logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

HOW I FOUND HIM

HOW I FOUND HIM

Kathleenix


Chapter 01

Disclaimer:
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
©Kathleenix
All Rights Reserved
"How I Found Him"
(by: Kathleenix)
Kabanata 01
Nagising ako sa ingay nang nagsisigawan. Hindi na bago sa akin ang bagay na ito pero kahit gano'n ay paulit-ulit pa rin akong nasasaktan.
Wala naman akong natatandaang may nagawa akong kasalanan para maranasan ko ang mga ito. Ang tanging mali lang ay isinilang ako sa isang magulong pamilya.
Kasunod ng malakas na sigawan ng pagtatalo ay ang pagkabasag ng mga gamit. Nagpupuyos na naman sa galit ang bagong asawa ni papa.
"Mitch, tumigil ka na! Baka marinig tayo ng bata!" Pananaway ni Papa.
"Titigil lang ako kapag pinaalis mo na dito ang batang 'yan! Ayokong mag-alaga ng hindi ko kadugo kaya paalisin mo dito 'yan!" Ramdam na ramdam ko ang galit sa boses ni Tita Mitch.
Sa siyam na taon ko sa mundo ay ganito na agad kalupit ang nararanasan ko.
"Pero anak ko rin si Linnett..." Nagmamakaawa ang boses ni Papa.
"Sige, Leo, pumili ka! Paaalisin mo dito 'yang anak mo o kami ng anak mo ang aalis?!"
Mula pa lang sa tanong na iyon ay alam ko na kung saan ako mapupunta ngayong araw.
Hindi pa man sumasagot si papa ay hinila ko na agad ang maliit kong maleta at ang drawing book ko na palagi kong kasama.
Nalingon ko ang pinto ng maliit kong kwarto ng marinig kong bumukas iyon. "Linnett, ihahatid muna ulit kita sa mama mo." Iyon ang ibinungad sa akin ni papa.
Dahil paulit-ulit naman itong nangyayari kaya hindi na ako nagsasalita. Sumusunod lang ako palagi kung saan ako dadalhin ni mama at ni papa.
"Anak, anong gusto mong pagkain ang bilhin ko para sa 'yo?" Tanong ni mama habang akay-akay n'ya ako sa grocery store.
Bawat hakbang ni mama ay nagmamadali. "Dali na Linnett, pumili ka na. Ano bang gusto mo?"
"Ayaw ko po ng snacks."
"Prutas kaya? Or new set of art materials?"
Umiling ako. "Gusto ko lang pong makasama kayo."
Napahinga s'ya ng malalim bago umiling.
Mula sa expression na iyon ay alam kung hindi na naman pwede ang gusto ko dahil busy s'ya sa business nila ng bago n'yang asawa.
"Linnett, magpakabait ka dito, huh? Ilang araw ka lang naman dito sa bahay ng Tito mo." Bilin ni mama dahil dinala n'ya na naman ako sa bahay ng kapatid n'ya.
Wala akong nagawa kung hindi tumango at tanawin ang mama kong naglalakad na palayo habang hawak ko ang maleta ko at ang drawing book ko.
Napakagat ako sa labi ko bago ko inilabas ang lapis at mga pang-kulay ko. Tahimik kong nai-drawing sina mama at papa sa magkahiwalay na papel.
"Bakit nandito ka lagi sa bahay namin?" Tanong ng pinsan ko.
"Because my mama is busy."
"Bakit hindi ka sa papa mo pumunta?"
Umiling-iling ako. "May iba na s'yang pamilya."
"Anak pumasok ka na, kakain na tayo ng hapunan." Pagtawag ng tita ko sa aking pinsan.
Excited ang pinsan ko habang na sa harap kami ng hapag kainan. "Narito na ang paborito mong ulam!" Excited na sabi ni tita.
"Wow, fried chicken!"
Masaya din akong ngumiti sa pagaakalang pareho kami ng pagkain na kakainin pero nagkamali ako dahil mga tira-tirang gulay ang ibinigay sa akin.
Kinabukasan ay masaya ako dahil sa wakas ay sinundo ako ni mama. Pero nabawi agad iyon ng dalhin n'ya na naman ako sa grocery store dahil alam kong kasunod noon ay ibibilin n'ya na naman ako kung kani-kanino. Busy kasi s'ya dahil holiday season ngayon at malapit ng mag-pasko.
Ilang araw akong naghihintay kay mama na sunduin ako. Lagi kong bitbit ang maliit kong maleta dahil baka biglang dumating si mama. Bawat may sasakyan na tumitigil ay napapatayo ako pero agad nalulungkot kapag hindi si mama ang bumababa doon.
Christmas eve na nang sunduin ako ni mama at binilhan ng mga bagong damit at art materials. Masaya ako dahil dinala n'ya ako sa bahay n'ya lalo na dahil maya-maya lamang ay pasko na.
Pero hindi yata talaga para sa akin ang kasiyahan dahil sinalubong kami ng bagong asawa ni mama.
"Ilang beses ko ng sinabi 'di ba? Bawal dito ang anak mo!" Lasing na lasing ang bagong asawa ni mama.
"Kahit ngayong gabi lang, hayaan muna natin dito ang anak ko." Pagmamakaawa ni mama.
Nagulat ako ng biglang hinawakan si mama ng asawa n'ya sa panga. "Paaalisin mo s'ya o masasaktan kayong dalawa?" Pagbabanta ng asawa ni mama.
Napayuko na lamang ako dahil alam kong hindi na naman ako ang pipiliin ni mama o baka never nga akong naging option.
"Ihahatid ko lang s'ya sa papa n'ya."
"Hindi, dito ka lang sa bahay. Kaya na n'yan ang sarili n'ya, matanda na 'yan!" Pagpigil no'ng asawa ni mama.
Alam ko na agad ang sagot ng hawakan n'ya ako sa balikat. "I'm sorry, Linnett."
Wala akong nagawa kung hindi lumabas ng bahay nila bitbit ang dalawang bagay na lagi kong kasama.
Hindi ko man alam kung saan ako papunta ay tuloy-tuloy ako sa paglakad.
Napatigil ako sa isang park ng makita ko ang mga bata na kasama ang mga magulang nila habang sinasalubong ang pasko.
Sa tagal ko nang nararanasan ang ganito ay ngayon ko lang naramdaman na pumatak ang mainit na tubig sa pisngi ko. Kahit anong gawin kung pahid ay patuloy pa rin iyon sa pagpatak sa tuwing titingin ako sa mga batang masayang nakangiti habang yakap ng mga magulang nila at nanonoood ng fireworks.
Nakakainggit. Sana ako din! Sana may pamilya din ako katulad nila! Sana kahit sandali lang maging masaya ako. Kahit kaunting oras lang na maramdaman ko ang pamilya ko.
Kasabay ng sigawan ng merry christmas ay lumakas din ang paghagulgol ko. Ayaw kong umiyak dahil alam kong walang pupunas ng luha ko pero hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko.
Napasalampak na lang ako sa damuhan habang yakap ko ang drawing book ko.
I want to go home but I'm lost.
I don't know where is my home. I don't know what is home.
Nagulat ako ng makita ko  rin ang mama ko sa park na may hila-hilang maleta. And from just looking at her, I knew she chose me from the very first time.
Pinili ni mama na samahan ako. Binigyan n'ya ako ng oras na gustong-gusto ko. Pero ang kapalaran hindi yata talaga gustong maging masaya ako.
When I turned 15, my mother got sick. Naubos lahat ng inipon namin pero sa huli hindi n'ya rin naman kinaya. She left me again. And this time hindi na n'ya ako mababalikan.
And after a few months, nabalitaan ko ring nagkasakit si papa. Iniwan na rin s'ya ng dating n'yang asawa matapos maubos lahat ng savings nito.
Dahil wala akong perang pamabayad sa ospital ay hindi s'ya nabigyan ng proper treatment ng mga doctor. Hanggang sumuko na rin s'ya. He left me too.
They left me again. Alone and lost.
Hindi pa ulit kami nabubuo pero tuluyan ng nasira at hindi na maibabalik pa.
I only pray for my way home. I only wish to feel home. But now, I totally lost my home.
Wala na akong uuwian. I don't have anything in my hand. I lost my everything even my small dream.
Hindi pa ako mababalik sa sarili ko kung hindi pa ako nabangga ng bisekleta. "Hey, I'm sorry, are you okay?"
Natingala ko ang lalaking nakahawak sa braso ko. "Where are you going?"
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang bumuhos ang luha ko dahil sa tanong ng lalaking nasa harapan ko. "I don't know, I'm lost."
"Where is your home?"
"I don't know where is my home."
Itutuloy. . .

Komentar Buku (213)

  • avatar
    Aldie Palmiano

    good

    19h

      0
  • avatar
    Geraldine Asonalleba

    nice and funny

    21h

      0
  • avatar
    Norayah D. Hadji Abdulhalim

    5.0

    12d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru