logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 5: A Little Personal Question

Pagkatapos naming kumain ay nag-stay muna kami roon. I was busy watching the stars and the moon. Lahat sila ay kumikislap. Lahat sila ay maganda. Hindi kasi ako nakakapag-star gazing sa Manila dahil bilang lang sa kamay ang mga bituin na nagpapakita. Mas lamang pa rin ang polusyon at chopper na lumilipad sa himpapawid.
I could hear the sound of the waves softly kissing the shore while hugging my bended knees. I closed my eyes for a few seconds when the cold breeze touched my bare skin. Gosh! This is the most peaceful and beautiful place I've ever been.
"Sab. . . "
"Hmm?" I responded while playing the sand.
"Pwede ba kitang tanungin ng medyo personal na tanong?"
I looked at him and met his eyes. I stared at him for a while. Napansin ko naman na lumunok siya at nag-iwas ng tingin. I sighed.
"What is it?"
Agad siyang napalingon sa akin at kitang kita ko kung paano lumaki ang chinito niyang mga mata.
Hindi niya siguro inaasahan na papayag ako. I laughed a little. Maybe he thought that I would decline because his question would be a little personal. Sumasagot naman ako ng maayos basta maayos din ang tanong. Ganoon lang. If someone approached me nicely, then I would reciprocate it in a nice way, too. But I would admit that there are times I was rude to the people I am close to. Katulad na lang kay Angelique. Mukhang sa mundong ito, siya na lang ata ang nakakatagal sa pagkamasungit ko. Well, idagdag na lang din natin si Xavier.
"Ilang taon ka na?"
I changed my sitting position into an indian style and twitched my lips. "Sa tingin mo?"
He squinted his eyes and touched his chin. "Hmm. 18?"
I smirked. "I just turned 20 last April. Ganito siguro kapag baby face, 'no? Napagkakalamang 18 pa lang."
"Ang liit mo kasi, eh. Para kang duwende," bulong niya na narinig ko naman.
Nawala ang ngisi ko at binato ko siya ng tsinelas. "May problema ka ba sa height ko, kapre?"
Humalakhak siya nang masalo ang tsinelas ko. "Pikon talaga."
Inirapan ko siya. "Ikaw? 30 ka na siguro, 'no?"
"Hoy! Grabe ka naman sa trenta. Bente-uno pa lang ako."
I arched my brows. "Hindi nga? Mukha ka kasing lampas na sa kalendaryo, eh."
Natawa siya kaya natawa na rin ako. Ang kulit niya talaga. Parang hindi siya nauubusan ng energy. Natahimik kami. Mukhang wala na ata siyang medyo personal na tanong. I was debating with my inner self if I should ask him a little personal question, too.
"Xav."
"Sab."
Nagkatinginan kaming dalawa. 
"You first."
"Ikaw muna."
We both laughed. Tumigil siya sa pagtawa at sinabing ako na raw muna ang magsalita. 
"So, you're a photographer?"
Umiling siya. "Hobby lang."
"Really? Your shots were so good. I thought you're a professional one."
He chuckled and scratched his nape. "Tsamba lang 'yon, Sab."
"No, I don't think it was just luck. You have potential."
"Thank you for appreciating my shots. Sa totoo lang, gustong gusto ko talagang maging professional photographer. Bata pa lang ako nahilig na 'ko sa camera. My father used to be a photographer before. Kaya siguro sa kanya ko namana ang talento kong ito. Pero noong iniwan kami ni Papa at sumama siya sa ibang babae, simula noon ay ayaw na ayaw na ni Mama na makakita pa ng camera. Pero dahil makulit ako ay nag-ipon pa rin ako para makabili ng sarili kong camera. Since college na 'ko at malayo kay Mama ay ngayon lang ako malayang nakakakuha ng pictures."
I gasphed and my lips parted. Holy shit. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya sa akin iyon. Napalunok ako. 
"I'm sorry."
"It's okay. Matagal na rin naman 'yon."
"You just told me a very personal story. Dapat pala simula pa lang ay hindi na 'ko nagtanong about sa hobby mo."
I felt so bad. Having a broken family was never easy. Hindi ko lang maintindihan sa ibang lalaki kung bakit pa sila bubuo ng pamilya kung sa huli ay  hindi rin naman nila mapapanindigan. Hindi ba nila naiisip ang magiging reaksyon at mararamdaman ng mga anak nila?
But at some point, there are relationships that really need legal separation. Lalo na kapag sinasaktan na ng lalaki ang mga asawa nila physically. Violence should end and shouldn't be tolerated. Hindi naman kasi isang punching bag ang mga babae.
Kinuha niya ang isang sanga ng kahoy at maingat na hinagis sa bonfire. Umiling siya at nakangiting tumingin sa akin. "Okay lang talaga. Tsaka alam mo ba? Sabi nila na mas maganda raw magkuwento sa taong hindi mo kakilala ng personal kasi hindi ka niya huhusgahan."
"I disagree. Maraming judgmental sa mundo. Swerte ka kapag 'yong taong napagkuwentuhan mo ay malawak ang pang-unawa at nakakaintindi sa sitwasyon mo. Maybe it feels so good when we tend to open up our wounds to someone we didn't know because they don't know what we went through. But it doesn't always work that way, Xav. Kasi kahit hindi ka pa kilala ng iba, huhusgahan ka pa rin naman nila."
I smiled sadly. I've been there. I was being misunderstood by everyone. May mga ka-klase nga 'ko dati na kahit hindi pa 'ko nagsasalita ay sinasabihan na nila 'ko agad na masama raw ang ugali. Just because of how I look at them and how silent I am. 
"When I was in high school, I was being misunderstood. Just because I am the silent and shy type girl, hinuhusgahan na nila agad ako na nasa loob daw ang kulo. Masakit kaya. I tried to make friends pero napagod na rin akong ipaliwanag ang sarili ko sa ibang tao na hindi ako ganoon. Kaya kung may sasabihin man sila against sa akin, I don't care anymore. I don't need them in my life. Angelique is already enough," dagdag ko.
"They're just insecure because they are not as beautiful as you," he said while staring at me intently.
Umirap ako. "Bolero."
Tumawa naman siya. "It's true. Tsaka ang swerte ko pala kasi ikaw 'yong napagkuwentuhan ko."
Kunot noo ko naman siyang nilingon. "Huh?"
"Sabi mo kanina na swerte ang isang tao kapag 'yong taong napagkuwentuhan niya ay malawak ang pang-unawa. Kaya swerte ako kasi ikaw 'yong napagkuwentuhan ko. Mukha ka lang masungit pero alam kong malambot naman 'yong puso mo."
Ngumuso ako. "Mukha ba talaga 'kong masungit?"
Tumango siya. "Hmm. Magandang masungit."
Naramdaman kong uminit ang aking pisngi at umiwas na lang ako ng tingin para hindi niya mahalata.
We stayed there for an hour. Hindi ko na nga napansin ang oras kasi marami rin kaming napagkuwentuhan. He was fun to be with. Kinukuwento niya sa akin ang mga karanasan niya noong high school pa lang siya. Pakikinig at tawa lang ata ang naiambag ko kasi wala naman akong masyadong ma-share sa kanya na mga karanasan ko noong high school pa lang ako.
Pinatay niya ang bonfire at nilahad niya ang kanyang kamay. "Tara na. Balik na tayo roon."
Hinawakan ko naman ang kamay niya at inalalayan niya 'kong makatayo. Nagpagpag muna ako bago kami pumunta sa dalampasigan para maitapon niya ang mga basura. I roamed my eyes around. Hindi ko pa nalilibot ang resort na ito dahil tinatamad talaga 'ko kanina pero ngayon parang gusto kong maglakad lakad muna lalo pa at may mga lantern na nakahilera na nagbibigay liwanag sa resort. It's nice and cozy!
"May gusto ka bang puntahan?" Xavier asked.
"Gusto ko sanang maglakad lakad."
"Okay. Pero hintayin mo lang ako rito saglit at may kukunin lang ako sa room ko."
I nodded and crossed my arms over my chest. Nilingon ko ang dagat. Ang ganda talaga ng lugar. Laking pasasalamat ko sa pelikulang iyon dahil kung hindi ko iyon napanood ay hindi ako mapupunta rito. Maybe I should use this as a setting to my future stories.
"Tara, Sab." aya sa akin ni Xavier. 
Nilingon ko siya at napansing nakasabit sa kanyang leeg ang kanyang camera. Okay? So, iyon ang binalikan niya?
"Saan tayo?" 
Hahakbang na sana ako pero bigla niya 'kong pinigilan. My brows met when he manipulated his camera and commanded me to post near the coconut tree. Nakaramdam naman ako ng takot dahil baka mahulugan ako ng niyog! 
"Just lean on the tree, Sab," he said while positioning himself to find a good angle.
"Natatakot ako. Baka mahulugan ako ng niyog at tumama pa sa ulo ko."
He chuckled. "Ang overthinker mo naman."
I rolled my eyes. "Nag-iingat lang!"
"I promise. Sandali lang 'to basta sumandal ka lang sa puno."
"Kapag ako nahulugan ng niyog sa ulo at namatay, mumultuhin talaga kita."
I was so persistent not to lean on the tree. Pwede namang sa ibang lugar basta huwag lang dito. Ilang beses niya rin akong pinilit hanggang sa siya na ang nag-give up. I smirked because I won! Sinundan ko naman siya nang maglakad siya papunta sa isang coconut tree na maliit lang at walang bunga.
"Siguro naman hindi ka na mahuhulugan at matatamaan ng niyog diyan, 'di ba?"
"Why are you so obssessed with coconut tree, huh?"
"Well, let's say that I have something in mind. Tsaka may naisip akong angle, eh."
I rolled my eyes. "Fine."
Naglakad naman ako at sumandal sa puno. I didn't know what to post. Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ang aking ulo at balikat at marahang isinandal sa puno. Just a natural way of leaning on the tree.
"Okay. Just maintain your masungit yet beautiful face."
And so I did. I looked at the camera and waited for his signal na tapos na niya kong kunan ng litrato. Umihip ang malamig na hangin at nilipad ang aking buhok. Hinawakan ko ito para pigilin sa paglipad. Dinig ko naman ang sunod sunod na pagclick ng camera habang inaayos ko ang aking buhok. 
Gosh! Bakit niya 'ko kinunan ng litrato? Baka ang pangit ng itsura ko roon.
Nang matapos siya ay nakangiti naman siyang tiningnan ang kanyang camera. Lumapit ako sa kanya at tumingkayad para tingnan ang mukha ko. He lowered down his camera para mas makita ko ang kanyang mga kuha. Umawang ang labi ko nang makita ang resulta! Shit. I didn't expect that it would turn out to be damn fine! Iyong kuha niya kanina habang nakasandal ako sa puno habang suot ko ang aking masungit na mukha habang ang mga lantern lang ang nagbibigay ng liwanag ay napakaganda. It looks like a combination of vintage, modern, and aesthetic picture. Lalo na nang makita ko iyong inaayos ko ang aking buhok.
"Send mo ulit sa akin 'yan!" nakangiti kong wika sa kanya.
"May bayad na 'to, Sab."
Tiningala ko siya. "Oh? It's okay. Magkano ba?"
Saglit siyang nag-isip at ngumisi. "Hmm. I'll tell you tomorrow. For now, I'll just take you a photo," wika niya at naglakad papunta sa kung saan habang hawak ang aking palapulsahan. Wala na rin akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya.

Komentar Buku (15)

  • avatar
    Maria Bagalihog

    5.0

    29d

      0
  • avatar
    Sofhia Supilanas

    I like it

    03/06

      0
  • avatar
    LazoJacob

    lAb

    04/11

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru