logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 2 Aidan Ethan Sanchez Shallei Herrera De Leon Ayecka Faye De Leon Sanchez

Still Shallei PoV
Chapter 2
Lahat kumpleto na. Ang susuotin ko kumpleto na. Hindi ko akalain na binilhan pa ako ni Aling Pasing, hindi ko siya kaano-ano, hindi ko siya kamag-anak o kung ano pa man, pero napakalaki nang utang na loob ko sa kanya dahil kung hindi dahil sakaniya baka wala na ako at ang anak ko ngayon sa mundo.
Tuwing maaalala ko ang mga nangyari sa akin noon naiiyak na lang ako dahil hindi ko sukat akalain. At parang panaginip lang sa akin lahat na nangyari sa akin 'yun, pero kahit na anong gawin ko ay nangyari talaga sa akin ang mga 'yun.
Ayoko ng balikan dahil sobrang naaawa ako sa sarili ko lalo sa anak ko na nakaranas nang kung ano-ano na. Sa murang edad niya dapat hindi niya nararanasan ang mga ganito, dapat naglalaro siya sa labas at nakikipaglaro sa kung kanino, pero hayun pa ang isa kong problema.
Isang beses na pinayagan ko siya ay paulit-ulit siyang nilagnat at dun ko nalaman na mahina ang immune niya, mahina ang katawan niya, kulang siya sa dugo at kailangang masalinan, pero wala pa akong sapat na pera. Napakasakitin niya kaya naman sobrang maalaga ako sa kanya ng sobra, mahirap, pero kailangang kayanin kasi nakayanan ko na lahat ito pa kaya, kahit na anong mangyari gagawin ko ang lahat para lang maprotektahan ko ang anak ko, balang araw magagawa niya din ang lahat ng gusto niyang gawin. !gunit hindi pa ngayon dahil mahirap pa ang sitwasyon naming dalawa at kailangan din niyang magingat.
Andaming nangyari sa akin sa limang taon na ang nakalipas pero tandang tanda ko pa din ang lahat ng mga nangyari sa akin, at halos hindi ko na nga maisa-isa lahat, syempre biro lang 'yun, dahil hindi ko malilimutan ang lahat nang hirap ko simula nang niloko ako nang lalaking minahal ko nang sobra.
Kamusta na kaya siya? Kahit pa-paano naman ay may pakialam pa din naman ako sa kanya kasi siya ang ama nang anak ko, pero wala akong balak na ipaalam sa kanya dahil unang-una sa lahat ay ayaw kong makasira nang pamilya.
Pero hindi naman porket na gano'n ay wala na siyang karapatan kay Ayecka, may karapatan siya, pero wala pa akong balak na ipaalam sa kanya ang tungkol kay Ayecka, mas mabuti na muna ang ganito para walang gulo dahil iniiwasan ko din 'yun para sa anak ko at para na din sa sarili ko.
Alam kung malalagpasan kong muli ang mga ito dahil pagsubok lang naman ang mga ito, nalampasan ko na noon, kaya naniniwala akong malalampasan ko din lahat ngayon.
"Aba, magbihis ka na." napabuntong hininga ako nang mahina atsaka sumunod sa sinabi ni Aling Pasing, "Kinakabahan ka?" tanong niya at tumango naman ako lumapit siya sa akin at hinaplos ang aking buhok, para sa akin.
Pangalawang Ina ko na si Aling Pasing, hindi dahil sa mga naitulong niya sa akin, kundi dahil sa kabaitan niya. Alam kong makakabawi din ako sa lahat nang naitulong niya sa akin, hindi nga lang sa ngayon, pero alam kung balang araw masusuklian ko lahat nang tulong niya sa amin nang anak ko.
Para lang kaming mag-ina, pero minsan para kaming magkaibigan lang mag-usap at gumagaan ang pakiramdam ko kapag nag-u-usap kami na parang mag bestfriend lang.
"Normal lang 'yan, Iha, pero isipin mo ang anak mo, Anak." napatigil ako at napatingin sa salamin at gano'n na lang ang gulat ko nang nakatingin din pala siya sa akin nang nakangiti.
Parang may humaplos sa puso ko nang marinig ko ang tinawag niya sa akin, ngayon ko lang ulit naramdaman ang saya at sarap nang pakiramdam nang tawagin niya akong Anak,
"P'wede po bang Inay na lang ang itawag ko sainyo?" nahihiyang saad ko at nawala din 'yun ng haplusin niya ang buhok ko at ngitian ako nang malapad.
"Oo naman, alam mo bang matagal ko nang marinig iyan mula sa'yo, pero hindi kita pinangunahan dahil hinayaan kita kung saan ka komportable."
"Al- Inay, maraming salamat po talaga sa pagtulong ninyo sa akin," napabuntong hininga muna ako at nagpatuloy sa pagsasalita "Kung hindi po dahil sainyo... siguro wala po kaming mag-ina ngayon, siguro wala po ang anak ko ngayon na nagbibigay sa akin nang lakas para magpatuloy sa buhay." pinaharap naman niya ako sakaniya atsaka pinunasan ang aking mga mata gamit ang kanyang mga daliri.
"Walang anuman, Anak. Danas ko ang mga ilang naranasan mo kaya naman awang-awa ako sainyong mag-ina. 'Wag ka lang marupok kapag nakita mo ang ama nang a-"
"Inay naman!" reklamo ko at napanguso na lang ako, dahil hayan na naman ang linya niya.
Hindi naman ako marupok e,
"Binibiro lang naman kita." mas lalo akong napanguso dahil sa kanyang sinabi.
Hindi magandang biro.
"Hindi naman ako marupok 'nay e," depensa ko.
"Ay siya kung ganoon, magbihis ka na at baka malate ka pa sa unang araw mo. Balita ko pa naman ay may pagkamasun-"
"Inay naman e," tinawanan niya lang ako sa pananakot niya sa akin atsaka ako iniwan kaya naman mas napanguso na lang ako.
Imbes na patatagin ang loob ko dahil kabado bente na talaga ako ngayon dahil unang araw ko agad ito sa trabaho bilang sekretarya ko, pero ano, pinapakaba niya lang ako lalo imbes na i-cheer up.
Ano kayang mangyayari sa akin sa unang araw ko? Sana naman mali si Inay, atsaka ano naman kung masungit ang boss ko? Edi ilalabas ko din ang kamalditahang taglay ko, bakit sila lang ba ang p'wede? No way! P'wede din akong magmaldita.
Nag-ayos na ako nang sarili ko at hindi ko pa nakilala ang sarili ko dahil sa suot kong palda na medjo maikli. Nakit hindi ako sanay? Ganito ba talaga kapag antagal nang hindi nagsusuot nang ganito? Pero infairness... feeling ko bumalik ako sa dating ako ah.
Sinuot ko din ang binili sa akin ni Inay na sandals na three inches at sanay naman ako sa mga ganito. Nakasuot din ako nang medjo up shoulder na damit na pinatungan ng blazer.
Perfect!

Komentar Buku (9)

  • avatar
    NudaloYulanda

    500

    13/04

      0
  • avatar
    Anna Dela Cruz

    sobrang ganda

    18/01

      0
  • avatar
    MacaspacSarah Jane

    thank u

    22/10

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru