logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 5 : First Slap

                      Cia POV 
Katulad ng ginagawa ko sa araw araw. Ay maaga na naman akong nagising para ipagluto si Drex ng makakain.
Dahil di ako nawawalan ng pag asa na baka balang araw ay sasabay din siyang kakain sa akin.
Ng matapos ko ng maihanda ang mga naluto ko na. Tutungo na sana ako sa taas ng makita ko na ito na pababa kaya naghintay na lang ako na mapalapit siya sa akin.
" Ahm Drex. Kumain ka muna alam ko kasi na-" ngunit bigla na lang akong tiningnan nito ng masama.
" Tss. Wala akong balak na makasalo ka sa pagkain. Lalo na kung alam ko na kakagaling mo lang sa landi. Alam mo. Sana di ka na lang nagpakasal kung lalandi ka lang din naman pala. Naiinis ako sa tuwing nakikita kita. Nagsisi ako na pumayag ako sa kasal na yun. Ngayon mas lalong nakikita ko kung gaano ka kalandi. Sa tingin mo? Ano ang iniisip ng mga tao ng makita kang kasama ang doctor na yun? Ano may new taste ka na naman ba? Kaya kumakarengkeng ka na naman? " galit na tanong nito na siyang ikinagulat ko.
Hindi ko alam kung ano ang uunahin kung ipaliwanag gayong ang sakit sakit lahat ng binitawan niyang salita.
" Ano? Tama ako diba? Kasi di ka nga makasagot sa tanong ko. Tss. Nakakahiya ka. Nahihiya akong nilagay ko sayo ang apelyido ko" saad nito bago padabog na lumabas ng bahay.
Bakit ba ganyan na lang ang tingin mo sa akin Drex? Bakit palagi mo na lang pinaparamdam sa akin na isa akong malaking sumpa sa buhay mo?
Wala lang naman akong ibang ginawa kundi ang mahalin ka eh. Bakit di mo man lang mapagbigyan lahit kunti ang pinapakita ko?
Napatingin na lang ako sa phone ko ng tumunog ito kaya agad ko na itong sinagot.
" Hello" wika ko sa kabilang linya.
" Umiiyak ka ba bess?" tanong ni Ria sa akin, dahilan para gawin kung normal ang boses ko.
" Huh? Hindi ahh. Wala may sipon lang ako kaya ganun. Napatawag ka pala?" tanong ko dito.
" Well may gusto lang akong sabihin sayo. Ngunit mas mabuti na siguro na magkita na lang tayo. Papasok ka ba ngayon?" tanong nito.
" Ahm, oo papasok ako. Alam mo naman na kailangan nating maging handa. Lalo na at tutungo tayo sa probinsiya" saad ko dito.
" Kung sabagay. Ano susunduin na lang ba kita?" tanong nito.
" Naku wag na. Magkita na lang tayo doon" saad ko dito.
" O siya sige. Ingat ka" wika nito kaya napangite na lang ako.
" Sige" tugon ko saka pinatay na ang call.
Napahinga na lang ako ng maluwag. At agad na hinanda na lang ang sarili ko papasok ng ospital.
                         Drex POV 
" Bro bat di mo sinabay ang asawa mo?" takang tanong ni Ethan sa akin.
" Wala akong panahon para isabay ang babae na yun" saad ko dito.
" Hayss, alam mo. Hindi masama na pagbigyan mo din ang asawa mo kahit minsan lang. Alam ko na wala ako sa katayuan mo at di ko nararamdaman ang galit diyan sa puso mo. Pero sana naman bro magpakatotoo ka na lang. May dahilan naman noon na tumakas ka sa kasal mo diba? At di ituloy ag bagay na yun. Pero anong ginawa mo? Pumayag ka at nanatili lang doon. May chance ka na doon kaya sana naman ipadama mo din kay Cia kahit minsan na isa kang asawa " mahabang wika nito.
" Tss. Mabuti pa asikasuhin mo na lang yang patient mo " saad ko dito.
Mas lalo lang akong naiinis sa tuwing napag uusapan namin ang babae na yun. Ginusto niya naman na matali sa akin diba? Pwes magdusa siya.
                 Cia POV
Nasa kalagitnaan na ako ng pagmamaneho ko ng bigla na lang tumirik ang kotse ko dahilan para maihinto ko sa gilid ito. Agad ko naman na itong tiningnan at nasira nga ang makina.
" Paano na ako makakarating sa ospital?" tanong ko sa sarili ko.
Akmang tatawagan ko na si bess ng may marinig akong busina nang isang kotse dahilan para gulat akong mapalingon dito.
" Patrick" gulat na wika ko.
" Yes. Anong problema?" tanong nito saka bumaba sa kotse niya.
" Ano kasi. Nasira ang makina ng kotse ko. Nakalimutan kung di ko pa pala napapatingnan ang makina nito" saad ko dito.
Agad naman niyang nilapitan ang kotse ko at tiningnan ito.
" Ang mabuti pa ay sumabay ka na lang sa akin. Alam ko na malalate ka na sa activities natin. Kaya ipapakuha ko na lang ang kotse mo sa driver ko" saad nito.
" Naku nakakahiya naman. Hindi na mauna ka-" sumabat naman ito.
" Hayss, wag ng makulit. Halikana baka mapagalitan ka ng mga kasama mo dahil nahuli ka sa medical mission natin. Kaya lika na" aya nito saka pinagbuksan niya naman ako ng kotse kaya wala na akong choice kundi ang sumakay doon.
Ng makasakay na ako ay agad na din siyang sumakay sa kabila at pinaandar ang kotse paalis doon.
                  Ria POV 
Kanina pa ako nakatingin sa relo ko. Pero wala pa si bess. Nakikita ko na nababagot na ang mga heads at ang mga officials nang barangay.
" Ano? Wala pa ba siya?" tanong ng head namin.
" Parating na rin yun. Maghintay na lang po muna tayo" wika ko dito.
" Make sure na worth it ang paghihintay natin dahil di biro ang bagay na ginagawa natin" wika ng head kaya tumango na lang ako.
Tatawagan ko na sana ito ng marinig ko ang mga nurse na kinikilig sa gawi nila. Kaya nagtaka naman akong napatingin sa tinitingnan nila.
At maskin ako ay kinikilig sa nakikita ko. Wahh! Magkasama silang dalawa?
                       Cia POV 
Habang naglalakad kami ni Patrick ay nakikita ko ang bulong bulungan ng mga nurse na kagaya ko. Ang iba naman ang kinikilig ng makita si Doc.
" I am sorry nahuli kami. Nasiraan kasi ng kotse si Cia kaya sinabay ko na siya sa akin papunta dito. I hope na di kayo galit Mrs. Montano" wika ni Patrick sa head namin.
" Naku ok lang Mr. Salmonte. Mabuti nga at naisabay niyo si Cia" wika nito pero alam ko naman na nagpapacute lang siya kay Patrick.
" Sige Cia doon na ako. Goodluck" saad nito sa akin dahilan para mas lalong dumami ang bulong bulungan.
" Salamat doc" saad ko dito kaya nakita ko na lang ito na ngumite.
Kaya mas lalo kung nakikita ang inis ng iba sa akin. Ng maiwan na kami ay agad na akong hinarap ng head namin.
" Alam mo. Masyado kang pabida. Sa kung inaakala mo na porket naging mabait sayo si Doc. Salmonte ay magiging mabait din ako sayo. Umayos ka" wika nito saka nagtungo sa gawi ng iba pang head ng ospital.
" Bess. Ano yung nakita ko?" tanong sa akin ni Ria .
" Ano naman ang nakita mo?" tanong ko pabalik.
" Aba. Nakita ko ang eksena kanina. Bakit magkasama kayo ni doc?" tanong nito.
" Wala. Nadaanan niya lang ako. Nasiraan kasi ako kaya isinabay na niya ako " wika ko dito.
" Naku ang swerte mo ahh. Ang haba ng hair mo " kinikilig na wika nito.
" Ano ba yang pinagsasabi mo. May asawa na ako. Kaya di tama yang mga pinagsasabi mo" awat ko dito.
" Asawa? Oo asawa nga pero di ka naman tinuturing na asawa. Hayss, ewan ko ba sayo bess. Bat di ka na lang nauntog para magising ka!" saad nito.
Napahinto naman ako sa sinabi nito. Di ko alam kung mangyayari pa kaya ang bagay na yan.
Kaya nagsimula na lang ako sa pag assist sa mga dumadating na mga patients baka kasi ako na naman ang makita ng Mrs. Montano.
                        Drex POV 
Nasa kalagitnaan ako ng pagtingin ng mga kinukunsulta ng mga patient ng bigla na lang may nagbubulung bulungan na mga nurse.
" Alam mo ba. Spotted na naman si Cia at Doc. Salmonte na magkasama. Sabay kaya silang nagtungo dito sa lugar na ito. Ano na kaya ang issue sa kanilang dalawa? Bagay naman sila. Kasi pareho silang walang jowa. At alam mo ba na ngayon lang sumasama sa ibang babae si Doc. Salmonte kaya marahil special sa kaniya si Cia " wika ng isang nurse.
Naikuyom ko na lang ang kamao ko. Talagang sinusubukan mo ako Cia. Tingnan natin. You want to see the evil me? Then ipapakita ko sayo.
" Drex anong ginagawa mo? "takang tanong ni Sanya sa akin.
" Wala " cold na wika ko.
" Wala? Eh halos sirain mo na ang mga gamot na inihanda ko eh " saad nito sa akin saka kinuha ang iba pang gamot.
" Ako na nga diyan " saad nito.
Inis na lang akong umalis doon at nagpasiyang umalis sa lugar na yun.
                       Cia POV 
     Night
Gabi na pala. Di ko man lang namalayan ang oras. Napahikab na lang ako dahil sa sobrang pagod.
" Bess pasensya na huh? Di kita maisasabay ngayon. Kasi aalis pa kasi ako eh" wika sa akin ni Ria.
" Naku ano ka ba. Sige na maghihintay na lang ako dito. Baka may dumaan kasi na jeepney dito. Sige na baka hinihintay ka na nila" saad ko dito.
" Mag iingat ka. Sumabay ka na lang kaya sa ak-" aya nito.
" Hindi na. Atshaka baka magtaka din si Drex na di ako nakauwi sa bahay. Sige na mag iingat ka ok?" wika ko dito.
" Ikaw din, mag iingat ka. Tawagan mo ako kapag nakauwi ka na" saad nito kaya tumango na lang ako
" Opo maam. Ingat" kumaway na lang ako dito habang nakikita ang kotse nito paalis.
Kaya ako na lang ang naiwan. Paano ako makakauwi ngayon? Pansin ko na walang mga kotse ang dumaraan.
Ngunit nagulat ako ng may huminto na namang kotse. Akala ko si bess pero.
" Hi. Sumabay ka na sa akin pauwi. Gabi na" saad nito sa akin.
" Huh? Hindi na baka parating na din ang sundo k-" ngunit pinutol ako nito.
" Cia. Hindi na ito makakarating. Sinabihan ko na lang ang driver ng kotse na isabay ka na nalang sa akin. At mas lalong di ako papayag na maiwan ka dito na mag isa. Lalo pa at di mo kabisado ang lugar na ito. Kaya lika na " aya nito kaya wala na akong ibang choice kundi ang sumabay nalang sa kaniya.
                           Drex POV 
Hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Aba kanina pa ako nakauwi pero siya wala pa rin?
Marahil masyado siyang nag eenjoy na kasama ang doctor na yun. Nakalimutan niya yatang may asawa siya!
Akmang lalabas na ako ng pinto ng bigla na lang may narinig akong huminto na kotse. Kaya agad akong tumingin sa bintana. At mas lalong uminit ang ulo ko kung sinong kotse ang sinasakyan niya.
                        Cia POV 
Ng makarating na ako sa bahay ay agad na akong nagpasalamat kay Patrick at kumaway dito. Hanggang sa makita ko na lang ang papalayong kotse nito.
Naisipan ko na rin na pumasok na sa loob. Habang naglalakad papasok ay di ko alam kung bakit bumibigat na naman ang dibdib ko.
" Talagang umuwi ka pa talaga?" galit na bungad nito sa akin.
" Drex" gulat na wika ko.
" Ano? Ano na naman ang kasinunggalingan na sasabihin mo? Na ano? Na aksidente lang na magkasama kayo? Hindi ako bobo Cia!" galit na wika nito.
" Drex. Wala naman kaming masamang ginagawa ni Patrick" paliwanag ko dito.
" Ouh wow! Patrick pala ang tawag mo sa kaniya? Gaano na ba kayo ka close ng lalaking yun? Sa pagkakaalam ko. Oh sabagay malandi ka naman talaga. Kaya madali lang sayo ang makakuha ng lalaki. Kaya mo nga ako tinali sayo diba? Ano ganun ka na ba talaga ka kati kung kaya-" di ko na ito pinatapos dahil sa nasampal ko siya at yun ang ikinagulat ko.
Kaya napaatras na lang akong humihingi ng tawad.
" I'm sorry " wika ko.
Di ko alam kung talaga bang manhid na talaga ako. Kasi ako na nga ang pinagsalitaan ng masama ako pa ang humihingi nang tawad.
" Right! I guess ito ang sagot mo sa akin" cold na wika nito saka nilagpasan na ako.
" Drex. I am sorry nabig-" ngunit sumabat na ito at padabog na lumabas ng bahay.
Kaya naiwan na naman ako ditong mag isa. Ito na lang ba lagi ang papel ko sa mundong ito? Bakit ba napaka manhid ko? 
Na kahit harap harapan na akong sinasaksak nagagawa ko pa ring alalahanin at natatakot na iwan niya ako. Alam ko na desperada na ako. Ngunit alam ko naman na di ko magagawa at maramdaman kahit minsan na may Drex sa tabi ko eh. Dala dala ko nga ang apelyido niya. Di naman ang puso niya.
Morning
Maaga akong nagising dahil sa gagawin ko na naman ang daily routine ko bilang asawa.
Kahit na nasasayang lang ang effort ko ay hindi ako magsasawang ipadama sa kaniya na mahal ko siya. Kahit tinatapon niya lang. Ok na sa akin.
Ng makalabas na ako ng room ko ay napansin ko na may siwang ang kwarto nito kaya dahilan para lumapit ako dito. Ng mabuksan ko na ito ay bumungad sa akin ang room ni Drex na may kulay gray.
Alam ko kasi na paborito niya ang kulay na ito. Kaya napangite na lang ako. Ngayon lang ako nakapasok sa room niya. Kasi alam ko na magagalit yun pag nalaman niya.
Lalabas na sana ako ng may isang envelop akong nakita. Hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan ako sa makikita ko. Ng mahawakan ko na ito ay dahan dahan ko na itong binuksan at tumambad sa akin ang isang.
" Divorce paper?" gulat na sambit ko.
Pansin ko na may perma na niya ito. Kaya naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha sa pisnge ko. Napaka iyakin mo talaga Cia. Kaya ka mahina eh.
Kaya ka laging tinatapon na parang basura. Nanginginig naman ang mga kamay ko habang pinapasok ko ang divorce paper sa envelop.

Komentar Buku (69)

  • avatar
    RICAjoy

    nice story

    18/08

      0
  • avatar
    Ruth Ybarreta Laugo

    nice story ever

    15/08

      0
  • avatar
    May Anne Bacani

    nakakaluka parang pag ibig ko to kwento ng pag ibig ko some lng

    28/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru