logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

06

Maya-maya ay biglang yumanig ulit ang lupa at nagbagsakan ang mga bato. wish ko na sana kunin nalang ako ng ginie dito at maglaho nalang bigla.
Agad naman akong kumapit sa sanga na kanina kong hawak si Aj naman ay naka yuko sapat na din upang hindi siya taaan ng mga bato.
Huminto na ang pagyanig at mga pagbagsak ng mga bato. Agad kong tiningnan si Aj baka na tamaan na siya. Kasalanan ko nanaman.
"Ynna! Halika dito!" sigaw niya sapat na para marinig ko. Ano gusto niya ko mamatay! Tyaka na tatakot ako hindi ko kaya.
"Ayoko! Ayoko hindi ko kaya!" Sambit ko. Habang nakakapit pa rin sa sanga. Kelan pa kaya kami ma kakaalis dito? Siguro naman may mga nag re-rescuedito.
"O sige jaan ka lang ako nalang ang pupunta jaan." Sambit niya. Minsan may halaga din tong lalaking yo kahit galit sa'kin eh inaalala pa rin ako. Ferness may two side. Ems
Dali dali siya lumapit sa akin at hinatak ako. Bigla naman nagbagsakan ang mga bato paraan para magtago muli kami sa kaninang pinagtaguan niya.
Agad niya akong tinakpan para hindi matamaan ng bato samantalang siya naman ay natatamaan na. Alala ko siyang tiningnan. Kasalanan naman kasi niya to.
"Ah!" sigaw niya. Isang maliit ngunit mabigat na tipak ng bato ang tumama sa paanan niya.
"Aj! ayos ka lang ba!?" nag aalalang sabi ko. Sino ba kasing nag sabi na takpa niya pa ako eh. Kaya ko naman ang sarili ko.
"Natamaan ng bato yong paa ko!" sambit niya. Patuloy pa din ang pagbagsak ng bato wala naman akong powers para patigilin to pero bahala na si lord!
Huminto na ang bagsak ng mga bato kaya dali dali kaming naupo doon. Hindi ko na alam kong saan ang daan dadagdag pa ba to!?
"Aj! Ayos ka lang ba?" nag aalalang sabi ko. Karma to iniligaw ligaw mo pa ko.
"Oo, bilisan natin umalis na tayo." sambit niya at tinakpan ang ulo ko. Dali dali naman kaming unalis sa rock slide para hindi na matamaan muli at ma stack doon.
"Halika tulongan na kita." sambit ko at pinaupo siya sa tabi. Mag gagabi na din. Hindi ko alam kong makaka balik pa ba kami kasama si Kesha. Sana nga ay makita na namin si Kesha
----
Mag gagabi na at nandito parin kami ni Aj sa gubat pansamantala kaming nandito sa may gubat sa malaking puno kasalukuyan kong ginagamot si Aj. Siya kasi ang mag silbing harang sa'kin para hindi ako matamaan ng bato kanina. Karma na din to no.
"Ako? Iiyak? Alcohol lang 'yan." sambit ni Aj habang iniilawan ang paanan. Tingnan natin pag naumpisahan ko ng lagyan to.
Agad kong nilagya ng alcohol ang cotton para ipahid sa sugat niya. Sinimulan ko ng ipahid iyon.
"Dahan dahan lang ah. masakit." sambit niya. Tingnan ko lang kong di ka maiyak sa hapdi ng karma.
"Hmm wala pa nga eh." singhal ko. Hindi ko pa naman talaga na papahid o nadidikit sa sugat niya. Parang maliit nga lang ito. Pero malala.
"Aray ouch ouch!" sambit niya habang pinipigilan ang pagiyak. Ang sarap niyang picturan haha para siyang bata na nag pipigil ng iyak.
"Yan kasi kasalanan mo rin naman. Niligaw ligaw mo pako iniwanan mo ako sa gubat ayan nakarma ka." sambit ko habang nilalagyan ng betadine ang paanan niya. Buti nga ay walang masamang nangyari sa'kin kong meron man bahala na si lord talaga.
"Nag so-sorry na nga yong tao eh. Tyaka ok ng ako yong masaktan kesa naman ikaw pa yong mapahamak do'n. Kunsimisyon ko pa pag namatay ka." sambit niya. At tumingin sa kawalan. Wow hah. Pag namatay ako siya una kong mumultohin.
"And i just want you to stop getting into there life. hindi ka marunong mangilatis ng tao kaya magtigil kana." naka ngiting sambit niya. Nagawa niya pang ngumiti ah. Pernes gwapo pag naka ngiti. chos.
Agad din naman akong ngumisi at diniinan ang pag gagamot sa sugat niya. nakakainis talaga tong lalaki na to kahit kailan. Kailangan turuan pa ng leksyon.
"Nang tao hindi, pero ng sugat marumong ako." sambit ko at diniinan ang paglalagay ng band aid dito. Hindi ko alam kong umaarte lang ba siya o hindi.
"A-aray!" singhal niya. Napatwa nalang ako nang sabihin niya 'yon minsan ganong leksyon ang dapat gawin sa kaniya.
''Dahan-dahan ang sakit." reklamo niya. Deserb naman. Nagtawanan nalang kami parehas hindi ko alam na bukod sa magtanong eh marunong din pala siyang ngumisi at tumawa. lagi kasi siyang nakabusangot.
"Naku buti nalang talaga nadala ko tong first aid." sambit ko. at ibinalik sa ayos ang mga gamit sa bag ko. buti nalang talaga dala ko.
"Hanep. girl scaout? haha" natatawang sambit niya. at ibinaba ang paa. syempre always ready to. baka Ynna to.
"Hindi, wedding planer pero mas handa kami sa kanila. always kaming ready kapag may wedding emergency." pagpapaliwanag ko. Lagi kaming handa. Nagagawan namin lahat ngparaan. Maliban Lang sa isa.
"Runaway bride?" taas kilay niyang tanong. Agad akong kinabagan, baka pati siya alam niya. Dapat ay hindi ako pakampante at hindi magpahalata.
Nanatili akong kalmado, ilag minuto din bago ako sumagot.
"Hah?" nangunguluhang tanong ko. Hindi ko alam kong pati siya alam niya dahil, nauna siya kesa sa'kin dito. Pero sigurado naman ako na hindi niya alam.
"I mean what if may nag runaway bride? ang ginagawa niyo doon?" tanong niya at umayos ng upo. Agad naman ako naka hinga ng maluwag at umayos din ng upo. Nakakakaba din ang mga tanongan netong lalaking to ah.
"Hindi eh wala pa kong client, wala pang gumawa ng ganon." sambit ko sabay ng pag-iling. Wala pa naman sa ngayon. Wala.
"What if lang, what if may nag runaway bride?" ulit niya sa tanong. Hindi ko alam kong trippings lang yong tanong o sersyosohan. Hindi ko mawari ang itsura niya ngayon. Malungkot na masaya mix emosyon siya.
"Nang biglang may tumakbo?" dugtong niya pa. Hindi ko din alam ang isasagot ko sa kaniya. Bakit kasi iyon din ang tinanong niya.
"Hmmm yo'n siguro ang emergency na hindi ko kayang eh solve. i mean lahat naman kasi kayang gawan ng paraan." paliwanag ko. Not that one. Kasi disiyon yon ng bride, At labas na kami doon.
"Yo'n kasi buhay ng tao yong involve do'n eh." dugtong ko pa. Hindi ko na magagawan ng paraan, hindi na namin magagawan kasi nag disiyon na yong bride eh.
"How bout the groom?" kalmado niyang tanong. Siguro sa groom din ako kakampe, even tho ginawa ko din iyon.
"Ah yo'n? kahit mag inuman pa kaming dalawa eh, ikuwento niya lahat ng hinnanakit niya sa buhay." nakatingin sa langit na paliwanag ko. Maraming bagay ang dapat ipaliwanag at maraming bagay din ang dapat intindihin. Lahat ng pagay ay na dadaan lang sa paliwanag.
Hindi ko lang alam kong na niniwala sila sa When trust is broken, sorry means nothing.
tumango tango nalang si Aj sa mga paliwanag ko sa kaniya, at huminga ng malalim. hindi ko alam kong natakbuhan ba to o namatayan.
Naalala ko tuloy yong nagawa ko, teka nga bakit ba doon napunta ang usapan, ang usapan lang namin eh sa girls scaout ah. Hindi bali na nga mahalaga eh ok na siya. Sa palagay ko naman ok na to eh. He already suffered alot he deserve to be happy again naman.
"Am Ynna sorry sa mga pangaasar ko sayo at pangliligaw dito sa gubat ah." pagbasag niya sa sandaling katahimikan. Oh diba mag so-sorry din naman pala eh marunong din.
"Annndd?" nakangiting sabi ko. At binaling ang atensyon sa kaniya, at mukhang sincere naman.
"And thank you kasi ginamot mo'ko. kahit na niligaw ligaw pa kita kanina." dugtong niya pa. Tama lang na mag sorry siya. Tyaka binabawi ko nayong hindi ko siya mapapatawad. Joke lang pala iyon.
"Ayoko padin namang mapahamak ka do'n eh. kaya thank you." sambit ni Aj sabay ng paghawak niya sa kamay ko. Hoi teka? Ano to, teka lord di ako ready, ems!
Sandaling nilamon ng katahimikan ang kinalalgyan naming dalawa. hindi ko alam bakit to ganito siguro nakakain ng bato? O di kaya natamaan ng bato sa ulo. Nag tilang anghel.
"Sige tara na. we-wait~ lang eto o gamitin mo 'to." sambit ko at iniabot ang stick na hawak ko kaninang umaga. Alalay din sa kaniya hindi ko naman siya kaya.
Agad din akong tumayo, at tinulungan siya para din makatayo kami-kami lang naman mag tutulungan. mamaya pa ay biglang nagsilabasan ang mga kumikinang na mga alitaptap. Ang gaganda nila at ang gandang pagmasdan. Parang gusti ko naoang maiwan. Pero joke lang.
"Ay wow! hoi ang ganda!" manghang sabi ko. Wala kasing ganito sa manila, sa manila kasi sa puno ka lang makakakita ng ganiyan. Pagkakamalan pang may engkanto.
"Wow wait picturan mo 'ko." sambit ko at kinuha ang phone ko. Remembrance minsan lang makita ng mga mata ko 'to
Agad ko iyong inopen at binigay sa kaniya. hindi naman masama diba papipicture lang naman eh. agad din niyang kinuha ang phone ko at tinutok sa'kin ang camera.
"Gandahan mo ah!" sambit ko. Baka kasi katulad siya nong mga ang pipicture sa'kin na nanginginig pa yong camera.
"Smile 1...2...3.." ayan. Agad naman akong lumapit sa kaniya para tingnan. At naisip na isama na siya. Remembrance. Noe ba.
"Ay tayo naman dalawa para may remembrance." sambit ko at pinahawak muli sa kaniya. Ang tangkad niya kasi. Halos naka tingkayad na ko dito.
Agad akong humawak sa balikat niya ang tangkad niya kasi hindi ko nga abot. hinarap na niya sa'min ang camera at nag picture.
"1...2...3..." sambit niya at pinindot ang button para makuhaan kaming dalawa. Debelop? Ems
"Okey.." ngiting sabi niya. Agad naman akong bumitaw sa pag kakahawak ko sa kaniya. Baka sabihin eh felling close ako.
"Ano halika na?" sambit ko. At inihanda ang bag ko. Medjo mabigat at medjo pagod nako pero keri pa naman.
"Tara na." sambit naman niya. At agad din na inayos ang hand carry niyang bag.
"Ano kaya mo ba?" tanong ni Aj. At inayos ang bag ko. Kaya ko naman kaya mag chill lang siya jaan. Ako pa nga dapat mag tanong sa kaniya ng gainyan eh.
"Kaya ko to noh kaba ako lang to si Ynna." sambit ko at tumawa. Tumawa nalang din siya. Para kaming mga timang nag tatawanan sa sariling mga joke. Baka galing mental din tong lalaking to? Ems
"Okey?" sabay naming sabi. Habang naka ayos na at handa ng mag lakad paalis sa lugar.
"Lets go. " sambit ko at inalalayan siyang maglakad. Agad din kaming naka alis sa kinapwepwestuhan namin kanina at nag lakad. Hindi na namin makita ang haiking trill hindi ko din alam ang daan.
Gabi na at naglalakad padin kai ni Aj hindi ko naman kasi talaga alam yong daan eh. Siya lang ang nag-tuturo sa'kin ng daan. Mukhang di pa nga siya sure sa mga dinadaanan namin, tyaka gabi na din hindi na din niya makita ang daan.
"Sigurado kaba na dito yong haiking trill?" gulong tanong ko. Nakakaba baka mamaya kasi pinag lalaroan na kame ng kapre dito.
"Hindi ko na din alam kasi madilim niya." ani niya. Sabagay madilim na din naman kasi.
Maya-maya pa pag akyat namin sa pataas na bahagi ng gubat meroon akong nakita camp side.
"Aj! Aj may camp side!" sambit ko at muntikan na siyang nahila. Nakalimutan kong mag pilay nga pala siya.
"Teka lang ang bilis mong mag lakad." reklamo niya. Panong hindi ako bibilis ang bagal bagal niya.
"Ay sorry naman. May camp side oh." sambit ko ng makarating kami ng sa may sa capm side na tinutukoy ko. Baka may tao dito o kaya namna nandito si Kesha.
Maya-maya pa ay may lumabas na lalaki na may dalang pamalo. Baka tao siya dito. O mangtoturchur!
"Sino kayo?! Umalis kayo hindi kayo puwede dito!" pambabanta sa'min ng lalaki. Agad naman nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
Hahampasin na sana kami ng lalaki nang pigilan siya ng isang babae pamilyar sa'kin ang boses ng babae. parang narinig ko na siya some where... kaboses niya si.....
"Wag!"

Komentar Buku (27)

  • avatar
    Leng Dlr

    good story

    09/06

      0
  • avatar
    KR Lagman Angeles

    good

    27/01

      0
  • avatar
    SUMMER

    Waiting for this to be finished, great plot

    23/05/2022

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru