logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 3:

[ Warning/s: Gore and brutal, do not read if you are uncomfortable ]
"Hindi ko akalaing sa ganitong paraan pa tayo mag-kikita.."
"Hindi ko nga akalaing magkikita pa tayo."
Halatang nagulat sya na gising na ako dahil napahigpit ang hawak nito sa kanang kamay ko.
Tinitigan ko lamang sya hanggang sa bitawan nya ako.
"I'm happy to see you again--"
"Ako hindi." diretsong sagot ko at naupo sa higaan.
Hindi na gaano pang masakit ang sugat ko sa tagiliran, ginamot na nya ito, feels like it was stitched, sya pala ang nakasagasa sa akin.
Dapat ba kong mag-pasalamat?
Bakit ako mag-papasalamat?
As someone na nakapabangga sakin, it was his responsibility to help me.
Napatingin ako sa orasan, Dalawang oras ang nasayang na andito ako, dalawang oras din sana yon ng pag-hahanap sa kapatid ko.
"San ka pupunta?hindi ka pa magaling."Pinilit nya akong hilahin pabalik sa higaan ngunit agad ko syang tinulak.
"I swear, Alex isang hawak mo pa sakin.."pagbabanta ko sa kanya at binitawan nya naman agad ako.
Alex .. I've never thought babanggitin ko ulit ang pangalan na iyon.
Lex ..
"Nabalitaan ko nangyari sa kapatid mo."
"Anong alam mo?"
Hindi nya ako sinagot kaya hindi ko nalang din sya pinansin, ilang taon kaming hindi nagkita, akala ko kung magkikita kami magiging awkward, hindi naman pala, sa bagay for the past 5 years,
Obviously..we lost feelings for each other already.
Sinuot ko ang tsinelas ko at sumilip sa bintana kung may pulis na nag-aabang, naniniguro lang baka nireport nya na ako.
Napatingin ako sa mga litrato sa pader, nakakairita.
"Look, Kung hahanapin mo yung kapatid mo, I can help." he sounds so sincere.
"Anong maitutulong mo e wala ka ngang alam, di ka nga makasagot."
Ah, tama, yung sulat!
Nilabas ko yung papel at hinarap to sa kanya.
"From you?"
Nag-tataka syang nakatitig sa papel.
Hindi sa kanya galing ito, halata sa mga mata nya ang pag-tataka.
Palabas na ako ng pinto nang bigla nya akong tawagin.
"Ray, sandali lang!"
"Ray!"
Nakakarindi.
"Ray, gusto lang kitang tulungan, hayaan mo naman ako." tinitigan ko ito.
Hayaan ko sya?
Mukha ba kong tanga?
Hinarap ko ito at tinitigan ng maigi.
Hindi parin sya nag-babago.
"Gusto mo pala e, sana noon palang ginawa mo na.."
"Then, maybe if you did, sana tayo ang andon!"
Tinuro ko ang wedding picture na naka frame sa pader, wedding picture nya kasama ni Kyla, ah so at the end, si Kyla parin pala ang panalo.
"Ray, alam mo namang hindi kita niloko!" tinaasan nya pa nga ako ng boses, hinawakan nya ang kanyang batok, isang senyales na nai-stress na sya, lumapit pa ito sa akin upang mag-paliwanag.
"I never cheated on you--"
"I never said you did!" Nataasan ko na rin sya ng boses, this isn't about him and me, this isn't about our past, hindi ako nandito para makipag-argue sa kanya.
Dumiretso na lamang ako palabas ng bahay nya.
Naririnig ko na tinatawag nya ang pangalan ko but if he really cares , he should've been following me instead of shouting my name like we're two close people, 'cause we weren't.
Mukha namang walang nakakakilala sa akin, malapit lang tong lugar na to sa bahay, mas maganda kung dideretso muna ako sa bahay namin, baka may clue don kung nasaan si Ren.
Maingat akong nag-tungo sa bahay namin ng kapatid ko, buti nalang wala pang pulis na nag-hahanap sa akin rito.
Hindi naka-lock ang pintuan kaya't agad akong nakapasok nang walang hirap.
Ngunit bakit hindi ito naka-lock?
Knowing Ren, hindi nya nakakaligtaang i-lock ang pinto.
Maayos naman ang bahay, malinis ito at halos walang pinag-bago simula nang hindi na ako nakakauwi pa rito.
Dumiretso ako sa kusina, may laman pa ata ang kaldero, binuksan ko ito at nangangamoy na kanin ang sumalubong sa akin.
Ilang araw na ata itong panis, o baka ilang linggo.
Binuksan ko ang refrigerator, may ulam dito na naninigas na dahil sa sobrang lamig, mukhang ilang araw na nga talagang di umuuwi ang kapatid ko.
Sandale, ano yon?
Napalingon ako sa kakaibang papel na nasa sahig malapit sa ref.
Isang card, parang business card, agad ko itong dinampot at nagulat ako sa nakasulat..
"Cyber.. C"
Isang business card mula sa Cyber City, ibig sabihin galing nga sila rito, ngunit ano namang ginagawa nila sa bahay namin? Anong kailangan nila sa kapatid ko?
Kahit ano pa iyan, kailangan ko syang mahanap.
Nag-mamadali akong pumasok sa kwarto ko at kumuha ng isang backpack, nilagay ko rito ang notebook ko na nasa lamesa, earphone ko, picture ng kapatid ko pati na ring card ng Cyber.
Kinuha ko rin ang cellphone ko sa cabinet, sana lamang ay hindi pa ito sa sira.
Sinubukan ko itong buksan at ayos pa naman, ganon parin ang password nito, birthday namin ng kapatid ko.
Sumilip ako sa bintana bago ito iconnect sa wifi.
Nakakaramdam na ako ng kaba, papunta na ata ang mga pulis.. sana ay nagkakamali lamang ako.
Ang tagal pa nitong mag-connect.
Nag suot muna ako ng itim na jacket at nag sumbrelo at agad na dinampot ang aking cellphone, sa wakas nag-connect na rin, nag-punta akong chrome upang i search ang mga missing teen-agers ngunit meron akong nakita na posted 5 minutes ago.
"All missing teen-agers and young men in the past few weeks will be released later at 6:00 PM in the Main Arena, any family or guardian is required to attend, more informations and so do speeches and explanations would be discussed later on.."
"It is confirmed that Cyber kidnapped all these young men but no one knows why.."
"It seems like the government knew all of these and hid it all along from citizens.."
Main Arena, 6:00 PM..Noted.
Buti nalang may ganitong balita, dahil hindi ko alam kung saan hahanapin ang kapatid ko.
So, it was really real, huh?
I actually never believed in Cyber City, akala ko isa lang tong kwentong maka-luma, a tale or something.
But, anong kailangan ng Cyber City sa mga tao dito sa amin?
Kahit ano pa yon, I need to get my brother back.
Sinuot ko agad ang bag ko at inayos ang sarili ko.
After kong makita ang kapatid ko, hindi ko na alam pa ang gagawin, basta hahanapin ko sya at hindi ko na alam pa ang gagawin ko, tsaka ko nalang pag-iisipan.
Ang mahalaga ay makita ko sya pero ano ba talagang kailangan nila, hindi lang sa kapatid ko pero doon sa ibang mga lalaki?
..we'll find out about that.
Sumilip muna ako sa labas ng bahay bago tumakbo palayo, for sure, pinag-hahanap na ako ngayon, siguro papunta na sila sa bahay ngayon, lahat ng to walang bisa kung mahuhuli lang ako agad, so I need to be really, really careful.
Malapit lang naman ang Main Arena dito, the Earlier the better.
_
I arrived at 6:04 PM, 4 minutes late, malayo pala ang Arena sa bahay namin, I literally forgot the direction.
Ang daming tao at ang dami ring Pulis sa loob at labas ng Arena, it was like a big basketball court.
Nakita kong nag-yayakapan na ang mga tao ron.
Ang mga magulang at mga binata andon na, baka andito na rin galing ang kapatid ko.
Inayos ko ang takip sa mukha ko bago nag-simulang makipag-siksikan.
My brother's here..
I can feel his presence.
Napakadaming tao, nahihirapan akong hanapin sya.
Is that him?
"Shocks, Ren!?" I think I can see him now.
Pinilit kong tumakbo ng mabilis sa binatang nakatagilid na nakatingin sa kung saan..
Agad ko itong hinila at niyakap but he didn't hugged me back.
Tinitigan ko ulit ito at hindi ito ang aking kapatid.
Kahawig nya lang ang side view nito but he's not my brother.
"Sorry.."
Umikot-ikot pa ako upang hanapin ang kapatid ko habang tinatawag ang pangalan nito.
Ngunit bakit wala sya rito?
"Excuse me, lahat na ba andito?I-I mean lahat ng mga kinuha ng Cyber City?" tanong ko sa babae na may kasamang binata, maaaring kapatid nya ito o kamag-anak, o kasintahan, hindi ko alam.
"As far as I heard, lahat na daw po naibalik."
Pero bakit wala pa yung kapatid ko?
"May sinabi na ba bakit sila kinuha?"
"Wala po eh "
Tumakbo ulit ako at tumingin-tingin sa paligid.
I saw someone familiar but it's not my brother.
It was the woman from the hospital, yung patay na nakangiti, I'm hallucinating again, there's no doubt.
I should be looking for my brother, what the hell am I seeing?
The woman was still there, looking at me.
Binalin ko ang aking paningin sa aking kanan upang patuloy na hanapin ang kapatid ko at nang napag desisyunan kong ibalik ang tingin kung nasaan ang babae kanina ay andun parin sya.
She was..still there.
Ano ba to? hallucination?
I'm sick of this, so I decided to face her and when I'm just about to reach her, I felt hands grabbing me to the side of the Arena.
"Bitawan mo ko!" nag-pupumilit akong kumalas sa hawak nito hanggang sa bumitaw na ito sa akin.
Agad kong tinitigan kung sino ang humila sa akin, ngunit hindi ko sya kilala, ngayon ko lamang sya nakita..
Babae, siguro mas bata lang sa akin ng ilang taon, kulay asul ang buhok nito na halos hanggang balikat lamang din, anong kailangan nya sakin?
"Ray?" bakit alam nito ang pangalan ko.
Tumango ako agad sa kanya.
"Kung andito ka to find your brother, wala sya rito.." nag-mamadaling sambit nya, lumingon-lingon pa sya sa paligid na para bang may tinataguan sya.
"Ano?Nasan sya? Pano mo sya nakilala?Sino ka ba?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya ngunit hindi nya ako sinagot, patuloy lamang syang tumitingin-tingin sa paligid.
"Miss..Asan ang kapatid ko?" tanong ko ulit sa kanya and this time, she looked at me.
"Nasa Cyber City..he was prisoned.."
"Prisoned?"
For what reason?
Bakit sya nakakulong don?
If he did something, he could've been prisoned here, not there.
"Yes, because he hid me..and.." Huminto sya sa pag-sasalita at tumingin sa aming gilid.
"And..what?" ano bang idudugtong nya..
"There's no time, pasensya na hindi ko sya kayang iligtas, I did my best..kailangan ko ng umalis..makikita nila ko, and those..teenagers that were returned, they will turn.."
ANO? ANO DAW?
Hindi ko sya maintindihan.
"Anong sinasabi mo? anong no time? Anong meron?"
"Makinig ka..the Cyber people will soon be here.." hindi pa sya tapos sa kanyang sinasabi ngunit huminto na naman sya.
"Ha?"
"..they're here." she added.
And? Ano naman ngayon? Ang alam ko andito naman talaga sila kanina dahil ibinalik nila ang mga binatang kinuha nila.
Hinawakan ng babae ang aking balikat at pinilit akong iharap sa kanya.
"Listen carefully, they are here to outrun humans.."
"Ano?ano namang gagawin nila samin?" hindi ko parin sya maintindihan.
"Kill..or eat you.." tumayo ang aking mga balahibo sa sagot nito.
Nakatitig lamang ako sa kanya dahil hindi rin umaalis ang tingin nya sa akin.
"About your brother, he's--" she stopped again.
I saw hint of tears in her eyes, then I heard a sound of a metal..
In a blink of an eye, her body fell down on the ground, with her head detached, blood runs down from her neck and I saw how lifeless her body is.
Her head was chopped.
Nakarinig ako ng mga sigaw ng mga taong malapit sa amin, while I..
I couldn't scream, I couldn't even move..
Nararamdaman ko ang mga dugo nito na tumalsik sa katawan ko.
Nag-uusap lang kami, at ngayon, patay na sya, what's worse is someone chopped her head off.
Sinundan ko ang metal na dahilan ng pag-kamatay ng babae.
It was like an A4 size, held by a beautiful woman probably at my age, with the same hair as hers.
Hindi maalis ang tingin ko sa kanya.
She was killed..right in front of me.
Nag-kakagulo na ang ilan sa kanilang nasaksihan as the woman who killed her was just standing there, like she didn't do anything.
"Teph?Okay ka lang?namumutla ka ata.." napalingon ako sa nag-uusap sa aking tagiliran.
A woman was checking the teenager's temperature as he suddenly grabbed her closer and...
I hear screams, again.
Nagulat ako nang bigla nya itong kinagat hanggang sa matumba ang babae, patuloy nya parin itong kinakagat, kahit na umaapaw na ang dugo nito sa kanyang balat, patuloy nya parin itong ginagawa.
With that, there are screams again and another...and another one..
Napalingon ako sa paligid ko at nakitang nag-kakagatan ang mga tao.
What the hell is this?
Those returned teenagers were attacking their families, sila lang ang nakikita kong umaatake.
Ano..yon?
Ano to?
Anong nangyayari?
People started running so I did, I..I didn't know where to go but I know standing here is not a perfect thing to do.
Habang tumatakbo ay napansin kong tumatayo ang mga pamilyang inatake ng mga teenager kanina, yung mata nila, pure white..ang iba ay pure black, ang iba ay kulay pula lamang, it doesn't look normal.
They don't look normal.
This isn't normal..
Namumutla sila at..nangangagat rin ng iba, hindi nangangagat..it was like they were eating them not just biting..
Hinanap ko ang babae na pumatay sa babaeng kausap ko kanina, nasa gitna sya pero hindi sya inaatake.
Eto ba ang sinasabi nung babae kanina? that..they will kill and eat us?
Whatever this is, kailangan kong makalayo rito, nasan na ba ang gate?
Sinasara ba nila ito?
Ano bang ginagawa nila?
Ang dami pang taong naiwan rito.
"Miss!" huminto ako sa pag-takbo nang makarinig ng tinig ng isang babae.
Hinanap ko ito at nakitang nakahiga sya sa sahig, gumagapang actually..palapit sa akin, palapit sa gate..
"Tulungan.. mo ..." inaabot nito ang kamay nya sa akin kaya't hinawakan ko ito upang tulungan syang itayo, ngunit naramdaman kong biglang bumitaw ang kamay nito sa akin.
Tinitigan ko sya at..mukhang hindi na sya humihinga..
"Miss?..." nagtatakang pag-tawag ko sa kanya.
She was just there a minute ago.
Patay na ba sya?
Lumapit pa ako ng onti sa kanya upang pag-masdan ang itsura nya, ang putla nya.
"Miss.."pag-tawag ko pa rito ulit ngunit hindi parin sya gumagalaw.
Nagulat ako nang bigla ako nitong sunggaban at pumaibabaw pa sa akin.
Naiharang ko agad ang aking kamay upang hindi ako maabot nito ngunit hindi ko sya kayang itulak, masyado syang malakas.
Gusto nya kong abutin at kagatin..?
Para syang isang..
zombie..
Tila ba zombie sa mga palabas, tumutulo ang laway nya at pinipilit ako nitong abutin, napaka-agresibo nya at ang lakas nito..
One thing's for sure..hindi sya tao.. maybe she was, earlier, but not anymore..
Palapit ng palapit ang mukha nito sa akin, onti na lamang ay mararamdaman ko na ang mga ngipin nito, kailangan kong gumawa ng paraan.
Lumingon ako sa kanan ko at buti na lamang ay may nakita akong bato..
Agad ko itong inabot at ipinalo ko ito sa ulo nya , tinulak ko sya patungo sa gilid ko at nang subukan nya ulit akong abutin, pinukpok ko ulit ng bato ang ulo nito ngunit hindi sya mamatay-matay.
Ginawa ko pa ito ulit ng ilang beses, at wala pa rin itong bisa, nandidiri na rin ako sa ginagawa ko at naaawa sa kanya, kaya't tumayo na ko at hinila ang bag ko.
Sarado na ang gate..
Wala na akong pupuntahan..
Nakita ko mula sa malayo na pumasok sa isang pintuan ang pumatay sa babaeng kausap ko kanina, hindi ko napansin na may wall pala rito.
Iyan siguro ang division patungo sa Cyber City..
Kailangan kong makapunta riyan.
Nag-mamadali akong tumakbo palapit sa pintuan na pinasukan nila.
Pero malayo pa ako at malapit na itong sumara..
Binilisan ko pa ang pag-takbo..
Hindi ko sinasadyang itulak ang mga taong nakakasalubong ko ngunit kailangan kong maka-abot sa pintuan na yon..
If my brother is on the other side of that door,. I have to pass through it.
Ang lapit ko na..
So close, Ren.. We're gonna see each other again, no matter what it takes..

Komentar Buku (10)

  • avatar
    Christine Joy Espinosa Gadayan

    👍 good

    24/07

      0
  • avatar
    Edison Lipata

    this is good story

    13/04

      0
  • avatar
    Park Sun Bae Ching

    I love the story part 20 na please🥹

    11/04

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru