logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 3 Two

Natsumi
Habang nakatingin sila sa akin, may binulong ang isa sa kanila. Agad naman siyang sinaway ng kaibigan niya. I think magkakaibigan silang tatlo base sa nakikita ko. Tahimik lang ang isa nilang kasama.
"Excuse me, gentlemen. Since first day ngayon, papalagpasin ko ang pagiging late niyo, but now, introduce your self in class." sabi ni Ma'am. 'Di ko siya napansin.
"Hi guys! I'm Stenard Levine Buenaflor. I hope we can all be friends." masigla niyang sabi sa class.
"Hi. I'm Jeriel Rohan Dizon. I hate annoying. That's all." he said coldly. Cold type person, delikado ang katulad niya. Cold person is most observant.
"Hi! I'm Jenthrix Izumi Tyson. That's all." 'yan lang sinabi ko.
Jenthrix... I think I’ve heard that name before, but I don’t remember where.
"Okay, thank you gentlemen. You may take your seat." sabi ni Ma'am sa amin.
First day pa lang ng klase pero late na agad sila? Sabagay, mga mayaman naman sila. So, ‘yung mukhang British boy ay si Stenard Levine Buenaflor. He looks cute, kaso mukhang playboy. The next one is Jeriel Rohan Dizon. Mukha siyang Koreano. Okay, cute rin siya kaso ang tahimik. At ang pinakahuli ay si Jenthrix Izumi Tyson, he looks like a Japanese like me. Mukhang antipatiko. Pero kahit ganoon, wala akong pakialam sa kanila. Tumingin nalang ulit ako sa labas.
Napalingon ako sa kanan ko kasi may biglang umupo, nakita ko yung Jenthrix sa tabi ko at sa tabi niya yung Jeriel. Napahiwalay si Stenard.
Sila siguro iyong tinutukoy ng babaeng kumausap sa akin kanina. Tama lang na pinaglaban ko ang pag-upo ko rito dahil nasa katwiran ang mga sinabi ko kanina. Nauna ako at pwede kang umupo kahit saan mo gusto. Biglang nagtama ang mga mata namin nung Jenthrix. I can see his dark-brown eyes. Pero iniwas ko kaagad ang tingin ko. Kung ipapadescribe siya sa akin, one word lang sasabihin ko, he is ‘perfect’. Pero ‘di ko pa alam ang ugali niya. Perfect siya in his physical attribute, pero, hindi ko alam kung pati attitude niya ay perfect din.
"Hi, miss?" nagulat ako kasi biglang nagsalita si Stenard sa likod ko.
Teka, kanina pa ba siya sa likuran ko? Kailan pa ito nakapunta sa likod ko? Pagtingin ko sa harap, wala na ang Prof. namin. 'Di ko namalayang umalis na pala. Tiningnan ko ulit si Stenard na nakangiti pa rin.
"Hi, I'm Natsumi." sabi ko sabay ngiti sa kanya.
"Wow, what a beautiful name. Kaso mas maganda sana kung buong pangalan mo ang sasabihin mo." sabi niya, mambobola pa. Nature na talaga siguro ng mga lalaki ang mambola ng mga babae.
Napatawa ako sa sinabi niya. Maalam siyang makipag-usap sa mga babae. Friendly guy. “Okay. Natsumi Miyuki Ree Harakazumi is my full name." sabi ko sa kanya.
"Wow! Sabi na nga ba maganda ang name mo. By the way, I'm Stenard Levine Buenaflor, nice to meet you." sabi niya sabay abot ng kamay niya.
"Nice to meet you too." inabot ko sa kanya ang kamay ko para makipag shake hands.
"Siya nga pala Miree."
Saan galing ang pangalan na iyon? Napalingon ako sa paligid dahil ngayon ko lang narinig ang pangalan na iyon. Ako lang naman ang nag-iisang babae sa row na ito.
"Miree? Sinong Miree?" tanong ko kay Stenard.
"Ikaw. From now on, I will call you Miree. Short for Miyuki Ree. Masyadong mahaba kasi ang name mo. Is that okay with you?" Ako pala ‘yun? Akala ko itong katabi ko.
"Yup." Someone give me a nickname? No one dares call me by any other name, except for this guy.
"Stenard." may tumawag kay Stenard. Lumingon naman siya.
"Bakit mo siya kinakausap?"
"Why Jenthrix? Ano naman ang masama kung kausapin ko siya?"
"Kasi umupo siya sa dapat na pwesto mo." sabi ni Jenthrix.
'Yun lang pala. Akala ko kung ano na. Dahil umupo ako sa 'dapat' daw na pwesto ni Stenard, di na raw dapat kausapin? My Ghad! Parang bata lang.
For real?! Ganun mag-isip ang isang Jenthrix?
Napaisip ako dahil sa pinapakitang ugali nitong lalaking nagngangalang ‘Jenthrix’. Ano naman ngayon kung kinakausap ako ng kaibigan niya? Mayroon ba akong nakakahawa na sakit para hindi na kausapin? Dahil lang sa umupo ako sa ‘dapat’ na upuan daw ni Stenard ay pagbabawalan na niya itong makipag-usap sa akin?
"Excuse me? Sa inyo ba itong upuan na ito?" sumingit na ako sa kanila.
"Oo, kaya wala kang karapatan na umupo dyan." sabi ni Jenthrix.
"Ang alam ko kasi pagmamay-ari ito ng school. So I can sit wherever I want. May pangalan niyo ba ang mga upuan dito para sabihin mo na wala akong karapatan dito?" pang-iinis kong sabi.
Wala sa sarili kong sabi sa kanya. I find him interesting. Bihira lamang ang taong nakakakuha ng atensyon ko at mukhang isa si Jenthrix sa mga bihirang taong tinutukoy ko. Hanggang saan kaya ang kaya ng isang Jenthrix Tyson? Lalo na sa katulad ko na hindi basta basta umuurong sa kahit na anong sitwasyon?
"Anong sabi mo?!"
"Wala, sabi ko ang gwapo mo kaso bingi nga lang." sabi ko.
"Nang-aasar ka ba?" namumula na ang mukha niya. May pagkapikunin pala ang isang ito?
"Hindi, baka nanggugulo?" mukhang mas lalo siyang nainis sa sagot ko.
"Humanda ka bukas." sabi niya.
"Bakit may party ba bukas? iniinvite mo ako?"
"STUPID! You will be a dead meat tomorrow." medyo lumalakas na boses niya pero nakokontrol niya kaya kaming apat lang ang nakakarinig at si Stenard? Ayun nakatayo lang, nakatingin lang sa amin, nagpipigil ng tawa.
"Okay." iyan na lang sinabi ko pero halatang lalong nainis si Jenthrix.
Buti dumating na yung next prof. namin. After two subject ay lumabas na ako ng room ko kasi lunch time. May three hours vacant lahat ng freshmen. First day of school pa lang yan. Dahil wala akong gagawin sa school, umuwi na lang ako sa bahay ko.
Pagkababa ko palang ng kotse sinalubong agad ako ng butler namin at ibang maids.
"Welcome back, Your Highness." sabay yuko pa silang lahat. Naaasiwa ako sa pagtawag nila sa akin ng 'Your Highness', pero wala akong magagawa.
"Salamat. Tawagan niyo agad si Alexis. Sabihin niyo nandito na ako sa bahay at aalis na kami, pakisabi na rin na dalhin si Natsu dito." I said coldly.
"Yes, Your Highness." at pumasok na kami sa loob. Tuwing may pasok, dito ako nauwi sa bahay namin, pagwala akong pasok sa condo ako natigil. Dumiretso agad ako sa kwarto ko.
I'm not that simple, wealthy individual. I have a lot of responsibilities on my shoulders. Every move that I make will be a reflection on how I handle my problems, especially my responsibilities. Dahil wala namang nakakaalam kung ano at sino talaga ako, nagagawa ko pa rin kahit papaano ang mga bagay na gusto ko… sa ngayon. Hindi ko alam kung magagawa ko pa ang mga bagay na katulad nito sa paglipas ng panahon.
I miss my room. Binuksan ko ang ilaw, hmm malinis, 'di talaga nila pinapabayaan. Nilagay ko muna sa black leather couch ang gamit ko. Dumiretso agad ako sa bathroom para maligo.
Nagtagal ako sa paliligo, nag-isip. Madami pa pala akong tatapusin sa trabaho.
Pagkatapos kong maligo, dumiretso naman ako sa dalawang naglalakihan kong cabinet/closet.
Ang unang closet ay naglalaman ng Jackets, leggings, shorts (yung 3inches above the knee ang iksi) short-sleeves, sando at pantalon. 5 ang aking leather jacket na galing pa sa iba't ibang bansa. Sakto lang sa akin yung mga jacket na yun at lahat yun black. Ang mga sando ko ay more on black and white pati T-shirt at short-sleeves. Bihira lang ang ibang kulay.
Ang pangalawa naman ay naglalaman ng err dresses, doll shoes, boots (all black) and different colored high heels. Minsan ko lang yan suotin pag may events lang. Halos leather jackets, sando, and short ang suot ko everyday kahit ngayon. Tapos na ako mag-ayos at sakto dumating na rin si Alexis.
"Aga mo naman umuwi Ate. Di ba mga around 4 ka pa uuwi?" sabi sa akin ni Alexis pagkababa ko sa sala.
"Three hours vacant kasi at wala naman akong gagawin sa school." I answered with a cold tone and she nodded.
"Something happened, right?" mukhang nahalata niya ang mood ko.
"I'll tell you tomorrow. I'm not in the mood to talk about it. Shall we go?"
"After you, Your Highness." pigil tawa niyang sabi sa akin.
I just rolled my eyes on her.
Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa kotse. Nagpahatid kami sa mall. Pagdating namin sa mall syempre pumasok kami, pagkapasok namin dumiretso agad kami sa National Book Store. Kinumpleto na namin ang kailangan sa school.
After National Book Store pumunta naman kami sa boutique. Binili ko ng dress si Alexis at saka bumili rin ako, may gagawin kasi ako dun. Sunod sa Shoes Store naman, at marami pa ang pinuntahan namin. Kumain na rin kami sa isa sa mga Restaurant dun.
Gabi na nung lumabas kami ng mall. Grabe tagal pala namin sa mall. Nanood pa kasi ng sine, nakadalawa nga kaming nood ng sine. Nakarating na kami sa bahay, pinadala ko lahat ng pinamili namin sa maid. Dumiretso na agad ako sa kwarto ko. Naligo at nagbihis na ako. Grabe kapagod palang maggala. At natulog na ako.

Komentar Buku (27)

  • avatar
    Ruel Hayaban

    Story was good love to read more

    12/06

      0
  • avatar
    Shinzou Sasageyo

    thank again

    05/06

      0
  • avatar
    Christian Setenta

    So good

    22/05

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru