logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 7 Aidan Ethan Sanchez Shallei Herrera De Leon Ayecka Faye De Leon Sanchez

Still Shallei PoV
Chapter 7
Kapag nagmahal ka dapat handa kang masaktan.
Parang pangarap lang, dahil oras na makuha muna lahat nang mga pangarap mo, handa ka din dapat kung sakali man na mawawala ito sa'yo.
Para sa akin, palagi kong sinasabi sa sarili ko na walang tumatagal sa mundo.
Hindi lang relasyon ang hindi tumatagal kundi madami ang hindi tumatagal.
Gaya ng mga pangarap ko, naging kampante ako noon na ito na, nakamit ko na at nakakamit ko pa ang iba, kaso bigla na lang nawala sa isang iglap na hindi ko man lang pinaghandaan at inaasahan.
Buhay nga naman parang life.
Kung kailan nakakamit ko na ng paunti-unti, paunti-unti din palang nawawala sa akin ng palihim.
Kasalanan 'to ni Yvonne.
Speaking of that bitch! Kamusta na kaya siya? Patay na kaya siya? Sayang naman hindi man lang ako nainform. Pupunta sana ako sa lamay at libing niya.
Hindi ninyo kilala si Yvonne, pwes ipapakilala ko sainyo.
Si Yvonne, siya lang naman ang kontrabida sa buhay ko, sa lahat, at higit sa lahat ang nang ahas sa lalaking minahal ko, at ito naman tangang lalaki nagpaahas, nagpatuklaw, nagpadala sa tukso kaya naman ang ending magsama silang dalawa sa buhay nila! Well, sabagay bagay naman silang dalawa kaya hindi na ako mangingialam sa buhay nila.
"Bakit antagal mo?" umirap ako nang palihim dahil sa walang kuwentang tanong niya.
Malamang natagalan ako! Alangan naman na magmadali ako. Edi matatapon ang kape.
May mga kamay at paa naman kasi siya, bakit kailangan pa niyang mag-utos kong kayang kaya niya naman.
Kalma ka lang, Shallei.
Kabaliw din itong lalaking ito ah, akala mo naman kung sino. Halur! Ex ko lang naman siya, LANG talaga. Punyeta siya!
"I said make a coffee." madiin na saad niya para maipaglapat ko ang aking mga ngipin.
Anchoosy naman nang lalaking ito.
Ano bang pinagkaiba ng lasa ng kape na galing sa despenser at sarili mong gawa? Di'ba mananatili pa din naman na kape 'yun.
Ang arte-arte niya ah, sabagay anak mayaman ba naman.
Nakakainis lang!
Bakit ba kasi siya ang boss ko? Boss kong napaka-arte at akala mo kung sinong makaastang hari.
Kape lang iuutos pa niya sa akin, Grabehan ba hah?
"Sir, dapat nilinaw ninyo ng ayos." inis na saad ko sa kanya para mapaharap siya sa akin na umiigting ang panga.
Ewan ko kung galit ba siya o hindi. Hirap sabihin kung ano ang exapresyon nang mukha niya, basta guwapo siya, 'yun na 'yun! No more explanation at baka humaba pa ang usapan. Basta ang arte niya.
"Anong hindi maayos sa sinabi kong gawan mo 'ko ng kape?" tanong niya at napairap na naman ako.
Dami niyang alam.
"Kape naman 'yan, Sir." sagot ko naman at bigla na lang nagdilim ang mga paningin niya na akala mo naman papatay at akala mo naman may ginawa akong masama sa kaniya,
"Tell me. What do you want from me?" napataas ako nang kilay sa tanong niya, at ano naman ang sinasabi niya?
Ang gulo niya ah. May bipolar disorder ba siya?
"I don't know what are you talking about, Sir." mahinahon na sagot ko naman sa kanya.
Akala niya hindi ko siya lalabanan? I don't care if he is my boss, mali pala, I care pala.
I need this for my daughter, at hindi ko talaga alam kung magtatagal pa ako sa trabaho at kung ano man ang puwesto ko ngayon dahil mukhang naiinis ko na siya na hindi ko alam.
Dapat kasi naghinay-hinay ako sa kung ano man ang inilalabas ng bibig ko. Hayan tuloy mukhang hindi pa ako magtatagal sa trabaho ko, mukhang masisisante na.
"This is your plan. I am right?" mas lalong napataas ang aking kilay sa kaniyang sinabi.
At ano na naman ang sinasabi niya? Anong plano-plano na 'yan? Nababaliw na ba talaga siya? Nakatakas ba siya sa mental? Hindi ba siya nakainom ng gamot niya? Mas baliw pa siya sa baliw dahil sa mga pinagsasabi niyang hindi ko alam at ako'y naguguluhan.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo, at hindi ako nandito dahil diyan sa sinasabi mo." mahinahon na sagot ko sa kaniya at may sumilay naman na ngiti sa kanyang labi pero hindi ako nagpatinag o nag paapekto man.
Dahil kilala ko siya, at alam ko minsan ang tumatakbo sa isip niya. Mabuti na lang at hindi nadapa 'yung mga tumatakbo sa kaniyang isipan.
"If you want a play with me, pagbibigyan kita. Siguraduhin mo lang na makakayanan mo ang larong ginawa mo."
Play? Ano kami mga bata para maglaro nang sinasabi niya? I don't know what he's talking about. Mukhang may saltik na ata talaga siya sa utak.
Pacheck up ko na ata siya at baka lumalala pa ang personal disorder niya, grabehan na talaga.
Why he can't inform me about him disorder? Baka matulungan ko pa siya, hindi 'yung magtatago pa siya sa kabaliwalan niya.
I don't have anytime to play with him. Mas mabuti at maganda na kung anak ko na lang ang kalaro ko kesa sa kaniyang baliw na.
"Hindi ko talaga alam ang sinasabi mo, kung nababaliw ka na 'wag mo 'ko idamay diyan sa kabaliwalan mo. May ipag-u-utos ka pa ba?" mahinahon na saad at tanong ko sa kanya at mukha naman siyang natauhan.
Kung hindi siya baliw, mukhang sinapian siya na ewan.
Nako, bahala siya sa buhay niya!
Malaki na siya, at sino ba ako sa buhay niya para pakialaman siya at manghimasok sa buhay niya?
Ex niya lang naman ako na niloko at iniwan niya dahil sa kontrabida sa buhay namin at sa pagmamahalan naming dalawa.
Bakit ko ba iniisip 'yun?
Past is past na nga.
Ano ba!
Past is past na nga pero naalala pa din ang past at binabalikan.
Mga taong marurupok

Komentar Buku (9)

  • avatar
    NudaloYulanda

    500

    13/04

      0
  • avatar
    Anna Dela Cruz

    sobrang ganda

    18/01

      0
  • avatar
    MacaspacSarah Jane

    thank u

    22/10

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru