logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 5:

"Doktor ka?"
He saw me.
Kinakabahan ako, wala na kong lakas pa kung manlalaban ako, if my wound starts bleeding, it'll be harder for me to move.
I stood up immediately, hindi ko alam kung sino sya, pero kalmado pa naman kami, as long as he won't harm me, i'll try to act as normal as possible.
Hinarap ko ito dahil ayokong talikuran sya, hindi ko alam kung anong intensyon nya.
Mas matangkad ito sa akin ng ilang centimeters siguro, kung yung kanina malaking lalaki, at least ngayon hindi ganon katangkaran ang lalaking ito, naba-bothered lang talaga ako sa kutsilyong hawak nito, fresh pa ang dugo na tumutulo mula rito.
"Tauhan ka ba nila?" seryoso ang pag-kakasabi nito, malamig ang boses nya ngunit malumanay.
"Hindi."diretsong sagot ko kahit na hindi ko sya naiintindihan.
"Sigurado ka?" tinuro pa nito ang kutsilyo sa akin, hindi ko alam kung tinuturo nya ba ako o binabantaan nya ako na kung hindi ako mag-sasabi ng totoo ay papatayin nya ako.
"O-Oo." nauutal kong sagot, I can't help myself to be scared at this moment.
"..andito ako para hanapin ang pamilya ko.."I added.
Medyo madilim ang paligid ngunit may kaunting liwanag dahil may streetlight banda malapit sa amin, Napansin kong may kakaiba sa mukha nya, ang mata nya.
Yung isang mata nya, may kakaiba, bakit wala akong nakikitang eyeball sa kaliwang mata nito?
Puro itim lamang ang nakikita ko, ngunit wala namang tumutulong dugo rito.
Bigla nitong tinakpan ang kaliwang mata nya at agad naman akong umiba ng tingin, napansin nya atang nakatitig ako rito.
"May tubig ka ba?" napatingin ulit ako.
"You mean inumin?"tanong ko, malamang inumin.
Inabot ko ang tumbler ko sa kanya at kinuha nya naman agad ito.
"Kahit sayo na yan, kailangan ko na ring umalis."
Tumango lang ito sakin at nag-mamadali akong nag-lakad makalagpas lang sa kanya.
Dinaanan ko rin ang katawang ng lalaking pinatay nya kanina.
"Salamat." nilingon ko sa huling sandali ang lalaki, tinaas nya ang tumbler ng kaunti at tumango lang ako sa kanya bago tumakbo palabas ng eskinita.

Nag-kakarinig ako ng mga sigawan sa iba't ibang kanto ng daanan.
Hindi talaga ito ang Cyber city na inaakala ko, more like dead city maliban na lang sa mga matataas na building rito.
Huminto muna ako sa pag-lalakad at lumingon sa taas, nasa building #16 na pala ako.
Sandali, ano iyon?
Something's falling down..
Mabilis akong tumakbo palayo nang mapagtanto kong may kung anong pabagsak sa kinatatayuan ko.
Isang tao..
Tumingala ako upang makita kung saan ito galing, may nakikita akong mga taong nakasilip mula sa isang mataas na bintana.
Itinulak ba nila ang nahulog?
May sinisigaw sila, ngunit hindi ko marinig.
Bumalik ang tingin ko sa babaeng nahulog.
Umaagos ang dugo nito sa baba, ang dugong kulay itim.
Hindi maganda ang kutob ko rito kaya't tumakbo nalang ako palayo at sa gilid ako dumaan, binalikan ko ng tingin ang babaeng nahulog , laking gulat ko nang makitang wala na sya sa kanyang pwesto, dugo nya na lamang ang natira.
"AHHH!" Boses ng isang lalaki, hinanap ng aking paningin kung saan nanggaling ang tunog na iyon.
Yung babaeng nahulog kanina nasa gilid ng kalsada at may kinakain syang lalaki..
Ito ba ang zombie sa totoong buhay?
Mula sa malayo, may mga nakikita akong papalapit sa babae at biktima nito, nag-mamadali silang tumatakbo, makatikim lamang ng laman ng lalaking nakahiga.
Ganito rin ang nasa Arena, ayos lang kaya ang iba sa labas ng Cyber City? Kaya naman ito ng Pulis at Militar, kaya sigurado ako na maayos parin ang kalagayan roon.
Napansin kong onti-onti nang nag-aalisan ang mga kumakain ng tao kaya't binilisan ko na rin ang takbo.
Mahigpit kong hinahawakan ang kahoy at sa gilid lamang ako dumadaan.
May mga patay na tao akong nada-daanan.
Naka-kaawa ang itsura nila, nababalot ng sarili nilang dugo at halos hindi na sila makilala.
May mga nadaanan rin akong kumakain pa ng mga tao, gutom na gutom sila..
Sa wakas ay nakarating na rin ako sa building #25, transparent ang pintuan nito, parang pintuan ng isang ospital, kahit nag-kakagulo na sa labas ay pansin kong mahinahon parin ang mga tao sa loob ng building nito.
Nakaputi silang damit, parang mga doktor.
Ang lalaking nakita ko kanina na kumain ng paa ng babae, naka-suot rin ng ganito, posible bang pare-parehas lamang sila?
Sinubukan kong buksan ang pinto ngunit ayaw, may tumutunog at may nakalagay na 'ERROR'.
Sa gilid ng pintuan ay may nakalagay na 'PLACE YOUR IDENTIFICATION CARD HERE.'
Kailangan ng ID, saan naman ako kukuha non?
"Excuse me?" napalingon ako sa likod ko at nakita ang isang babaeng naka-suot ng coat ng doktor at nakasalamin, Doktor rin siguro sya rito. "Miss, you're blocking the doorway." she added at umatras ako palayo sa pintuan, napatingin ako sa ID na suot nito, ayan ang kailangan ko.
Inantay kong makalagpas ang babae sa akin hangga't sa nakatalikod ito sa aking katawan.
Pasensya na sa gagawin ko, Miss.
Hinigpitan ko ang hawak sa kahoy at lumapit ako nang dahan-dahan sa kanya.
Itinaas ko ang aking kamay kasama ng kahoy na hawak ko, and when I'm about to hit her, she suddenly say something..
"If I were you, I wouldn't do that."
Lumingon sakin ang babae at ngumiti ito, what a sweet smile.
Ngayon ko lamang napansin na itim ang mga mata nya, wala syang eyeball, pero nakikita nya parin ako, kagaya na lamang ng lalaking nanghingi ng tubig kanina, pag-kakaiba lamang ay isang mata lang ang kakaiba sa kanya hindi kagaya ng babaeng ito.
So it means, hindi rin normal ang lalaki kanina, just like this one?
Tinuloy ko parin ang aking plano at sinubukang hampasin ang ulo ng babae ngunit agad nya itong hinawakan na para bang walang kahirap-hirap.
Ang lakas nya..
Parang hindi tao.
Sinusubukan kong higpitan ang hawak ko ngunit lalo nya lamang hinihigpitan ang pag-kakahawak nya hangga't sa bumigay na ako.
Binitawan ko ang kahoy at napaluhod na lamang sa harapan nya.
"Pakiusap..gusto ko lang hanapin ang kapatid ko.."
Narinig ko syang tumawa ng mahina at binagsak nya ang kahoy sa lupa.
"And? You smell like a human, bakit hindi mo sya hanapin don sa City nyo?" natatawang tanong nito at tumalikod na palakad sa pintuan ng building #25.
Agad kong hinablot ang kahoy na hinulog nya at tumayo.
"Bakit ko sya don hahanapin kung kinuha nyo sya?"
Habang nakatalikod ang babae ay agad kong ipinukpok ang batok nito, inulit ko pa ito ng ilang beses ngunit mas malakas hanggang matumba ito sa lupa.
"Pasensya na.."bulong ko at lumingon muna ako sa paligid bago ito hilahin patago sa madilim na lugar.
Hindi ko alam kung anong oras na, ngunit malalim na ang gabi, halata sa buwan.
Hinila ko ang ID ng babae, sya pala si Clarisse, ang ganda ng pangalan nya ha.
Kinuha ko rin ang coat nito at sinuot, ganon na rin ang suot nyang salamin, pati ang tali sa buhok nya, sinubukan kong itali ang aking buhok ngunit hanggang baba nga lang pala ang buhok ko kaya't hindi ko ito maitali, nilagay ko nalang ang tali sa aking kamay.
Iniwan ko ang bag ko sa gilid ng walang malay na katawan ng babae at dumiretso na ulit sa pintuan.
Paano ba ito?Ilalagay ang ID mismo sa harap?
'Error..'
Inulit ko ang pag censor sa ID ngunit error padin.
Nakarinig ako ng mga tumatakbo sa aking likuran at nakitang ang mga kumakain iyon ng tao, tumatakbo sila papunta sa akin, maaaring narinig nila ang tunog ng error kaya sila patungo rito.
Inayos ko ang pag-lagay ng ID ngunit error parin?
Palapit na sila, jusko!
Bakit pakiramdam ko padami sila ng padami?
Napasigaw ako nang makaramdam ako ng kamay sa aking batok, lumingon agad ako at tinulak ito palayo sa akin.
Ang bilis nila tumakbo, andito na agad sila sa likod.
Nakakairita!
Pilit kong tinutulak palayo ang ilan na lumalapit sa akin, kung mag-tatagal pa ko dito, I'll probably get bitten.
BAKIT BA HINDI PARIN AKO MAKAPASOK KAHIT MAY ID NA?
May nakita akong kahon na shape sa lagayan ng ID at napatingin ako mismo sa ID, may kahon itong may nakalagay na barcode, agad kong tinapat ang kahon sa barcode at nag-green ang pinto.
Laking tuwa ko nang ito ay bumukas.
Papasok na ako nang hilahin ako ng mga kumakain ng tao, sinusubukan nilang abutin ang aking balat.
Pinag-tutulak ko lamang sila palayo at tuluyan nang pumasok, nakakapagtaka lamang, bakit mahina sila?
Hindi kagaya ng lalaking itinusok ko ng ballpen kanina at ng babaeng pinalo ko ng kahoy sa ulo?
May isip sila, yung dalawang yon, kung isasama ko ang lalaking binigyan ko ng tubig, halos pare-parehas sila ng itsura.
Unlike ng mga ito..
Parang may mali, bakit hindi pa sumasara ang pinto?
Napa-atras ako nang napansing pumapasok na isa-isa ang mga taong iyon, hindi ko alam kung ano sila, zombie? posible ba yon? i mean, oo? zombie sila pero hindi makapasok sa utak ko na totoo na pala to.
Nakapasok na ng tuluyan ang mga ito at inaatake nila ang mga doktor na dumadaan.
Tumakbo na agad ako paakyat sa Escalator, kailangan ko nang mahanap ang kapatid ko
Inisa-isa ko ang mga kwartong nada-daanan ko at nag-kakagulo na ang mga taong nakakasalubong ko, nag-tatakbuhan sila, ang iba ay sumisigaw at ang iba ay pinipilit lumaban.
Ang bawat kwartong nabubuksan ko ay puno ng mga Chemical, kama at, lamesa.
"REN?" sigaw ko nang makitang may nakahigang lalaki sa isang kwarto, naka tali ang kamay nito sa higaan, agad ko itong nilapitan at hindi ito ang aking kapatid.
Mukhang patay na ang lalaking ito, kaya't nag-papasalamat ako na hindi ito ang kapatid ko.
Lumabas ako at hinanap pa si Ren, paulit -ulit lang ang nakikita ko, mga lalaking nakahiga, nakatali sa kama, lamesa, mga chemical, hindi ko alam, parang mga laboratoryo sa bawat kwarto, para bang may eskperementong nagaganap..
Pabilis ng pabilis ang aking pag-bukas ng bawat pinto.
Lumilingon rin ako sa aking likuran, hindi ito maganda, dumadami na lalo ang mga nangangain dahil nauubos na ang mga doktor rito.
Binuksan ko ang isa pang pintuan ngunit wala parin ang kapatid ko, gaano katagal ko ba itong gagawin?
Naubos na ang mga kwarto sa second floor ngunit wala parin sya.
Kailangan kong makapunta sa taas, baka nasa third floor sya.
Tumakbo ako papuntang Escalator at napahinto ako nang makitang may mga Zombie na andon, kumakain sila ng ibang mga tao, buhay pa ang mga kinakain nila, hindi ko maisip kung anong pakiramdam ng kinakain habang buhay, mas pipiliin ko pang patayin ang sarili ko keysa pag fiestahan ng mga ito.
Tumakbo ang mga nilalang na ito palapit sa akin at agad ko silang itinulak gamit ang stretcher sa gilid hanggang makarating akong Escalator.
Hinarang ko ang Stretcher sa dulo upang hindi sila maka-akyat.
Bigla naman akong matumba nang sunggaban ako ng isa, nauntog ang aking ulo sa dulo ng strecher.
Pumaibabaw ito sa akin at kahit masakit pa ang aking ulo ay sinubukan ko agad itong itulak.
Ang likot nya at ang aggressive..
Tumutulo ang mga dugo sa bibig nito, at may kagat ito sa kanyang dibdib,
Kung makakagat rin ako nito, magiging kagaya rin ba nila ako? At wala akong maaalala? Parang patay na buhay ?
Gutom na gutom at agresibo?
Hinila ko ang buhok nito at tinulak ko sya patagilid, sinubukan ko itong itulak ngunit hindi na kaya ng aking kamay gumamit ng malakas na pwersa dahil sa pangyayari kanina kaya't sinipa ko nalang ito paibaba.
Hindi na ako nag-sayang ng oras pa at tumakbo na ako paakyat.
Nanlamig ang buong katawan ko nang makaramdam ako nang kamay na humawak sa aking kaliwang paa, agad kong hinila ang paa ko at umatras.
"Please, patayin mo nalang ako.."Buhay pa sya, nakakapagsalita.
Tinalikuran ko lamang sya ngunit nag-salita pa ito ulit.
"Pakiusap..ayokong maging bot."
"Bot?" nag-tatakang tanong ko rito at lumapit ng onti sa kanya.
"Sila.." bulong nito at tinuro ang mga kumakain ng tao.
"Hindi sila zombie?"
"Hindi ko..alam kung anong sinasabi mo, Bot.. ang tawag sa kanila, kumakain ng tao.." hirap na hirap itong mag-paliwanag at nag-suka pa ito ng itim na dugo.
Bot ang tawag sa kanila..
"Ayokong..maging ganyan, please..nag- mamakaawa ako, patayin mo nalang ako..tapusin mo na ang pag-hihirap ko.." halata sa boses nito ang despair at sakit ng nararamdaman nya.
Ako, papatay?
Tinitigan ko ito at nakitang may kagat ito sa paa at sa tagiliran.
Patuloy rin ang pag-suka nito ng sarili nyang dugong kulay itim.
Tumingin ako sa paligid na pwedeng gamitin.
May gunting na nakakalat sa sahig, dinampot ko agad ito at lumuhod sa tabi nya.
Hinawakan nito ang kaliwang kamay ko at tumango sa akin na para bang ine-encourage nya ako na ituloy na talaga ito.
Hindi ko alam kung saan ilalagay ang gunting na ito.
Sa ulo ba?
Sa puso?
Itinapat ko ang gunting sa ulo nya, kinakabahan ako, hindi ko alam kung paano gawin? itutusok ko lang ba?
Paano kung hindi ko madiinan at lalo lamang syang masaktan sa ginawa ko?
"Sa leeg.." bulong nito.
Sa leeg ba?
Nanginginig ang kamay kong nilapit sa leeg nya ang gunting.
"Pag ginawa ko ba to mawawalan ka na ng malay? Hindi ka na masasaktan?"tanong ko rito at tumango lamang sya.
Nag-dadalawang isip ako, paano kung gawin ko to at hindi pa sya mamatay?Baka lalo lamang lumala ang kalagayan nya.
Naramdaman kong hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko.
"Pasensya na.." bulong ko at mabilis na isinaksak ang gunting sa leeg nya, tinitigan ko ang itsura nya, ang pag-pasok ng gunting sa balat nito, at pag-tagas ng mga dugo
nya, nakita ko rin kung paano sya nawalan ng malay at pati ang pag-bitaw nya sa aking kamay, pag bitaw nito sa kanyang hininga.
Patay na ba talaga sya?
Mukha syang mabait, sana nasa maayos na kalagayan na sya ngayon.
Tumayo agad ako at tumakbo na papunta sa bawat kwarto.
Hindi ako makapaniwala, nakapatay ako ng tao..
No..
Pumatay ako ng tao, my first kill..out of pity.
I looked back once again at nakita kong pinuntahan sya ng mga zombie-- i mean, bot.
Bot sila, hindi zombies..
Kinakain sya, ang paa nito, katawan, kamay, kahit ang mukha nya, hinihila ang mga lamang loob, sarap na sarap at gutom na gutom.
At least, Hindi na nya malalaman pa o mararamdaman na kinain ang katawan nya.
With one last look, iniwan ko na sya.
Nag-simula na akong mag-bukas ng mga kwarto.
I can feel my brother, alam kong andito sya, andito lang sya.
He gotta be here, dahil kung wala sya rito, hindi ko na alam kung saan sya hahanapin, kung paano, at kung mahahanap ko pa ba sya.
"Ren!" sigaw ko ngunit wala ulit sya rito.
"Ren, andyan ka ba!?", sigaw ko ulit rito ngunit wala na naman sya.
Nai-stress na ako kakahanap sa kanya.
"REN, ANO BA!" sigaw ko at nagdadabog na binuksan ang isang pintuan.
Tumingin ako sa buong kwarto.
Wala na naman sya rito.
"Ate.."
Agad kong binalik ang tingin ko sa kama, naririnig ko ang boses nya.
Napahawak ako sa bibig ko nang marealize ko na kapatid ko pala ang nakahiga sa kama at nakatali.
Ren, nakita rin kita.
Nakatitig ito sa akin at tuwang -tuwa akong nakatingin sa kanya, hindi ako makapaniwala, pinipigilan ko na lamang na hindi maiyak..
Akala ko hindi ko na sya makikita pa.
"Hoy.." bulong ko at agad akong nag-lakad palapit sa kanya ngunit bago pa lamang ako makapasok ng pintuan ay nakaramdam ako ng kapit sa kamay ko, malamig ang kamay nito, nakahawak ng mahigpit mula sa likod ko.
"Te, sa likod!" sigaw ng kapatid ko.
Sino ba to?
Hindi sya zombie,
H-hindi sya bot.
Agad akong nanlaban ngunit napahinto ako nang makaramdang may matalim na nakatapat sa leeg ko.
Ano to, gunting?
Kutsilyo?
"Sabi mo hindi ka doktor?" bulong nitong nasa likod ko, lalaki, lalaki ang boses nya.
Nilingon ko ito at nakitang ito ang nanghingi ng tubig sa akin kanina.
"Ayoko talaga sa mga katulad nyo.." Nilalapit pa lalo ang kutsilyo nito sa aking leeg.
"It's either you die dahil pinatay kita o.." dagdag pa nito, malumanay parin ang boses nya kagaya ng kanina.
"..o dahil pinatay ka nila.." dugtong nito at pinilit ang aking mukha na tumingin sa aking kanan kung saan mayroong dalawang Bot na patungo sa amin, Nag-mamadali silang tumatakbo patungo sa aming pwesto, hinarang ako nitong lalaki sa kanyang harapan, na para bang shield, hinahanda akong ipakain sa mga Bot na papunta.
Naririnig ko ang sigaw ng kapatid ko, mahinang pag-tawa nitong lalaki, sigaw ng ibang tao, mga tunog ng yapak, pag-nguya at kung ano-ano pa, halo-halo na ang naririnig ko kasama ng tibok ng puso ko.
Ang higpit ng hawak nya sakin, papalapit na sila.
They're getting closer and closer at nanghihina na agad ako, I can't imagine the pain I have to feel as I suffer from their torture.
If this is how I die, at least I get too see my brother once again.
But no,
Nilingon ko ang lalaking nakahawak sa akin at tinututukan ako ng kutsilyo, he was also staring at me, tama nga ako, yung isang mata nya, itim lamang at walang eyeball, is he one of the cyber people?
Tinitigan ko ang leeg nito.
Kill..
Go for the neck, for the throat.
Dahan-dahan kong hinawakan nang mahigpit ang gunting sa aking kamay.
One of us had to die, I just have to make sure it's not me.
Hindi pa ako pwedeng mamatay...

Komentar Buku (10)

  • avatar
    Christine Joy Espinosa Gadayan

    👍 good

    24/07

      0
  • avatar
    Edison Lipata

    this is good story

    13/04

      0
  • avatar
    Park Sun Bae Ching

    I love the story part 20 na please🥹

    11/04

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru