logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 1

NAPAPITLAG NA LAMANG si Emira sa tunog nang bumagsak ang tangan niyang espada sa lupa habang tulala sa kawalan. Hingal namang yumuko ng bahagya ang ulo ng kawal na kaniyang kalaban upang humingi ng paumanhin sa pagtangka nitong pagsalakay sa ulo ng prinsesa. Nakaamba na itong hatiin ang ulo sa gitna at tapusin ang buhay. Mabuti na lamang ay isa iyong pagsasanay. Kung hindi ay baka totoong wala na siyang buhay ngayon.
            "Pasensiya na mahal na prinsesa. Hindi ko sinasadya," hinging pasensiya ni Dominador, ang punong maestro sa pakikipaglaban.
            Hindi makapaniwalang tinignan ni Emira ang punong maestro at tila gustong ipahiwatig nito na hindi siya natuwa sa ginawa nito.
            "Muntik mo na'kong tanggalan ng buhay kanina, Dominador," nanginig sa takot ang punong maestro. Alam nilang parte iyon ng pagsasanay kaya kumpiyansa si Dominador na hindi nito iindahin ng prinsesa ang mga personal niyang atake ngunit mukhang iba ang araw ngayon para sa prinsesa. Tila wala ito sa hulog na pagbigyan siya sa naging kapangahasan niya sa gitna ng kanilang pagsasanay.
            "Ano na lang mararamdaman ng mamamayan ng Aldepania kung mawawalan sila ng susunod na punong-estado?" muling yumuko si Dominador upang humingi ng paumanhin.
            Ang mga nakabantay na kawal at mga tagapag-silbi ay nanunuod at lahat ay nanginginig sa takot sa maaaring ipag-utos ni Emira sa maaaring gawin sa punong maestro bilang kaparusahan. Lahat sila ay nakaabang. Madalas makipagbiruan ang prinsesa sa kanila sa gitna ng mga pagsasanay nito ngunit gaya ng napansin ni Dominador, tila iba ang araw na ito para sa prinsesa.
            Sa kabilang banda, gustong-gusto na ni Emira bumunghalit sa tawa dahil sa reaksiyon na kaniyang nakikita sa mga tagapag-silbi niya. Madalang mangyari na nagkakaroon ng seryosong pagsasanay sa pagitan niya at ng mga punong tagapagsanay niya dahil hangga't maaari ay ayaw niyang gawan ng takot sa dibdib ang kaniyang mga tao.
            Sinadya niyang tila magpapataga sa kaniyang ulo upang pagkatuwaan ang mga kawal at tagapagsilbi na naroon. Gusto niyang makita kung mayroon pa bang takot ang mga ito sa kaniya. Hindi niya gusto na mamuhay ang mga ito sa takot kapag nasa paligid siya ngunit gusto pa rin niyang malaman kung nandoon ba sa mga ito ang pagtanggap sa kaniya bilang bagong punong-estado ng kanilang bansa.
            "Biro lang!" malakas niyang sigaw at ngumiti ng napakalawak. Ang kaniyang dalawang kamay ay magkasalikop sa likod at dali-dali siyang nilapitan ng dalawang tagapag-silbi. Isa upang punasan ang kaniyang pawis habang ang isa ay hawak ang isang payong. Tila nakahinga ng maluwag ang mga nandoon sa pinagdausan ng pagsasanay.
            Tinapik niya sa balikat ang punong maestro, "Mahusay ang iyong ipinakita. Umaasa ako na ibabahagi mo ito sa mga susunod na hukbong sandatahan ng ating bansa."
            Magaan ang kaniyang ngiting iginawad sa matandang tagapagsanay bago naglakad patungo sa pahingahan kung saan tanaw pa rin ang pinagdausan ng pagsasanay. Naupo siya sa kaniyang bakanteng upuan doon at napasingkit ang kaniyang mga magagandang mata habang nakatanaw sa kaniyang pinagsasanayan dahil sa init.
            "Akala namin ay talagang sineryoso mo ang ginawang atake ni Dominador sa iyo," nangangambang sambit ng pinakamatandang tagapag-silbi ni Emira na si punong Graciana.
            Sinalubong naman niya ito ng ngiti habang panay ang paypay ng ilang mga dalagang tagapag-silbi sa kaniyang tabi.
            "Magaling si Dominador. Nagagalak ako na mayroong katulad niya sa aking konseho kapag naisalin na sa akin ang posisyon,"
            "Higit sa galing sa pakikipaglaban, katapatan ang kailangan mo, hindi ba?" paalala ng matanda. Tumango siya. Sa ngayon ay nahihirapan siyang kuhanin ang loob ng konseho para sa katapatan sa kaniya ngunit hindi siya susuko para roon. Malayo-layo na rin ang narating ng kaniyang paghahanda bilang bagong punong-estado ng kanilang bansa. Hindi ang mga ito ang magpapatinag sa kaniya upang bigyan ng pagbabago ang kaniyang masasakupan.
            Hindi na lamang siya sumagot. Matagal na si Dominador sa kanilang pamilya. Hindi niya masabi kung kanino ba ang katapatan nito. Maaaring tapat ang matandang tagapagsanay sa kaniyang ama, ngunit kung papalitan na ba niya sa puwesto ang hari ay ganoon pa rin ba ang tagapagsanay na ito? Maaaring bumaliktad ang tao sa nais nito dahil maaaring magkaiba sila ng hangarin, ngunit sa palagay niya, mabuti ang kaibutaran ng puso ng punong tagapagsanay ng sandatahan. Tahimik ang matanda ngunit mukhang matalino rin mag-isip at alam niyang ang matandang ito ay makakapili kung saan dapat ibigay ang katapatan.
            "Hindi man lang pinansin ng kahit sino ang maling paghawak mo ng espada kanina," napalingon sa gawing kaliwa si Emira ng marinig ang pamilyar na boses ng isang lalaki.
            Ang kaninang magaan niyang mga ngiti ay mas napalitan ng mas malawak at mas maaliwalas na silay. Pati ang mga naroon ay hindi maiwasang mapangiti dahil sa ganda na iginawad niya sa kaniyang kapatid.
            Napalingon din siya sa mga tagapag-silbi na tila kinikilig sa pagdating ng kaniyang kapatid na si Silas. Ang nag-iisa niyang kapatid.
            Sino nga bang hindi kikiligin kay Silas? Bukod sa pinagpala ito sa itsura, kilala rin itong mabait sa kahit sino. Ang magkapatid na Sullivan ay kilala sa pagiging mababait na prinsisa at prinsipe. Tila walang kayang ipintas ang kahit na sino sa magkapatid. Bukod sa mabait, may mga angking talino at kakayahan pa ang mga ito.
            "Masama ka pa rin humawak ng espada. Ilang taon mo ng pinag-aaralan na humawak niyan," naiiritang napanguso si Emira. Marunong naman siyang humawak ng espada. Hindi nga lang singgaling nito.
            "Alam mong mas mahusay akong humawak ng baril kaysa sa espada," umaksyon pa ang mga daliri ni Emira na tila bumabaril ito sa kawalan at sinisipat ng kaniyang mga mata ang tila target nito. Gumawa pa ito ng tunog na akala mo ay natamaan ng kaniyang pakay.
            Mahusay sa paghawak ng baril si Emira. Kahit nakapikit ay asintado ang kaniyang babarilin. Kahit ibon sa malayo ay nagagawa niyang asintahin. Ang kaso, hindi pa sibilisado ang Aldepania. Sobrang mapanganib ang tingin ng konseho sa baril, kaya naman ang kaniyang pagsasanay ay parating patungkol sa mga patalim.
            “Kailangan mong matutunan humawak ng espada, Emira. Ang bilis ng iyong pagkilos ang magdidikta kung hihinga ka pa sa mga susunod na segundo," paalala ng batang Sullivan.
            Buntong hiningang ibinaba ni Emira ang kaniyang mga daliring nakapormang baril at muling sinipat ang mainit na malawak na pinagsasanayan niya kanina.
            “Kung bilis lang din naman ang pag-uusapan, mas mabilis didiktahan ng baril kung papalag pa ba ang kalaban mo. Segundo ang kayang kuhanin ng espada, ngunit mili segundo ang kaya ng baril."
            "Alam mong hindi sasang-ayunan ng Sandatahang Hukbo ang mga baril," kumibit-balikat si Emira at tumayo. Pinagpag niya ang kaniyang mahabang kasuotan at nilingon ang kapatid na mayroong malawak na ngiting nakapaskil sa kaniyang mga labi.
            "Sa ngayon. Pasasaan ba at maiintindihan nila na mas lalakas ang ating hukbo kung sasanayin natin ang mga kawal na humawak nito," tinapik niya sa balikat ang kapatid. "Huwag kang mainip. Nagsisimula pa lang naman ang lahat."
            Iniwan ni Emira ang kapatid doon na ang tanging nagawa ay bumuntong hininga ng malalim. Kilala niya ang nakakatandang kapatid. Hindi natatapos sa kaniyang mga salita ang nais nitong makamit.
            TIRIK ANG ARAW mula sa hardin ng lumabas si Cassius mula roon hawak ang tatlong mapupulang rosas na kaniyang kinuha kanina habang wala pang araw. Nais niya itong ibigay sa kaniyang kasintahan na tatlong araw na niyang hindi nakikita dahil isinama ito ng kaniyang ina sa paglalakbay mula sa malayong lugar ng Grebanio. Balik nito ngayong hapon kaya naman namitas siya ng mga rosas.
            Tinanghali siya ng pamimitas ng bulaklak dahil nakatulog siya sa ilalim ng malaking puno na kaniyang paboritong tambayan. Madalas ay nandoon siya sa tuwing gusto niyang takasan ang ama sa utos nito o 'di kaya ay sa mga panahong gusto niyang mag-isip.
            Napahinto ang kaniyang paglalakad ng mayroong isang dalaga ang humarang sa kaniyang daan hawak ang isang tela na nakahugis kahon. Agad niyang nahinuha na isa iyong regalo.
            "Magandang araw, prinsipe Cassius," bati ng dalaga habang nakayuko. Bahagyang iniyuko ni Cassius ang ulo bilang paggalang sa dalaga.
            "Magandang araw rin, binibini. Anong maipaglilingkod ko sa iyo?" kaniyang tanong.
            Madalas siyang harangin ng mga kababaihan. Hindi naman lingid sa kaniyang alam na maraming kababaihan sa kanilang bansa ang umiibig sa kaniya. Bukod sa anak siya ng kasalukuyang hari, hindi rin maitatanggi ang kaniyang angking kakisigan at kagwapuhan. Pati, siya ang susunod na hari ng kanilang bansa.
            Matagal nanahimik ang dalaga. Nakayuko ito at napansin niyang unti-unting humihigpit ang hawak nito sa bagay na kaniyang tangan. Tumaas ng bahagya ang kaniyang isang kilay. Alam niyang ibibigay sa kaniya ng dalaga ang regalong hawak ngunit ayaw niyang pangunahan ito.
            "Binibini?" kaniyang tawag sa atensyon nito. Mabilis namang nag-angat ang babae na mayroong kaba sa mga mata nito.
            "Ako si..." simula nito. Napalunok pa bago magpatuloy. "Si Marianna. Anak ni konseho Martin."
            "Ikinagagalak kong makilala ka, Marianna," muling yuko niya bilang pagtanggap sa pagpapakilala nito. Pag-angat niya ng kaniyang ulo ay bahagyang gumuhit ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Iyon lang ba ang nais mong sabihin?"
            Sa taranta ng dalaga ay naiunat niya ang kaniyang mga braso habang inaabot ang regalong hawak. Tumama ito sa dibdib ni Cassius dahilan para mapatingin siya roon at nanlaki ang mga mata ng dalaga. Agad-agad ibinaba ng dalaga ang kaniyang binibigay at humingi ng tawad habang nakayuko ang katawan.
            "Hindi ko ho sinasadya, prinsipe Cassius," kabado at tarantang sabi nito. Nanginginig ang kaniyang boses pati ang katawan.
            Kilala si Cassius sa pagiging strikto nito bilang isang prinsipe ngunit kapag ito ay naging mapaglaro ay nakakalimutan nitong isa siyang prinsipe. Hindi ugali ni Cassius na gamitin ang kaniyang titulo upang manakot ng tao. Ang totoo ay hindi naman talaga niya ramdam na isa siyang prinsipe. Nararamdaman lamang niya iyon tulad na lamang ng kung paano siya tratuhin ng dalaga na nasa kaniyang harap.
            "Ayos lamang, binibini. Ngunit gusto kong ipabatid sa iyo na hindi ko matatanggap ang ibinibigay mo. Hindi tayo magkakilala. Pati, walang dahilan upang ako'y iyong bigyan ng bagay na iyan."
            Agad namutawi ang pagkataranta sa mga mata ni Marianna, "Ngunit... ginawa ko ito para sa'yo, mahal na prinsipe! Hin... hindi naman kailangan ng dahilan para bigyan ka. Gusto ko lamang magbigay."
            Umiwas ng tingin ang prinsipe at itinanaw ito mula sa malayo. Hindi rin niya napigilang magpakawala ng malalim na buntong hininga dahil nahihinuha niyang ipipilit ng dalaga ang ibinibigay nito.
            "Makinig ka, binibini," usal nito sa kausap at tinignan itong muli ng diretso sa mga mata. "Hindi ko nais makatanggap na kahit na anong regalo mula sa kahit na sinong dalaga." Muli itong huminto at mas pinag-igi ang pagtitig dito. "Hindi magugustuhan ng aking kasintahan."
            Tulala ang dalaga nang iwan siya ng prinsipe sa hardin. Napanganga rin ito sa sinabi nito. Maraming bali-balita na ang prinsipe ay lapitin ng babae ngunit ni isa ay wala itong kinumpirma. Marinig mismo sa bibig nito na mayroon itong kasintahan ay tila isang malaking bombang sasabog ngayon sa Grebanio.
--

Komentar Buku (31)

  • avatar
    NicaFarah

    for just an money

    7d

      0
  • avatar
    Harry Velasco

    ang Ganda ng kwento

    24d

      0
  • avatar
    Vianne Mae Provido Calauod

    nice story and i like it

    08/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru