logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 2

Padabog kong inilagay ang kutsara sa plato pero 'di ko nalang ipinahalata. Lalaki lang 'to.
"She's suicidal ate, paniguradong may dinadalang problema iyong tao."
Mahinahon kong saad. Kailangan kong pigilan ang sarili ko.
"Sus may depression-depression pang nalalaman! Aminin niya nalang that she's being dramatic to gain fame. Para kaawaan siya ng marami."
Irap pa niya.
I sighed. 'Di nalang ako nagsalita.
Kahit ano namang sabihin ko they can't understand other people's pain. They can't understand that depression must be treated.
And everyone is vulnerable to have such, no one is excepted.
"Kung sa bagay, you're a psychology student. Hindi ko maiimagine in the future that you'll be treating crazy people. Baka kung ano pa bang sakit sa utak ang makuha ko kapag ako nasa posisyon mo."
Padabog akong tumayo at walang pasabing lumabas.
Kahit ano pang sabihin ko sa pamilya ko, sila pa din talaga ang tama at sa paningin nila palagi akong mali.
That's how they defined a person, by just seeing kung ano ang nakikita nila sa'yo sa labas iyon na 'yon.  Without knowing your pain, they acted like they know everything about you.
Ang hirap maki sabay sa mga taong hindi pareho ng paniniwala sa buhay.
Kahit nakakapagod silang intindihin wala akong magawa kundi gawin ang pag intindi na never nilang pinaranas sa buong buhay ko.
Pumara ako ng jeep at sumakay.
I sighed. Ang ganda-ganda ng gising ko eh! Nakaka pangit talaga ang bungad sa'king ng pamilya ko.
"Oh sino pang hindi nag babayad diyan, mag bayad na kayo!"
Sigaw ng driver.
Kinapa ko ng kinapa ang wallet ko sa bulsa ng mapansing naiwan ko nga pala sa kwarto ko 'yon.
Pa'no ako nito makaka bayad?
Hinalungkat ko pa bag ko, nagbabaka- sakaling may tig pi-piso akong naitira pero wala.
"Nahihiya talaga ako sa mga makakapal ang mukhang hindi pa nagbabayad diyan."
Sarkastikong usal pa niya.
Gusto kong isigaw sa harap kay manong driver na magbabayad naman ako kung hindi ko lang naiwan ang wallet ko sa bahay. Kainis!
Maluha luha akong tumingin sa driver at ang nakaka hiya pa ay pinag titinginan ako ng mga tao! This is so unsettling!
Gusto ko nalang magpa lamon sa lupa ngayonnn huhu.
"Bayad po manong para sa kanya."
Sa saya ko at may tumulong din sa'kin ay sinundan ko ang pinang galingan ng boses. Iniligtas niya ako sa kahihiyan hihi.
My mouth parted in shock after noticing that it was Grey. He smile wildly as if matagal akong hindi nakita.
I shyly smiled after gaining my sense.
"Nakakatampo ka naman, ngayon mo lang ako pinansin."
He even pouted! Even how I find him cute, I remained silent at inilagay sa likod ng tenga ko ang buhok kong nalilipad ng hangin.
"Thanks, naiwan wallet ko noh, makaka bayad naman ako."
Bulong ko sa kanya.
"I know."
He laughed.
Kahit anong inis ko kanina, nawala dahil lang sa pagtawa niya. Ganito na ba ako karupok para mahulog lalo sa kanya?
"Nasaan nga pala kotse mo? Bakit ka nag jeep?"
Tikhim ko ng mapansing pinag titinginan na kami ng mga tao, lalo na sa mga babaeng katapat ko lang. From here kitang-kita ko kung paano sila kiligin.
Sana isipin nila na mag jowa kami noh para 'di na sila nakiki tingin sa kung ano ang akin.
Heh! Kadidir talaga ang sarili ko pag dating sa lalaking 'to. Kung ano-ano nalang ba naiisip.
But he's the only man that makes me feel this way.
"Nasiraan ako."
Tugon niya.
Napangiti ako ng may nabubuo na namang kababalaghan sa isip ko. Sana sinabi niya nalang na nasiraan siya, sa akin..
"Sabay ulit tayo mag lunch mamaya, susunduin nalang kita sa room niyo after class."
Aniya pagka pasok namin ng gate.
"My treat, you liked the food I bought yesterday?"
I nodded. He pats my head before we seperated ways. Nasa 3rd floor pa ang department nila at kami ay nasa 1st.
"PDA masyado kayo Mira!"
Sam shouted as I entered the room. She's the only girl friend I had here since my college started. Kakilala ko lang 'yong mga classmates ko pero hindi super close like gano'n sa'min ni Sam.
"Walang PDA do'n Sam tigilan mo ako."
I ghost a smile. Alam kong lahat ng nakakakita sa amin ang iniisip ay kami But we both knew the answers.
Minsan naririnig kong tinatanong ng mga ka batch mates ko ang lalaki if we are officially dating, tinatawanan niya lang.
Umaasa ako na sana, na sana one day he would ask me to go on a date. Kaso parang bato lang talaga ang presensya ko sa kaniya.
"Sus! Gusto mo naman! I know, kaya lagi ko kayo shini-ship dalawa eh." At nag finger heart pa talaga siya.
Nagsi upuan ang lahat ng dumating ang teacher namin sa first subject. After exchanging good morning's, natahimik na ang lahat ng magsimulang magsalita ang guro.
"Ah by the way, who's the president here?"
She asked and I raised my left hand.
"Presidents of every department is asked to have a meeting. Sorry for informing you late. You can go now."
Saad niya pa.
Matapos mag paalam sa guro ay dumiretso na'ko sa door 5, room for meetings na para sa students lang talaga. Sa door 6 naman ang sa mga teachers.
'Di ko talaga maiwasang mamangha nang maglakad ako sa hallway. Kahit I'm on my 3rd year na, feels like freshmen pa rin ako. Sa laki ng university na pinapasukan ko dito sa Cebu, nalibot ko 'to lahat as I am one of the SA here or Student's Assistant.
As I entered the place, dali-dali akong umupo dahil ako na lang daw ang kulang.
"We knew that finals and school fest are coming. So we need to plan this beforehand."
Panimulang saad ni Miko. He's from the department of Engineering.
Nag take note nalang ako sa mga planong nai su-suggest at need pa itong ipasa sa school head for approval. It took us two hours for suggestions, organizing and finalizing the ideas, dinismiss na din naman kami after.
"Oh tapos na kayo?"
Bungad ni Sam pagka upo ko and I nodded.
"Sayang wala ka, hinahanap ka ng paborito mong teacher."
Sabay tawa niya.
"Baka ako kako ang paborito niya."
We both laughed at tumahimik din ng dumating ang sumunod na professor.

Komentar Buku (192)

  • avatar
    Steven Bantilan

    thank you

    1d

      0
  • avatar
    AmilhasanJameson

    salamat po

    4d

      0
  • avatar
    Justine Joel Higona Rodriguez

    100

    8d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru