logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 5 TOF

“Ma?”
Tumingin siya sa akin nang marinig ang boses ko. Sumandal ako sa pintuan ng kwarto niya habang pinapanood siya na mag ayos ng gamit niya, inilalagay niya sa bagahe niya.
I guess, aalis na naman siya. Well, what's new? Palagi naman ako naiiwan dito sa bahay mag isa. Kaya nga mas pinili ko noon na sumama sa 'kanya kaso… Maybe I'm really back in my zone. I just feel like, hindi na ako makaka-alis dito.
“Yes?"
“Aalis ka? As in now?”
Tumigil siya sa pag eempake ng gamit niya at dahan dahan iniangat ang paningin sa akin. Nakatitig lang ako sa 'kanya. Sanay na ako, bakit pa 'rin ako naiiyak?
“Oo, may problema k-kasi kapatid mo.” Dahilan niya. Pinilit ko naman ngumiti para hindi na siya mag-alala. Baka mamaya may masabi pa 'yong dalawa.
Kahit napipilitan ay ngumiti pa 'rin ako ng malawak. Huminga ako ng malalim. “Tinawagan ka ni Dad?" Nag aalangan na tanong ko.
Pero nag bago ang ekspresyon ni Mama bago lumunok ng ilang beses. Natural naman ang ganito na reaksyon ni Mama. Hindi na ako mag tataka. Mabuti kung mga bago na araw ito ay talagang hindi ako sanay.
“Y-yes.” Naaalangan na sagot niya.
“So… The thing is hindi ka na makakasama sa dinner mamaya?" Tanong ko sa 'kanya. Naalangan na naman siya tumango. Alam ko naman, alam ko na ang kalahati na dahilan ay ayaw niya pumunta sa Mansion ni Lolo.
I understand her, when she came they won't stop talking shit again. Gusto na niya umiwas, hahayaan ko siya pero sana isipin 'din niya ako, anak niya 'rin ako. Hindi sa lahat ng oras ay maiintindihan ang magulang.
“Have a safe flight. Paki-kumusta na din ako kay Lilah at Lan.” Nakangiti na saad ko, kumaway ako bago umalis sa pagkakasandal sa pintuan niya, nag lakad na ako pabalik sa kwarto ko.
“I know it take years bago ka umuwi ma, have fun with your children.” Bulong ko bago tuluyang pumasok sa kwarto ko. Pagkapasok ko ay napasandal ako sa pintuan bago dahan-dahan umupo.
Why am I like this? Hindi na ito bago. Bakit ko kailangan maiyak? Alam ko naman na malayo ang loob ni Mama sa akin. Tanggap ko naman na kahit kailan hindi niya ako titignan kagaya ng pag tingin niya sa dalawa 'kong kapatid. Nandito siya dahil responsibilidad niya na manatili sa tabi ko, hindi dahil mahal niya ako.
Habang nakatulala ay naramdaman ko na may sumampa sa hita ko, ibinaba ko ang paningin dito. Napangiti ako nang makita si Zylyx at Zycxy na nasa hita ko. Regalo ni Mama si Zycxy sakin, last birthday ko. Ngayon lang siya dumating dito sa Pilipinas. Iniwan ko kasi siya sa Las Vegas.
Binuhat ko silang dalawa, tumayo ako at nag lakad patungo sa mini sofa sa loob ng kwarto ko, umupo ako bago pumikit para mag isip kung tutuloy ba ako kay Lolo o Hindi.
Actually kahit hindi kasama si Mama wala silang pake-alam, ako lang talaga ang namimilit na palagi siya'ng isama sa mga gatherings.
Lolo is known as a 'powerful politician' or an 'influencer in politics' kaya ingat na ingat sila sa ‘Martinez’ kuno. Hindi nila alam na sirang sira na ang surname na iyan.
Tuwing pagkatapos ng New Year ay kailangan namin mag pictorial for ‘Martinez Clan’. Doon lang nagkikita at nakakapag-usap ng ‘maayos pero hindi totoo’ ang mga magulang ko.
Well, sinabi ni Lolo na mag panggap sila para sa ikabubuti ng lahat.
Lahat my ass. Pag nasukayan ng maraming tao ang pag loloko nila, masasabi pa kaya nila na 'para sa ikabubuti ng lahat' ang ginagawa nila na pag sisinungaling? Well, wala naman akong plano na ilaglag ang sarili 'kong apilyedo. Hu'wag lang nila ako subukan, pare-pareho sila na babagsak sa mabahong putik.
Napalingon ako sa pintuan ng kwarto ko dahil may kumatok. Hindi ako tumanyo. Si Reya 'ba?
“Ly?” Pag tawag ni Mama. Umawang ang labi ko, akala ko nag mamadali siya umalis?
“Hindi 'yan naka-lock, Ma.” Sagot ko bago ibinaba 'yong dalawa sa kanya kanya nilang higaan. Nakatayo lang ako, hinihintay ang nanay ko na pumasok sa kwarto ko.
Hindi nag tagal ay bumukas na ang pintuan, bumungad si Mama na nakabihis ng pang-alis. Hindi nag bago ang reaksyon ko. Baka bumalik pa siya kanina sa kwarto niya kaya hindi siya ka-agad pumasok.
Lumapit siya sa akin nang may ngiti sa labi dahilan ng pag ngiti ko. Kinuha niya sa gilid si Zycxy, nagising naman ito. Wala talaga siyang hilig sa pusa, ayos lang naman as long na hindi niya sine-set aside si Zylyx.
Nang makilala ni Zycxy si Mama ay agad niya dinilaan ang kamay nito. Lumawak naman ang ngiti ni Mama. Iniwas ko ang paningin, pag minsan hihilingin ko na lang na aso ako.
“Hindi ka 'ba nag tatampo kay Mama?” Tanong niya habang nilalaro si Zycxy. Nanlaki ang mata ko, natulala ako ng ilang segundo bago lumingon kay Zylyx na mahimbing na natutulog sa higaan niya.
Hindi niya ako tinatanong ng ganyan noon, hindi ko alam kung ano ang ipapakita na reaksyon, hindi ko mawari kung ano ang nararamdaman ko sa oras na ito. Gusto ko maiyak sa saya. Kaya pa 'rin pala mag lambing ng Nanay ko sa 'akin.
Napangiti ako ng simple pero agad ko 'rin ito pinalitan ng seryoso na reaksyon bago sumagot. Hindi ko masisisi ang sarili ko dahil lumaki akong ganito.
"No."
"Sigurado ka? Mahilig ka pa naman mag tampo. Gusto mo ng Mcdo?” Pag pupumilit niya. Doon kumunot ang noo ko. Humarap ako sa kaya nang may pag tataka. What is he talking about?
All of the sudden, nilambing niya na parang anak niya? Is this a miracle?
"Flight mo na...” Saad ko 'bago pilit na tumawa. Ngumiti naman siya bago ginulo ang buhok ko. Doon nawala ang ngiti ko.
Ma, can you please stop making me feel special and throw me like a garbage in the end?
"I'll be back."
Nagising ako ng late. Ang tagal ko pa tumulala sa ceiling bago tumayo para maligo. Malamang sobrang late na iyon. Tinatamad ako pumasok kaya kahit late ay mas pinili ko pa na makipag laro sa dalawa 'kong alaga.
"Ma'am, Ihahatid na po kita—"
Hindi ko na pinatapos si Manong sa sinasabi niya, umiling na ako. Naboboring na siguro si Manong na umupo, matulog dito sa bahay kaya't halos araw-araw ako na kinukulit. Mas gusto ko kasi mag commute. Feeling ko ang hassle pag hatid sundo ako ni Manong.
Ang importante ay hinatid at sinundo niya ako kagabi. Mabilis lang naman ako sa Mansion dahil sinira ko lang naman ang gabi nila. Nothing new, My Goodness. Parang gusto pa nga ni Manong na hating gabi ko doon dahil nawala ang ngiti niya nang makita ako na papalapit sa sasakyan kagabi, e.
Excited na mag hintay ng matagal.
Nakarating ako ng University nang walang hirap, kidding. Kailan pa walang hirap ang pag alis ng bahay? Sa edsa na nga lang ay nagkabunggo bunggo na sila, walang pinag bago, may sasakyan ka man o wala. Pareho pa 'rin na stock ka sa traffic. Hindi na ako naka-attend sa isa 'kong subject. Nice, bagsak ako.
Umalis si Mama kagabi, katapos namin kumain sa Mcdo, She really did treat me. I feel like another spirit possessed My Mother that time. Ang sama ko na 'ba para isipin na may sumanib sa Nanay ko?
Umalis ako ng bahay na may kasama, umuwi ako ng mag-isa. Mag isa na nga, nakasimangot pa. Bakit kasi ako tumuloy sa Mansion? Maayos na gabi ko, e. Kasalanan ko 'rin naman.
Umiling ako bago nag patuloy sa pag lalakad habang iniisip ang huli na sinabi ni Mama. Uuwi 'raw siya next month. Napangisi ako. Kahig na-possessed si Mama nang mababait na espiritu ay alam ko na hindi niya tutuparin ang sinabi niyang araw ng pag balik niya. Sanay na ako.
Papa-asahin ko lang ang sarili ko pag pinaniwalaan ko iyon, ngunit kahit ganoon ay mayroon pa 'rin sa puso ko na hinihiling na gawin niya ang binitawan na salita. Kahit College na ako ay bata pa 'rin ako. Naniniwala sa mga pinag sasabi ng iba.
I can't blame her. She probably miss her own children. Kaya ko naman buhayin sarili ko. Baka nga nasa isip niya sa mga oras na ganito ay 'Ayos lang dahil nandiyan naman ang Pamilya niya sa 'kanyang Ama.'
And that's bullshit...
Umiling ako, I need to focus on my studies. She's gone, wala akong magagawa dahil hindi naman ako sila. Ngayon, for the first time in my life na hindi ako naka-attend sa isa ko na subject. It's a damn Major One.
Tulala lang ako habang nag lalakad sa tirik na tirik na araw. Wala sila Tummy dahil wala silang klase, hindi naman siya iyong klase na babae na gugustuhin tumambay sa University, mas gusto niya humiga at kumain.
Wala kasi anh Professor nila, one of a lame reasons but yeah. Bahala sila diyan. Masira sana ang University na ito para mapalayas 'yong mga empakto at empakta. Nakakasama ng loob.
Tinatamad 'din ako kumain, hindi ako nakaramdam ng pagkagutom kanina, e. Sabagay, marami-rami akong nakain kagabi. Ang importante may laman pa 'rin ang tiyan ko.
Sinubukan ko pumikit nang maramdaman ang malakas na hangin. Medyo nakakarefresh ng utak. Tumigil ako sa pag lalakad para lang pakiramdaman ang hangin na para akong niyayakap.
"Boo!"
Napatalon ako sa gulat, naapakan ko ang sintas ng sapatos ko dahilan ng pag-out of balance ng katawan ko. Agad ko iminulay ang aking mata bago pinigilan ang sarili na mahulog sa madumi na daanan.
Nang maayos ko ang postura ng aking sarili ay sinamaan ko ng tingin ang lalaki na sinira ang moment ko. Gulat ko na inilayo ang mukha ko dahil isang mali na galaw lang ay mahahalikan ko na siya.
Bakit niya inilapit ang mukha niya sa akin?
"Palagi mo ako pinapabilib." He said.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Are we close? What the hell is happening? Ngumiti siya ng malapad pero hindi nag bago ang reaksyon ko. Nakakunot pa 'rin ang noo ko.
"Still remember me?” Tanong niya.
Naaalangan naman ako na tumango, naiilang ako sa 'kanya. Akala tapos na ang lahat simula noong nagpakilala siya. Ano 'ba ang nakakabilib sa pag salo 'e training namin iyon? Hindi ko naman pwedeng sabihin iyon dahil ang confidential mabuti.
"You look cute kanina, nakapikit ka." Saad niya ulit bago tumawa. Sumingkit ang mata ko. Cute my ass. Sinira mo nga ang peace ko. Ang sarap niyang sapakin.
"Wala ka bang klase?" Pag babago ko sa usapan. Hindi pa naman ako late sa susunod na klase ko, fifteen minutes pa pero hindi ko naman ubusin ang natitira ko na oras para makipag-usap sa 'kanya.
"Wala— Ikaw?" Tanong niya pabalik.
"Meron." Mabilis na sagot ko. Natigilan siya.
Pareho kami na tumahimik, I don't feel awkward at all medyo magaan loob ko sa 'kanya kaso we're not really close kaya maybe it takes time pag gusto niya ako maging friend.
“Ihatid na kita sa building niyo?" Tanong niya. Iniangat ko naman ang paningin sa 'kanya bago tumango. He's really eager to have me as his friend, huh?
Kahit may kasama ako na mag lakad patungo ng building na papasukan ko ay si Mama pa 'rin ang iniisip ko sa pag lakakad namin pero dahil madaldal ang kasama ko ay nakikisali ako sa mga topic niya. Tumatawa ako pag nag jo-joke si Logan, sinasagot ko siya sa kabaliwan niya. Ang sarap niyang barahin, hindi siya napipikon o nang-aasar pabalik.
He's cute.
"Thank you." Pagpapasalamat ko nang makarating kami sa gilid ng Lecture Hall. Napakaraming tao ang nakatambay sa harapan, meaning wala pa ang Professor.
"See you later." Paalam niya.
Nangunot ang noo ko. Lumingon ako sa pwesto niya kanina, nag babakasakali na matanong siya sa sinabi niya ngunit wala na siya doon. Ang bilis umalis. Sumingkit ang mata ko habang dahan-dahan na ibinalik ang atensyon sa harapan.
“ Ouch. ” Bulong ko bago humawak sa aking sentido dahil nauntog ako.
Iniangat ko ang paningin sa nabangga ko para humingi ng tawad ngunit napaatras ako nang makita kung sino ang nabangga ko, sa dinami-dami ng mababangga bakit siya pa?
“It's not my fault." Pag tanggol niya agad sa sarili dahilan ng pag irap ko.
"E'di sorry." Hindi bukal sa loob na saad ko bago siya nilagpasan. Ang importante, humingi ako ng tawad. Totoo man o hindi. Humingi pa 'rin ako ng tawad, with pride version nga lang.
Bakit siya nandito sa building na ito 'e hindi ko naman kami pareho ng subjects? Iisa lang ang pareho namin. 'Yong boring pa. Napailing ako sa na-isip. Umupo ako kaagad sa likod nang mapansin na nag sisitakbuhan na ang lahat sa labas.
Nang maka-upo ako hinanap ko siya para masigurado ko kung nandito pa siya o wala na ngunit mas lalo nangunot ang noo ko nang makita na prente lang siya na naka sandal sa hindi kalayuan. Hindi siya natatakot sa Professor namin? Ayaw pa naman niya ng tambay sa gilid. Pero nakakapanibago. Sa pag papala sa 'kanya ng sobra-sobrang katamaran ay nagawa niyang maglakad papunta sa building na ito para tumambay?
Ano ang nakain niya?
Bumalik sa wisyo ang sarili ko ng dahil sa pag tawag ng Professor sa aking pangalan para sagutin ang tanong niya. Mabuti na lang ay madali lang ito kahit may iba akong pinagtutuonan ng pansin.
"It's hot." Bulong ko bago lingunin ang paligid.
Bilang na lang kami na natira sa loob ng Hall pero sobrang init pa 'rin. Sira 'ba ang Aircon? Hindi ko kasi nararamdaman simula noong pumasok ako dito. Kinuha ko na ang bag ko bago nag umpisa mag lakad palabas ng Hall.
Late na akong naka laabas ng Hall dahil hinanap ko pa 'yong gumulong na ballpen ko. Nakita ko naman si Spencer na nakatayo sa labas ng Hall, na parang may hinihintay ito. Napakurap ako ng ilang beses nang mapansin na sa akin siya naka tingin, lumingon pa ako sa aking likuran dahil baka nag a-assume ako.
Kumunot ang noo ko nang hindi niya alisin ang paningin niya sa akin, na parang may gusto siyang sabihin. Sumingkit ang mata ko dahil sa curious. Dahil hindi ko na makayanan makipag titigan sa 'kanya ay ibinaba ko ang paningin at tumama ito sa 'kanyang kamay, napalunok ako nang makita ang hawak niya.
May hawak siya'ng bottled water. Parang gusto ko ito hablutin sa 'kanya dahil kanina pa ako naiinitan, nauuhaw na 'rin. Wala kasi ang nabili kanina, nakalimutan ko dahil kay Logan.
Lalapit na sana ako sa 'kanya nang matigilan dahil biglang sumulpot si Logan. Nanlaki ang mata ko bago ngumiti. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya ngingiti na lang ako. Ito ba ang meaning ng sinabi niya na 'see you later'?
Napansin ko naman na napaatras si Spencer ng isang hakbang. Kumunot ang noo ko. 'Yong tubig. Napalunok ako, nakatingin lang ako sa 'kanya.
"Shall we go?" Tanong ni Logan. Hinarangan niya si Spencer dahilan ng pag kunot lalo ng aking noo. What the hell…?
Lumapit siya sa akin bago kinuha ang mini bag na nakasabit sa aking balikat, hinawakan ko namam ito kaagad bago siya tinignan ng nag tataka. Ano ang ginagawa niya?
"Ako na lang, Hyrth." Saad niya habang nakangiti pero hindi nag bago ang reaksyon ko. Mag sasalita na sana ako pero naagaw ni Spencer ang atensyon ko.
"Tsk."
Sinundan ko siya ng tingin habang nag lalakad siya palayo. Feeling ko naging soft ang expression ko habang tinitignan— tinititigan ang likod niya.
Is he perhaps…. tired?
"Mabilis natapos practice namin kaya nag baka sakali na ako na maaabutan pa kita."
Kanina pa nagkwe-kwento si Logan pero hindi ko naiintindihan ang sinasabi niya. Tumatango lang ako, pag minsan ngingiti. Ginugulo ni Spencer ang utak ko. Ano 'ba ang nangyayari sa 'kanya? May gusto 'ba siya sabihin? tanungin?
Huminga ako ng malalim, hindi ko alam na napalakas ito. Tumigil si Logan sa pag lalakad dahilan ng pag angat ng tingin ko sa 'kanya. Maybe it's time…. hindi ako pwede umuwi nang empty handed.
"Logan, ma-una kana. May dadaanan lang ako." Saad ko bago tinapik ang balikat niya bago tumakbo palayo sa 'kanya.
"Samahan na kita—"
"Hindi na! Thank you Logan!" Sigaw ko nang hindi lumilingon sa 'kanya. Kung hahayaan din naman kita na samahan ako ay sana hindi na ako nag pagod na tumakbo palayo sa 'iyo.
I'm sorry, Logan. I think it's better for me to go ony own. Baka mag iba pa ang maisip ni Spencer pag nakita niya na kasama kita. I like you to be my friend but I think I need to talk with Spencer muna—
Wait… What?!
Hinawi ko ang mahaba 'kong buhok, mukha na akong bruha. Ang lakas kasi ng hangin sa part ng University na ito. Pag malakas na ang hangin, ibig sabihin lang nito ay nakarating na ako sa destinasyon ko.
Naisip ko na baka dito siya pumunta dahil tahimik at relax, mahangin pa. Iba ito sa sinisilungan ko, marami kasi ang naka tambay doon kaya mag hahanap at mag hahanap siya ng tahimik na tambayan.
Sa halos ilang buwan na pag oobserba ko sa 'kanya ay may mga nalaman ako na gusto at ayaw niya. He hate noises. Hindi masyadong halata noong una dahil nakabuntot siya sa akin, ngunit simula noong tumigil siya ay doon ko napansin.
Parang isang iglap, ang epal na Spencer ay nag bago. Though, I feel like dalawa ang personality niya kaya ganoon. Isn't thrilling? Ang thrill kaya na magstay beside him despite of his two personalities.
Hindi ko alam pero sumilay kaagad ang ngiti sa aking labi nang makita ko siya sa ilalim ng puno, prente siya na naka-upo sa damuhan habang nakasandal sa pinakamalaking puno. Nakapikit siya.
Huminga ako ng malalim bago humakbang ng ilang steps bago makalapit sa 'kanya. Agad nasn ako umupo sa tabi niya dahilan ng pag mulat ng kanyang mata. Tinignan ko 'rin siya habang nakataas ang kilay ko.
"Oh."
Iniwas niya ang paningin bago ibinigay sa akin ang bottled water na hawak niya kanina. Hindi ako nag dalawang isip na tinanggap ito.
"Thank you."
Ang tahimik, iyan lang ang masasabi ko. Hindi siya nag sasalita, bumalik siya ulit sa pag pikit niya. Alam ko naman na cold era siya ngayon pero sana bumalik na 'yong epal na Spencer. Hindi ako sanay. Feeling ko may gusto lang siya malaman sa akin 'noong una niya ako nakita kaya napilitan siya na dumaldal ng kaunti.
“Bakit kanina nandoon ka sa building?" Tanong ko, sinisira ang katahimikan. Hindi naman siya nag abalang lumingon sa akin, nanatili lang na nakapikit ang kanyang mata.
"May tinignan lang." Maya't maya'ng sagot niya.
Huminga ako ng malalim. Ganito 'ba talaga siya? Sabihin niya lang pag ayaw niya ako sa paligid. Ang hirap niya i-approach lalo na't palagi niya'ng kasama si Avy.
Hindi ko sinasadya na mapalingon sa 'kanya, natulala ako sa maamo at gwapo niyang mukha. Ilang beses ako napalunok. Bakit ako nag abala na hanapin ka?
Dahan-dahan naman niya'ng iminulat ang 'kanyang mata, lumingon siya sa akin dahila ng pag tama ng aming paningin ngunit agad ako umiwas.
"Ibigay mo sakin number mo, dali." Pag uutos ko sa 'kanya. Dali na. Hindi mo alam kung gaano nanlalamig ang kamay ko sa mga oras na ito.
"What's your plan?"
"Simula ngayon, guguluhin na kita."
-

Komentar Buku (16)

  • avatar
    Alona Ledres Bobiles

    napaka ganda ng kwento

    04/08

      0
  • avatar
    Joshua Lee

    ang gaming

    24/06

      0
  • avatar
    Shenna Permites

    migyo nice parinsjjssjjjnsnsvchfjkflary idhv. dahil hi did snjskivikz wkt iGsh masama Ang kaawat ni sylly nskrub bago matapos niya Ang kalaban ni margotietd kahit. ba mahal kita dimo Naman mahal Ako kahi mahak Kiya krjxfjzjjsjssjsnsnkrofov jqw replacement for someone to siya nimo sa it is nga candle 🕯️ acrylic paper and I will be in touch soon as I love it I don't like you 🫢 I can not wait lang daw si shenna oi wa oi oi oi wa biya tungod you want it to be a gyud mi sa cabugason to be done nako

    15/04

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru