logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 07

Zanaira Kayneโ€™s P.O.V
Ang bilis ng panahon. Few months already passed.
After that day, Dylan and I never talked again like the way we talked before. And after few weeks nalaman ko na lang na may bago na naman itong girlfriend from other schools. Marry Anne is her name if I'm not mistaken.
It's already month of May, and nasa isang private beach resort kami ngayon dito sa Cavite. We're just relaxing and releasing our stress for the past few months.
Naiisip ko lang, if ever na hindi ko kinausap si Dylan n'ong araw na 'yon magiging okay pa ba kami? The last time I saw him is n'ong pumunta ito ng bahay bago sila lumuwas ng Manila, pumunta s'ya ng bahay pero hindi ako nito kinausap tanging si Mama lang ang kinausap at sinabing aalis na raw sila.
I sigh. Well, I still remember the words I said to him last time.
***
"Kayne," while we're laughing with Samuel some jokes Dylan interrupt and called my second name. . . again.
"Please, Kayne, talk to me,"
Humarap ako sa kaniya at tumango.
"D'yan na muna kayo, mag-uusap lang kami," baling ko sa mga kaibigan ko. "And mauna na rin kayo umuwi."
Hindi ko na hinintay ang sagot nila at hinila si Dylan papalayo sa kanila.
Well, I think we need to talk dahil ang dami na ring nakikisawsaw about sa issue raw na nilandi ko si Dylan kaya nagbreak sila ni Michelle. Chika nilang lahat, kastress.
"Libre mo ko sa Jollibee," walanghiyang sambit ko 'tsaka pumara ng jeep.
Hindi na ito nakaangal pa at hinayaan akong hilayin s'ya.
Just this time. . . even for the last time I'll be act that everything is okay. Kasi naman simula n'ong kumalat 'yong issue, everything's changed. Kahit na hindi niya sabihin sa akin may distance talagang naganap sa amin. Kahit na paulit-ulit n'ya akong ginugulo, ramdam ko pa rin 'yon.
"Manong, para po!" malakas ko sigaw kay Manong.
Ako na ang nagbayad ng pamasahe namin. Kinse lang naman hindi naman siguro gano'n kalaki ang mababawas sa ipon ko.
"O, ikaw na ang um-order. Maghahanap lang ako ng mauupuan nating dalawa," ani ko.
Tumango lang ito at pumila. Kanina ko pang napapansin ang pananahimik n'ya. That's new, parang n'ong nakaraan lang sobra ang paglalandi sa akin at sobrang daldal. Kanina ko na ring napapansin ang pagtitig nito 'tsaka para bang ang lungkot-lungkot ng mga mata nito.
Nagkanap ako ng pwesto kung saan wala masyadong tao kaya r'on na ako naupo.
Hindi rin naman ito nagtagal sa pag-order buti na lang at nahanap niya rin ako agad.
"May kailangan ka pa ba?" he asked, coldly.
Wow, may convo yatang nakabukas ngayon, e.
Umiling lang ako at tipid na ngumiti sa kan'ya. O, I think I don't need to act that we're okay dahil hatala namang hindi n'ya ako gustong kasama ngayon. Sarap niyang sampalin, siya nag-insist na mag-usap kami tapos aakto siyang cold? Ginagago 'ata ako.
"How are you?" he asked while we're eating.
I put my spoon down and look at him straight in his eyes.
"I have question," he just nodded so I continue. "You and Michelle didn't broke up because of me?" walang pag-aalinlangan kong tanong sa kan'ya.
I really want to ask him that but I don't have some time.
"No!"
Tumango ako. I sighs in relief. I glad that I'm not the reason of their heart break.
"Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit kami nagbreak?" I was shock because of his sudden question.
Tsismosa naman ako pero hindi ko ugali makisusyo sa relasyon ng iba.
"Hindi," simpleng sagot ko at sumimsim ng coke float.
Namayani ang katahimakan sa amin ng ilang sandali. I tried to ask him some question but I don't know where to start.
"Dylan-"
"Kayne-" gulat akong napatingin sa kan'ya at napaiwas ng tingin.
Awkward.
"You go first," sambit ko. Hindi na ito umangal pa.
"I'm sorry. . ."
"Sorry?"
"Just sorry," hindi ko man magets pero hindi na ako nagtanong pa.
Siguro he's sorry for the issue kasi nadamay ako. But something is off.
Ilang sandali na muling kaming natahimik.
"Ikaw na," napatingin ako sa kan'ya at hindi agad nakapagsalita. Para akong baliw.
"Ha? A, oo. Wala na akong itatanong," sambit ko kasabay ng pagkamot ko sa noo.
It's a lie, of course. I want to ask him if he really likes me.
"Pero may sasabihin ako," ngitian ko ito ng tipid. "Don't bothered me anymore, Dylan. I don't like you and I know you don't like me too kasi alam kong may gusto kang iba. I'm okay, don't worry. So, please don't bother to talk to me or lapitan ako sa school. Let's just remained friends? Thank you for everything. . ." I like you, I really am. If we're really destined to each other, we're going to meet someday.
He was dumbfounded. I didn't wait him to answer and leave him alone.
***
"Girl, Zanaira!" I returned my attention to my friends who has waiting my answer to whatever they ask.
"Ha? Ano 'yon?"
"Ayan, lutang ka na naman, e!"
Natawa na lang ako dahil sa sinabi niya.
"Sabi ko tara ligo na tayo sa dagat, ayon na sila Sam and Freya, o," anito sabay turo sa dalawa naming kaibigan na nagtatampisaw sa dagat.
Um-oo lang ako at tumayo na para sumunod sa kanilang lumangoy.
I should relaxing now. Ilang buwan din kaming stress sa acads, no. Lapit na rin birthday ko.
"Hoy, paunahan tayong lumangoy," suhestiyon ko sa kanila, lahat sila ay umangal.
"Tse! Alam naman naming hindi kami mananalo sa 'yo," reklamo nila.
Well, since we're still kids laging kaming nagpapaunahang lumangoy pero hindi sila nanalo laban sa akin.
Swimmer ako, no. Panlaban ako ng school namin every may paligsahan.
"Sige na! Malay niyo matalo niyo 'ko," pangungumbinsi ko sa kanila. Hindi naman ako nabigo.
Pumunta kami sa malalim na parte ng dagat. Paunahan kaming lumangoy at makaahon sa dalampasigan.
"Sige game na!" ani ko at pumusisyon.
"Ready, set, go!" malakas kong sigaw.
Nagsimula kaming lumangay. They're but I am.
Like what they expected, panalo ako, talo sila.
"Ang duga mo naman, Zanaira!" reklamo nila kaya natawa na lang ako.
"Hoy pinauna ko kayo ng ilang segundo, a," ani ko habang tumatawa.
"Tse!"
Our vacation day continue, and we just did is to enjoy and relax.
"Raine, Ma, nandito na po ako," sigaw ko pagkapasok ko ng aming bahay.
Alas otso na ng gabi kami nakauwi ngayon medyo traffic din kasi.
"O, and'yan ka na pala. Dumating Kuya mo may dalang pagkain," anito. Kaya parang nawala 'yong pagod ko nang sabihin nitong dumating si Kuya.
Kuya is a working student, he study and work in Manila kaya minsan na lang kaming nagkikita.
We're happy that he's here.
"Kuya!" masayang kong sigaw at agad itong binigyan ng mahigpit na yakap.
Close na close talaga kaming magkakapatid kaya medyo nakakalungkot lang n'ong umalis si Kuya.
"Miss you, Kuya!"
"Miss you too, kain ka r'on may dala akong cake," aniya.
I said okay at nakisalo kay Raine na kumain.
"May girlfriend ka na pala," rinig kong tanong sambit ni Mama sa sala.
Nanlaki ang mga mata ko at nakitsismis sa kanila.
"Weh? 'Di nga, Kuya?" He nodded at nilabas nito ang cellphone n'ya at pinakita ang larawan ng girlfriend n'ya.
"Ang ganda, Kuya!" komento ko.
"What is her name?"
"Secret!"
I pouted at pinalo ng mahina sa braso si Kuya. "Ang duga! Kapag ako nagkaboyfriend hindi ko sasabihin sa inyo," natatawa kong sambit pero malakas na batok ang natanggal ko sa kanilang dalawa ni Mama.
Ouch, a!
"Bawal ka pang magboyfriend, ang bata-bata mo pa!"
Sabi ko nga bawal pa! Hihintayin ko na lang na mag-eighteenth na ako saka ko na jojowain si Dylan. Tsarot.

Komentar Buku (5)

  • avatar
    Cristal Anne Osorio Villarma

    I love it ๐Ÿ˜๐Ÿ’“๐Ÿ’“๐Ÿ˜๐Ÿ’“๐Ÿ˜๐Ÿ’“๐Ÿ’“๐Ÿ’“๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ’“๐Ÿ˜

    17/07

    ย ย 0
  • avatar
    Ka Zu Mi

    oum I like it

    02/12

    ย ย 1
  • avatar
    Rena Lyn

    Amazing and so much fun

    05/08/2023

    ย ย 0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru