logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 2

Chapter 2
Nandito ako ngayon sa aking silid sa academy malawak ito para sa isang tao. May maliit na sala, study table at isang malawak na kama. Sa kanang bahagi nito ay may isa pang pinto kung saan matatagpuan ang bathroom. Kumpleto na ang mga kagamitan, may ilan na din mga damit ang nakalagay sa cabinet.
Nakahiga ako habang nakatingala sa kisame iniisip kung anong pwedeng mangyari sa'kin dito sa loob. Si Mama Lisa kanina pa s'ya umalis inihatid n'ya lang ako dito sa aking silid at umalis na din sya. Matagal din ang ilalagi ko dito sa loob mami-miss ko si Mama, sana maging maayos lang s'ya. Napabuga na lang ako ng hangin dahil sa mga iniisip ko.
Dahil medyo naiinip na ako dito sa aking silid ay naisipan ko munang maglibot sa buong academy. Bukas na nga pala ang start ng klase, sa ngayon ay pinagpahinga muna ako ni Headmaster Avalon, 'yon daw ang itawag ko sa kanya kahit wala naman akong pakialam. Kahit alam kong kakilala s'ya ni Mama hindi ko pa din maalis sa akin ang magtanim ng galit sa kanya dahil sa pagkamatay ni Papa.
Sa paglalakad ko, napadpad ako sa isang lugar dito sa academy na puno ng mga halaman. Sa dulong bahagi nito ay may maliit na fountain. Masyadong madilim kaya hindi masyadong maaninag ang paligid. Medyo may pagkaluma na din ang bahaging ito ng academy tila matagal ng hindi nalilinis at napupuntahan.
Ang ganda siguro ng lugar na 'to kung malinis. Bulong ko sa hangin. Naupo ako sa bench malapit sa fountain habang nag mumuni-muni.
Ang tahimik ng paligid dumadampi sa aking balat ang malamig na simoy ng hangin. Kung buhay pa siguro ngayon si Papa hindi ako magdadalawang isip na pumasok sa paaralang ito mas malapit kase ang loob ko kay Papa kesa kay Mama pero pantay naman ang pagmamahal ko sa kanila.
I back on my senses when I felt someone held my shoulder. Na-alarma ako, kanina ko pa nararamdaman na may tao sa likod ko, agad kong hinawakan ang kamay nang kung sino mang nasa likod ko at saka ko s'ya inikot pabagsak sa lupa.
"Damn it!" Base sa boses n'ya ay lalaki ito.
Agad akong sumakay sa ibabaw nya para hindi ito makapalag pa. "Sino ka? Anong kailangan mo sakin?" matalim kong tanong dito.
"Get off me!" He groaned dangerously.
I narrowed my eyes on him and punched him on his face but he grabbed my hands and hold it firmly. Madilim ang paligid kaya hindi ko maaninag ang kanyang mukha.
"Shit!" dinig kong mura nya.
I tried to resist from his gripped, I used my force to withdrawn my hands from him. Agad akong umalis sa kanyang ibabaw nang makawala ako sa kanyang pagkakahawak. Habol ko ang aking paghinga nang makalayo ako sa madilim na lugar na 'yon.
Dumerecho ako sa aking silid matapos kong umalis sa lugar na 'yon. Nawalan na ako ng ganang magpahangin matapos ang nangyari, nakaramdam na din ako ng antok. Maaga pa ang unang klase ko bukas.
Naglalakad ako sa hallway papuntang cafeteria mabuti na lang at may ilan akong nakasabay sa paglalakad kaya nakarating ako na hindi naliligaw. Mabuti na lang naglibot ako kagabi at least alam ko na ang ilang lugar sa malawak na gusaling ito.
Pagpasok ko sa loob sumalubong sa akin ang malawak na espasyo na puno ng mga table. Mataas ang kisame nito at sumisigaw ang mamahalin na mga kagamitan, may malaking chandelier din ito sa gitna at mga portrait na nakasabit sa bawat sulok. Dumerecho agad ako sa pila sa pagkuha ng pagkain ng makita kong unti-unti na itong humahaba.
"Bago ka dito?" tanong sa'kin ng isang babae na siyang tao dito sa cafeteria.
"Ah opo," magalang kong tugon at nagpatuloy sa pagkuha ng pagkain.
"Kaya pala ngayon lang kita nakita. Ako nga pala si Carmella, ate Carmella na lang itawag mo, 'yon kase tawag nila sakin," she said, smiling.
"Ako po si Charlotte." I replied, smiling.
Matapos kong kumuha ng pagkain at makipagkilala kay ate Carmella dumerecho na agad ako sa table sa bandang dulo ng cafeteria. Gusto ko sa pwestong ito, hindi masyadong maingay. Hindi pa ako nagtatagal sa pagkakaupo nang may nagsalita sa harap ko.
"Excuse me, can I sit here?"
Nag-angat ako ng tingin para makita kung sino ang nagsalita, napa-awang ang labi ko ng makita ang may ari ng baritonong boses. Isang lalaking malapad ang ngiti ang nasa harapan ko, kapansin-pansin ang halos kulot nitong buhok. Suot nito ang uniform ng academy, white long-sleeves, black and white checkered tie covered with a dark blue coat and a logo on the upper left side.
Nakatingin ito sa akin habang hawak ang tray ng kanyang pagkain. Naghihintay ng sagot ko sa kanyang katanungan.
"Wala na bang vacant table?" I said at the back of my mind.
"Wala na kaseng vacant table," he said, na parang nabasa n'ya ang nasa isip ko.
Tumingin ako sa paligid... wala na ngang vacant table. Hindi ko man lang namalayan ang pagdami ng tao. I nodded to him as an answer. Tumungo na ulit ako at nagpatuloy sa pagkain.
"Are you new here?" He asked, out of nowhere.
Napatingin muna ako sa kanya baka kase hindi ako ang kinakausap. Tango lang ang tangi kong sagot.
He gave me a smile. "I'm Kenny but you can call me Ken, if you want," he said, still smiling.
Kanina pa siya ngiti ng ngiti hindi ba siya nangangalay?
"Charlotte." I answered without looking at him.
Wala ng nagsalita sa amin matapos naming magkakilanlan. After a minute, tumayo na ako, malapit ng mag start ang first class ko.
"Already done?" Napabalik ang tingin ko sa kanya. I just nodded before leaving the cafeteria.
Naglalakad na ako palabas ng cafeteria when I heard one of the student said, "Who is she? Close ba sila?"
Napatigil ako sa paglalakad. Ako ba pinag-uusapan nila?
Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy sa paglalakad baka kase hindi ako saka hindi ko naman sila kilala para pag-usapan ako.
Nakarating ako sa casa doctrina, mga silid para sa mga non-combat lecture, may mangilan-ngilan ng tao, nakatingin sila sa akin ng pumasok ako. Siguro ay nagtataka sila dahil ngayon lang nila ako nakita. Dumerecho ako sa bandang likod para doon maupo. Dahil naiinip na ako, sumubsob muna ako sa upuan para umidlip.
Ilan sandali pa ay may pumasok na babae, palagay ko ay nasa 30's pa lang s'ya. Ang ganda nyang tingnan sa kanyang damit.
"Good morning!" Bati n'ya, mababakas ang otoridad sa kanyang tono.
She's handling an old book on her right arm while her eye was on every student inside the class. She's wearing a red dress that covers her upper body up to her knee. Nakalugay ang mahaba niyang buhok habang nakasuot ng salamin na mas lalong nagpa-strict sa kanyang itsura.
"Good morning, Professor!" balik na bati ng buong klase.
"Call me Professor Jenny, I will be the one to assist you in our History class."
After she introduced herself she started discussing her lesson for today. She talked about how Asgard built during ancient times.
I wonder what kind of ability she had. She looked strong but still sophisticated in her dress and the aura that coming from her was full of confidence and authority.
Biglang bumukas ang pinto dahilan para makaagaw ng pansin, pumasok ang isang babae na halatang pagod na pagod dahil naghahabol pa ito ng hininga.
"Good Morning Professor, sorry I'm late," bungad nito at saka nagbow bilang paghingi ng paumanhin.
"It's okay. Just go to your seat and don't be late next time," she said, strictly. Nakita ko naman ang pag-ikot ng mata ng babaeng kakapasok lamang. Mahaba ang kanyang buhok bumagay din sa kanya ang pagkaka wavy nito na tila natural. She looked younger than me, her eyes shines like a ray of sunlight.
Naglakad ito papasok, nagpalingalinga muna ito na parang may hinahanap. Nakita kong papunta s'ya sa dereksyon ko. She sat beside me. I see... there's no other vacant chair.
Professor Jenny continued her discussion about Kingdom of Asgard. I'm listening to her when suddenly my seatmate poked me, the girl who entered a while ago.
Tiningnan ko lang siya ng nagtatanong na tingin.
She smiled genuinely, "I'm Louise," she said and extended her hand.
Napatingin pa muna ako sa kamay n'ya kung aabutin ko ba ito. "Charlotte."
"Nice to meet you, Charlotte," she said smiling widely despite of not having a shake hands with her.
Tuloy lang ang kwento niya ng kung ano-ano tungkol sa academy habang nagdi-discuss si Professor Jenny pero wala naman akong ganang makinig sa mga sinasabi niya. I don't want to be friend with anyone from here.
Natapos ang buong klase na wala siyang ginawa kung hindi ang dumaldal sa aking tabi. Tango lang ang sinasagot ko sa mga sinasabi niya dahil wala akong ganang makipag-usap.
"Charotte, sabay na tayo kumain ng lunch," pahayag nito.
Tumango lang ako bilang sagot, wala din naman akong magagawa kung tatanggihan ko siya siguradong magpupumilit pa din siyang sumabay. And I don't want to be rude too much to her.
"Yey! Let's go," she cheered like a kid.
"Baka naman gusto mong magkwento kanina pa kase ako nagkwe-kwento, tell something about yourself."
Hindi ako nagsalita tuloy lang ako sa paglalakad habang hindi pinapansin ang sinabi niya. Maya-maya pa ay nagsimula na naman siyang magkwento ng mga bagay tungkol sa bawat madadaan naming casa para siyang tour guide sa ginagawa niya.
"What about your parents? Nasaan sila?"
Napatigil ako sa paglalakad hindi ko inaasahang 'yon ang itatanong niya. We're not even close to talked about that matter.
"They're gone." I lied. I don't want her to ask more about my family nor my life.
"Sorry to hear that, Charlotte," she apologized. Tumango lang ako saka naglakad muli gano'n din naman siya.
Habang nakain kami ay tuloy pa din ang kwento niya hindi siya nauubusan ng sasabihin. Hanggang sa may naitanong siya na nagpatigil sakin mula sa pagkain. "Ano pa lang type of user ka? I mean your power."
Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang kanyang tanong naalala ko no'ng bata pa ako palaging sinasabi sakin ni Papa na wag na wag ko daw sasabihin kahit kanino kung anong kapangyarihan ko. Hindi ko alam kung bakit niya sinabi 'yon, hanggang sa kinalakihan ko na hindi ipagsabi o ipakita ang kapangyarihan ko kahit kanino. Tanging si Mama at Papa lang ang nakakaalam kung anong kapangyarihan meron ako.
"Haos." There I said it. Malalaman at malalaman din naman nila kung anong kapangyarihan ko. Saka gusto ko ding malaman kung bakit ayaw ni Papa na ipagsabi sa iba ang kapangyarihan ko.
"Really?" she said na parang gulat na gulat. "Did you know that kind of power is very rare?"
Napaisip ako sa sinabi niya. "What do you mean rare?"
"Rare. It means none of the students here have that kind of power only subterra, ventus, aquos and pyrus are most frequent here in academy. This is my first time to meet a haos-user."
Ito ba ang dahilan ni Papa kaya ayaw niyang may makaalam ng kapangyarihan ko? Pero bakit... gaano ba kaiba sa iba ang kapangyarihang meron ako? May itinatago ba sakin si Papa, may hindi ba ako alam? Ang daming tanong ang naglalaro sa aking isipan kung bakit hindi sinabi ni papa ang totoong dahilan niya sa pagtatago ng aking kapangyarihan.
"Anyway, I have aquos," she giggled.
Nagpatuloy na kami sa pagkain ng biglang may tumawag sa kanyang pangalan. Isang baritonong boses dahilan para tumahimik ang kaninang maingay na silid.
"Louise!"
"Kuya" she blurted. Nanatili akong nakatungo habang kumakain hindi na ako nag-abala pang tingnan kung sino man ang tinawag ni Louise.
"Hello baby," rinig kong bati ng isa sa kanila.
"Huwag mo nga akong ma-baby diyan, hindi kita tatay tigilan mo akong bakla ka." Inis na inis na pahayag nito.
"Hi Charlotte," napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang pangalan ko.
Hindi sinasadyang nagtama ang aming mga mata, kakaibang tingin ang binigay niya sa akin. Nandito siya, bulong ng aking isip katulad ng unang beses kaming nagkita iba ang nararamdaman ko mula sa kanya. Bakit parang kilala siya ng pagkatao ko? My eyes were locked on him and then suddenly there's a waves that appear between us but it was too fast to be seen by our naked eyes.
"Sino ka?" I heard a voice inside my head. Is it him? Telepathy? Mind reading? Is that possible?
I pretend not to hear what he said through mind reading. I diverted my attention to the one who called my name but before I speaked my thoughts, someone interrupted.
"Whoa! Magtititigan na lang ba kayo diyan?" Natatawang pahayag ng lalaking kanina pa nangungulit kay Louise, napa-iwas agad ako ng tingin pero siya ramdam ko pa din ang mainit niyang tingin sa akin.
"Dude, mukhang naunahan ka na agad ni Conor. Tingin pa lang ang bangis na agad," saad nito na halatang nagpipigil ng tawa. Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy sa pagkain.
"Siraulo ka talaga, kung ano-ano na naman sinasabi mo diyan." Giit ng lalaking nakasabay ko kaninang umaga dito sa cafeteria.
"Paano nga pala kayo nagkakilala? Bakit kilala mo siya?" Tanong ng lalaking nagngangalang Chase ayon kay Louise, kanina pa kase siya bulong ng bulong dito sa tabi ko na iwasan ko daw ang lalaking yan.
"I met her a while ago, here in cafeteria." He answered.
"Hi beautiful, I'm Chase Aldaine," sabay kindat nito.
Kinuha niya ang kamay ko ng akmang hahalikan na niya ay agad ko namang binawi ito dahilan para pagtawanan siya nina Louise.
"Napakalandi mo talagang bakla ka lumayas ka nga dito," isang malakas na hambalos ang natanggap nito kay Louise.
"Ang brutal talaga ng baby ko." Hirit pa nito habang tumatakbo palayo sa amin.
Natatawa namang tumabi sa akin si Ken habang nasa harapan namin nakaupo ang kapatid ni Louise. His presence screamed something off, with his deep dark eyes and those chiseled jaw.
Tila malalim ang iniisip niya hindi ko alam kung ano pero hindi ko maiwasang tumingin sa kanyang mukha. Sino ko ba? Paanong nababasa mo ang isip ko? Imposibleng magawa niya 'yon. Nakatingin ako sa kanya ng bigla siyang tumingin sa dereksyon ko agad naman akong nag-iwas ng tingin.
"Don't worry about them ganyan lang talaga silang dalawang hindi magkasundo," singit ni Ken. Tinutukoy niya ay sina Louise at Chase.
I tried my best not to looked at him, I focus my attention to the foods in my plate. Hindi ko na muling kinausap pa si Ken dahil pakiramdam ko pag nagtaas ako ng tingin ay magsasalubong ulit ang aming mga mata.
Nang hindi na bumalik si Louise ay nagpasya na akong tumayo kahit hindi pa ako tapos kumain, hindi ko na kaya ang atmosphere na bumabalot sa'min parang hindi ako makahinga kapag malapit ang kanyang presensya. Bakit ganon na lamang ang epekto niya sa akin? Sino ba siya?
"Aalis ka na?" Tanong ni Ken na tango lang ang sinagot ko. "Hindi mo na aantayin si Louise?"
Hindi na dahil kung magtatagal pa ako sa lugar na 'to baka tuluyan na akong hindi makahinga. I said at the back of my mind.
"Let her be," seryosong saad ni Conor. Hindi ko na lang pinansin at naglakad na ako palayo sa lugar na yon.

Komentar Buku (17)

  • avatar
    ynabelle

    Ang ganda ng story mo author ito tlga ang gusto yong malakas ang bida sana may update always..Ganda kasi eh..😍😍

    14/04/2022

      0
  • avatar
    Jenre Yarag

    my karugtong po ba ng moon embracing the sun?

    25/11/2024

      0
  • avatar
    Bro Morales

    I love it tha story

    24/06/2024

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru