Nakaupo si Raul sa sarili niyang opisina katabi lang ng library nila. Gabi na ngunit hindi siya makatulog, nakatingin siya sa mga dokumento sa kanyang mga kamay ngunit lutang ang kanyang isipan, mayroon siya hawak ng ballpen at bahagya niya itong kinakatok sa ibabaw ng kanyang office table. Nakasuot si Raul ng pajama set at pajama robe. Maghahating gabi na ngunit hindi niya maalis sa kanyang isipan ang usapan nila ni Emma kaganina. Dapat masaya ito dahil ipapa-annul na nito ang kasal nila pero hindi niya magawang magpakasaya. Hindi niya alam kung ano ang kanyang problema. Nakokonsensya ba siya? Nanlulumong hinimas na Raul ang kanyang mukha at hinilot niya ang kanyang noo sabay sandal sa kanyang kinauupuan. Tumingin siya sa kisame ng ilang minuto nang biglang mayroong tumawag sa kanyang phone. Agad niya itong sinagot nang makita niyang tinatawagan siya ng kanyang nakakatandang kapatid na si Russell. "Hello?" "Maglaan ka ng kahit dalawang buwan para kay lola, hinahanap ka niya." Direktang utos nito kay Raul. Saglit na nanahimik si Raul at nag-aalala niyang tinanong si Russell. "How is she?" "Bad, she could die at any time. Pabalik na ako sa state ngayon kaya puntahan niyo siya ni Emma, paulit-ulit niyang sinasabing gusto niyang makita ang asawa mo dahil limang taon na kayong kasal hindi mo parin s'ya pinapakilala sa kanya." Halata ang pagkadismaya sa boses ng kapatid ni Raul. Nanlulumong tumayo si Raul sa kanyang kinauupuan at lumapit siya sa bintana ng kanyang opisina, tinanaw ang labas nito. Namaywang siya. "You guys need to see her as soon as possible, kahit dalawang buwan lang for her sake. Isantabi mo muna ang trabaho mo kahit ngayon lang." Pagmamakaawa ni Russell sa kanya. Paano naman ito sasabihin ni Raul sa kanyang asawa kung balak na siyang hiwalayan nito? Ngunit kaylangan niyang makita ang nag-iisang taong nag-alaga sa kanila ng kanyang kapatid noong iniwan sila ng kanyang ina. Mahal ni Raul ang kanyang Lola Asing, ang ina ng kanyang ina ngunit pakiramdam ni Raul kapag naroon siya sa lugar ng kanyang Lola ay malapit lang siya sa kanyang ina na umiwan sa kanila kaya itinigil na ni Raul ang madalas na pagbisita kay Lola Asing. Si Emma naman kaya hindi niya pinapakilala dito dahil para sa kanya hindi naman ganoon kahalaga ang asawa niya para ipakilala pa ito. Saglit na hinagod ni Raul ang kanyang batok. "We will..." Paniguradong sabi niya sa kanyang nakakatandang kapatid. Kaylangan lang niyang kausapin si Emma at kumbinsihin ito. Binaba ni Raul ang kanyang phone at nagtungo na siya sa kanyang kuwarto upang matulog. Paggising ng maaga ni Emma ay agad siyang nagluto para sa sarili lang niya. Napuyat siya kagabi sa kakaayos ng kanyang camera at mukhang maslalo pang nasira sa ginawa niyang kalokohan. Nagtungo siya sa outdoor garden upang magbasa ng libro, tinaas niya ang kanyang mga binti at pinatong sa upuan. Nagbasa siya hangang inantok siya. Itinakip niya ang nakabuklat na libro sa kanyang mukha upang umidlip, sinandal niya ang kanyang likuran sa kanyang upuan at hindi niya akalaing nakatulog siya nang tuluyan. "Emma?" Maynarinig si Emma na tumawag sa kanya. Umupo si Raul sa upuan sa harapan nito at kinatok niya ang lamesa. "Emma, we need to tal--" "Ack!" Gulat na napabalikwas si Emma nang magulat siya sa boses nito. Mayroong laway pa ito sa gilid ng kanyang labi at takot na takot ang mukha. Muntik nang mapatawa si Raul sa hitsura nito pero agad niyang napigilan ang kanyang sarili sabay himas ng ilalaim ng kanyang ilong para itago ang kanyang ngiti. Tarantang napatingin si Emma kay Raul at pinandilatan ito ng mata. Akala nya maynangyaring masama habang natutulog siya nagmukha tuloy siyang tanga. Pinunasan ni Emma ang kanyang mukha at napangiwi siya nang mahipo niya ang kanyang laway. Inalis niya ang kanyang paa sa pagkakapatong upang kunin ang nahulog na libro. "Raul what do you want?" Muli napatahimik ng saglit si Raul sa pagtawag sa kanya nito gamit ang kanyang pangalan. Emma often calls him honey so a lot of people misunderstood them as a perfect couple but now... Inayos ni Raul ang kanyang lalamunan. "I have a favor to ask, gusto kang makita ni Lola Asing at alam mo naman kung ano na ang kalagayan ni Lola ngayon. Puwede bang iatras muna natin ang usapang annulment ng dalawang buwan? I'll assured you after two months I'll definitely sign the annulment paper." Direktang hiling nito sa kanya. Saglit na nag-isip si Emma. "K." Tipid niyang sagot sabay buklat ng libro niya upang muling magbasa. Nagtataka siyang tinignan ni Raul dahil ang bilis niyang kausap. Ang totoo ay nadala lang si Emma sa nangyari kahapon kaya nabanggit niya ang annulment. Gusto niyang ihanda pa ang sarili sa mga gagawin niya kapag naghiwalay na sila, ang dalawang buwan ay sapat na para sa kanya. "Mmm...thank you?" Hindi siguradong pasasalamat ni Raul sa asawang hindi na naman siya pinansin. Tumayo si Raul para umalis ngunit nilingon niya muli si Emma na nagkakamot ng kilikili. Tinago niya ang kanyang ngiti upang hindi ito pagtawanan sa magaslaw niyang galawan. "Aalis tayo mamayang tanghali maghanda ka." Habilin nito sa kanya. Tumango lang si Emma. Hindi niya gustong makita ang mukha ng asawa niya dahil ayaw niyang masira ang kanyang umaga. "I'm leaving." Kumunot ang noo ni Emma sa pagpapaalam nito. Wala naman siyang pakialam kung aalis na ito. Naglakad na papunta sa garahe si Raul habang malalim na nag-iisip. Hindi niya maintindihan kung bakit kaylangan pa niyang magpaalam dito, halata namang wala na itong pakialam sa kanya. Nagbago siya dahil makikipag hiwalay na'to sa kanya ganoon ba? Ito ang nasa isip ni Raul habang pinapaandar niya ang kanyang sasakyan. He is still confused. Pagdating niya sa kanyang trabaho ay agad niyang inayos ang dapat na ayusin nang saganoon kahit mawala siya ng dalawang buwan ay walang mangyayaring problema. Si Emma naman ay naglinis ng bahay dahil hindi siya sigurado kung makakabalik pa siya dito. Walang nakakaalam kung anong mangyayari pagkatapos ng dalawang buwan at parang wala nang balak si Emma na bumalik dito. Pagkatapos nito ay nagligpit siya ng kanyang mga damit upang ilagay ang mga ito sa kanyang maleta. Naligo narin, nagbihis ng dirty white jeans at nagsuot ng sky blue blouse. Inayusan niya ang kanyang sarili at umalis patungo sa kilala niyang attorney para sa proseso ng annulment. Nang matapos siya ay nakipagkita siya sa taong na-contact ni Emma sa website kung saan maraming wildlife photographer ang umiikot sa ibang bansa para kumuha ng mga larawan. Isa itong Filipino at membro nang nasabing grupo. Energetic ito sa pagkuwento sa kanya at halatang masaya ang mga karanasan nito na maslalong nagpaggalak kay Emma. Marami silang taga ibang bansa ding makakasama at grupo-grupo ang mga ito. Iba't-iba din ang lukasyon ng lugar na pupuntahan ng mga magkakagrupo. Pinakita ng babae ang mga larawang nakuha nila ganoon din ang mga larawan ng mga sikat na photographer na nakasama nila. Mayroong silang membro na mayroon nang kanya-kanyang libro dahil sa husay nila sa pagkuha ng larawan ng mga hayop. Bihira ngalang ang nakakasama sa ganito dahil kaylangan ay maysapat kang pera para makipagsabayan sa mga kasama mo, pero minsan dahil kilala ang grupo nila mayroong mga airport na sinusuportahan sila at nililibri sila ng sakay. Hindi namalayan ni Emma ang oras dahil natutuwa siyang kausap ito, kumain din sila sa isang fastfood restaurant dahil alas dose na rin, saka lamang siya umuwi nang matapos sila. Pagpasok niya sa kanyang bahay ay nakita niyang lumabas sa office si Raul. "Where have you been? I was waiting for you." Reklamo nito. "Aalis na ba ta'yo? Ibababa ko na 'yong gamit ko." Hindi niya pinansin ang tanong nito at tuloy-tuloy lang siyang naglakad papunta sa kanyang kuwarto. Mapagtimping namaywang si Raul na parang modelo. Binaliwala na naman siya nito.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
salamat pu sa inyo
18/03/2025
0nice app
08/03/2025
0so beautiful
18/11/2024
0Lihat Semua