Chapter 4 Pinatawag agad ako sa office ni Headmaster matapos ang nangyaring summoning, marahil ay dahil ito sa taglay kong kapangyarihan. Hindi na ako magugulat kung 'yon nga ang dahilan. Simula ng malaman ko kung anong klaseng attribute ang meron ako inaasahan ko na ang gantong pangyayari sa oras na malaman nila na ako ang nagtataglay nito. Nang makarating ako sa harap ng gintong pinto sa office ni Headmaster Avalon kumatok ako ng tatlong beses, katulad ng unang tapak ko dito ay kusa naman itong bumukas. Pumasok ako sa loob, nakaupo si Headmaster sa sofa sa maliit na sala habang sumisimsim ng mainit na kape. "Pinatapatawag niyo daw po ako," I said as I entered the room. "Maupo ka, hija," sumunod naman ako sa sinabi niya, umupo ako sa katapat ng sofa na kanyang inuupuan. "Hija, alam mo ba kung anong klaseng attribute ang meron ka?" Tanong nito ng walang paligoy-ligoy. Like what I expected. "Haos." I answered with a blank expression. Biglang natawa si Headmaster sa sagot ko na tila isang biro ang lumabas sa aking bibig. "Yes hija, haos, and you know that kind of attribute is very rare to us here in Asgard. Kahit ang hari at reyna ay hindi nagtataglay ng ganyang kapangyarihan. Isang malaking blessing ang iyong kapangyarihan sa ating kaharian." Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa mga sinasabi ni Headmaster ngayon sa harap ko. Kung blessing ang kapangyarihang ito sana nailigtas nito si Papa, sana magkasama pa kami ngayon. Hindi ako papayag na makinabang sila sa kapanyarihan ko lalo na at sila ang dahilan ng pagkamatay ni Papa. "Matagal na panahon na mula ng magkaroon ng ganyang attribute ang isang taga Asgard kaya naman na-dissolve ang kategoryang ito dito sa academy," he explained. "Sa ngayon pag uusapan pa namin kung saang kategorya ka ilalagay dahil ikaw lang sa mga student na nandito ang nagtataglay niyan." Kung gano'n wala pala talaga akong kalalagyan sa lugar na ito, mabuti pa sigurong bumalik na lang ako kay Mama kung saan tahimik ang buhay ko. Pero kahit 'yon ang gusto kong gawin hindi ko magawa dahil kay Papa, gusto kong sundin ang huli habilin niya, kahit 'yon lang ay magawa ko para sa kanya. Pagkatapos ng pag-uusap namin ay umalis na din ako sa silid ni Headmaster, magpahinga na lang daw muna ako, bukas na lang daw ako pumasok para sabihin ang naging desisyon ng officials at ng mga Professors. Pabor naman sa akin ang naging desisyon ni Headmaster dahil wala ding akong ganang umupo sa harap ng mga Professors at makinig habang pinag-uusapan ako ng ibang estudyante. Kinabukasan, may sulat na dumating sa akin galing kay Headmaster, pinapapunta ako sa casa eruditio, matatagpuan ito sa kabilang bahagi ng casa doctrina. Doon naman matatagpuan ang mga silid na nakalaan para sa mga combat training. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras, agad din akong pumunta sa lugar na nakalagay sa sulat. Nakarating ako casa eruditio, hindi katulad sa casa doctrina, mas kakaonti ang mga taong nandito. Natigil ako sa paglalakad ng makita ko ang isang silid na may tao sa loob tila nagte-training ito dahil sa kapangyarihan lumalabas sa kanyang kamao tuwing tumatama ito sa kanyang mga kalaban. Naka-awang ang malaking kurtina na nakatakip sa glass window ng silid dahilan para makita ng kung sino mang dadaan dito ang nasa loob. Hindi ko maaninag masyado ang mukha ng nasa loob dahil sa mist na lumalabas mula sa aparatus kaya nababalot ng mist ang loob. Hanggang sa namalayan ko na lang na hawak ko na ang seradura ng pinto at marahan itong pinihit para bumukas. May sariling isip ang mga paa ko ng humakbang ito papasok ng silid na hindi alintana kung sino ang nasa loob. Kulay puti ang buong loob ng silid, may table lang ito sa gitna sa kabilang dulo. Masyadong maliwanag sa loob dahil sa dami ng ilaw na puti. Natuon ang atensyon ko sa taong nasa loob. Nanlaki ang mata ko ng makita ang mukha ng lalaki, dumaloy ang kakaibang kaba sa aking dibdib, huli na ng ma-realize kong nakapasok na pala ako sa loob. Dahil sa ingay ng pagsara ng pinto naagaw ang atensyon ng kaninang busy sa mga dummy na kanyang kalaban. Hindi siya ang inaasahan kong makikita dito sa loob pero huli na ang lahat para lumabas pa. Mas lalo akong nagulat nang mapagtanto kung anong attribute ang gamit niya. This cant be! How come?! The kind of attribute he possessed was deadly, it can kill thousands of people if uses in a wrong way. It was the elements of darkness. Darkus! "Nandito ka na pala." He said as if nothing wrong with what I witnessed. Tumigil siya sa ginagawa niya saka siya may pinindot na kung ano sa kanyang kanang bahagi. Kinuha nito ang towel na nakapatong sa table sa bandang gitna ng silid saka pinunasan ang pawis na tumatagaktak sa kanyang mukha at leeg. I take off my eyes from him when he removes his wet tank top. He looked fine after that intensive training, I didn't saw any hint of tiredness on his face. He must be that strong so I better not to mess up with him. Like what I've always felt whenever he's around, my body reacted out of my control. "Tatayo ka na lang ba diyan?" pahayag nito na may pang-asar na tono. "You're attribute." I can't find my words how to say things to him. "What about it?" Bago pa ako magsalita ay bumukas ang pinto at pumasok doon si Headmaster Avalon. "It's great you're already here Charlotte." He said in formal tone. "I'll be back," saad ni Conor bago ito tuluyang lumabas ng silid dala ang mga gamit nito. Kakaibang tingin ang ibinigay ko kay Headmaster dahil sa nasaksihan kong attribute ni Conor. Hindi lingid sa mga taong nasa labas ng academy na may katulad niya pang kumokontrol ng darkus. Ang alam ng lahat ay matagal ng na-extinct ang mga kagaya niyang humahawak ng darkus. "Charlotte, hija! Siguro ay nabigla ka sa nasaksihan mo?" Simula ni Headmaster habang naglalakad papalapit sa pwesto ko. "Hindi lang ako ang may naiibang attribute dito?" Tanong ko kahit alam ko na ang sagot sa sarili kong katanungan. Marahang tumango si Headmaster na parang ine-estima ang sunod kong sasabihin. "Bata pa lamang siya ng ipasok siya ng kanyang magulang sa academy dahil sa kanyang attribute. Alam ng kanyang mga magulang na hindi pangkaraniwan ang kanyang kapanyarihan dahil matagal na ngang nag extinct ang ganitong uri ng elemento." Kwento nito na tila binabalikan ang araw kung kalian nangyari ang lahat. "Hindi naging madali sa kanya ang kontrolin ang kanyang attribute, dahil sa taglay nitong lakas maaring dumating sa punto na kainin siya ng sarili niyang kapangyarihan at ito ang kumontrol sa sarili niyang katawan. Kaya naging maingat kami na hindi ilabas sa lahat kung anong attribute ang meron siya." dagdag pa nito. "Kung ganon sa anong category siya kabilang?" tanong ko pa. Pero paanong nababasa niya ang isip ko? Alam ba 'to ni Headmaster? "Hands-on kami sa kanyang training dahil wala kahit isa sa mga Professor ang pwedeng magturo ng ganong attribute. Ako mismo ang nagtuturo sa kaniya, lahat ng may kinalaman sa kanyang attribute pero ang ibang wala namang kinalaman ay pinapaubaya ko na sa ibang Professor." Hindi maalis sa isip ko ang nalaman ko tungkol sa kanya. Darkus. Haos. Our attribute were contradict to each other, 'yon ba ng dahilan kaya ibang magreact ang katawan ko tuwing malapit siya o nararamdaman ko ang kanyang presensya. The both of us will never be in harmony. Maya-maya pa ay bumalik na din si Conor at nakasuot na ito ng kanyang training gear hindi katulad kaninang tanging tank top at jogging pants lamang ang suot niya. "Pwede na tayong magsimula." Pumunta si Headmaster sa harap naming dalawa. Ngayon parang may kumakawala na naman sa loob ko dahil malapit kami sa isa't isa pilit kong hindi pinapansin ang pakiramdam na 'yon at nagofofcus sa sinasabi ni Headmaster. "Napagdesisyonan ng Official na ikaw Charlotte Grandidge ay sasailalim sa isang special training." Tumingin muna ito sa akin pero wala akong naging reaksyon, naghihintay ako sa susunod niyang sasabihin. "At ikaw Conor Cambridge ang magiging trainor niya." "What?" Halos masamid ako sa sarili kong laway dahil sa pagkabigla. Nakita ko naman ang pagkurba ng labi ng lalaking nasa tabi ko lamang. Ngumingiti ba siya? "You heard me Miss Grandidge," saad nito. "He will teach you more things about your attribute. Every attribute has its own way on how to release power and deal with it and the Officials think that he's the best choice to teach you since you have almost the same way in using power." "How about you?" I asked like I am desperate not to have him as my trainor. "He's just a student here like any of us, how will he teach me?" I added. "I'll be gone for weeks because I have to attend the annual conference of every Headmaster of Academy and it will be held in our neigboring kingdom." Shit! No! Baka hindi ako makatagal kasama siya sa isang silid. I don't want to have any close contact with him I'm not comfortable with the idea running through my head. Nararamdaman ko pa lang presensya niya para na akong nauubusan ng hininga paano pa kaya kapag nagsama kami buong araw. "How about the other Professors?" tanong ko pa baka sakaling magpabago ang desisyon ni Headmaster. "Maiwan ko na kayong dalawa. I need to go. Conor ikaw na ang bahala sa kanya. Don't worry may mag gu-guide pa ding Professor para sa daily training niyo and you can also attend the other class with your chosen categorical class." Is he really serious about this idea? "Masusunod, Headmaster," sagot naman ng lalaki sa tabi ko. His voice sounds autocratic and full of darkness, like the way he glared at me right after Headmaster Avalon left the room. "What?" I asked annoyed. "Change your clothes," aniya saka naglakad papunta sa isang sulok ng silid. Bossy! Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko na para bang walang narinig. "Don't wait me to change your clothes right here." May pagbabanta sa tono ng kanyang pananalita. Wala akong nagawa kung hindi magpalit ng sarili kong training gear para daw makagalaw ako ng maayos. Pagbalik ko sa silid nakita ko siyang nakaupo sa lamesa sa gilid. Naninibago pa ako sa suot kong training gear dahil pakiramdam ko kumakapit ito sa aking balat. Isa itong rubberized suit na kulay itim, magaan itong isuot pakiramdam ko ay wala akong suot na damit. "I saw how you used your attribute and it seems you are knowledgeable about it. Now, I want to test first your physical strength so that I know how far you can do." "Sure." Pagkasabi na pagkasabi ko nito namalayan ko na lang ang isang kamao na papunta sa dereksyon ko. Agad akong tumalon palayo para maiwasan ang kanyang suntok. "What the hell is that?!" Muntikan na akong tamaan ng kanyang kamao dahil sa mabilis niyang pagkilos mabuti na lang ang naging alerto ako. "Just trying how good you are." He answered, mocking. Now he's being sarcastic. Gusto kong suntukan siya sa mukha dahil sa kanyang ginawa. He's pissing me off. But I preferred not to have a close contact with him. "Am I good enough?" I asked. Huli na ng ma-realize ko na dapat hindi ko tinanong ang bagay na yon. What kind of question is that? Gusto kong tuktukan ang sarili ko dahil parang nawawala ako sa composure ko. Tumawa lang ito. I gave him a dagger looked but he still smiling like he was enjoying the way I looked at him. "Come here." Tawag nito sa akin habang nakangiti pa din pero yung ngiti niya hindi katulad ng normal na ngiti. It's like he's planning something towards me. "No." I answered as I set my foot backward without realizing it. I dont want to come near him it's not good for me. My body reacts on its own whenever he's near. "Come here let me teach you something." Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko tiningnan ko lang siya at nakikita ko sa kanyang mukha na nawawala ang kaninang ngiti sa kanyang mga labi. Isang masamang tingin na ngayon ang ibinibigay niya sa akin. "I said come here." Puno ng otoridad ang kanyang malamig na boses dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko. I'm not scared of him its just that how my body reacts to him. That's why I don't want to associates with him. He looks like a freaking monster to me. Parang wala siyang magandang maidudulot sa tuwing malapit siya sakin. I was spacing out when I realized, he's holding my arms and dragged me to where he was standing earlier. Walang lumabas na boses sa bibig ko hinayaan ko lang na hilahin niya ako sa kanyang pwesto at hawakan ako sa braso. Bakit hindi ko magawang kumilos? Fvck Charlotte! What is happening to you? "Better." Now I'm standing next to him. Humarap ako sa kanya at tinitigan siya sa mata gano'n din ang ginawa niya. Mas lalong tumindi ang nararamdaman ko sa loob ng katawan ko parang may gustong kumawala na kung ano. Gusto ko ng alisin ang tingin ko sa kanya pero hindi ko magawa. Kumunot ang kanyang noo, marahil ay nagtataka sa inaasta ko. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagyugyog niya sa akin habang hawak niya ang magkabilang balikat ko. "Hey, Charlotte!" Bigla akong bumalik sa sarili ko ng marinig kong tawagin niya ako sa aking pangalan. "Bakit?" I answered like I dont know what I am doing. "You're spacing out." I immediately moved backward when I realized how close he was to me. "Let's start." Saka ako nag-iwas ng tingin na parang walang nangyari. Binigyan niya ako ng kakaibang tingin na tila binabasa kung anong iniisip ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay dahilan para umiwas din ito ng tingin. Ayaw kong basahin niya na naman ang isip ko hindi niya dapat malaman na naririnig ko siya. Kailangan ko munang malaman kung paano niya ako nagagawang kausapin gamit lamang ang isip. "Focus, Charlotte." Nagsisimula na kaming mag sparring and it seems... dehado ako. Halatang mas praktisado siya kumpara sa'kin plus the fact that I can't focus because of his presence. He's intimidating presence saying something more than the fact that he's better than me. The way he moved, it's more detailed and polished. The way he attacked me showed right calculation, I noticed it when I gave him an immediate counter attack. I gave him a side kick but he dodged it. He held my left foot. I tried to back flip para makalayo sa kanya bago pa siya mag-counter. Gladly, nagawa ko naman. Kanina pa kami nagsisimula pero kahit isang beses ay hindi ko pa siya natatamaan o nasasaktan man lang. Nakatitig lang kami sa isa't isa habang nag-iikutan. Naghihintay kung sinong unang muling susugod. I tried to focus on our fight but everytime I felt his breath on my skin I lost my composure. He's smiling devishly while waiting for me to attack him but I refused to do so. I let him do the first move this time. Nagpakawala siya ng isang malakas na suntok pero agad ko namang naiwasan. Sunod-sunod na suntok ang kanyang pinakawalan na pilit kong iniiwasan. He's fast! I grabbed his arm nang magkaron ako ng pagkakataon. I twisted it and held his arm from his back. Hindi na siya makasuntok pero masyadong malakas ang pwersa niya, nagawa niyang baliktarin ang sitwasyon. Ako na ang hawak niya mula sa likod. "You can't defeat me easily," he whispered. Naramdaman ko ang kanyang mainit na hininga sa batok ko. It gave shivered down my spine. I slid my feet on his legs that make him fell on the ground. I moved in a defense position in case he attacked me without a warning. I know he's capable of doing that but he did not do it. "Really?" Tugon ko dito na may halong pang-aasar sa tono. I won't let my guard down in front of him. Not in front of him. I punched him on his face but he easily dodged it, again. Damn! He grabbed my arms and pinned me on the floor. I felt the cold surface at my back. Agad akong nag-iwas ng tingin nang ma-realize ko ang pwesto namin. Nakatihaya ako habang siya ay nasa ibabaw ko hawak ang dalawa kong kamay sa magkabilang side ng aking ulo. I felt my cheeks burning in red. Like I always felt whenever he's near, it's stronger than before. Nang tumingin ako sa kanyang mga mata nakatitig lang ito sa'kin. Nagfake ako ng ubo para matauhan siya at mukha namang gumana. Agad itong tumayo at umalis sa pagkakakubabaw sa'kin. Mabilis din akong tumayo at pinagpagan ang damit na suot ko na parang walang nangyari.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
Biaya 62 berlian
Keseimbangan: 0 Berlian ∣ 0 Poin
Komentar Buku (17)
ynabelle
Ang ganda ng story mo author ito tlga ang gusto yong malakas ang bida sana may update always..Ganda kasi eh..😍😍
Ang ganda ng story mo author ito tlga ang gusto yong malakas ang bida sana may update always..Ganda kasi eh..😍😍
14/04/2022
0my karugtong po ba ng moon embracing the sun?
25/11/2024
0I love it tha story
24/06/2024
0Lihat Semua