logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 2 One

Natsumi
Ako yung tipo ng taong hindi nagpapatalo sa mga taong nakapaligid sa akin, ‘yung tipo ng taong hindi mo gugustuhing makaharap sa daan o makabangga lamang.
I don’t know. Hindi lang siguro ako sanay na may mga taong nangmamaliit sa kakayahan ko bilang isang babae. Hindi porket babae ako ay hindi ko na kayang gawin ang mga bagay na kayang gawin ng mga lalaki.
Ilang minuto akong nakatingin sa kisame ng kwarto ko. Kakatingin ko lamang sa orasan na nasa side table ko. Naunahan ko na naman ang alarm ko. Tuwing may klase ako ay palagi akong nauunang magising sa alarm ko. Kaya ako nag-set ng alarm ay para gisingin ako nito, hindi para tanggalin ko ito sa tuwing nauuna akong magising. Napagpasyahan ko na lang na bumangon dahil hindi na rin naman ako dadalawin ng antok.
Pinagpasyahan kong magpahangin muna sa veranda habang nagpapalipas ng oras. Unang araw ng klase pero parang tinatamad akong pumasok. Hindi dahil sa tamad akong estudyante. Hindi ko lang gusto na may makitang mga hindi kaaya-ayang mukha lalo na iyong mga taong may kakaibang ugali.
"Napakaliit talaga kahit kailan." nasabi ko na lang habang pinapanood ko ang mga sasakyan mula dito sa itaas ng building kung saan nandito ang unit ko.
Ito ang isa sa mga nakakatulong sa akin para kahit kaunti ay malimutan ko ang mga problema ko. Hanggang ngayon siguro ay nagpapakaabala pa rin ang mga magulang ko sa pagpapalago ng negosyo o pilit pa rin nilang inaayos ang planong matagal na nilang tinatago sa akin.
Umalis ako sa poder nila para makalayo at takasan ang isang bagay na kahit kailan hinding hindi ko aayunan. Ipagawa na nila sa akin lahat, huwag lang ang bagay na pinakaaayawan ko.
Muntikan na akong mapatalon sa gulat ng biglang tumunog ang phone ko. Nakalimutan ko palang i-off ang alarm ko pagkagising ko.
"Oh. Good morning Natsu." nagising na pala ang alaga ko.
Ang aso ko na palagi kong kasama rito sa unit ko at sa mansion. Palagi ko siyang kinakausap kahit na alam kong hindi naman ito sasagot sa akin, kung sino man ang makakakita sa ginagawa kong iyon ay iisipin nilang nababaliw na ako.
"You want to eat? Come here." sabi ko kay Natsu habang hinihimas ko yung ulo niya. Mabilis kong naibigay sa kanya ang kanyang pagkain.
"Stay, okay? Tatawagan ko si Alexis para bantayan ka, okay?" pahabol ko bago ako pumunta ng bathroom.
Nang matapos akong maligo ay mabilis akong nagbihis ng uniform ng university namin. College na ako pero may uniform pa rin. Black skirt na above the knee tapos long sleeve na blouse at black necktie. Sino ba ang nag-isip ng ganitong klase ng damit? Oras na makarating ako ng University papalitan ko ang uniform ng mga estudyante.
Agad kong tinawagan si Tito Luis para magpahatid sa University. Kaibigan ng mga magulang ko pero mas pinili niyang ipagmaneho ako lagi kaysa sa ibang tao ang maghahatid sa akin sa mga pupuntahan ko.
Kahit na mayroon na akong lisensya sa pagmamaneho, pinilit pa rin ng mga magulang ko na ihatid ako ni Tito Luis sa mga pupuntahan ko.
Pagkatapos kong tawagan si Tito Luis, ang anak naman niyang si Alexis ang tinawagan ko para ibilin si Natsu. Mamaya pupunta kami ng mall para bumili ng mga gamit niya.
Kumain muna ako. Nang matapos na ako ay iniayos ko ang pinagkainan ko at muling inayos ang sarili ko. Bubuksan ko na ang pinto ng biglang may nagdoorbell.
"Alexis, nandito ka na pala. Alam mo na gagawin dito huh?"
"Okay, Ate. Thanks and ingat!"
Ngumiti lang ako sa kanya at agad akong umalis.
Naglakad na ako papuntang elevator para makapunta ng parking lot. Nang makarating ako, nakita ko na agad si Tito Luis. Pinagbuksan niya ako.
"Good morning, Nami."
"Good morning, Tito. Punta na po tayong school." sabi ko.
Sa biyahe, nilibang ko lang ang sarili ko sa phone ko. May mga bagay din akong tiningnan na kailangan kong pag-aralan. Hindi lang naman ang pagiging estudyante ko ang pinagkakaabalahan ko, may ibang bagay din akong kailangang pagtuunan ng pansin. After twenty minutes nakarating na ako, buti 'di traffic. Tiningnan ko ang wrist watch ko, sakto lang pala ang dating ko.
Marami na akong nakikitang mga estudyante na katulad ko. Ang iba ay hawak ang kanilang mga schedule. Ang karamihan sa mga estudyante ay nakikilala ko sa mukha pero hindi ko maalala kung saan ko sila nakita.
Announcement, all the freshmen please proceed to the gymnasium. Again all the freshmen please proceed to the gymnasium. Thank you.
Pagkarinig ko kaagad ng announcement ay pumunta na ako sa gymnasium. Nang makarating ako sa gymnasium ay kita ko kaagad ang dobleng bilang ng mga estudyante, mas dumami pa yata ng makapasok na ako sa gymnasium. May mga naka-assign na seats per course para sa mga estudyante. Pumunta ako sa Fine Arts dahil ito ang course na kinuha ko.
Ilang minuto pa ang lumipas at nag-start na yung program. About rules and regulations, achievements ng university. Hindi ko na pinakinggan pa ang ibang sinasabi ng speaker dahil nabasa ko na lahat ng ito bago pa ako pumunta rito.
"And again, Welcome to Tri-Zumi University."
Tri-Zumi University. School for high society people, showbiz personalities, model and for scholar students.
Ang unibersidad na maraming plastik na tao at bihira ang mga totoong tao na magpapakita sa'yo ng kabutihan na walang halong kaplastikan. Alam ko ang mga ugali nila. Alam ko na bago pa ako pumasok sa lugar na ito at wala akong pakialam sa kanila.
Pumunta na kami sa kani-kanilang room. Habang naglalakad ako sa corridor papunta sa room ko, someone caught my attention. Familiar yung face niya, I mean nila, pero di ko na lang pinansin baka kasi kamukha lang nila. Huwag lang talagang magkakamali na pumunta rito ang mga pinsan ko ng wala akong alam, hindi nila magugustuhan ang gagawin ko sa kanila.
Mabilis akong nakarating sa room ko. Pumasok na ako at nagpunta sa dulo, sa likod tabi ng bintana para di halata na minsan tulog ako. Kapag hindi nakukuha ng discussion ang atensyon ko, tinutulugan ko ang klase.
Air-conditioned room with white paint in the walls. Mahogany colored arm rest and a black board and a white board in the front. Malawak na classroom na kaya ang limampung estudyante.
Tutungon na sana ako para pumikit saglit plus nabored pa kanina ng biglang may lumapit sa akin at nagsalita.
"Excuse me miss."
Tiningnan ko siya at sumagot "Yes? What can I do for you?" tanong ko.
A girl wearing a make-up, well halos magmukha na siyang clown sa kapal ng make-up niya sa mukha. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan makapal ang ilagay mong make up sa mukha mo kung alam mo naman sa sarili mong maganda ka.
Papasok ka lang naman sa klase pero bakit kailangan mong maglagay ng sobrang kapal na make up sa mukha mo? Hindi ko na talaga maintindihan ang ibang mga babae ngayon.
"If you don't mind? Pwedeng lumipat ka na lang ng upuan? Because this line of chairs including that." sabay turo niya sa inuupuan ko. "is reserved." medyo may pagkamataray niyang sabi.
"Ganoon ba? As far as I know, this chair is a school property and there is no place for VIP here." nagtinginan yung mga classmates namin pati na rin yung mga dumarating. Medyo malakas na boses ko.
Ayaw ko talagang mag-umpisa ng away pero mukhang lapitin yata ako ng away. Uunahin ko na lang sa listahan ko ang isang ito. Tutal naman, nandito na ako. Aayusin ko na lahat ng dapat ayusin dito.
"And besides, there are plenty of chairs over there, so they can sit wherever they want. Komportable ako sa pwesto kong ito at nauna ako rito. Gusto ko kasi malapit sa bintana kasi gusto ko kita ko yung view sa labas. Is that okay with you?" I asked her. Bakas sa mukha niya ang gulat pati mga classmates ko.
Hindi ako mahilig magtaray pero kung alam kong tama ako, hindi ko maiiwasan na magtaray ako. Ganitong nakakaramdam ako ng pagkaantok ay sumusumpong ang pagiging mataray ko. Tiningnan ko lang ulit siya mula ulo hanggang paa at saka inilipat ang atensyon ko sa labas.
Medyo nairita yata siya saka umalis papunta sa mga kaibigan niya. Ngayon lang ba nakakita ng ganitong eksena ang mga kaklase ko? Wala akong pakialam kung nagulat sila sa ginawa ko sa babaeng iyon o kung sikat man siya. Tama naman ang sinabi ko. Problema na niya iyon kung hindi niya naintindihan ang paliwanag ko.
Halos nandito na ang lahat. Tatlong upuan pa ang walang tao. Dalawang upuan sa tabi ko sa kanan tapos yun isa sa sumunod na group of chairs. Halos kahanay ko. After some minutes dumating na rin ang Prof. namin.
"Good morning class, sorry for being late, nag-meeting pa kasi kami. By the way, ako nga pala si Mrs. Hernandez, your adviser in a whole sem. I hope magkasundo tayong lahat. So, wala muna tayong lesson kasi you will introduce yourself here in front and I can let you to ask a question sa mga pupunta dito sa harap. Okay let's start." masiglang sabi ni ma'am.
Late na nga ang Prof namin, may mas na-late pa sa kanya. Well, if you have a money you can do anything you want. Pero iba ako sa kanila. I valued every single second of my time.
Nagsimula na magpakilala ang mga classmate ko, and still vacant parin yung tatlong upuan. Model, artista, mayaman etc. ang mga classmate ko. Tapos na yung nasa unahan ko. It's my turn now, so I went now to the front.
"Okay, introduce yourself." nakangiting sabi sa akin ni ma'am. Yung tingin nung babae kanina sa akin, grabe para akong kakainin ah? pati yung mga kasama niya.
I smiled at them and take a deep breath bago ako magsalita.
"Hi, I'm Natsumi Miyuki Ree Harakazumi, 18 years old. I hate bad influence, that's all and I hope all of you can be my friends." yan lang sinabi ko.
"Ma'am!"
May isang nagtaas sa mga classmate ko, boy siya, and I know magtatanong to.
"Yes? Stand up." utos ni ma'am
"Uhm, tanung ko lang. May lahi ka ba?" halata sa mukha niya ang curiousness.
"Yup, I'm one fourth American, one fourth Filipino and half Japanese." sagot ko.
"Sino ang Filipino?" tanung niya pa, hindi naman halatang gusto niyang malaman noh?
"My mother is half Filipino and half Japanese, and my father is half American, half Japanese."
"Okay." yun lang nasabi niya at saka umupo.
"Thanks for the question." I smiled and take a bow. Ugali kasi namin yan. At bumalik na ako sa pwesto ko.
Sinabi ni Ma'am ang mga rules niya sa subject niya. Nasa kalagitnaan ng pagsasalita ang Prof. namin ng biglang nag-iritan ang mga classmate kong babae. Grabe makabasag pinggan ang mga boses eh.
Bakit ganito ang ibang babae? Makakita lang ng gwapo para ng mamatay na. Why do people nowadays like a human-sized horn, especially girls?
Lalong lumakas ang iritan ng nay pumasok na tatlong lalaki sa loob ng room. First day of school pero late sila? Tumatanggap sila ng mga late na estudyante? I think I need to fix that habit of some students. They were tardy to class.
Why are they looking at me? What the hell is their problem?
Hindi ako magpapatinag sa mga tingin nila.
"Tsk, brat."

Komentar Buku (27)

  • avatar
    Ruel Hayaban

    Story was good love to read more

    12/06

      0
  • avatar
    Shinzou Sasageyo

    thank again

    05/06

      0
  • avatar
    Christian Setenta

    So good

    22/05

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru