logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 02

Kabanata 02
Para akong patay-gutom kung kumain. Walang pakialam sa paligid, tanging ang nasa isip ko lang ay kumain at ubusin lahat nang nakahain sa harapan ko.
Tatlong araw na rin kasi akong walang kain ng maayos mula ng palayasin ako sa dati naming apartment. Wala na kasi akong maimpambayad mula ng tuluyan akong iwan nina mama at papa. They left me nothing. They left me homeless and empty.
Kaya kanina para akong batang wala sa isip ng dalhin ako no'ng lalaking nakabunggo sa akin ng bisekleta dito sa bahay nila.
Mas nawala ako sa sarili ng hainan ako ng mommy n'ya ng masasarap na pagkain. Para akong asong naglalaway sa buto-buto. Wala nga akong pakialam sa itsura ko o kung ano bang iniisip nila sa akin.
Siguro sa iba nakakatawa ang itsura ko pero sa gaya ko na walang kahit ano wala na akong ibang iniisip. Hindi ko na iniisip ang sasabihin ng ibang tao dahil hindi naman nila alam ang pinagdadaanan ko.
Nailang lang ako dahil kanina pa akong tinitingnan ng mommy at daddy n'ya at panay rin ang tanong ng mga ito sa kanilang anak.
"Saan mo s'ya nakilala, huh, anak? Napakagana n'yang kumain? Mukhang nasarapan sa luto ko." Magiliw ang pagsasalita ng mommy n'ya. Kahit nasa medyo malayo sila sa akin ay nakikita ko ang napakaganda nitong ngiti.
"Vivienne, maiilang sa atin ang bata kung panonoorin natin s'yang kumain." Pananaway ng asawa nito bagaman ramdam mo din ang saya n'ya dahil sa asawang n'yang magiliw na nakangiti.
"Napaka-pangit talagang ka-bonding ng Daddy mo, Vijay." Anang ginang bago lumakad palapit sa akin.
Dahil nahihilo ako sa gutom kanina ay hindi ko napagmasdan ang ginang. Sobrang ganda pala nito kahit may edad na. Napakaganda ng kaniyang ngiti pati ang maliit ngunit matangos n'yang ilong. Iyon nga lamang ay kapansin-pansin ang maputla nitong mukha.
"Kumusta ang pagkain, hija?"
Nabulunan ako bigla ng tatlo na silang nakalapit sa akin at nanonood sa ginagawa kong pagkain. Ngayon lang ba sila nakakita ng dugyot na kumakain?
"Vijay, water, bilis!" Utos ng ginang sa lalaking nakabangga sa akin.
Mabilis naman iyong nagsalin ng tubig at ibinigay agad sa akin.
"Dahan-dahan lang sa pagkain, hija. Wala namang aagaw n'yan sa iyo." Sinsero ang mga ngiti ng ginoo.
Nakahinga ako ng maluwag ng hinayaan na nila akong mag-isa sa hapag. Matapos kong kumain ay binigyan ako ng simpleng dress ng ginang na halatang mamahalin. Pinaligo din nila ako sa kanilang banyo na sa sobrang ganda at linis ay pwede ng tulugan.
Pagkatapos kong maligo ay nagulat ako ng mag-offer ang ginang na suklayin ang hindi ko kahabaang buhok. Hindi pa daw n'ya kasi iyon nagagawa dahil wala s'yang anak na babae. Bagaman nahihiya ay wala na akong nagawa dahil sobrang mapilit ng ginang.
"Ano nga palang pangalan mo, hija?" Tanong nang asawa ng ginang.
Medyo naiilang ako dahil nakaupo silang tatlo sa harapan ko at tinitingnan ako na para bang ngayon lang sila nakakita ng tao.
"Linnett po." Nahihiyang tugon ko.
"What a pretty name just like you. By the way, you can call me Tita Vivienne." Pagpapakilala sa akin ng ginang habang magiliw na nakatingin sa akin.
"And you can call me Tito Vicente." Pagpapakilala din ng asawa ng ginang.
Nahihiya akong ngumiti sa kanila. "Hindi pa rin nga pala ako nagpapakilala sa'yo, I'm Vijay by the way." Pakilala no'ng lalaking nakabangga sa akin.
Ngayon ko lang napagmasdan kung gaano s'ya kagwapo. Napakatangos ng ilong n'ya at namana rin n'ya sa mommy n'ya ang napakaganda nitong ngiti. Mayroon din s'yang makakapal na kilay na sa nakikita ko ay namana n'ya sa daddy n'ya.
Napakaganda ng lahi ng pamilyang ito bukod pa doon ay kitang-kita ang kabutihan nila dahil sa ipinakita nila sa akin kahit na ngayon pa lamang nila ako nakita at nakilala.
"S'ya nga pala, kung hindi mo mamasamain Linnett, bakit ganoon ang itsura mo kanina? Nasaan ba ang mga magulang mo?"
Dahil sa tanong na iyon ng ginang ay nawala ang ngiti ko. Siguro ganito lagi ang mangyayari sa akin sa tuwing may bago akong taong makikilala.
"Wala na po sila." Malungkot na sagot ko kaya napasinghap sila.
"Oh, I'm sorry hija, are you okay?" Nasabi na lamang ng ginang dahil sa gulat n'ya.
Hindi ko alam kung bakit mabilis na kumawala ang luha sa mata ko dahil lang sa tanong na iyon ng ginang. Siguro dahil s'ya ang kauna-unahang nagtanong sa akin ng kalagayan ko.
Hindi ko maiwasang hindi mapahikbi dahil sa sakit na hanggang ngayon ay malalim pa rin ang pagkakaukit sa puso ko.
Mas lalong naging matunog ang pag-iyak ko ng yakapin ako ng ginang. Ramdam na ramdam ko ang higpit ng yakap n'ya habang paulit-ulit na hinahalikan ang ulo ko. It 'yong comfort na never kong nakuha sa magulang ko.
"Sige lang, Linnett, ilabas mo lang 'yan." Parang nawalan ako ng pakialam sa paligid ko. Umiyak lang ako ng umiyak habang yakap ng ginang.
Sobra talaga akong nasasaktan! Sobra akong nahihirapan dahil mula bata pa ako ay naranasan ko na kung gaano kalupit ang mundo.
Pinagkaitan ako ng kasiyahan mula ng isilang ako. Kahit pag-luha ay hindi kayang mabawasan ang bigat na nararamdaman ko dahil buong buhay ko ipinaramdam sa akin na kahit umiyak ako ay walang darating para punasan ang luha ko.
Sa labing limang taon ko sa mundo at sa bata kong edad ay natutunan ko ng pigilan ang luha ko.
Kahit no'ng iwan ako nila mama at papa ay halos ayaw pumatak ng luha ko kahit sobra akong nasasaktan dahil kahit ang luha ko alam n'yang wala pupunas sa kaniya kahit gaano pa ito katagal umagos sa pisngi ko.
Ngayon lang ulit ako umiyak. Ngayon lang ako naglabas ng lahat ng sakit na nagpapabigat sa dibdib ko. Ngayon lang dahil alam kong may yumayakap sa akin at handang magpunas ng luha ko.
"Ang sakit-sakit po. Sobra na po akong nahihirapan." Umiiyak na turan ko habang sapo ko ang dibdib ko na nagsisikip na dahil sa sobrang pag-iyak ko.
"Masyado  pa po kasing maaga para iwan nila ako. Hindi ko pa po kaya." Patuloy ako sa pag-iyak.
Kahit ang ginang ay napapaiyak na rin dahil siguro sa awa sa kalagayan ko. "Hija, I don't know what to say." Umiiyak na rin ang ginang.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiyak sa bisig ng ginang. Ang tanging alam ko lang ay hindi n'ya ako binitawan habang umiiyak ako. Isang simpleng bagay na kailangang-kailangan ko.
Nang parehas na kaming kalmado ay naupo na ulit kami ng maayos pero ang ginang ay hindi na lumayo sa tabi ko. Ramdam ko ang awa nila sa akin dahil sobra naman talagang nakakaawa ang itsura ko. Kahit ako ay naaawa sa sarili ko.
"So, anong plano mo ngayon, hija? Saan ka tumutuloy ngayon?" Tanong ni Tito Vicente.
Umiling-iling ako. "Pinalayas na po ako sa inuupahan ko."
Muli na naman silang napasinghap dahil sa sinabi ko. "You're too young para maranasan mo ang mga ganito." Tila hindi makapaniwala si Tito Vicente.
"Ang mga kamag-anak mo nasaan?" Nalingon ko so Vijay ng magtanong din ito. Kitang-kita sa mata nito ang awa sa kalagayan ko.
"Wala silang pakialam sa akin dahil ayaw nila ng responsibilidad."
Walang tumulong sa akin no'ng nagkasakit si mama at papa kahit hanggang no'ng pumanaw na sila. Wala daw kasi silang pera at hirap din sa buhay kaya wala ni isang lumapit sa akin o tumulong man lang. Kahit nga isang kamusta hindi nila nagawang ibigay sa akin.
That's how painful my life is.
I have nothing. I have no one. I am completely alone in the darkness of this cruel world.
"Gusto mo ba na dito ka na lang sa bahay namin?" Offer ni Tita Vivienne.
"Magandang ideya iyan Vivienne, ano sa palagay mo hija?" Natingnan ko ang mag-asawa dahil sa hindi inaasahang alok nila.
Hindi agad ako makasagot sa offer nila kaya sabi ko ay pag-iisipan ko muna. Hindi naman sa umaarte ako pero nahihiya ako dahil hindi naman nila ako kadugo.
Pero gano'n nga siguro dito sa mundo, kung sino pa ang hindi mo kadugo sila pa ang magmamalasakit sa iyo.
"Pumayag ka na." Nalingon ko so Vijay na sumunod pala sa akin dito sa garden nila.
"Ngayon lang ulit ngumiti ng gano'n ang mommy ko. Ngayon lang ulit kumislap nang gano'n ang mga mata n'ya. At nangyari 'yon right from the moment she saw you." Dagdag n'ya pa.
"Anong ibig mong sabihin?"
"She's not in good condition and I think you can help her, matagal n'ya ng gustong magka-anak ng babae. Please... make her happy." Tila nagmamakaawa ang tinig n'ya.
Dahil wala din naman talaga akong matutuluyan kaya sa huli ay pumayag din ako. Ramdam na ramdam ko ang kasiyahan ni Tita Vivienne lalo na ni Tito Vicente at Vijay.
Agad nilang ipinaayos ang isa nilang guest room para sa akin. Dinala agad ako ni Tita Vivienne sa mall para mamimili ng mga gamit ko.
Binihisan nila ako. Pinakian at pinatira sa bahay nila. Pinag-aral ako sa kaparehas na paaralan na pinapasukan ni Vijay. Hindi nila ako tinuring kailanman na iba sa kanila. They made me feel home.
"Linnett sweetie, matatapos na ba 'yan?" Masayang tanong ni Tita Vivienne dahil ipinipinta ko s'ya ngayon habang nagpapahinga kami dito sa garden.
"Konti na lang po, huwag pa kayong malikot, sige kayo papangit ito." Masayang tugon ko.
Sa bawat oras ay ipinaramdam nila sa akin ang kasiyahan. Tita Vivienne promised me that she will always make me happy and feel loved.
"Salamat dahil nabangga mo ako no'ng araw na 'yon." Sabi ko kay Vijay habang nagmemeryenda kami sa garden nila.
Isang taon na rin pala ang lumilipas mula ng araw na 'yon. Matatapos na kami sa junior high school at malapit na kaming pumasok sa senior high, ilang buwan na lang.
"Salamat din dahil pumayag ka na dumito na sa amin, my mom needs you." Malungkot ang mga mata n'ya.
"Bakit lagi mo 'yang sinasabi sa 'kin?" Pagtataka ko.
"My mom...she's sick." Natutop ko ang bibig ko dahil sa tinuran n'ya.
Sa isang taon kong pamamalagi sa bahay nila ay never kong napansin na may sakit ito dahil sa masigla nitong mga ngiti.
"Vijay! Linnett! Call the driver!" Natigil kami sa pag-uusap ng marinig namin ang natatarantang boses ni Tito Vicente.
Agad kaming sumugod sa loob ng bahay. "Your ma'am... she passed out."
Agad kong nilapitan si Tita Vivienne na walang malay na nakakandong kay Tito Vicente.
"What happened, Tito?"
"She has a brain tumor, hija. That's the reason why it happened."
Napasalampak ako ng marinig ko iyon.
Talaga bang hindi para sa akin ang kasiyahan?
Itutuloy. . .
--
Kathleenix 💙

Komentar Buku (213)

  • avatar
    Aldie Palmiano

    good

    19h

      0
  • avatar
    Geraldine Asonalleba

    nice and funny

    20h

      0
  • avatar
    Norayah D. Hadji Abdulhalim

    5.0

    12d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru