logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Moon Embracing the Sun

Moon Embracing the Sun

JNate


Chapter 1

Chapter 1
Tahimik kong pinagmamasdan ang bughaw na kalangitan habang nakahiga sa damuhan malapit sa ilog. Sobrang payapa ng paligid ang sarap damhin ng sariwang hangin. Nakakatuwang pagmasdan ang mga ulap na may iba't ibang hugis.
Bumalik sa isipan ko ang imahe ng isang babaeng umiiyak habang tinatawag ang kanyang anak. Hanggang ngayon isa pa ding palaisipan para sa akin ang panaginip kong iyon. Malabo ang mga pangyayari kaya hindi ko naaninag ang mukha ng babae. Hindi ko maintindihan kung bakit ko napanaginipan ang gano'ng bagay.
"Charlotte! Anak," tawag sa akin ni Mama habang naglalakad palapit sa akin.
"Po?" Tugon ko kay Mama habang tumatakbo ako papunta dito.
Si Mama Lisa, siya na lang ang kasama ko sa buhay mula ng mamatay si Papa noong pitong taon gulang pa lamang ako.
"Halika, pupunta na tayong agora,"
Ang agora ay isang pamilihan na matatagpuan sa sentro ng bayan ng Lindus. Madalas kaming pumunta sa sentro para bumili ng mga sangkap na gagamitin ni Mama sa kanyang mga ginagawang gamot.
Isang aquos-user si Mama at isa sa kakayahan niya ay ang mapagaling ang iba't ibang sugat na pisikal depende sa pinsalang natamo. Pero kahit kaya nyang manggamot gamit ang kanyang kapangyarihan gumagawa pa din sya ng mga gamot mula sa iba't ibang sangkap dahil may mga sakit at karamdaman na hindi kayang gamutin ng kanyang kapangyarihan.
"Bilisan mong mag-ayos baka abutin tayo ng dilim," dagdag pa ni Mama.
Medyo may kalayuan kami sa bayan dahil sa gubat kami nakatira. Ayaw ni Mama na iwan ang bahay dahil ito na lang ang naiwang ala-ala ni Papa sa amin. Mas gusto ko din naman dito tumira dahil tahimik sa lugar na ito. Isa pa wala akong balak makihalubilo sa mga taong na naninirahan sa sentro.
Nakarating kami sa sentro ng Lindus, kung saan sumalubong sa amin ang mga dikit-dikit na bahay na gawa sa bato. Karaniwan sa mga ito may mga palamuti sa harap kung saan nakalagay ang initials ng may-ari nito.
Isa ang Lindus sa pitong mayamang bayan ng Asgard. Pero sa pitong ito mas nakaka-angat ang Lindus dahil dito nakatayo ang kaharian ng hari at reyna pati na din ang sikat na sikat na paaralan ng mga nilalang na ninirahan sa Asgard, ang Asgard Academy. Bukod dito ay sagana din sa ani ang bayang ito.
Habang namimili si Mama ng kanyang mga sangkap ako naman ay naglibot-libot muna sa pamilihan. Ang daming tao ngayong hapon dahil nalalapit na naman ang pagbubukas ng academy para sa mga gustong magkaroon ng pormal na edukasyon. Kung katulad din nila ako siguro ay naghahanda na din ako para sa pagpasok sa academy.
Nakita ko si Mama na kinakawayan na ako siguro ay tapos na s'yang mamili ng kanyang mga sangkap. Tumakbo ako papunta kay Mama pero hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari bigla na lang akong napaupo.
"Shit!" daing ko. May nakabanggaan pala akong tao dahil bigla na lang itong sumulpot kung saan kaya hindi ko agad nakita.
Base sa kanyang pananamit ay halatang galing ito sa kilalang pamilya. Tumayo ako mula sa pagkakaupo, sa pagtayo ko sakto naman itong lumingon sa akin dahil nakatalikod ito.
Nagtama ang aming mga mata hindi ko alam pero iba ang naramdaman ko sa paraan ng pagtitig niya. His deep black eyes was looking at me like he's checking out of me. He never blinked for a second, he was just staring at me with I don't understand expression on his face. And I cant take off my eyes from him... is he hypnotizing me?!
"Hey! Let's go, I thought you're following me," isang malambing na tinig ang nanggaling mula sa kanyang likuran. Isang babae ang nagsalita na ngayon ay nakapalibot na ang mga kamay sa braso ng lalaki.
Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang kumilos mula sa kinatatayuan ko. I felt a sudden pain inside my chest. What was that? Bigla na lang hinila ng babae 'yong lalaki pero yung mga mata niya nakatingin pa din sa akin. I back on my senses when my eyes can't see them. Naramdaman ko na lang na may luhang pumatak mula sa mata ko. Yung pakiramdam ko ang bigat parang may nawala mula sa akin. Anong nangyayari sa akin? Is that his power?
"Charlotte anak, sino yung kausap mo? Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ako napapansin," bungad sa akin si Mama. Napatingin naman ako kay Mama halata sa mukha n'ya ang pagtataka.
Napakamot naman ako sa ulo. "Wala po 'yon Mama. Nakabanggaan ko lang po," I replied.
Pagkadating namin sa bahay ay naghanda na agad kami ng hapunan dahil gabi na din.
"Anak may sasabihin nga pala ako sayo," saad ni Mama habang nakain kami.
Patuloy lang ako sa pagkain habang nakikinig kay Mama. "Ano po yun?" I asked.
Tumigil ito sa pagkain at tumingin ng derecho sa akin. She sighed, "Simula bukas anak, papasok ka na sa Asgard Academy."
Napatigil naman ako sa pagnguya at napataas ang tingin.
"Ma!" napataas na ang boses ko. "Alam mo namang ayaw ko do'n," reklamo ko.
Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko pang pumasok do'n. Nakalimutan na ba ni Mama ang nangyari ten years ago. Sila ang dahilan kung bakit wala akong ama ngayon. Hindi ko sila mapapatawad sa pangyayaring iyon. Sinabi ko sa sarili ko na kahit kailan hindi ko gugustuhing pumasok sa lugar na 'yon.
"Anak," tawag nito sa akin ng mahinahon.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko, "Sorry Ma, pero hindi na magbabago isip ko. Ayaw ko po talaga," saad ko at saka umalis sa hapag kainan.
Pumasok ako sa aking silid at marahas na isinarado ang pintuan. Nahiga ako sa kama naramdaman ko na lang na may tumutulong luha mula sa aking mga mata. Pilit kong pinupunasan ang tubig na dumadaloy sa aking mukha pero wala itong silbi tuloy-tuloy pa din ito sa pag-agos.
Hindi gano'n kadali ang mawalan ng ama, araw-araw naiisip ko si Papa, miss na miss ko na s'ya. Ang lugar na 'yon, ang mga tao sa lugar na 'yon, sila ang pumatay sa Papa ko. Hindi totoo ang mga binibintang nila sa kanya. Mabait ang Papa ko kaya imposibleng magawa n'ya ang gano'ng bagay.
Naramdaman ko ang paghaplos ng malambot na palad sa aking ulo. "Anak," mahinahong usal ni mama.
Humarap ako dito at yumakap habang tuloy pa din ang pag-agos ng aking luha "Mama," I sobbed.
"Ssh! Tahan na anak," pahayag nya habang hinahaplos ang aking likod.
"Miss ko na po si Papa." I said, crying.
Miss na miss ko na si Papa. Miss ko na din 'yong pagte-training namin araw-araw. Mahirap mawalan ng ama kahit sabihin kong nandyan si Mama Lisa na tumatayong ama at ina ko iba pa din ang may amang nag-aaruga sa'yo.
Kung pwede lang ibalik ang nakaraan sana hindi na lang umalis si Papa ng araw na 'yon. Sana hindi na lang siya pumuntang bayan at nakisali sa kaguluhang iyon.
"Miss ko na din Papa mo," mahinang wika ni mama. "Bago s'ya mamatay may iniwan s'yang sulat para sayo."
Natigilan ako sa tinuran ni mama humiwalay ako sa yakap para punasan ang basang basa kong mukha. "Ano pong sulat ang sinasabi n'yo?" tanong ko.
Tumayo ito sa kama at lumabas ng kwarto. Ako naman ay inayos ko ang sarili ko. Maya-maya pa ay bumalik si Mama, may hawak itong papel sa kanang kamay. Inabot nito sa akin ang nakatuping papel, kinuha ko naman ito.
Hindi ko alam kung bubuksan ko ba ang sulat ni Papa. Tumango naman sa akin si Mama kaya binuksan ko ito.
Habang binabasa ako ang sulat, kasabay naman nito ang pagtulo ng aking mga luha. Miss na miss ko na si Papa. Kung nasaan man s'ya ngayon alam kong masaya s'ya at binabantayan n'ya kami araw-araw.
Matapos kong basahin niyakap ko si Mama ng mahigpit. Hindi ko alam kung paano magre-react sa sulat ni Papa. "Okay lang 'yan anak. Alam kong binabantayan tayo ng Papa mo," pag-alo sa akin ni mama.
Kumalas ako sa yakap ni Mama at humarap sa kanya. "Mama, payag na po ako," saad ko sa pagitan ng aking mga hikbi.
Gusto ni Papa na pumasok ako sa Asgard Academy. 'Yon ang nakalagay sa sulat. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang pumasok doon. Para saan pa? Sabi n'ya magagamit ko 'yon pagdating ng panahon kaya naman pumayag na ako.
"Mabuti naman kung gano'n. Sige na, matulog ka na muna at magpahinga. Bukas ihahatid kita sa Academy." Inalalayan ako ni Mama sa paghiga at nilagyan ng kumot.
"Good night, anak," then she kissed me on my forehead.
"Good night din po Mama." I replied, sleepy.
Ipinikit ko ang aking mga mata. Narinig ko naman ang pagsarado ng pinto, lumabas na si Mama sa silid ko.
Hindi porke't pumayag akong pumasok sa academy na 'yon ay mawawala na ang galit ko sa kanila. Papasok lang ako do'n dahil 'yon ang gusto ni Papa. Gagawin ko 'to para sa kanya. Alam kong balang araw magbabayad din sila sa pagpatay nila sa Papa ko.
Nakatulog akong yakap ang liham mula kay Papa. Bukas magbabago ang lahat.
Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon patungo sa sentro ng Lindus. Nasa bahaging kanan ko si Mama habang dala ko naman sa kaliwang kamay ko ang aking mga gamit. Kailangan kong dalhin ang mga gamit ko dahil mananatili ako sa loob ng academy sa mahabang panahon.
Tahimik lang kaming naglalakad hindi ko alam ang sasabihin ko, hanggang sa nakarating kami sa sentro ay hindi ko pa din magawang magsalita. Natatanaw ko na ang mataas na pader na pumapalibot sa academy na matatagpuan sa dulong bahagi ng sentro. Bihira ang mga bahay na makikita dito dahil ang bahaging ito ay halos gubat na din.
Nakarating kami sa harap ng mataas na gate. Huminto kami sa harap nito upang hintayin na magbukas. "Mama," panimula ko.
Lumingon ito sa akin at bahagyang ngumiti. "Anak wag kang mag-alala ligtas ka sa lugar na to," she said, smiling.
"Hindi naman po 'yon ang inaalala ko. Kayo po ang inaalala ko. Wala kayong kasama sa bahay."
"Ang anak ko talaga. Wag kang mag-alala sa akin ayoz lang ako." Lumapit ito sa akin na may ngiti at saka ako niyakap.
Niyakap ko din sya pabalik. "Mag-iingat ka po Mama."
Natigilan kami ng dahan dahang bumukas ang mataas na gate kung saan maririnig ang langitngit nito. Bumungad sa amin ang mahabang daan patungo sa pinaka gitnang bahagi kung saan matatagpuan ang mataas at malaking gusali ng academy.
May sumalubong sa amin na mga soldat, sila ang mga napiling nilalang para magbantay sa nasasakupan ng buong kaharian upang masigurado ang kaligtasan at kaayusan ng lugar, parte sila ng Infantry Division ng palasyo.
Sila ang nanguna sa paglalakad papasok sa loob. Ang liwanag ng paligid, madaming puno na luntian ang nakahanay sa tabi ng daan. Mula sa gate ay matatanaw ang napakataas at malawak na gusali.
Habang naglalakad ay kakaiba ang nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag kaya binaliwala ko na lang, baka naninibago lang ako.
Nang makarating kami sa harap ng gusali, sumalubong sa amin ang ilang mga taga silbi mula sa malawak na entrance. Sila naman ang lower division ng infantry, sila ang mga servitore, binubuo sila ng mga kababaihang tapat na naglilingkod sa palasyo.
Kung maliwanag sa labas ay tila mas maliwanag pa sa loob ng gusali dahil sa mga nagkikislapang mga kagamitan na naka-display. Isang malaking chandelier ang makikita sa pinaka gitnang bahagi at mga rebulto naman sa bawat sulok nito.
Iginiya kami papasok sa loob, dumaan kami sa carpeted na sahig hanggang makarating kami sa hagdan sa gitnang bahagi ng malawak na espasyo. Tila isang palasyo ang lugar na ito, paano pa kaya ang itsura ng palasyo ng Hari at Reyna. Pagdating namin sa ikalawang palapag dumaan kami sa isang hallway sa kanan na carpeted din. Tulad sa baba ay sobrang liwanag at maaliwalas din ng bahaging ito.
Tumigil kami sa tapat ng malaking pinto na kulay ginto saka kumatok ang taga silbi ng tatlong beses at kusa namang bumukas ang pinto. Sumalubong sa amin ang malawak na silid na may sala sa kanang bahagi at tila isang mini library naman sa kaliwa.
"Lisa." Tawag ng isang lalaking nakaupo sa gitnang bahagi ng silid. May table doon na parang pinasadya para sa kanya.
"Kamusta, Arcanus?" Balik namang bati ni mama.
Siya ang headmaster ng academy, Headmaster Arcanus Avalon. Basa ko sa kanyang pangalan na nakapatong sa ibabaw ng kanyang table. Humarap sa amin ang isang lalaking nakasuot ng itim na roba na may gold na collar na sinusuot lamang ng mga opisyal ng palasyo. Kagalang-galang ito sa kanyang kasuotan.
Pero bakit s'ya kilala ni mama?
"Ito na ba ang anak ny'o ni Sebastian?" Lumapit ito sa amin habang nakatingin sakin.
"Magandang araw po, ako po si Charlotte." Pagpapakilala ko at saka ako yumuko bilang pag galang.
Ngumiti ito sa akin, "Maupo muna kayo."
Sumunod kami sa kanya papunta sa maliit na sala at doon kami naupo. "Anong maipaglilingkod ko sa inyo?" tanong nito.
Nakatingin lang ito kay Mama habang naghihintay ng kasagutan. "Gusto ko sanang ipasok ang aking anak dito sa academy."
Tila hindi naman ito nagulat dahil nakangiti lang itong nakatingin sa amin. Parang inaasahan na niya na ito ang pakay namin sa pagpunta dito.
"Mabuti kung gano'n, hindi ka magsisi sa iyong desisyon Lisa. Nakikita kong malaki ang potensyal ng iyong anak kagaya ng kanyang ama."
Lumabas ang kanyang mapuputing ngipin ng ngumiti ito sa amin. "Matagal ko na kayong inaalok na papasukin sya dito, mainam ang iyong desisyon," saad nito na may ngiti sa labi.
Sila ang sinisisi ko sa pagkamatay ni Papa pero si Mama... parang wala lang ito sa kanya. Hindi ko s'ya maintindihan. Pilit ko s'yang tinatanong kung bakit gano'n na lamang ang pagtatanggol niya sa kanila pero wala naman akong nakukuhang kasagutan. Lagi nyang sinasabi na may tamang panahon para sa mga bagay bagay.
I don't get her.
"Maraming salamat, Arcanus," ngumiti naman and headmaster bilang ganti.

Komentar Buku (17)

  • avatar
    ynabelle

    Ang ganda ng story mo author ito tlga ang gusto yong malakas ang bida sana may update always..Ganda kasi eh..😍😍

    14/04/2022

      0
  • avatar
    Jenre Yarag

    my karugtong po ba ng moon embracing the sun?

    25/11/2024

      0
  • avatar
    Bro Morales

    I love it tha story

    24/06/2024

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru