logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 3

"Manong bayad po, sa Paliparan po," magalang na sabi ko habang inaabot kay manong driver ang bayad ko na barya, "paki suyo naman po oh," pakiusap ko sa babaeng matanda na katabi ko.
Nang makarating ang bayad ko kay manong, ay nakit ko naman na nilingon ako ni manong mula sa salamin ng kanyang jeep, "Neng, isa lang ba ito?" Malakas ang boses na tanong ni manong.
Nilingon ko saglit si Carson sa tabi ko. Nakakunot lang ang noo niya habang nakatingin sa wallet niya, na puro kulay blue ang laman. Bahagya ko siyang siniko kaya napunta sa akin ang atensyon niya, "Saan ka ba bababa?"
Carson just shrugged, "I.....don't know," he whisper.
Mukhang hindi siya sanay mag commute. Sa isipan ko ay napasampal ako sa noo ko. This guy doesn't even know how to commute, and here he is, riding a jeepney with me without even knowing where we are heading to.
Eh kung kidnapin ko kaya siya, mag tataka kaya siya?
Napangiwi ako saka nilingon ang gawi ni manong na hanggang ngayon ay iniintay ang sagot ko, "Dalawa po!" Sigaw ko para marinig niya ang sagot ko.
Tumango lang ito sa akin saka nilagay ang braya na bayad ko sa bandang harapan ng manibela. Hindi ko na inabala pa na antayin ang dapat na sukli ko, dahil mukhang sakto ang binayad ko para sa amin dalawa ni Carson.
Speaking of Carson......
Nilingon ko siya sa kanan ko at naabutan ko siyang nakapikit at nakasandal ang ulo. Kitang kita ko rin kung paano nag landas ang pawis sa noo niya pababa sa maputi at makinis niyang mukha.
I reached for my pocket to get my hanky so that I could wipe his sweat away. I leaned forward a bit so I could take a glimpse of his whole face.
"Carson, pinagpapawisan ka na. Punasan ko lang pawis mo ah," mahinang paalam ko bago ko sinimulan ang pag punas sa pawis nitong lalaking ito.
"Ang cute naman nila."
"Ang swerte ni boy kay girl noh?"
"Sa tingin ko hindi sanay yung lalaki na sumakay sa ganitong klaseng sasakyan."
"Ay oo nga, mukhang nahihilo siya oh."
Habang pinupunasan ko ng pawis si Carson, ay bahagya niyang iminulat ang mga mata niya. Sumalubong sa akin ang kanyang mapupungay at inaantok na mga mata.
Bakit ang gwapo nitong nilalang na ito?
This is a crime!
"Okay ka lang?" Tanong ko saka ibinaba na ang hawak kong panyo.
He adjusted his seat so he could seat properly, so I was back again to my orginal position. Carson is looking at me while slowly forming a small smile on his lips.
"I'm dizzy."
Doon ako naalarma. Sinasabi ko na nga ba eh! Bakit kasi siya sumama sa akin in the first place? Kargo ko pa ito kung may nangyaring masama dito sa lalaking ito eh!
"Hala...teka," binuksan ko ang bag ko para kunin ang tubigan ko. Mabuti nakang at nasa kalahati pa ang tubig nito.
Inabot ko iyon sa kanya, "Inom ka muna," sabi ko at nilapit pa sa kanya ang tubigan ko.
Carson is looking at my tumbler curiously, "You sure?" he asked as he get it from my hand.
I shrugged, "Sige na uminom ka na."
Good thing he listened to me. Agad na binuksan ni Carson ang tubigan ko para uminom siya. Hindi naman niya na ubos ang tubig na laman nito, at nag tira pa rin naman sa akin ng kaunti. After that he closed the lid and gave it back to me.
"Pwede mo naman ubusin."
Umiling lang siya sa akin, "It's okay. That's your water after all."
Ngumuso ako saka tinanggap muli ang tubigan ko sa kanya saka nilagay iyon sa bag ko. Maya-maya lang ay naramdaman kong bumagsak ang ulo ni Carson sa balikat ko, kaya napaayos ako ng upo.
"Ahhh sana all!"
"Yawa gusto ko lang naman umuwi eh."
"Ramdam ko ang pagkasingle ko ah."
Lihim akong napangiti para mapigilan ko ang pag supil ng tawa sa naririnig.
Jowa? Ito? Aba'y kakakilala lang namin nito kanina.
Feeling close kamo!
Umiling iling ako. Binuksan ko ulit ang bag ko para kuhanin ang pamaypay ko sa loob. Pagkatapos non ay akin ng sinara at sinimulan paypayan si Carson na nakahilig ng nakapikit sa balikat ko. Gamit ang libre kong kamay, nilagay ko ito sa may noo niya para hindi liparin ang ibang buhok niya sa mata niya habang pinapaypayan siya.
"Neng, nobyo mo?"
Napalingon ako sa gawing kaliwa ko ng marinig kong mag salita ang matandang babae sa tabi ko.
Dumukwang pa ako palapit kay lola dahil hindi ko narinig iyon ng malinaw, "Po?"
"Nobyo mo ba siya?" Pag uulit niya at ngayon ay narinig ko na iyon ng malinaw.
Agad akong umiling, "Hindi po, 'la," humagikgik pa ako, "kaibigan ko lang po."
Hindi naman nag tagal ay nakarating na kami sa Paliparan. Bahagya kong niyugyog ang balikat ni Carson para magising siya, dahil nakatulog pala siya sa byahe.
"Let me help you."
Carson was the first one to go down, since he is near the opening of this jeepeney. As soon as he got off the jeepney, he got my things from me and held my hands to guide me from going down.
"Thanks."
Nag simula na kaming mag lakad ni Carson papunta sa bahay namin. We are both quiet while walking, and he is still holding my things.
"Ehem," peke akong umubo para makuha ko ang atensyon niya, "okay na ako dito. Pwede na ikaw mag pasundo," sabi ko nang matanaw ko na hindi kalayuan ang bahay namin.
Agad na kumunot ang noo ni Carson, "What? Why? Hatid na kita mismo sa inyo."
Magkakasunod akong umiling, "No need Carson," kinuha ko ang gamit ko mula sa kanya, "thank you for your accompany," ngumiti ako sa kanya.
He didn't say anything and he is just looking at me seriously. I was about to turn my back against him when he suddenly held my arm, stopping me.
"Hatid na kita."
He said those words with authority, making me think twice. Hindi naman sa ayoko siyang papuntahin sa amin....nahihiya lang ako kasi.......
Hindi pa ako nakakalinis ng bahay.
Mag dadalawang linggo na ata ang nakalipas simula noong huli kong malinisan ng bomggang bongga yung bahay namin. These past few weeks kasi ay halos puro schoolworks ang inaatupad ko, at halos hindi nga ako makausap ng matino ng pamilya ko dahil sa sobrang busy.
"S-sigurado ka?" Paniniguro ko pa lalo.
Baka kasi diba mag bago pa isip niya...ganon.
But he just nod his head, so I just sighed before leading him the way. Hindi naman kalayuan na ang bahay namin, at nakarating na kami agad sa mismong gate ng bahay.
Our house is not located inside a village or a subdivision. Our house is not that small and not that big. Sakto lang para sa aming pamilya. May dalawang palapag ito at may maliit na terrace. Kulay brown ang gate nito, habang ang buong bahay ay kulay puti at gray. May garahe rin ito, pero ang sasakyan lang nila mama ang naka park doon.
When I looked at Carson, he is just busy looking at the exterior of our house, "You have a nice house," puri niya saka nilingon ako.
Binuksan ko ang gate saka nilingon si Carson, "Tuloy ka.."
Nakangiti naman siyang humakbang papasok at siya na mismo rin ang nag sara ng gate. When we reached the main door, I removed my shoes first before opening the door.
"Ate!"
Agad akong sinalubong ng bunso namin, "Kumusta Lee?" Niyakap ko ito mg mahigpit.
Nag tataka niyang tinuro si Carson sa tabi ko, "Who?"
Sasagot na sana ko ng pumasok si mama sa eksena. Napatigil siya sa paglalakad at gulat na tinignan si Carson.
"Oh! A Dela Fiento Señor is inside the household of Peñaverde."

Komentar Buku (23)

  • avatar
    Yuri Dump

    Xfg

    14d

      0
  • avatar
    Benvinido Tulipas

    nice

    16d

      0
  • avatar
    PolpayPapy

    lbabybaykykay@gmail.com lbabybabykykay252@gmail.com

    06/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru