logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 3 TOF

"Para kayo'ng aso at pusa!"
Hindi ko alam kung ilang beses na ito sinabi ni Hands. Hindi 'ba siya naririndi sa sinasabi niya? Kasi ako rinding rindi na! Nakangiti siya sa harapan ko pero inirapan ko lang siya.
"Bakit mo pa kasi pinapatulan yung Spencer 'ba 'yon?" Parang matured na tanong ni Tummy.
Lumingon ako sa 'kanya na parang walang interes sa topic nila. Wala na silang bukang bibig kung hindi. Spencer. Spencer. Spencer. May pinakain ba 'yong lalaki na iyon para maging ganito itong dalawa?!
"Naiinis nga ako sakanya, are we clear? Pag nakikita ko mukha niya kumukulo dugo ko." Mahinahon na sagot ko dahilan ng pag tawa nila. I just don't get them.
"Ang childish niyo'ng pareho, pero may limitasyon si Spencer. Ikaw? Pikon ka."
Hindi ako sumagot. Hindi ako natutuwa tuwing nakikita ko siya pero hindi 'rin ako natutuwa pag hindi ko siya nakikita o hindi kami nag uusap. Baliw 'ba ako? Umiling ako bago tumayo at iniwan sila sa ilalim ng puno.
Maybe, I love how everything started. I mean, isn't great? It's a thrill. Napakarami 'kong problema at sa paraan na ganito lang ako nakaka takas. But…
Sometimes hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil ayoko ng kausap ngayon. Gusto ko mapag-isa habang nag iisip ng pwede na ma-isama sa hobby ko. Trip ko mag drawing ng crowd.. Inikot ko ang paningin. Hmm..
Napa-atras ako nang makarinig ng sigawan. Hinanap ko kung saan ito nang galing. Tumaas ang kilay ko nang makakita ng crowd na gusto ko i-sketch. I mean this is what I want. Gusto ko iyong may tinitilian sila na pogi—
Spencer?
Umawang ang labi ko nang makita ko siya na umalis sa crowd, bored siya na nag lakad palayo doon. Inusisa ko ang reaksyon ng mga estudyante at nakatingin sila kay Spencer na nag lalakad. May hawak siyang guitar. Tumaas ang kilay ko.
Ano ang nangyari doon?
Napa-iling ako nang biglang ma-curious sa lalaki na iyon. No way! Kaaway ko siya. Ayoko sa 'kanya! Kaaway ko nga, bakit ko siya iniisip? Hmm… It really make sense.
Ang kapal naman ng pag mumukha niya pag isa pa siya sa pro-problemahin ko sa mundo hindi 'ba? May bayad ang problema ko. Lahat ng problema ko, nag papayaman sa 'akin. Tumango ako sa naisip pero sinipa ko pa 'rin ang semento sa gilid dahil sa inis.
"Napakadami 'kong problema. Hu'wag mo siya isipin. Hu'wag mo siya isipin." para akong tanga na kinakausap sarili ko habang tumatango. Pano 'ba kasi hindi isipin si Spencer? Baliw 'ba ako para isipin siya?
"Kaya mo siguro nakuha ang atensyon ni Espe dahil ang cute mo na medyo baliw, tama 'ba?"
Napatalon ako sa gulat nang may mag salita sa gilid ko. Humawak ako sa tapat ng puso ko. Lumingon ako sa 'kanya, sinamaan ko siya ng tingin. Sa tatlo'ng buwan na pag-aaral ko dito, pasulpot-sulpot ang mga tao! Ano 'ba ang trip nila?
Ano ba? November na? May multo na? Next month pa ang November kung hindi nila alam.
"Sino ang kausap mo?" Pilosopo na pag uusisa ko dahilan ng pag tawa niya. Siya 'yong palagi kasama ni Spencer, right? And what did she say?
Cute na medyo baliw? Baka 'yong pangit na nilalang ang baliw. Naiirita ako. Tinignan ko siya ng masama bago tinalikuran. Ano 'ba? Magkakaroon ako ng kaaway dito ganon?!
"Pilosopo ka, talo ka naman pag dating kay Espe."
Umiling ako bago tumingala sa langit. Espe. Espe. Espe. Bakit bukang bibig ng tao ngayon si Spencer? May potion ba si Spencer para maging ganito ang mga tao?!
"Nakita kita kanina, nakatingin ka kay Espe habang nag lalakad papalayo." Pag sunod pa niya sa sinasabi.
Kunot noo akong lumingon sa 'kanya. Oh ano? Bawal na 'ba siya tignan? Na-curious lang naman ako kung bakit nasa crowd siya at kung bakit may hawak siya guitar. Ano ito dapat alam nila lahat ng pag tingin o baka pati iniisip ko tungkol sa 'kanya, alam nila?
Just tell me, tutusukin ko mga mata ninyo.
"Bakit mo ba ako kinakausap?" Nag titimpi na tanong ko. Feeling ko pinag lihi ako sa high blood. Napahawak kao sa batok ko. Kalma. Hah.
Damn it. Bakit kasi sila sumasakto sa pagiging bad mood ko?
"Bihira lang naman kumausap si Espe ng mga tao." Pag tuloy pa niya. Ano? Hindi ako tao kaya niya ako kinakausap ganon? Naguguluhan ako na tinitigan siya na parang sinasabi na. 'Ano ang problema niya?' Is she insane para mag sabi ng ganyan behind her friend's back?
"Bakit mo ba kasi sinasabi sa akin 'yan?" naiirita'ng tanong ko. Tumawa siya. Kaya siguro sila naging friends kasi pareho sila na baliw. Just guessing pero I think, I'm right.
"Ah. Pikon ka nga. That's nice." tumango tango siya na parang naiintindihan ang sitwasyon ko. Okay, I give up. I do not want to talk to her anymore. I shrugged my shoulder.
"I'm Avylyn Lera, You can call me Avy." Pag papakilala niya. Tumango naman ako bagp siya tinalikuran. Base on how she act, she already know what's my identity. I don't need to be nice.
Avylyn Lera huh?
Tatayo na sana ako para mag-umpisa na maglakad papunta sa klase ko nang harangin ako ng nag iisang babae na ayaw ko makita sa buong buhay ko. The one who ruined my life.
"Long time no see, cousin." lahat ng inis ko nawala at napalitan ng blanko na ekspresyon. Bakit ko siya kailangan pakitaan ng ekspresyon? I do not really like her, simula pa lang.
Hindi ko siya pinansin. Nilagpasan ko siya na parang hindi ko siya nakikita. I thought makakatakas ako kahit papaano sa 'kanya but here we are. Facing each other. I hate it. I hate everything about her. Maybe we're not related in blood? How I wish.
Habang naglalakad ay kung ano-ano na ang pumasok sa isipan ko. Kahit nag tagumpay ako na iniwasan ko siya ngayon ay hindi mag tatagal malalaman na ng lahat na umuwi ako. Secret lang dapat, kaso paano magiging secret kung iisang University lang ang pinapasukan namin?
Fuck this shit.
Siya ang dahilan kung bakit umalis ako ng Pilipinas kasama si Mama. She's the reason why I'm living in this hell— heaven in Las Vegas. She's the reason why I hate everything that she like. Even this University itself.
Ang pinag tataka ko ay ngayon lang ako nakabalik sa Pilipinas, at bakit sa dinami-dami ng Unibersidad, 'e dito pa ako napili na i-pasok ng Nanay ko? I mean, natural na dito ako pero hidni 'ba pwede sa iba na lang kung pa-uuwiin 'din naman niya ako?
Inilayo ako ng nanay ko sa 'kanya. Sa ibang bansa niya ako pinag-aral ng tatlong taon—tapos makikita ko lang siya dito? Hindi ko alam ang dahilan ng pag uwi namin. Hindi malinaw pero pinag bigyan ko siya dahil gusto ko maging close kami.
Pano ko siya hindi makikita 'e pagmamay-ari nila ang University na tinatapakan ko? What a shame.
I just shrugged my own shoulder. Kaya ayaw na ayaw ko nakakakita ng kung sino-sino dahil mabilis akong mag-overthink, kahit hindi naman kaaya-aya na isipin, iniisip ko.
Ultimo'ng problema ng iba prinoproblema ko. I'm so affected to the point na problema nila ang iisipin ko mag damag. Wala naman akong kinalaman? Damn it.
Sinasabi naman ni Madame Hyde na umiwas ako sa mga problema. Paano ako iiwas sa problema kung ako na sarili ko ay problema nang matatawag? It's true naman. I'm the problem. Ako ang puno't dulo ng problema.
To be honest, kahit ano'ng iwas ng isa'ng tao sa problema. Hinahabol pa 'rin siya nito—why? dahil nakadikit na sa tao ang problema. You can't live in this world without problem.
And I need to face it now! Parang video games, Hindi nag le-level up pag hindi mo nilalaro. Hindi ako uusad sa finish line pag hindi ko haharapin ang problema ko ngayon.
I know I'm useless and worthless. They don't need to slap that shit in me. Ilang beses ko na sinampal ang sarili ko sa dahilang iyon pero ano ang magagawa ko kung pinanganak talaga ako na ganon?
Kung tinitiis ko ang pagiging walang kwenta ay tiisin 'din nila ako! Unless…. they wanted to kill me.
Kahit naman hindi nila sabihin, Wala akong kwenta na anak, apo, kaibigan. I'm aware of that. Hindi ko ipinagkakait dahil totoo.
I'm a display, madali nga nila ako'ng palitan. Pang madalian lang lahat ng kumakausap o nakikipag kaibigan sa akin. Of course, Kailangan ko na sulitin dahil balang araw, mawawala 'rin sila… ako.
Napangiti naman ako nang makita ang building kung nasaan ang hall. I made it. I'm here. This is what I need to do right now. I need to study. Study hard hanggang sa maging successful ako at hindi ko na kailangan makarinig ng kung ano-ano galing sa ibang tao.
Exhausting. Shit. Paano ako makakapag aral pag pagod ako? Tinignan ko ang Bottled Water na ipinasok ko sa bago ko kanina. Napa-irap ako sa kawalan nang makita na wala na itong laman.
Dahan-dahan ko pinihit ang doorknob para buksan ang pintuan, wala na akong oras para pumunta pa ng Cafeteria at bumili ng tubig.
Halos lahat ng ka-blockmates ko ay nakatingin saakin, hindi nalang ako kumibo, para saan? Ilang buwan na ang nakalipas pero kung makatingin sila parang bago ako dito.
Tuloy-tuloy ako nag lakad hanggang sa makapunta ako sa pinaka-likod kung saan walang masyado na umuupo. Kitang kita ka kasi sa recitation. Kung nakikinig naman sila, bakit sila matatakot?
Inikot ko ang paningin, tumigil ito sa lalaki'ng nakasandal sa pader habang nakapikit, naka-earphones. Ang tahimik niya ngayon. I mean, tahimik talaga siya. Alam ko iyon sa araw-araw ko 'ba naman siya na ino-obserbahan.
Hindi ko alam na napatitig na pala ako sa 'kanya. Nalaman ko na lang nang mapansin na lumingon si Avy sa akin dahilan ng pag iwas ko ng tingin. Itinuon ko na lang ang paningin sa phone na inilapag ko sa desk kanina lang.
Damn it! Bakit ko ba tinitignan 'yong bakla na iyon?
Napakagad ako sa sariling labi bago yumuko. Anong nangyayari sa akin? Bakit siya kaagad ang hinahanap ng paningin ko? At bakit ako natataranta ngayon? Hindi 'ba dapat kumalma lang ako? Anong—
Bumalik sa wisyo ang isip ko nang may mag lapag ng bottled water sa harapan ko. Iniangat ko ang paningin sa nag lapag, umawang ang labi ko nang makilala siya. He just shrugged his own shoulder.
"It feels like, your thirsty." He explained before turning his back. Nag lakad na siya pabalik kung saan ang pwesto niya, tatawagin ko na sana siya nang biglang bumukas ang pintuan at bumungad doon ang Professor namin.
"Nakakasuka." Bulong ko bago umiling.
Inayos ko ang gamit ko bago tumayo at nag umpisa na mag lakad palabas ng hall para mag-umpisa nang mag lakad papunta sa kabila na building. Hindi naman ganon kalaki itong University. Maarte lang talaga dito kaya hinati-hati.
Nahihirapan na ako sa totoo lang! Nagsisisi na ako dahil Hindi nalang ako nagpa-iwan sa Las Vegas. Wow. Akala mo naman maiiwan ako doon, ' halos lumuhod sa harapan ko ang Nanay ko para lang umuwi ng Pilipinas.
Ano 'yan. Ayaw na niya ako doon kaya itatapon na dito ganon? Kidding aside, I know what she feel naman. Pressure. Pressure galing sa side ni Dad and that's bullshit.
Natigilan ako nang marinig si Miss. Secretary. Nagbibigay ng announcement. Tumigil ako sa pag lalakad at sumandal sa pader habang nakikinig. Nakataas ang kilay ko. Anong katarantaduhan—?
Bakit isisiksik ang Sporttsa ganitong oras? Ano ang nangyayari sa University na ito? When Lolo knew about this, maybe he'll get mad again. Hindi talaga sila natututo. Hindi ko alam kung gusto pa nila mabuhay ang Tatay nila o hinahatid nila sa libingan nito.
One week. Isang linggo na walang klase dahil sa biglaan na Sports Festival. Napairap ako nang naalala na baka hindi na naman siya maka-hindi sa bunso niya. Sisirain niya ang Schedule ng University— Damn. Mukha akong nag seselos.
Umiling ako bago nag umpisa ng mag lakad pero natigilan ulit nang marinig ang boses ni Avy. Nakita ko sila na magkasama ulit. Mas lalong tumaas ang kilay ko. pinag titinginan na 'rin sila ng mga estudyante dahil maingay si Avy.
"Hoy kasama ka sa basketball team!" Hinihingal na sigaw nito. Hindi naman siya nilingon ni Spencer na parang nag mamadali pa nga sa pag lalakad. Malalaki ang hakbang niya.
"Espe!"
Nanlaki ang mata ko nang hawakan ni Avy ang kamay ni Spencer. Nakita ko na tumigil si Spencer at tinignan siya bago lumingon sa gawi ko. Agad ko naman iniwas ang paningin. Paano niya nalaman na nandito ako?
Nag umpisa na akong mag lakad pa-alis dahil ayoko na nakikita niya ako na nakikinig sa usapan nila ng kaibigan niya. Sabihin pa niya na curious ako sa 'kanya.
"Ayaw." Narinig ko pa na sagot niya. Mabagal lang naman ang paglalakad ko. Gusto ko pa 'rin marinig ang usapan nila. Oo na, curious ako.
"Puso!"
Napangiti ako nang marinig ang boses ni Tummy na halatang tinatawag ako. Lumingon ako dahilan ng pagkakita ko sa gawi nila. Tumaas ang kilay ko nang makita n nakahawak pa 'rin siya sa kamay ni Spencer.
"Ambobo mo talaga! Kailangan ka nila sa Team!"
Hinawakan ni Tummy ang kamay ko pero na'kay Spencer pa 'rin ang atensyon ko. Hindi ko ma-alis ang paningin ko sa 'kanya… Bakit?
"Ayaw ko nga, kulet mo naman." halatang naiirita siya. Napalunok ako nang lumingon siya ulit sa akin… Sa akin dahil nakatitig talaga siya sa mata ko!
Umiling ako bago iniwas ang paningin at hinila si Tummy palayo. Halata na nagulat siya sa ginawa ko dahil tanong siya ng tanong, palakas ng palakas ang boses niya.
"May klase ka pa, bakit mo sila pinapanood?" Bulong ko sa sarili ko. Lumingon ako kay Tummy nang hinilain niya ako. Nanlaki ang mata ko dahil muntik na kami ma-out of balance.
Kumunot ang noo niya. "Anong.... nangyayari sa'yo?" Naguguluhan na tanong niya dahilan ng pag kurap ko bago ngumiti.
Mag sasalita na sana ako nang makita ko na naman siya na nag lalakad sa 'di kalayuan. Malamang, as always kasama niya ang buntot niya. Papunta yata sila sa Sports Hall. Napa-isip ako. Kasali talaga siya? Hindi lang talaga ako makapaniwala but at the same time, I'm feel excited. Iniwas ko ang paningin at nakuha naman ito ni Tummy.
I shrugged my shoulder. Well, nevermind. Hindi naman ako manonood. I'll be busy. Kumaway ako kay Tummy bago siya iniwan, tumakbo na ako para hindi niya ako masundan. Sobrang tamad niya para sundan pa ako.
Natigilan ako nang may mag 'meow'. Hinanap ko kung saan ito, napa-atras ako nang makita na muntik ko na ito maapakan. Lumingon ako sa paligid bago umupo. Bakit may maliit na pusa dito? Pinapapasok 'ba nila ito? Baka mamatay lang.
Baby pa. Cute sana kaso napakarami niyang sugat. I-uwi ko kaya? Right!
Naalala ko si Tummy dahil mahilig siya sa pusa. Well, mahilig din naman ako kaso mas sanay ako sa aso dahil iyon ang alaga namin sa bahay at iyon ang kadalasan na kasama ko sa bahay lalo na pag hindi umuuwi si Madame Hyde.
Pwede naman 'to ampunin ni Tummy para madagdagan ang alaga niya. Para may kalaro na 'rin si Saturn. Alam ko naman na si Saturn lang ang ini-uwi niya dito. Naiwan lahat doon sa German.
Tumango ako dahil sa naisip ko, sumang-ayon sa sariling kabaliwan. Dahan-dahan ko binuhat ang maliit na pusa, napangiti ako dahil ang cute niya. Mukhang mabait. Dadalawin ko na lang kay Tummy.
"Miss?"
Tumigil ako sa paglalakad, lumingon ako sa tumawag sa akin. Blanko ang ekspresyon ko na lumingon sa Security Guard na tumawag sa akin. Tumaas ang dalawang kilay ko, nag hihintay sa sasabihin niya.
"Ah. 'Yang p-pusa po." Kinakabahan na turo niya sa pusa na nasa bisig ko. Nilingon ko ito bago ibinalik ang paningin sa 'kanya.
"Sainyo po ba?"
"H-hindi po. Pinapabantayan lang po sa akin…" Sagot niya sa tanong ko. Napa-isip naman ako. Pinapa-alagaan sa 'kanya pero pinapabayaan niya na masugat-sugatan dito, paano pag umulan? Hahayaan niya? Ano na lang ang sasabihin ng amo?
Tsaka una sa lahat bakit mag dadala ng maiit na pusa ang amo naman nito? University kaya ito. Paano pag namatay dito ito dahil sa kagaguhan niya na mag dala ng pusa dito?
"Bakit mo iniiwan? Madami 'pang sugat. Pakisabi kung sino man 'yang nagpapa-alaga nito—ako nalang mag aalaga. Hindi ko pababayaan." Nakangiti na pag papanata ko sa harap ng Guard.
Para siyang kinabahan sa ngiti ko, tumango siya bago yumuko at umalis na. Ano nangyari 'don? Tumalikod na 'rin ako bago ngumisi. Maybe he recognized me.
Kaso…
Tinakbuhan ko siya kanina! There's no way she'll talk to me! She's mad. What did I do? Bigla akong napayuko. Mali ang desisyon ko. Ano 'ba? Hindi ko naman mababalik itong maliit na pusa. Nag panata pa ako doon sa guard, walang hiya naman ako.
Napa-iling ako. Kawawa. Ako na lang ang mag aalaga, wala naman si Madam Hyde kaya may oras pa ako para matanggal ang sugat niya. Ayaw kasi ni Mama na madungis ang nakatira sa bahay.
Wow. Madungis naman ako. Hindi ko lang pinapahalata. Napa-iling ako sa na-isip. Ngumiti ako sa kawalan bago nag lakad palabas ng University.
"Ma'am nandito na po ang Doctor."
Napalingon ako sa pintuan nang marinig ang katok at boses ni Reya. Agad naman ako lumapit sa tapat ng pintuan bago ito binuksan. Ngumiti ako. Wow. Mabilis ha. Iba talaga pag Martinez ka.
Bumalik ako kay Zylyx at binuhat siya. Tinatamad ako pumunta sa Clinic kaya dito na lang. Pwede naman sa bahay. Mesyo busy 'din ako kaya mas maganda na dito.
Hindi na ako nag abala pa na lumingon sa salamin para tignan ang sarilidahil kilala naman ako ni Dra. Angel. Pagkakita ko sa 'kanya ay sumilay ang ngiti sa aking labi. Tumayo naman siya sa pagkaka-upo sa couch nang makita ako.
Lumawak ang ngiti ko. Lumapit ako sa 'kanya at nakipag beso bago ipinakita si Zylyx. Zylyx ang name niya because she's cute. Habang ni-c-check niya ay lumingon ako kay Reya, tumango naman siya.
Feeling ko malapit na matapos kaya kailangan na ng meryenda. Hindi ko alam kung ano ang gusto niya dahil hindi naman kami masyadong close kaya cake lang ang maipapa-meryenda ko sa 'kanya.
"Where did you get, Zylyx?"
-

Komentar Buku (16)

  • avatar
    Alona Ledres Bobiles

    napaka ganda ng kwento

    04/08

      0
  • avatar
    Joshua Lee

    ang gaming

    24/06

      0
  • avatar
    Shenna Permites

    migyo nice parinsjjssjjjnsnsvchfjkflary idhv. dahil hi did snjskivikz wkt iGsh masama Ang kaawat ni sylly nskrub bago matapos niya Ang kalaban ni margotietd kahit. ba mahal kita dimo Naman mahal Ako kahi mahak Kiya krjxfjzjjsjssjsnsnkrofov jqw replacement for someone to siya nimo sa it is nga candle 🕯️ acrylic paper and I will be in touch soon as I love it I don't like you 🫢 I can not wait lang daw si shenna oi wa oi oi oi wa biya tungod you want it to be a gyud mi sa cabugason to be done nako

    15/04

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru