logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Back at School

Back at School

Alesandralapresa


Prologue

Prologue
This story is a love story of Jackson and shaira
---
Dahil sa mahirap na misyon, masusubok ang kakayahan ng isang matapang na pulis. Ngunit, ano kaya ang mangyayari kapag ang isang lalaking Pulis ay magpanggap na isang estudyante para sa kanyang misyon? kalaban lang ba ang kanyang makikilala? o baka matagpuan niya din ang babaeng para sa kanya?


"Hey mr! totoo ba yung nakalagay na kung sino man ang maka ubos ng fifteen burgers in 20 minutes ay hindi na magbabayad? meaning libre na?!" hindi makapaniwala na tanong ko sa Counter
"Yes Sr"
"Wow talaga, well susubukan ko yan!" excited kong sabi pero parang hindi siya naniniwala
"Sr sigurado po ba kayo na kaya niyo? sa katawan niyo po kasi parang-"
"Yes, I could eat all burgers in 20 minutes" nakangiti kong sabi at excited na talaga akong kumain "Walang maraming pagkain sa taong tulad ko na gutom!"
"Okay, ihahanda na po namin"
"All right! come on give me the most delicious burgers"
I'm here at Jollibee now. I'm very hungry but I don’t have money, but when I saw the challenge about eating fifteen Burgers in 20 minutes, I’m so happy and excited! By the way, I'm Jackson Luis Carter . makapal ang kilay ko pero gwapo, matangkad at maputi ako, ako yung tipong makalaglag panty kapag nakita mo.
Ngayon ay ibinigay na sa akin ng stuff ng Jollibee ang lahat ng burger na kakainin ko at inumpisahan ko na itong kainin, pero sa loob lamang ng 12 minutes ay naka 13 burgers na ako.
Ewan ko ba pero parang gulat na gulat ang lahat sa akin? dahil ba yon sa kumakain ako ng libre? sabagay wala akong pakialam sa kanila dahil busy ako sa pagkain ko.
Habang kumakain ako, biglang may mga lalaking dumating at may mga baril.
"HOLDAP 'TO!” sigaw ng kalbo na malaki ang katawan at kaagad na tinutukan ng baril ng mga kasama niya ang mga lahat ng tao kaya naman napahiyaw at natakot ang iba.
“Ilabas niyo ang mga pera at alahas niyo kung ayaw niyo mamatay!" sigaw naman ng kulot at maitim na lalaki.
Kabado ang lahat at takot, pero ako wala akong pakialam! kumakain ako at hindi oras ng trabaho ko ngayon kaya libre silang mang holdap, basta hindi nila susubukan na galawin ang pagkain ko ay okay lang sa akin at walang mangyayari sa kanila.
Sinunod sila ng mga tao, naglabas ng alahas at pera, yung iba naman cellphone ang inilabas, pero ako… Ano ba ang ilalabas ko eh wala naman akong pera? Ilabas ko kaya ang chapa ko?
Lumapit sa akin ang isang lalaki na malaki ang katawan at kalbo ng mapansin na wala akong inilalabas.
"Hoy ikaw! Hindi mo ba narinig ang sinabi namin?!” tinutukan niya ako ng baril "‘Holdap ‘to!’"
"Oh, then what will I do?" sarkastikong tanong ko
"Huh!? nangaasar ka ba o sadyang tanga ka?! ang sabi namin holdap ‘to, kaya ilabas mo ang mga pera mo!"
"Ah ganun ba, well sorry I don't have"
"Sinungaling ka!” sigaw niya
He tried to punch me but I dodged quickly, he tried to hit me again and again but I easily dodged all his attacks. Ang totoo hindi lang ako basta-basta na pulis, isa akong black belter noon at ang ranggo ko ay mataas, miyembro rin ako ng isang grupo ng kapulisan na tinatawag na ‘Crime Squad’ at para makapasok duon ay kailangan malakas at mabilis ka, matalino at magaling ka. Nag training ako para lang makapasok sa grupo na yon kaya easy lang sa akin ang iwasan ang mga atake niya kahit pa may hawak akong mga pagkain.
“Itigil mo na ang pag takbo at pagiwas huwag kang-”
"Wait I don't want a fight,I just want to eat" sabi ko at tumingin ako sa relo ko, laking gulat ko ng makitang 2 minutes na lang ang nalalabi para maubos ko ang isa pang natitirang burger
"Oh my god! I only have 2 minutes!" tumakbo ako upang kuhain sa mesa ko ang natitirang burger ng biglang humarang ang lalaking yon at itinapon sa malayo ang pagkain ko.
"Ngayon wala na ang kinakain mo!"
"OH MY FOOD!" sigaw ko at tuluyan na ngang na ubos ang oras ko, I couldn't believe na sa isang iglap ay may nasayang na pagkain at hindi ko manlang ito nakagat.
Tinignan ko siya ng masama habang ang buo kong katawan ay nanginginig sa sobrang galit.
“Alam mo bang pinaka ayaw ko sa lahat ay yung hindi napupunta sa akin ang huling pagkain?!” sabi ko pero nagtawanan sila ng mga kasama niya
“Eh mukha pala itong pagkain eh” nagtatawanan na sabi ng mga kasama niya
Pumikit ako at kinuyom ko ang aking mga kamay habang iniikot ikot ang mga ito, pagkatapos ay muli akong dumilat.
"Oh, bakit galit ka bata? Ano iiyak ka na?"
"Sige, ilalabas ko na" sabi ko. Tuwang tuwa sila kasi akala nila pera ang ilalabas ko pero nawala ang saya nila ng makita ang chapa ko.
"Cha-chapa!"
"Oo! Kasi parak ako gago ka!" galit na galit na sabi ko. Hindi pa nakakatakbo ang kalbong nasa harapan ko ay tumalsik na agad siya sa lakas ng sipa ko.
Tumama siya sa mga mesa at natumba pero kaagad siyang tinulungan na tumayo ng mga kasamahan niya at tumakbo.
Bubunot sana ako ng baril para barilin sila pero nakalimutan ko na wala nga pala akong dala!
"Damn it!" naiinis na sabi ko kaya naman posas na lang ang kinuwa ko at sinubukan ko na habulin sila.
Pero tunay ngang kapag dinapuan ng kamalasan, magsusunod-sunod ito at hindi ka na lulubayan.
Hahabulin ko sana sila pero nakaapak ako ng isang bagay sa sahig kaya naman nawalan ako ng balanse at isang babaeng naka school uniform ang biglang lumitaw sa aking harapan.
Shaira POV
FLASH BACK

Nasa School ako ngayon, nagkakagulo ang lahat dahil sa nakitang bangkay ng lalaking estudyante sa may garden, hindi yon ang unang beses na may nakitang bangkay ng estudyante dito dahil pangalawang beses pa lamang iyon. Walang nakakaalam kung bakit at sino ang pumapatay sa School namin pero isa lang ang nakakasiguro ako, gagawin ko ang lahat para protektahan ang sarili ko upang hindi na magkaroon ng pagkakataon ang mga bully sa school na ito na mangbully pa ng mga taong walang laban sa kanila.
Ayaw ko kasi kapag may nakitkita akong nang bu-bully , maraming siga dito sa school at hilig nila pagtripan yung mga mas mahina sa kanila at ako naman, lagi akong nakikialam kapag may ganung sitwasyon.
By the way, dumating na ang oras ng uwian at naisip kong dumaan muna sa Jollibee para kumain.
Papasok palang ako sa Jollibee nang may mga nagtatakbuhan na mga lalaki.
‘Huh?Bakit sila tumatakbo?’ tanong ko sa isipan ko pero di ko na lang inisip pa, ang iniisip ko na lang ay gutom na ako at gusto kong makakain ng paborito kong chicken joy.
Pero, paglingon ko sa harap ko ay may isang lalaki na palapit sa akin, parang hinahabol niya yung mga lalaki kanina pero sa halip na mahabol niya ang mga lalaki yon, meron siyang naapakan na cellphone na siyang naging sanhi para mawalan siya ng balanse at… ‘hinalikan niya ako’

Komentar Buku (72)

  • avatar
    Es Ha

    very nice topic and honest

    16d

      0
  • avatar
    Marry Ann Germones Padul

    maganda

    23d

      0
  • avatar
    Janna M Collins

    500

    18/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru