logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 7

Chapter 7
There are lots of vendors along the street, childrens are running in the downtown in the middle of crowd, noisy people passing by. This is the town of Troas. That was my first time I went in neighbor town, just like Lindus huge houses were visible around the city. Sumisigaw sa karangyaan ang bayan ng Troas.
Ipinalibot ko ang aking tingin sa buong paligid at wala naman akong napansin na kakaiba pero pakiramdam ko parang may hindi tama sa lugar na ‘to.
“Let’s stay in apartelle for now, before we continue in our mission.” He stated. Like what he said, we stay in one of the cheap apartelle in town. Girl’s room were separated from them, we only get two rooms for us.
Kinabukasan, pagsapit ng umaga nakahanda na ang lahat para sa aming pag-alis. Sabi nila malapit na daw kami sa pupuntahan namin.
“Is everyone ready? We need to hurry.” He said at back of the door, waiting for us outside our room.
Lumabas kaming tatlo nina Violet na halata pa ang pagkaantok sa kanilang mga mukha. Nag-aantay sila sa aming tatlo at nakikita ko na ang pagkainip sa mukha ng isa sa kanila. Hindi maipinta ang mukha nito, halata sa nakakunot nitong noo at sa magkasalubong nitong kilay na tila ba ano mang oras ay handa na itong bumuga ng apoy.
Papasikat na ang araw nang lumabas kami ng apartelle. Madami ng tao ang nasa labas lalo na pagdating sa sentro. Isang maingay na bayan ang sumalubong sa amin.
I miss Mama.
Tuwing umaga palagi din kaming nasa sentro para bumili ng mga sangkap para sa mga gamot na ginagawa niya. Tuwing pupunta kami sa sentro ng Lindus ako palagi ang kanyang kasama at tulad dito isang maingay at mataong lugar din sa Lindus. Nagsabit ang iba’t ibang palamuti at nagkasalansan ang iba’t ibang makukulay na paninda sa tabi ng kalye.
“Charlotte!” Nawala ako sa pag-iisip ng marinig ko ang pagyugyog sa akin ni Violet. “You’re spacing out,” saad nito.
“Bakit?” I asked, she chuckled, “I’m asking you if you want to buy something before we leave.”
“Wala. Wala akong gustong bilhin,” sagot ko dito.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad dumaan lang kami sa isang tindahan ng mga aklat dahil may binili si Louise. Mukhang mahilig siya sa mga bulaklak dahil tungkol sa mga bulaklak ang binili niyang aklat. Nang malapit na kaming makalampas sa sentro hindi ko napansin ang isang lalaking nagmamadaling maglakad hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari, nagkabanggaan kami dahilan para mapaupo ako, nahulog naman ang mga dalang libro ng lalaking nakabanggaan ko.
“Charlotte!” Agad naman akong tinulungan ni Violet at Louise na makatayo. Pinagpagan ko ang aking sarili at tinulungan ang lalaking nakabangga sa akin.
“Pasensya ka na, hija nagmamadali lang ako para madala ang mga ito sa dapat na nagmamay-ari.” Paghingi ng paumanhin ng lalaki at saka ako hinawakan sa braso. He really felt sorry.
Before I could react, a baritone voice gives me chills again. “Get your hands off.”
I don’t know what he’s thinking but he was standing beside me with a dark face holding the old man hands to get away from my arms. The old man said sorry again before he turned his back.
‘”Charlotte, are you okay?” Ken asked standing beside me. I nodded to assure them I’m fine.
“You should be careful next time.” He said and turned his back. I rolled my eyes, should I be grateful for what he did because it looks like he’s telling me that I am so dumb.
Nagpatuloy na kaming muli sa paglalakad pero bigla akong natigilan ng maramdaman kong nawawala ang kwintas na suot ko.
“May problema ba Charlotte?”
“’Yung kwintas ko,” dali-dali kong binuksan ang dala kong bag dahil baka kung saan ko lang nailagay. Hindi pwedeng mawala ‘yon. Not my necklace. Pero wala, hindi ko makita sa bag o kahit sa bulsa ko. Nagsisimula ng magtubig ang mata ko.
Tumakbo ako agad nang maalala ko ang lalaking nakabangga ko kanina. Hindi ko gustong mangbintang pero siya lang naiisip kong pwedeng kumuha ng kwintas ko pero maari ding nahulog ito kanina nang magkabanggaan kami. Binalikan ko ang lugar kung saan nangyari ang insidente, mabuti na lang at hindi pa kami nakakalayo, pero hindi ko makita sa kalye. I didn’t want to panic but that necklace was important to me. I ran immediately when I can’t find on the street. I need to see the old man. I need to get back my necklace. I searched him in every corner of the downtown but I can’t find him. I’m loosing hope. I sat on the corner of the street trying not to cry or let any tears fall from my eyes. This is not the time to be weak.
Pagkatapos kong umiyak inayos ko ang aking sarili para makabalik na ako kung saan ko sila iniwan. Hindi ko kayang makita nila akong mahina. Nakita ko silang naghihintay sa akin nag-aalala ang kanilang mga itsura. Nang makita nila ako agad silang lumapit sa akin.
“Okay ka lang ba?’ tanong ni Louise. Tumango ako bilang sagot, hindi ko kailangan magpakita ng kahit anong emosyon.
“Gusto mo ba sabihin ko kay kuya na ipagpaliban na lang muna natin ang pag-alis para mahanap 'yong kwintas mo.”
“Louise is right Charlotte. Kita namin na mahalaga sayo ang kwintas na ‘yon,” dagdag pa ni Ken na sinang-ayunan naman ni Chase at Violet.
Hindi ko inaasahan ang kanilang sasabihin. They care? Yes they are. What now? Nakatingin lang ako sa kanila at pilit itinatago ang emosyon na hindi naman nila kailangang makita.
“No! It’s fine. We can go now.”
“Okay. Let’s just wait Conor, he went back in apartelle. He said, he left something important.” Ken answered and went back where he’s sitting a while ago.
Minutes had past when Conor came back. He looked fine but I felt his warm stare at me but I chose to ignore him. I’m not in the mood to play his nasty game. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa tuluyan na kaming nakalabas sa bayan ng Troas.
Mga matatayog na puno ang muli naming nadadaanan. Isang masaganang gubat na maaring puno din ng mababangis na hayop. Ayon sa narinig kong usapan nila nandito daw ang kanilang misyon. It means that we will stay longer inside the forest.
“This place is so creepy,” pahayag ni Louise habang lumilinga sa paligid.
Malalaking puno ang halos matatagpuan sa gubat na ito at kung titingnan mabuti para itong mga buhay kahit hindi naman gumagalaw. Rinig na rinig din ang huni ng mga ibon at kuliglig kahit umaga pa lamang.
“Seryoso ba kayo na nandito ang mission n’yo?” May pangamba sa boses ni Louise.
“Wag kang mag-alala, Baby nandito lang ako kung natatakot ka na.” Sabay akbay naman ni Chase sa balikat nito.
“Mas nakakatakot pa 'yang pagmumukha mo kesa dito sa gubat.” Tinawanan ni Violet at Ken si Chase dahil sa itsura nito.
Ngunit natigil sila sa pag uusap nang makarinig kami ng kaluskos. Tumigil din kami sa paglalakad o gumawa man lang ng kahit anong ingay upang pakiramdaman ang paligid. Nang wala na ulit kaming narinig na kaluskos mas binilisan na lang namin ang paglalakad sa loob ng gubat. Ang sabi nila nasa pinaka pusod ng gubat ang kanilang pakay pero ilang oras na kaming naglalakad hindi pa din kami nakakarating. Inabot na kami ng tanghali nang mapansin namin na parang bumalik lang kami sa lugar na tinigilan namin kanina.
“OMG! Naliligaw na ba tayo?” Louise said, stressful. Tumigil kami sa paglalakad at tiningnan mabuti ang pagligid. Biglang may kumaluskos sa di kalayuan sa amin halos tumigil ang aming paghinga.
“Stay back. Don’t make unnecessary move.” Conor warned us and lead the way.
Dahan dahan siyang naglakad kasunod si Ken at Chase palapit sa parte kung saan namin narinig ang kaluskos habang kaming tatlo ay nanatili sa pwesto namin. Habang papalapit sila walang ingay na naririnig kahit ang yabag ng kanilang mga paa. They were good in controlling their body’s density and the pressure from their foot steps. Ngunit nang malapit na sila isang mabangis na hayop ang bumungad sa kanila at halata ang galit sa dilaw nitong mga mata.
“Oh shit!” Chase cussed. They immediately moved backward.
Naglakad papalapit sa amin ang isang vargr nanlilisik ang mga nitong nakatingin sa amin. Isang malaking hayop na kulay itim ang nasa harap namin ngayon nababalutan ito ng makapal na balahibo at nangingibaw ang dilaw nitong mga mata sa medyo madilim na parte ng kagubatan. Madilim at mabangis ang nakikita ko sa kanilang mga mata.
Laking gulat naming nang hindi lang pala ito nag-iisa dahil biglang naglabasan ang iba pa nitong mga kasamahan na ngayon ay nakapalibot na sa amin.
“Prepare yourself,” paalala sa’min ni Ken. Ngayon lang ako nakakita ng totoong vargr nakakatakot ang itsura dahil sa halimaw na presensya. Madilim at mabangis, 'yon ang nakikita ko sa mga mata nila.
“Pwede bang tumakbo na lang tayo?” Pag-aalangang suhestisyon ni Louise.
Kilala ang mga vargr sa pagiging bayolente lalo na sa pagpatay sa mga taong kagaya namin. Isa sila sa pinaka iiwasan at kinakatakutan ng lahat. Natigil ako sa pag-iisip nang sigawan nila ako dahil nagsimula na kaming atakahin ng mga vargr. Ginamit ko ang lakas ko para iwasan ang isang vargr na biglang tumalon sa kinaroroonan ko.
‘Light waves’
Ginamitan ko na ito ng attribute dahil sigurado akong hindi sila basta basta madaling patayin. I made sword from my power, I contained the lights to my sword to enhance its level of damage.
Hindi naging madali ang pakikipag laban namin sa mga vargr tulad ko ay kita ko ding medyo nahihirapan sila. Tatatlo pa lang ang napapatay sa mga vargr at ang dalawa dito ay si Conor ang nakapatay. Muli kong binalik ang aking pansin sa vargr na nasa harap ko. Oras na para tapusin ang isang ‘to.
‘Light Dimensia’
Isang liwanag ang bumalot sa vargr na nasa harap ko,  ginawa ko ang lahat upang hindi ito makawala.
Ang Light Dimensia ay isa sa mga ability ng haos-user upang mapawalang bisa lahat ng senses ng kalaban. Mabilis kong itinarak ang espada na hawak ko sa puso ng vargr upang hindi na ito makaipon muli ng lakas. Bumagsak ito sa aking harapan at unti-unting naglaho na parang abo ang katawan nito. Tiningnan ko ang mga kasamahan ko at nakita kong matatapos na din sila.
Nang matalo na namin ang lahat ng vargr pagod kaming bumagsak sa damuhan.
“Wooh! Ngayon na lang ulit ako nakaramdam nang ganitong pagod sa pakikipag laban.” Pagod na pahayag ni Chase, naghahabol pa ito sa paghinga. Habang si Ken at Conor naman ay tila parang wala lang sa kanila ang pakikipag laban sa mga vargr.
“Hindi pa ba tayo aalis baka mamaya mas madami pang dumating.” Pahayag ni Violet na sinang-ayunan naman ni Louise.
Pagtayo namin biglang gumalaw ang mga punong nakapalibot sa amin. Parang umiikot ang paligid dahil sa pag galaw ng mga ito, nakakahilo.
“OMG! Ano na namang nangyayari?” Louise cussed as she balanced herself. Maging ang lupang kinatatayuan namin ay nagsimula ng gumalaw.
“Sino kayo? Anong ginawa niyo sa aking lupain?” Isang tinig ang nangibabaw sa loob ng gubat patuloy pa din sa pag galaw ang mga puno at lupa.
“We are from Lindus and we are looking for the Eye, Matii Loreta,” sagot ni Conor sa tinig.
Nakahinga naman kami ng maluwang nang tumigil sa pag galaw ang lupa at mga puno, bumalik ang mga ito sa normal na ayos.
“Anong kailangan niyo sa akin?” Isang matandang babae ang lumabas mula sa madilim na parte ng gubat nakasuot ito nang itim na bestida habang nakalugay ang itim at mahaba nitong buhok, natatakpan nito ang kanyang mukha, may hawak din itong kasing laki niyang tungkod. Siya na ba ang hinahanap nila?
“Magsalita kayo.”
Naglakad pauna si Conor may inabot itong liham mula sa kanyang bulsa. Tumunghay ito sa amin dahilan para makita namin ang kabuuan ng kanyang mukha. Narinig ko naman ang pagsinghap ng aking mga kasama nang makita ang kanyang itsura. Nakasarado ang dalawang mata nito, pero sa kanyang noo, makikita doon ang kanyang ika-tatlong mata mas malaki sa normal.
Binasa ito ng matanda, hindi ko alam kung nababasa niya ba talaga ito. Sa tingin ko ay mukha namang nababasa niya. “Sumunod kayo sa akin.”
Tulad ng sinabi niya sinundan namin siya pumasok siya sa madilim na parte ng gubat hindi napigilan ni Louise na sumiksik sa gitna namin ni Violet naka-angkla ang kanyang kamay sa braso naming dalawa. Sumalubong sa amin ang isang maaliwalas na hardin, naiwan kaming nakanganga at pinagmamasdan ang malinis at makulay na hardin habang ‘yong tatlo ay nakasunod sa matanda papunta sa isang maliit na bahay na nasa gitna.
“Tunay ba ‘tong nakikita ko?” Manghang-mangha na tanong ni Louise.
Kahit ako ay hindi makapaniwala sa nakikita ng mga mata ko. Sa likod ng isang madilim at buhay na gubat ay tila may isang paraisong nakatago dito, ‘yon ang tamang salita para ilarawan ang lugar na kinatatayuan namin ngayon. Puno ng iba’t ibang halaman at bulaklak ang paligid napaka-aliwalas tingnan salungat sa gubat na kinaroroonan nito. Naglipana din ang mga Zania sa paligid, kitang kita ang makikitab nitong mga pakpak lalo na pag tumatama sa sikat ng araw. Sila ang taga pangalaga ng mga bulaklak, maliit silang tao na may mahabang tenga at makikintab na pakpak.
Nang makabawi kami mula sa pagkamangha ay sumunod na kami sa kanila pagpasok sa loob ng maliit na bahay. Nagsabit ang iba’t ibang uri ng halaman, insekto at parte ng katawan ng ilan sa mga mababangis na hayop na matatagpuan sa gubat.
“Ina! May panauhin pala kayo.” Napatingin kami sa babaeng lumabas sa isang silid.
Isa itong tao, totoong tao, katulad namin normal ang parte ng mukha at katawan nito. May edad na din ito pero hindi katandaan, palagay ko ay kasing tanda na ito ni Mama. Umalis muna ito saglit, pagbalik niya ay may dala na itong tsaa at binigyan kami isa-isa.
“Mag tsaa muna kayo” Nakangiti nitong inabot sa amin ang tasa na naglalaman ng tsaa. Naupo ito sa isa sa mga silya na katapat namin habang nag-uusap naman sina Conor at si Oracle Loreta.
“Ako nga pala si Alicia,” pagpapakilala nito sa amin.
Maganda ang babae hindi mahahalatang medyo matanda na ito. Nakalugay ang brown nitong buhok, ngayon ko lang napansin na tulad pala kami ng kulay ng buhok mas matingkad lang ang pagka kulay lupa ng sa kanya. Maamo din ang mukha nito halata ang pagiging mabait nito.
“Ako naman po si Louise, ito naman po si Violet tapos siya naman po si Charlotte-” Magsiglang pagpapakilala ni Louise sa amin. “Tapos ‘yong tatlo naman pong lalaki ay si Chase, Ken at kuya Conor.”
“Ang sarap po ng tsaa niyo,” saad ni Violet.
“Salamat kakakuha ko lang kanina ng mga sangkap n’yan, tamang tama lang sa pagdating niyo.”
Nanatili lang akong tahimik at nakamasid sa babaeng nasa harap namin, nang mapatingin siya sa akin ay agad akong nag iwas ng tingin. Masaya itong nakikipag kwentuhan kay na Louise at Violet nang sabay-sabay silang tumayo. “Sama ka, Charlotte maglilibot kami sa hardin?” tanong ni Louise.
Tumango lang ako saka tumayo sa aking pagkakaupo, naglakad kami palabas ng bahay. Habang naglalakad kita ko ang pagsulyap sa akin ni Alicia marahil ay nagtataka sa pagiging tahimik ko.
Dahil mahilig sa bulaklak si Louise ay tuwang tuwa ito sa paglilibot sa hardin, natigil ako sa paglalakad ng makita ang isang bulaklak na matagal ko ng hindi nakikita, Pink Dianthus. Biglang sumagi sa isip ko si Mama dahil siya ang laging nagbibigay nito sa akin tuwing sasapit ang aking kaarawan.
“Gusto mo ba ang bulaklak na ‘yon?” Napatigil ako sa pagbabalik-tanaw ng marinig ko ang boses ni Alicia. Hindi nito hinintay pa ang aking sagot mahinhin itong lumapit sa bulaklak saka nito pinitas. Naglakad ito pabalik sa pwesto ko at inabot ang bulaklak.
“Tanggapin mo, kita ko ang lungkot sa’yong mga mata. Wag ka ng malungkot.” Wala sa sariling tinanggap ko ang bulaklak.
“Salamat,” mahinang usal ko at ngumiti lang ito sa akin.
Hindi ko alam kung bakit pero biglang nawala ang lungkot at bigat sa aking dibdib. Hindi ko mapigilang mapangiti at napansin naman ‘yon ng ginang.
“Mas maganda ka kapag nakangiti.”
Ngayon ko lang ulit naramdaman sa aking sarili ang ngumiti ng totoo matapos kong pumasok sa loob ng academy siguro ay dahil sa bulaklak na nagpapaalala ng pagmamahal ng isang ina.

Komentar Buku (17)

  • avatar
    ynabelle

    Ang ganda ng story mo author ito tlga ang gusto yong malakas ang bida sana may update always..Ganda kasi eh..😍😍

    14/04/2022

      0
  • avatar
    Jenre Yarag

    my karugtong po ba ng moon embracing the sun?

    25/11/2024

      0
  • avatar
    Bro Morales

    I love it tha story

    24/06/2024

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru