logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

ACADEMIA DEL MOONTERIA

ACADEMIA DEL MOONTERIA

heyitsmejesika


PROLOGUE : The Prophecy - Choosen Gems

Prologue : The Prophecy - Choosen Gems
Third Person's P.O.V (Author)
KASAKUKUYANG nagkakatipon ang mga mamamayan ng Syudad Del Moonterifico dahil sa isang balitang ngayon malalaman ang propesiyang matagal na nilang hinihintay. Sa pagsapit ng hating gabi habang kabilugan ng buwan ay magpapakita ang puting liwanang upang iulat ang propesya na sa loob ng ilang daang taon ay ngayon lamang muling nagparamdam. Naririto lahat silang nagkakatipon sa bulwagan ng Kaharian ng Moonteria Vantrecastle.
Nagkakagulo ang mga pinuno ng syudad maging ang mga may matataas na katungkulan sa lugar. Tahimik at taimtim lamang na nakatitig ang Inang Reyna sa maliwanag na buwan na kitang kita sa bulwagan ng kaharian. Nasa mataas na parte siya ng kaharian kaya kitang kita nya ang maliwanag na anyo neto. Habang ang asawa nitong Amang Hari ay nasa harapan ng trono na hindi magkandaugaga sa kalalabasan ng mangyayari mamaya.
Isang batang babae ang lumapit sa reyna.
"Ina bakit po nagkakagulo ang mga tao at maging si Ama?"
Malambing na tanong ng bata sa kanyang ina. Mapupungay ang mga matang may pagtataka na tumingin ang bata sa kanyang ina na kanina pa nakatingin sa bilog na buwan.
Moncheska Lumina Moonteria-Del Fierro. Iyan ang ngalan ng magandang bata.
Marahan siyang tiningnan ng reyna at bahagya pang yumuko upang makapantay ang anak.
Matamis itong ngumiti sa anak. "Moncheska anak, malalaman mo rin. Maya-maya lamang ay malalaman na natin kung paano magkakaroon ng kapayapaan at katahimikan sa ating kaharian." At muling tumingin ang reyna sa bilog na buwan.
Luna.
Bulong niya habang nakatitig sa buwan.
"Napakaganda ng buwan, hindi ba ina? Kung naririto lamang sana ang aking bunsong kapatid ay ipapangalan ko sa kanya ang buwan. Luna Ingrid Moonteria-Del Fierro! Napakaganda diba Ina?"
Makikita mo sa asul na mga mata ng magandang batang babae ang tuwa, saya, lungkot at maging ang pananabik. Marahang hinawakan at pinisil ng reyna ang maliit na kamay ng kanyang anak.
"Napakaganda ng iyong naisip na pangalan. Sobrang ganda! Sana nga ay naririto ang iyong kapatid, anak. Para magkasama kayong dalawa habang pinagmamasdan natin ang magandang buwan sa kalangitan."
"Huwag kayong mag alala Ina. Darating ang panahon at muling makakasama natin sya. Nararamdaman ko darating sya, babalik sya sa atin."
"Sana nga anak. Sana nga."
Luna.
Iyan ang muking bulong ng reyna bago kinarga ang anak at bumaba sa malawak na bulwagan.
Ang tinutukoy ng batang si Moncheska na kanyang nakababatang kapatid ay si Luna Ingrid. Dalawang taon ang tanda ni Mon sa kapatid. Nawalay ito sa kanila sa kasagsagan ng malakas na bagyo ng Syudad Del Monterifico.
Isang buwan pa lamang ang lumilipas ng makasagupa sila ng isang malakas na bagyo na syang naging dahilan para maiwala ng tagapag alaga ang sanggol. Sobrang lungkot, sakit at dalamhati ang namayani sa buong kaharian maging sa buong syudad ng Moonterifico at sa ilang bayan na nasasakupan nito dahil sa pagkawala ng prinsesa.
Ilang taon na ang nakalilipas ngunit hindi pa rin nila ito natatagpuan. Nawawalan man ng pag asa ngunit si Mon ang nagpapatatag sa kanila na mahahanap din ang kapatid.
MALAKAS na tumunog ang malaking orasan sa pinakagitnang bahagi ng palasyo. Tanda na tumapat na sa alas dose ng gabi.
Kaba, takot, pangamba, kagalakan iyan lamang ang ilang nararamdaman ng lahat ng mga nasa malawak na bulwagan.
"Nagsimula na!" sigaw nang mensahero ng hari ang umalingawngaw teresa ng bulwagan.
Isang nakasisilaw na liwanag ang bumalot sa boong lugar. Ang matandang babaylan na nakaupo sa isang silya ay syang nabalutan ng puting liwanag.
"Nagsimula na. Hintayin nyo na sila. Sampong kabataan ang makapupuksa sa kadiliman. Mga kabataang may iba't ibang kakayahan at katangian. Kabutian ang namumutawi sa kanilang mga puso at kalooban. Sampong mga kabataan ang magkakakilala upang maging magkakaibigan. Pagkakaisa, pagtitiwala at tunay na pagkakaibigan."
"Limang kabataan ay darating sa tamang panahon upang punan ang sampong hiwaga. Sila ang magiging daan upang propesiya ay maisakatuparan."
Wika ng matandang babaylan na siyang naging kasangkapan ng liwanag upang magbahagi ng propesiya.
"Muling mangyayari ang nangyari sa nakaraan. Pag-ibig na nabuo sa panig ng magkabilang kaharian ay muling masasaksihan. Sa pangalawang pagkakataon ay mabibigyan na ng katuparan sa mga bagong henerasyon. Kadiliman ay muling lalaganap, ngunit ito na ang katapusan."
Nagkatinginan ang Inang Reyna at ang Amang Hari. Naghawak kamay silang ngumiti bago sumulyap sa nakakunot noong anak.
"Pigahati na matagal nyong naramdaman ay mapupugnaw na. Isang tao sa nakaraan ang muli nang magbabalik upang mga panahong nasayang ay mabigyan ng puwang. Kapayapaan sa pagitan ng kaliwanagan at kadiliman ay mararanasan."
Huling wika ng marandang babaylan bago mawala ang liwanag na bumabalot sa katawan neto.
Tapos na ang propesiya. Ang maisakatuparan iyon ang kanila na lang na hihintayin.
"Ama, Ina! Narinig nyo iyon? May muling magbabalik mula sa ating nakaraan. Naniniwala ako na ang kapatid ko ang darating."
Masayang wika ng batang babae sa kanyang Ama't Ina.
"Ngunit hindi natin alam kung sino sya. Kung anong itsura nya." anang Inang Reyna sa anak.
Malawak na ngumiti ang bata. "Malalaman natin kung sino ang kapatid ko. Hindi ba po, may balat sya na hugis buwan sa kanyang kaliwang balikat. At iyong kwentas na ibinigay mo sa kanya Ina."
Nagkatinginan ang mag asawa dahil sa tinuran ng kanilang panganay na anak.
Napakabata pa neto pero napakadami nang alam. Madali lang ding makatanda ang memorya nito, hindi madaling makalimot ng mga bagay bagay.
Sa murang edad ay maraming bagay na itong nalalaman. Matalinong bata! Matalas na memorya, puno ng kuryusidad, at napupuno ng iba't ibang kaalaman ang kanyang murang isipan.
Alam nang mag asawa na darating ang panahon na silang dalawa ng kapatid neto ang syang mamumuno sa buong kaharian maging sa mga bayang nasasakupan. Maliit pa lamang ay may kakayahan na itong mamuno ng isang bayan paano pa kaya kapag dumating na sa tamang edad.
MATAPOS naisiwalat ng propesiya ay nakaramdam ng maluwag ang mga mamamayan ng Syudad. Ang mga pinuno at ilang mga may tungkulin sa bayan ay nagkaroon ng pagsasalo salo sa kalawak na hapag kainan ng palasyo sa pangunguna ng Amang Hari. Maging ang mga bawat pamilya sa mga bayang nasasakupan ng kaharian ay binahagihan ng mga pagkain pwede nilang pagsaluhan sa kanilang tahanan.
Ang mga mumunting takot na kanilang nararamdaman ay napalitang ng pag asa. Pag asa na darating din ang kapayapaan.
SA KABILANG banda, isang alingawngaw na sigaw mula sa isang galit na babae ang namutawi sa buong kaharian.
"ARGGHHH! Hindi ito maari. Hindi kailanman matatalo ng liwanag ang dilim. Sisiguraduhin kong hindi sila magtatagumpay. Mga hamak na kabataan lamang sila at walang wala sa kapangyarihan ko."
Sa galit ay muli itong sumigaw at hinagis kung ano mang mga gamit ang kanyang mahawakan.
"Sisiguraduhin kong hindi kayo magiging masaya. Lalo ka na Luisha!"
Galit at poot ang bumabalot sa kanyang pagkatao kaya maging ang buong lugar ay puno ng kadiliman.

Komentar Buku (222)

  • avatar
    LiliAbello

    interesting story. keep it up author ๐Ÿ’œ๐Ÿ’œ

    27/04/2022

    ย ย 1
  • avatar
    Laichelle De Larna

    Subrang ganda ng story

    20h

    ย ย 0
  • avatar
    Julius Sumicad

    it is soo boring

    8d

    ย ย 0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru