass kasi ang pader ng shop.
"Bal, sama tayo!" Ayan na po! Alam kong mangyayari 'tong pilitan na 'to.
"Not sure, Bal. Kung gusto mo pumunta, ikaw na lang. Nandoon naman si Dylan." Napanguso naman siya sa sinabi ko.
Paniguradong araw-araw akong pipilitin ng babaitang 'to. Kailangan ko na yata ng ear piece.
"Bal, ikaw naman talaga ang gusto nila makita ro'n. I'm just invited para pumunta ka." Ayaw ko pa rin naman kahit pa nandiyan si Karen.
I just don't want to stay in a place where they are around.
"I'll think about that, Bal." Tumango naman siya.
Wala pa kaming masyadong customer ngayong oras kaya hindi kami masyadong aligaga.
"Anyways, Bal. Ang gwapo talaga nila 'no? Tapos mababait pa, liban lang sa kaalitan mo. Napaka-harsh gwapo pa naman sana." Hindi naman na ako kokontra pa. Pero h'wag lang niya sasabihin sa mga lalaking 'yun.
Baka lumaki ang ulo, lalo na ang unggoy na 'yun.
"Pero alam mo, Bal? Feel ko talaga may gusto ang Raven na 'yun sa'yo. Feel ko lang naman." Aba!
'Yan ang hindi ko kayang sang-ayunan.
"Ang lalaking 'yun? Naku, Bal! Kailangan mo na nang bagong pandama. Imposible 'yan mangyari dahil sa sama ng ugali no'n." Napakalakas nga mang-insulto, napaka-matapobre pa.
Imbyerna.
"Hindi mo sure, Bal. Marami na akong napanood at nabasa na nagsimula sa away ang pag-ibig nila." Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Masyado na siyang kinain ng sistema ng reel world.
Diyos mi'o!
"Naku, Bal! Kinain ka na talaga ng sistema. Pati ba naman 'yan ikukumpara mo sa life ko? Reel life is different from real life." Bakas naman ang kalituhan sa mukha niya dahil sa sinabi ko.
"Pareho namang real life ang sinabi mo, Bal." Tinampal ko nga ang noo niya.
Kaloka ha!
"Reel as in r-e-e-l life is far different from real as in r-e-a-l life. Hay naku naman, Bal!" Nagkibit-balikat lang siya tapos sumandal sa counter.
"Whatever it is, Bal. My point is, hindi natin alam ang tunay na tumatakbo sa utak niya. Maybe being harsh to you is just his way for you to notice him." Ayan na nag-iilusyon na naman siya.
"Ewan ko sa'yo, Bal! Wala akong masabi sa imaginations mo. Gawa ka na lang kaya ng story, layo ng naaabot ng utak mo. Malayo sa realidad," sambit ko habang na-iiling-iling pa.
Ibinalik ko na lang ang atensyon sa dapat gawin. Sakto may dumating nang customer.
"Be my girlfriend." Shit! Bakit ba bigla na lang pumasok sa isip ko ang kabaliwang sinabi nang lalaking 'yun sa akin?
Inalog-alog ko na lang ang ulo ko para makalimutan ang kung anong tumatakbo sa utak.
Takte talaga!

Komentar Buku (74)

  • avatar
    Romel Arquisola

    ♥️♥️♥️♥️♥️♥️

    10d

      0
  • avatar
    Josef Patryk Mandac

    good

    17/08

      0
  • avatar
    Lykamae Yu

    love the friend

    28/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru