logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 07

Shirryn's POV
Tsk, andito kami ngayon sa likod ng building sa school namin, nung umalis kase si Ree kanina sinundan namin siya baka ano pang mangyare sa kanya. Naka-upo lang si Ree at nakasandal sa dingding na malapit ng mawasak dahil sa pagkakasuntok niya kanina, tsk buti nalang at naabutan namin siya kundi baka mas lalong masisira yan, tsk..
"Tumigil kana Ree walang patutunguhan kung ganyan ka kung umasta, kalimutan mo na ang nakaraan, diba gusto mong mamuhay ng normal ito na yun wag mo na lang silang isipin hayaan nalang natin sila Mandey, ayoko ng balikan ang nakaraan kaya plsss tumigil kana!" saad ko pilit na pinapaintindi sa kanya.
"Oo gusto kong mamuhay ng normal yung maging malaya, pero hindi ko rin naman ginusto to, at kahit ano pang sabihin mo kahit kailan hindi ko kakalimutan ang nakaraan, tsk! Bakit ikaw ba kinalimutan mo na ang nakaraan? Ganun naba kadali sayong kalimutan yun ng dahil sa ginawa mo parang tinalukuran mo narin si Grandpalolo!" sagot niya habang nakatingin sakin ng masama.
"Hindi naman sa ganun."
"Stop it! Both of you!" pagsingit ni Elle at pinigilan kaming dalawa na magtalo.
"Kung kaya mong talikuran si Grandpalolo, ako hindi. At kung kaya mong tiisin ang mga pinaggagagawa nila, ako hindi ko kaya kase sa tuwing ginagawa nila yan may nasasaktan, hindi mo ba naisip ang sarili mo, si Elle!" saad ni Ree habang nakakuyom ang mga kamao
"Yun na nga eh, hayaan nalang natin sila." nakiki-usap kung saad.
"Hayaan? Tsk, wala sa bukabularyo ko yan, tandaan mo to Shirryn hindi sa lahat ng oras hahayaan nalang natin silang saktan tayo." malamig nitong saad saka tinignan ako ng masama.
"Plsss stop!" pagpigil pa ni Elle samin pero tinignan lang ako ni Ree ng malamig at umalis na at iniwan kami ni Elle.
"Alam mo Shirryn tama si Ree, ginagawa lang naman niya to para din sa ikabubuti natin dahil ayaw niyang masaktan tayo! Nang dahil sa kanila nagkaganito pa tayo, tsk! Ganun nalang ba talaga kadali sayong talikuran si Grandpalolo, tsk! Wag kang duwag Shirryn hindi lang naman ikaw ang may gusto nito kami rin ni Ree nahihirapan din kami. Tsk!" nakakunot noong saad niya.
Pagkatapos sabihin ni Elle yun basta nalang niya akong iniwan. Ganun na ba ako ka makasarili dahil hindi ko inisip ang mga kakambal ko kaya lang naman ako naging ganto dahil ayaw ko ng balikan ang dati dahil baka maulit na naman yun, ayoko lang mabawasan ang mga taong mahalaga sakin. Nilisan ko na ang lugar nayun at umuwi nalang sa bahay.
"Shirryn nasan ang mga kakambal mo bat hindi kayo sabay umuwi?" takang tanong ni Mom.
"Ahm-- nauna napo ako sa kanila Mom."
"Hayy--tawagan mo nga sila?" nag-aalalang saad niya.
"Sige po."
Umupo muna ako sa sofa at dinial ang number ni Elle pero naka-off ang phone niya kaya no choice ako kundi ang tawagan si Ree pero ganun parin naka- off din ang phone niya, hayy kasalan ko to eh nag-away pa tuloy kami.
"Mom naka-off po yung phone ng dalawa." malungkot kung saad.
"Naku-- San ba nag punta ang mga kakambal mo?" takang tanong ni Mom sakin.
"Mom, alis po muna ako hahanapin ko lang sila." paalam ko dito.
"Sige mag-ingat ka anak make sure na magkasama na kayong umuwi, huh?" nakangiting saad ni Mom habang nakatingin sakin.
"Opo!" mabilis ko kaagad na sagot.
Wala na akong ibang maisip na pupuntahan yung park na palagi naming tambayan sigurado akong nandun sila, pumara ako ng taxi at nagpahatid sa park nayun. Pagdating namin dun nagbayad na ako sa driver at hinanap ang lugar na palagi naming tambayan at hindi nga ako nagkakamali naka-upo si Elle sa ilalim ng puno at kumakain ng ice cream, nilapitan ko kaagad siya.
"Elle hinahanap kana ni Mom." saad ko.
"Mamaya na ako uuwi." mabilis niyang sagot.
"Asan si Ree." takang tanong ko.
"Ewan ko-- diko na siya naabutan nung sinundan ko siya patungo rito." saad niya.
Umupo ako sa tabi niya at tumingin sa kawalan. Napatigil ako sa pag-iisip ng may marinig kaming parang dumadaing sa sakit palagay ko may nagsusuntukan.
"Langya ka ang lakas ng loob mong hamunin ako ng away tapos duwag ka,, tangena ka!" tinig ng isang babae
"Si Ree bayun?" gulat na saad ni Elle.
"Mukhang siya nga." pagsang-ayun ko.
"Tara na!"
Pinuntahan namin ang lugar kung san sila nagsusuntukan at tama nga-- si Ree yung babae kanina, nakahandusay sa sahig ang limang lalaki at may isa pang nakatayo at may hawak na kutsilyo.
"Ree!!" mabilis na tawag ni Elle at lumapit kami sa pwesto niya.
Tumingin si Ree samin ng malamig at muling bumalik ang tingin niya sa lalaki na ngayon ay papasugod na sa kanya hindi paman nakalapit ang lalaki ay inambahan na niya ng isang upper cut kaya napaluhod ang lalaki at namilipit sa sakit kaya naman nabitawan niya ang kutsilyong hawak niya. Dinampot ni Ree ang kutsilyo at itinutok sa lalaki at bago pa may mangyareng hindi maganda lumapit na kami kay Ree at pinigilan siya,
"Tama na Ree baka mapatay mo pa yan." awat ni Elle sa kakambal namin.
Hindi siya pinansin ni Ree at itinutok ang kutsilyo sa lalaki na ngayon ay nanginginig sa takot..
"Sino ang nag-utos sayo?" malamig na utos ni Ree
"Si Ms Wilford po!" natatakot na saad ng lalaki.
"Tsk! Hinahamon talaga ako ng babaeng yun." malamig na sabi ni Ree
"Maawa napo kayo." pagmamakaawa ng lalaki.
"Tsk! malamig na sabi ni Ree
Padarag na binitawan ni Ree ang lalaki at nagkandapa-dapa sa kakatakbo palayo,, Humarap si Ree samin at ngumisi ng nakakaloko,,,
"Mom is worried right now we have to go home." muling saad ko.
Hindi na kami hinintay ni Ree at nagpatiuna na siyang maglakad ng nakapamulsa. Sumunod nalang kami sa kanya hanggang sa makarating kami sa bahay tahimik lang itong umakyat sa taas. Napabuntong hininga ako nung maalala ko ang sagutan naming dalawa kanina.
"Oh, asan ang kakambal mo?" tanong ni Mom nung papunta ako sa kusina.
"Nasa taas napo Mom, magpapahinga nadaw po siya." sagot ko at kumuha ng baso at nagsalin ng tubig at mabilis kung ininom.
"Akyat narin po ako." paalam ko kay Mom bago ako umakyat sa taas at dumeretso sa  kwarto ko.
Si Mandey Wilford ang nag-utos ng lalaking nakasagupa ni Ree kanina. Bakit naman niya yun gagawin? Papatayin niya ba kami? Wala naman kaminh kasalanan sa kanya, kung ang pagpasok ng ganito ang itsura sa school niya hindi makatarungan iyon. Kailangan pabang baguhin ang itsura namin makapasok lang? Tsk! Nahihibang na siya kung ganun, napa-iling nalang ako at inayos ang unan at nahiga na. Tumitig ako sa kisame at inisip kung anong mangyayare kay Ree kung pipigilan niya ulit ito.
To be continued...

Komentar Buku (14)

  • avatar
    SandongJames

    widhdhyikagjdiZtdihidu jhfkrbgkjs oeyjehgekhepe dkdjdodpensohd kkjgsgoshshd sososgekbsud kskejgdisisjvsosbs sojsjsgiwkwjsgsijs sijsosheiosjsjsh sksjsheiidbd fodhdofhrvskd dodjdv dodhriekr odueoege dorjidoejei eoeirydoe eieh eeoeyeveoeheioe eiegeie eibeiehekh iehejbejekehusoejeh jsheoejheuytgduh hfjg jfufhjysuiebd jhs. jshsjbsjwievkwbewi sjsgsibe sjsojfjrv soejdiueoevejeie eitieieieoejegidbsidhis disheishisjsydisjeiek sishek sishek sishek seigsjs sod ishsisj the one that was ok ra sa philosophy o

    11/06

      0
  • avatar
    Neth Casipong Palis

    ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

    02/12

      0
  • avatar
    Mariefe Rodriguez

    Ang ganda nice❤️❤️❤️

    10/09/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru