logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Love Thy Destiny

Love Thy Destiny

Whispered_shadow


Chapter 1 : Ang Simula

                  Cia POV 
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa nalaman ko or di kaya nag aalala? Matutuwa dahil sa ikakasal ako sa lalaking matagal ko ng tinatanggi noon pa man.
Bata pa lang kami ay mahal ko na siya. Kahit na alam kung di niya ako mahal. Nag aalala ako kasi kung ipipilit ko ang bagay na ito ay alam kung masisira ko lang din siya.
Ako lang din ang magiging dahilan ng kasawian niya. Ngunit elfish na ba talaga ako kung hangad ko lang naman na mahalin ako ng taong mahal ko na pansinin niya lang ako?
" Ouh anak kanina ka pa nagmumukmok diyan? Ano ba ang inaalala mo?" tanong ni manang sa akin na kanina pa pala ako napapansin.
" Wala po nay. May inaalala lang ako" saad ko dito.
" Inaalala? Dahil ba ito sa nangyaring dinner niyo kagabi?" napatingin na lang ako sa mga halaman dahil sa sinabi niya.
Bigla ko naman naalala ang nangyari kagabi.
     Flashback
Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng bigla na lang nag salita si tita Celine ang mama ni Drex.
" Mare. Nasabi mo na ba kay Cia ang napag usapan nating apat?" tanong nito kay mama kaya napalingon naman ako kay tita.
" Anong sasabihin Ma?" baling ko kay mama.
" Anak. Naisip kasi namin ng tita mo at ipakasal kayong dalawa ni Drex. Since nasa tamang edad na din naman kayo. At matagal na naming napag isipan ang mga bagay na ito. Bata palang kayo" gulat naman akong napalingon kay mama hanggang sa.
" Ano? Ma napag usapan na natin ang bagay na ito! Ayaw kung magpakasal lalo na kung si Cia! Alam niyo naman na may mahal ako diba? Kung gusto niyo lang din pala na maikasal na ako Ma. Edi magpapakasal kami ni Alana para matapos na" wika nito na naiinis na kaya napayuko na lang ako.
" Lower your voice Drex. Di ko gusto ang inaasal mo" galit na wika ni tito.
Nasasaktan ako sa sinabi ni Drex. Alam ko naman na di ako si Alana eh. Ngunit di man lang ba niya ako kayang mahalin kahit kunti lang?
" Our decision is final Drex! At wala ka nang magagawa sa bagay na yun. Matagal na itong nagpa usapan ng angkan natin dahil ito ang napagkasunduan ng ating angkan" seryoso na wika ni tito.
Dapat ba akong matuwa sa narinig ko? Or dapat na magsisi na lang? Kasi ang sakit ng sinabi niya.
Harap harapan niya mismong binabanggit ang katagang alam niyang tagos na tagos sa akin. Naramdaman ko na lang ang paghawak ni mama sa kamay ko kaya napalingon na lang ako dito at nakita ang pagngite niya.
          End of Flashback
" Nay. Tama bang sundin ko ang payo nina mama at papa? Tama bang ipilit ko ang mga bagay na di dapat?" tanong ko dito.
" Anak kilala kita. At alam ko na hindi ka isang masamang anak at alaga. Kaya alam ko na karapatan mo din na lumigaya. Kung mahihirapan ka man. Nandito lang kami na mga nagmamahal sayo. Cia handa ka naming samahan sa ano mang disesiyon na gusto mo" nakangite na wika niya sa akin kaya napangite na lang din ako.
" Salamat nay. Salamat sa pagpapalakas sa akin" saad ko dito.
" Naku di ko namamalayan na ang dating inaalagaan ko noon ay ngayon ay dalaga na at ikakasal. Masaya ako para sayo anak dahil ikakasal ka na sa taong mahal mo" wika ni nanay sa akin.
Hayss, sana nga nay. Sana nga maging maayos ang lahat. Wala namang masama kung subukan ko diba? Baka sakaling mahalin din niya ako habang kasal na kami.
                         Drex POV 
Habang hinihintay ko si babe ng bigla na lang akong maka received ng message galing mismo sa kaniya.
From : Babe
      Drex, I am sorry. Sorry kung di kayang sumama sayo at magpakalayo layo kasama ka. Ayaw kung saktan ang mga magulang ko sa pagsunod sa padalos dalos nating desisiyon. Mahal kita. Ngunit di tama na magtanan tayong dalawa para lamang matakasan mo ang kasal na matagal nang napag usapan ng angkan mo. Tama sila Drex. Di ako ang babaeng para sayo. Masaya na ako sa ilang taon na binuo natin na magkasama. Salamat sa pagmamahal na pinaramdam mo sakin. Kahit na alam mong may mas deserving pa sa akin. Sundin mo ang gusto ng magulang mo kasi alam ko din na mas bagay kayo ni Cia. Mahalin mo sana siya gaya ng pagmamahal mo sa akin.
Paalam.
Pinilit kung tawagan ang number niya ngunit di ko na ito makontak pa. Naramdaman ko na lang ang pagpatak ng luha sa pisnge ko.
Bakit? Bakit ka bumitaw? Naikuyom ko na lang ang kamao ko sa galit. Dahil sayo ito Cia. Hindi kita mapapatawad! You choose this path. Then I'll bring you your greatest nightmare.
" Drex" tawag sa akin ni papa.
" Ikaw ba ang dahilan nito? Ikaw ba ang dahilan kaya lumayo sa akin si Alana sa akin?" galit na baling ko dito.
" Oo. Ako ang gumawa niyan. Binayaran ko siya para layuan ka dahil ikakasal ka na!" saad nito sa akin.
" Ikakasal? Kailan ba ako umoo sa gusto niyo? Wala na ba akong karapatan na magdesisiyon sa gusto ko? Buhay ko toh! Buhay ko na may karapatan na maging malaya at sundin ang gusto ko" galit na wika ko.
" Gusto mo? Oo. Kaya nga naging makasarili ka diba? Kaya nga mas sinunod mo ang gusto mo kesa ang maging fair sa iba?" galit na galit na baling nito sa akin.
Napaiwas na lang ako ng tingin.
" Sige. Kung gusto mong sumunod sa Alana na yun. Pwes puntahan mo siya. Magsama kayong dalawa! Tutal sanay na kami sa makasarili mong mundo" wika nito saka umakyat na sa taas.
" Hon" wika ni mama dito " Anak. Sana maintindihan mo kami ng papa mo. It's for your own good" saad niya sa akin.
" Sana nga Ma. Kailan naman naging mabuti para sa akin ang maikasal kay Cia? Gayong kayo lang naman ang may gusto sa bagay na yan" wika ko saka umalis na doon.
Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin ngunit umalis na ako doon. Baka kung ano pa ang masabi ko. Pagsisisihan mong pinili mo ito Cia. Pagsisisihan mong ginulo mo ang buhay ko!
       Night
Kasalukuyan akong nasa room ko habang inaayos ang mga gamit ko. Sa kalagitnaan ng pag aayos ko ng mapansin ko ang isang larawan na parang napunit or sinadyang punitin? Kinuha ko na lang ito at maiging tiningnan kung ano.
" Anak?" tawag ni mama sa akin dahilan para mapaayos ako ng upo sa kama.
" Ikaw pala Ma. May kailangan ka po ba?" tanong ko.
" Tinitingnan ko lang kung tulog ka na ba. Di pa pala" wika nito saka tumabi sa akin.
" Ahm nililinisan ko lang po kasi ang mga gamit ko. Ma. May napansin kasi ako. Anong larawan ba ito? Bat punit na punit?" takang tanong ko at ipinakita ito sa kaniya.
Napansin ko naman ang gulat sa mga mata niya at agad na kinuha ang larawan.
" Ahh, anak ano. Ito yung hinahanap ko eh. Nandito lang pala. Wala yan. Yan yung larawan namin ng papa mo noon. Napunit yan nong minsan na pinaglalaruan ni Mikoy" paliwanag nito pero bakit parang may mali.
Si mikoy ang alaga kung pusa. Kasama kasama ko siya sa pagtulog. Parang kapatid ko na yun eh. Kaya lang naiwan ko siya sa states kay lola. Kasi favorite din yun ni lola.
" O siya matulog ka na anak. Maaga ka pa bukas. May lakad tayo. Goodnight" wika nito saka hinalikan ako sa noo.
Ngumite na lang ako dito at inayos na rin ang higaan. Ngunit di ko pa rin mawari sa isipan ko kung bakit? Bakit parang may mali sa inaakto ni mama? Naisip ko na lang na mahiga sa higaan ko at patayin na ang ilaw.
Kinabukasan
Maaga akong nagising dahil sabi sa akin ni mama na may lalakarin daw kami. Ng makababa na ako ng hagdan ay nakita ko si nanay na abala sa mga gamit na siyang ipinagtataka ko.
" Nay. Saan po ba tayo pupunta?" takang tanong ko.
" Anak, aalis kasi tayo ngayon. Tutungo tayo sa baguio para doon gawin ang kasal ninyo ni Drex " nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nito.
Akala ko kasi eh matagal tagal pa. Pero bakit ang bilis naman yata?
" Anak handa ka na ba? " tanong sa akin ni mama na nasa likod ko na pala.
" Ma. Ngayon ba talaga ang alis natin papunta doon? "tanong ko dito.
Hindi naman sa ayaw ko magpakasal kay Drex. Ngunit baka mas lalo siyang mainis sa akin.
" Oo. Tayo na lang ang wala doon. Nandoon na ang tita mo at si Drex " balita nito sa akin.
Kahit na nagtataka ay tumango na lang ako at sumunod sa kanila. Para naman silang titira na talaga doon ang daming gamit eh.
                 Drex POV 
Kasalukuyan akong nasa kotse nakahiga dahil sa ayaw kung lumabas. Wala akong gana sa pagpunta sa lugar na ito. Lalo na kung si Cia lang naman ang makikita ko.
Nakarinig na lang ako ng katok sa may bintana nang kotse at nakita si papa na pinapalabas ako. Kaya pinababa ko na lang ang window at cold na tiningnan ito.
" What?" cold na tanong ko.
" Bumaba ka na diyan. Kanina ka pa hinahanap ng mama mo " wika nito sa akin.
" Wala akong ganang lumabas. Wala din naman akong gagawin doon " tugon ko dito.
" Pwede ba Drex. Wag nang matigas ang ulo. Di ka na bata na kailangan pang turuan. Be a man! " wika nito at saka iniwan na ako at bumalik sa loob ng mansion.
Inis na lang akong napahiga ulit sa kotse. I keep on contacting her pero wala talaga. Babe please. Sagutin mo ang tawag ko. Pagsumagot ka ay tatakas ako sa kasal nato.
                Cia POV 
Habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe ng bigla na lang tumunog nag phone ko.
" Hello?" tanong ko sa kabilang linya.
" Wahh bess. Totoo ba ang nalaman ko na ikakasal ka na kay Drex?" magiliw na tanong nito.
" Oo. Ikaka-" pinutol niya naman ang sasabihin ko.
" Naku ako ang bahala sayo bess. Ako ang bahala sa lahat " natatawa na wika nito.
Bat parang may kakaiba sa pinupunto ng babae na ito?
" Ano na naman ang kalokohan na gagawin mo?" tanong ko.
" Hmm, madali lang naman bess. Maghanda ka na sa honeymoon niyo. Kasi panigurado it will be the best night ever " pinamulahan na lang ako ng mukha dahil sa sinabi nito.
" Ewan ko sayo Alexandria Montalban. Tumigil ka nga diyan " natatawa na wika ko.
" Asuss. Ang sabihin mo namumula ka lang diyan. Hahahaha, relax bess ako na ang bahala. Magaling kaya ako. Ako pa!" proud na wika nito.
" Oo naman. Alam ko na magaling ka sa kalokohan. Sige na tatawag na lang ako mamaya. Nasa biyahe pa kasi kami eh. Bye" saad ko dito pinatay ang tawag.
" Ano naman ang napag usapan niyo ni Ria?" tanong ni nanay sa akin kaya napalingon ako dito.
Actually si nanay ang katabi ko sa likod. Tatlo lang kaming nasa isang sasakyan. Sina mama at papa naman ay nasa kotse nila.
" Ahm mga kalokohan lang po nay. Alam niyo naman si Ria nagiging makulit at kung ano ano ang pinaggawa sa buhay " natatawa na wika ko kaya natawa na lang din ito.
" Hahahahaha. Oo nga naman" napailing na lang ito habang nakangite.
Kaya napalingon na lang ako sa labas ng bintana. Sana maging maayos lang ang lahat. Bigla naman pumasok sa isipan ko ang isang pangyayari na naging dahilan kung bakit mas lalong lumayo ang loob ni Drex sa akin.
Flashback
Habang naglalakad ako sa hallway ng may mapansin akong nagtatalo. Kaya dahil sa kapamilya ko si Marites eh nakisali na ako. Dahan dahan akong nagtungo sa isang may boses kanina hanggang sa tuluyan ko na itong makita.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa nakikita ko. Ang tinuring kung kaibigan at lahat lahat na sa akin ay siyang magbibigay sa akin ng ganitong pakiramdam.
" Tapusin na natin ang relasyon natin Drex. Kaibigan ko si Cia at ayaw kung masira ang relasiyon na meron kami dahil lamang sa pagtago ko ng relasiyon nating dalawa" saad nito na siyang mas lalong nagparamdam sa akin ng sakit.
" Babe wag naman ganito. Sinunod ko naman ang gusto mo diba? Pinilit kung makipag kaibigan sa kaniya para masunod ko ang gusto mo. Pero bakit ngayon makikipaghiwalay ka na naman ng dahil sa kaniya? Sino ba ang mas mahal mo sa aming dalawa? Ako o siya?" nakita ko naman na napaiwas ng tingin si Lana sa tanong ni Drex.
Nakita ko na lang na napaluhod si Drex at nagmamakaawa kay Lana. Hindi ako makapaniwala na ang isang kilalang famous model sa buong University ang luluhod at magmamakaawa sa isang babae na hindi niya kaangat ang estado ng buhay?
Ang swerte nga naman ni Lana. Kasi ang lalaking mahal ko ay lumuluhod sa kaniya at nagmamaakawa na wag siyang iwan. Samantalang ako? Kahit maglumpasay ako sa harap di man lang niya magawang tingnan. Ganun ba siya nandidiri sa akin? Kasi kahit na isang simpleng pagtingin lang di man lang niya magawang ipakita sa akin.
Pinunasan ko na lang ang luha sa pisnge ko, kasi ang sakit sakit na. At naisipan na umalis na doon. Ang tanga ko din naman kasi.
Kinabukasan
Nandito ako sa lugar kung saan una kaming nagkita ni lana nong mga panahon na siya lang ang nagtatanggol sa akin.
" Kanina ka pa ba?" tanong ng nasa likod ko dahilan para mapalingon ako.
" Hindi naman. Ngayon lang din. Namiss ko lang ang lugar na ito" saad ko sa kaniya habang nakatingin sa mga batang naglalaro.
Actually it's a park kaya dito ko nakilala si Lana nong wala si Ria dahil nasa states sila non. Naisipan naman namin na maupo sa isang bench.
" Naalala mo non nung dito tayo unang nagkita?" tanong ko sa kaniya dahilan para mapalingon siya sa akin.
" Oo. Dito kita nakitang inaaway ng mga bata dahil napakaiyakin mo kasi noon. Napakadali mo lang mauto" saad niya sa akin.
Hanggang sa biglang pumasok sa isip ko ang nakita ko kahapon.
" Lana. Hanggang kailan ka maglilihim sa akin? Hanggang kailan mo ako dadalhin sa mundo na puno ng kasinunggalingan?" direktang tanong ko sa kaniya habang nakatingin pa rin sa mga bata.
Napansin ko naman ang pagkagulat nito at ang pag iwas ng tingin sa akin.
" Anong ibig mong sabihin? " kinakabahan na tanong niya kaya ngumite na lang ako ng bahagya para ipakita sa kaniya na ok lang.
" Lana. Bakit kailangan mong itago sa akin ang relasiyon niyo ni Drex?" tanong ko ng nakatingin na sa kaniya.
" Cia"  wika nito sa akin na ngayon ay nakayuko na.
" Kung mahal mo siya. Bakit kailangan mo pang itago sa akin? Bakit kailangan mo pa akong paniwalain na may pag asa pa ako sa kaniya kahit na alam ko na wala naman talaga kasi nandiyan ka na?" tanong ko gusto kung magalit sa kaniya sa ginawa niya.
Pinagkatiwalaan ko siya. Alam na alam niya ang lahat ng nararamdaman ko para kay Drex. Kasi akala ko kaibigan ko siya. Akala ko dadamayan niya ako.
Ngunit siya pala ang tatarak sa akin patalikod. Ang sakit. Kaibigan ko siya ngunit bakit siya ang nagiging putik sa dinadaanan ko?
" Cia patawad. Hindi ko gustong maglihim sayo kasi ayaw kung masaktan ka. Gusto ko mang sabihin na sayo ang meron kami ni Drex. Ngunit nakikita ko kung gaano ka kasaya sa tuwing kinakausap ka niya. Nakikita ko ang saya sa mga mata mo kahit na hindi siya gaano nakikipaglapit sayo " nakayuko na wika niya.
" Sana nagpakatotoo ka na lang sa akin. Kasi handa naman akong umunawa eh. Handa akong magparaya. Ngunit ang di ko lang matanggap na ikaw ang mismong nagsisinunggaling sa akin. Na mas pinili mong maging selfish kesa sabihin sa akin ang totoo? Ang sakit sakit. Bakit ikaw pa? Bakit ikaw pa ang nagparamdam sa akin ng sakit? Kaibigan at kapatid ang turing ko sayo. Ngunit nagkamali pala ako. Akala ko ba magkaibigan tayo? Akala ko ba walang magsisinunggaling sa atin? Pero bakit ikaw pa mismo ang sumira sa pangako mo! " naiiyak na wika ko.
" Cia. Alam kung di mo na ako mapapatawad. Sampalin or di kaya sabunutan mo ako matatanggap ko yun" wika niya habang pilit na isinasampal ang kamay ko sa mukha niya.
Ngunit kinuha ko ito.
" Anong silbi ng pagsumbat at pagsampal ko sayo kung nangyari na ang lahat? Anong halaga ng mga iyon kung ang tiwala ko sayo ay wala na? Galit na galit ako sayo alam mo ba yun? Pero mas galit ako sa sarili ko kasi feeling ko ako yung dahilan kung bakit patago ang relasiyon ninyo. Galit ako sa sarili ko kasi kahit na anong galit ko sayo hindi ko pa rin kayang saktan ka kasi mahal kita. Kasi kaibigan kita! " naiiyak na wika ko.
" Cia patawarin mo ako. Nadala lang ako ng nararamdaman ko. Akala ko kaya kung iwasan siya ngunit di pala. Kahit na anong iwas ko kay Drex ay pilit pa rin akong pinaglalapit sa kaniya. Patawad dahil naging marupok ako" wika nito ng akmang hahawakan na niya ang kamay ko ng agad na akong tumayo at umiwas sa kaniya.
" Kung talagang sincere ka sa mga sinasabi mo. Magpakatotoo ka Lana. Kung mahal mo talaga si Drex at kung talagang gusto mong mapatawad kita. Ipangako mo lang sa akin na mamahalin mo siya at di mo siya lolokohin. Dahil once na niluko mo siya. Pinapatunayan mo lang sa akin na mas mabuting di na kita bigyan pa ng pangalawang pagkakataon " saad ko dito at nagsimula ng umalis doon.
Nabalik lang ako sa realidad ng yugyugin ako ni nanay.
" Nandito na tayo anak " wika nito sa akin.
" Ahm sige po nay. Susunod na po ako " wika ko dito
" Sige " wika nito saka nagsimula nang pumasok sa mansion namin sa boracay.
Yes. We own this resort. A private resort na nabili ni papa at tito bilang tanda ng nabuong pagkakaibigan nila. Kaya natutuwa naman ako. maglalakad na sana ako ng may nagsalita sa likod ko.
" Talagang nagpakita ka pa talaga dito? Ganyan ka na ba talaga ka desperada para sumipot at umuo sa gusto ng mga magulang natin? O baka naman ikaw ang nasa likod ng mga ito kaya wala ka man lang pagtutol sa kasal?" nasasaktan naman ako sa sinabi niya.
Bakit ba napakahina ko pagtungkol na sa kaniya?
" Hindi ko naman alam ang mga ito eh. Doon ko lang din nalaman " saad ko sa kaniya.
" Ouh really? Di mo alam? Akala mo ba di ko alam na ikaw ang dahilan kung bakit din ako iniwan ni Lana. Ikaw ang dahilan!" sisi niya sa akin.
" Mali ka. Hindi ko sinabi kay Lana na iwan ka niya para maikasal lang tayo. Kasi hindi ko naman na nakakausap si Lana! " saad ko sa kaniya.
" Tsss, enough of your lies! Kasi kahit na anong sabihin mo hindi na ako maniniwala sayo! Tutal naman ginusto mo ang bagay na toh. Pwes panindigan mo! Gusto mong matali sa akin diba? Pwes maghanda ka na dahil ipaparanas ko sayo ang galit na nararamdaman ko" saad niya sa akin at nilagpasan ako.
Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko para di na maiyak pa.

Komentar Buku (69)

  • avatar
    RICAjoy

    nice story

    18/08

      0
  • avatar
    Ruth Ybarreta Laugo

    nice story ever

    15/08

      0
  • avatar
    May Anne Bacani

    nakakaluka parang pag ibig ko to kwento ng pag ibig ko some lng

    28/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru