logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 4: First Time

I sighed and rolled my eyes. Naririndi na 'ko sa sunod-sunod na message sa akin ni Angelique tungkol sa in-upload kong pictures. Hiningi ko kasi kanina 'yong pictures na kinunan ni Xavier sa akin. Pero bago ko iyon nakuha ay  mayroon siyang isang kondisyon. Dapat ko raw siyang i-follow sa instagram since hindi niya raw alam ang username ko. He gave me his username, so I followed him. Wala pang isang segundo ay finollow back na niya 'ko at sinend sa akin through e-mail ang pictures.
Kaka-upload ko pa lang ay nagcomment na siya agad.
xvryuzon: credits naman, kapitbahay.
I didn't reply to him, but Angelique did!
AL.lozano: @sablarracas credits daw, mare.
Hindi ko sila pinatulan. I disconnected myself to the social media world. I turned off my  phone and stared at the sunset. Kukulitin lang ako nang kukulitin ni Angelique kaya mas mabuti pang i-off ko muna ang phone ko. Sa unang araw ko rito ay wala pa 'kong masyadong ginawa. Kanina, sinubukan kong magsulat pero wala pa rin talaga 'kong maisip. Kahit ano'ng piga ko ay wala talagang lumalabas na ideya.
"Mag-isa ka na naman,"a familiar voice said.
In my peripheral vision, I saw him sat down on the sun lounger next to me. Hindi ako umimik at nanatili ang atensyon sa papalubog na araw.
"Alam mo pansin ko--"
"Pansin ko lang din na masyado kang papansin. Can you please respect my personal space?" I coldly said and looked at him.
Nakita ko naman na umawang ang labi niya at napatitig sa akin. Umiwas ako ng tingin at pumikit na lang. Shit. 
"S-sorry. Sige, alis na lang ako."
Narinig kong umalis siya sa pagkaka-upo. Nang masiguro kong wala na talaga siya ay minulat ko ang aking mga mata. Am I too rude and harsh on him? Ang kulit niya kasi, eh. Nakakainis kaya 'yong mga tao na iniistorbo ang "me time" mo. 
Bumalik ako saglit sa villa at iniwan ang aking cellphone. I twitched my lips and decided to swim. Bumalik ako sa dalampasigan at hinubad ang suot kong maxi dress. May mga tao pa namang lumalangoy pero bilang na lang sa daliri. I'm wearing a green two piece highwaist bikini. Dati, hindi naman talaga ko komportableng magsuot ng bikini dahil nahihiya pa 'ko, but Angelique was there to remind me that I should be confident with my body. Baby fats, stretch marks, and hairs on the legs are all normal. Kaya simula noon ay natuto akong tanggapin at mas mahalin ang sarili ko.
Tinupi ko muna ang damit ko at pinatong doon ang aking beach hat. Napangiwi ako dahil medyo mabato sa part na ito pero pagdating ko sa maliit nilang sandbar ay napangiti ako dahil sa lambot at puti ng buhangin dito. I was just silently enjoying my peace when some random guy approached me. Maganda naman ang katawan niya pero sa unang tingin ay mukha siyang babaero.
"Hi, are you alone?" he said while staring at my body.
I gulped the lump in my throat. Lumayo ako nang ngumisi siya at humakbang papalapit sa akin.
"I'm not, I'm with my--"
"Back off, bro. She's with me."
Umawang ang labi ko at napalingon sa lalaking tumabi sa akin at dinantay sa bewang ko ang kanyang kamay. Magkatagpo ang kanyang kilay at matalim ang tingin sa lalaking lumapit sa akin. Itinaas naman ng lalaki ang kanyang dalawang kamay sa ere. Seems like he was giving up. Naglakad iyon paalis at nang tuluyan na nga siyang nawala sa paningin ko ay inalis ni Xavier ang kanyang pagkakahawak sa bewang ko.
He cleared his throat. "You okay?"
I sighed. Medyo kinabahan ako roon pero mabuti na lang at dumating siya. Ang kanyang mga mata ay nakatuon sa aking mukha at tila ba tinitimbang ang aking ekspresyon. I was scared actually. Hindi naman sa takot ako sa mga lalaki pero kapag ganoong mga mukha--mukhang hindi mapagkakatiwalaan ay nakakakaba. Yes, he was good looking but he's an asshole! Kaya naging defense mechanism ko na rin na magsungit.
"I-I'm fine. Thank you."
I balled my fist and closed my eyes. Pero kahit nakakuyom na ang kamay ko'y nararamdaman ko pa rin ang panginginig nito. Agad akong nagmulat nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko. It was Xavier. Tumitig siya sa akin habang hawak niya ang aking mga kamay. His hands were warm and he commanded me to follow what he was saying.
"You'll be okay, Sab. Relax. Nandito ako. Mapagkakatiwalaan mo 'ko. Inhale and exhale," he said and taught me how to breathe again.
Doon ko lang napagtanto na sandali ko pa lang nakalimutan na huminga. Sinunod ko siya. I closed my eyes and tried to imagine a beautiful scene. A scene that could make my mind relax. And to my surprise, the scene that flashed in my mind was the moment Xavier captured a photo while he was smiling at me.
Agad akong nagmulat at binawi ang aking kamay sa kanyang pagkakahawak. Medyo nagulat siya sa bigla kong pagbawi. Tumikhim ako at umiwas ng tingin. I could feel that my cheeks were burning right now! At ramdam ko rin ang titig niya sa akin kaya mas lalong nag-init ang pisngi ko. 
Napalunok ako. What the hell? Bakit siya pa ang pumasok sa isip ko?!
"Sabrina, ayos ka lang ba? Bakit namumula ka? May sakit ka ba?" he asked. He was about to put his hand on my forehead when I stepped back.
At kamalas-malasan nga lang dahil pagtapak ko ay tubig na pala iyon! Pumikit ako at hinanda ang sarili sa pagkakabagsak sa tubig. Pero ilang segundo na ang lumipas ay wala pa rin. However, I felt a warm hand behind me. Pagmulat ko ay bumungad sa akin ang mukha ni Xavier na ilang pulgada na lang ang layo sa akin. My lips parted and stared at his chinito eyes. 
"O-okay ka lang?" he whispered while looking at me intently. 
Napalunok ako at tumango. "Yes," I whispered back.
Umiwas siya ng tingin at inalalayan akong makatayo ng maayos. I could feel an awkward air between us or was it just me? I shivered when the wind blew. Napansin niya ata iyon kaya agad niyang hinubad ang suot niyang white polo. Parang nasa isa akong pelikula dahil biglang nagslow mo ang lahat nang hubarin niya ang suot na pang-itaas. He has a good body tone, and his muscles are on the right places. Dumaan ang aking mga mata sa tiyan niya. Kahit wala siyang abs ay maganda pa rin talaga ang kanyang katawan.
Napaiwas ako ng tingin dahil nahuli niya 'kong nakatingin sa katawan niya! I caught him smirked. Mas lalo akong nakaramdam ng hiya!
"Suotin mo muna itong polo ko. Mukhang giniginaw ka, eh."
Umiling ako at nagsimulang maglakad pabalik sa dalampasigan. "No, it's okay. I can still handle--"
"I insist," he said and held my wrist. 
Napahinto ako pero hindi ako lumingon sa kanya. Muling humangin kaya mas lalo akong nanginig sa lamig. I felt his polo on my shoulders. Ang kulit din talaga! Nilingon ko siya habang masama ang aking tingin pero sinalubong niya lang ako ng kanyang ngiti at singkit na mga mata.
"I told you that I am fine."
"But still, I insist."
"I don't need your polo!"
He twitched his lips and chuckled. "Bakit? Ano bang gusto mo? Yakap ko?"
My lips parted and my eyes widened. Mas lalo siyang natawa nang makita ang aking itsura. Sa inis ko ay hinampas ko ang kanyang dibdib. 
"Stop laughing, will you?!"
Hindi naman mawala ang ngiti niya. "Sorry, hindi ko kasi mapigilan. Ang cute mong mapikon, eh."
Inirapan ko siya at humakbang papalayo sa kanya. Narinig ko pa siyang paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ko pero hindi na 'ko nakinig pa. My gosh! Ang kapal naman ng mukha niya!
Tinanggal ko ang polo niya at muling sinuot ang aking maxi dress. I saw him jogged towards me. Nakangiti pa rin siya at halata sa mukha na nag-e-enjoy siya kapag napipikon ako! I rolled my eyes again and handed over his polo. 
"Thanks." I said.
Pero mukha atang wala siyang plano na kunin sa kamay ko ang polo niya. Gosh! I want to throw his dress on his face if he won't stop from pissing me off! But I'm not that rude tho. Tinulungan niya 'ko kanina at iniligtas doon sa manyak na lalaking iyon. The best thing I should do right now is to extend my patience and thank him for saving my ass.
"Ano? Wala ka bang balak na kunin ang polo mo? O baka gusto mong ako pa ang magsuot sa 'yo nito?"
Natulala ako nang bigla siyang umupo sa sun lounger at ngumisi. "Sure."
Oh my gosh! Naramdaman kong uminit ang aking pisngi at hindi ko na talaga kaya ang pang-aasar niya sa akin kaya binato ko sa kanya ang damit niya. Agad naman akong kumaripas nang takbo pabalik sa villa ko.
"Damn you, Xavier Yuzon." I whispered as soon as I close the door behind me.
Agad akong pumasok sa banyo at naglinis ng katawan. It took me a couple of minutes to finished my rituals inside the bathroom. I'm wearing a white shorts and oversized shirt. Nagdesisyon na rin ako na i-open ang phone ko. Luckily, my parents didn't text me, but Angelique . . . oh my gosh! Daig niya pa sina Mommy at Daddy. I received over a hundred messages from her! At lahat ng iyon ay tungkol kay Xavier. I didn't bother to reply her. Bahala siya riyan.
Napahawak ako sa tiyan ko nang tumunog ito. It's passed seven, so I need to grab something to eat. Pero sana naman hindi na 'ko kulitin ni Xavier. But it was the opposite. Because just like what happened this morning, I found him standing on my doorstep. Nagtagpo ang kilay ko dahil may hawak siyang dalawang plastic. Inangat niya ang mga ito at ngumiti sa akin.
"Let's eat, Sab!"
Wala na 'kong nagawa nang hatakin niya 'ko palabas ng villa. I found myself sitting on the sand, under the glistening stars. Sa harap namin ay mayroong bonfire na mukhang siya rin ang gumawa. He was putting my food on the paper plate. Pagkatapos niyon ay ibinigay niya sa akin ang plato. Nang maamoy ko ang adobo ay nagdadalawag isip pa 'ko kung kakainin ko. But damn, this is not the right time para pairalin ang pride ko. Gutom na gutom na talaga 'ko. 
Tiningnan ko siya na ngayon ay nakapikit at parang may binubulong. Tatanungin ko na sana siya kung ano ang ginagawa niya nang bigla siyang nagmulat at nagsign of the cross. Agad akong umiwas ng tingin nang mahuli niya 'kong nakatingin sa kanya. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa bago kumain.
Even if he always pisses me off, it's undeniable that he is a good man. At kahit naiinis ako sa kanya, I know in myself that deep inside, I am happy and grateful kasi nakatagpo ako ng isang tao na mapagkakatiwalaan naman ang itsura.
"Thank you, Xavier. And I'm sorry if I was rude at you earlier," I said.
His eyes widened a bit when he met my gaze. Kumunot naman ang noo ko. "What?"
He cleared his throat and later on smiled at me. "This is the first time you called my by name, Sab."
"Oh? Really?"
Okay? So mas pinagtuonan niya ng pansin ang pagtawag ko sa pangalan niya kaysa sa pasasalamat at apology ko? Weird.
Tumango siya at kahit bonfire lang ang nagsisilbing liwanag dito ay kitang-kita ko pa rin ang pamumula ng kanyang tenga. 

Komentar Buku (15)

  • avatar
    Maria Bagalihog

    5.0

    29d

      0
  • avatar
    Sofhia Supilanas

    I like it

    03/06

      0
  • avatar
    LazoJacob

    lAb

    04/11

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru