NAALIMPUNGATAN ako nang naramdamang may naglilikot sa paanan ng aking higaan. Matinis na hagikik at para bang nabubuwisit na ungol ang naririnig ko. Nang magdilat ako ng mga mata ay nakita ko ang kapatid kong si Isaiya na nagtatatalon sa kama. Laro-laro nito ang alagang pusa na Alpha ang pangalan. Kumunot ang noo ko, bahagyang nandidilim ang paningin. “Isaiya ... maaga pa. Bakit nandito ka na?” tanong ko. Natigilan ito sa pagtalon at nakataas ang mga kilay nang tumingin sa akin. Binalingan ko ang alarm clock sa aking nightstand at nakitang mag-a-alasais pa lang ng umaga. Masyado pang maaga. “Pero po, ang sinabi mo sa amin nina Mama po, kagabi po, ngayon ang camping ninyo, Ate! Hindi ka na ba sasama sa mga kaibigan mo po?" nakatagilid ang ulong tanong niya bago sinampal si Alpha nang akmang kakalmutin siya nito. Mistulang nagising nang tuluyan ang diwa ko sa sinabi nito. Dali-dali ay patakbo akong nagtungo sa banyo. Oo nga pala! Ala-siete pa naman ang usapin namin! Walang pag-aalinlangang binuksan ko ang shower sa banyo nang sandaling mahubad ko ang lahat ng mga saplot sa 'king katawan. Muntik pa 'kong mapatili sa lamig na naramdaman na dumampi sa buo kong balat noong maitapat ko ang sarili sa lumalagaslas na tubig. Siguro ay halos singkuwenta minutos ang naubos ko bago pa ako tuluyang natapos. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kahit gaanong pagmamadali ay palagi na lang akong nauubusan ng oras. Gaano ba ako kakupad kumilos? Mabuti na nga lang at naka-pack na lahat ng mga dadalhin ko sa lakad namin ng mga kaibigan ko kaya nang matapos akong magbihis ay ang almusal na lang ang aatupagin ko. Ito ang advantage ng mga maaagap kumilos. Kagabi pa ako nakapaghanda. Nang lumabas ako ng kuwarto ko ay nagtungo kaagad ako ng dining room at walang paalam na kumuha ng mainit-init pang tinapay mula sa malaking plato. "Oras na, a?" sabi ni Mama habang nilalagyan ng pagkain ang plato ni Isaiya na nasa tabi niya nang nakaupo. Tinanguan ko ito habang subo-subo pa rin ang tinapay sa 'king bibig. Tinanggal ko rin naman 'yon nang tuluyan na akong makaupo sa harapan ng mesa. "Nakalimutan kong i-set 'yong alarm clock ko. Hindi tuloy ako masyadong nakapagbabad sa pagligo," sabi ko habang ngumuguya. Muntik ko nang mabitiwan ang tinapay nang may biglang pumitik sa 'king ilong. Matalim ang mga tingin kong nilingon ang may gawa. "Alam kong mangyayari 'yon kaya pinapasok ko na si Isaiya kanina sa kuwarto mo para guluhin ka." Inurong nito ang upuan sa tabihan ko at doon naupo. Nginitian pa ako nito nang muli niya akong lingunin. 'Di ko napigilan ang pag-irap. "Huwag mong pinipitik ang ilong ko!" Tinawanan niya pa 'ko nang ngiwian ko siya. "Tama na 'yang pag-aasaran na 'yan." Sabay-sabay kaming tumingin kay Papa nang ibaba niya ang binabasang diyaryo at hinanap ako ng mga mata nito. "Gaano kayo katagal mawawala, Sania?" "I'm not sure, Pa. Maybe, five days to one week siguro," sagot ko bago tumusok ng hotdog sa 'king hawak na tinidor. "I see." Tumango-tango si Papa bago inayos ang salamin niya sa mata. "Take good care of yourself, then. We won't be there if you ever need help." Ngumiti ako at tumango. The morning meal together with my family went well like usual. At tulad nga ng napag-usapan ay ala-siete akong sinundo ng mga kaibigan ko sa bahay namin. Ang aming bahay ang pinakabungad mula sa aming compound. Ang mga walang-hiya ay nakikain pa muna ng agahan sa amin bago kami tuluyang nakapagpaalam. Pasado ala-siete y medya na lang tuloy kami nang makalabas ng bahay. "Salamat ulit, Tito, Tita, sa pagkain! Sa 'yo rin, Isaiya, at siyempre, sa 'yo, Kuya Ihara," nakangiting sabi ni Ailyn. Umirap ako. Papansin talaga ang isang 'to, lalo na kay Kuya Ihara. Crush niya na ang huli bago pa kami naging matalik na magkaibigan. May pakiramdam nga ako na kaya siya nakipagkaibigan sa akin ay dahil sa gusto niya lang talaga na mapalapit kay Kuya. Ginagamit n'ya lang ako. Mahampas nga 'to mamaya. "Una na po kami," paalam naman ni Lyca. Malaki rin ang ngisi niya tulad ni Ailyn, palibhasa ay nakakain ng libreng agahan. Nakipag-appear siya sa katabi niyang si Jhoma. Magkatabi namang nakatayo sina Isabelita at Lourdell na kasalukuyang may pinag-uusapan. "Mag-iingat kayong anim, ha?" muling paalala ni Papa. Kung tama ang bilang ko ay pang-anim na niyang beses na sinabi 'yon magmula pa kanina. It's not like it's our first time, matagal na naming hilig ang mag-travel at mag-camping sa kung saan-saan ng mga kaibigan ko, ganito lang talaga siya 'pag may lakad kami. "Opo, Tito! At huwag na po kayong mag-alala kay Sania dahil kami ang bahala sa kaniya!" Nakakaloko akong tiningnan ni Ailyn at nagtaas-baba ang mga kilay niya. Nangunot ang ilong ko sa ginagawa niya. Hindi ko malaman kung dapat ba 'kong matuwa o mangamba. "Ailyn, ikaw ang pinakamatanda sa mga 'yan, ha..." Kuya Ihara gave her a knowing look. Panandaliang natigilan si Ailyn. Nakita ko 'yon. Ilang segundo lang ay pigil na pigil niya na ang sariling magtititili, iyong mga kamay niya ay mariing nakasara at ang sulok ng mga labi niya ay nanginginig. Namumula pa ang buong mukha. Hmp. Panigurado ay kinikilig na naman siya. Paano ay kinausap na naman siya ni Kuya. But if I were her, hindi ako matutuwa. Sino ba naman kasi ang sasaya pa kung sabihan ka ng isang tao na sa inyong grupo ay ikaw ang pinakamatanda? Insulto 'yon. Muling nagpaalam sina Lyca at Jhoma sa pamilya ko habang kinaladkad naman ako ni Ailyn para mauna na sa waiting shed na tinahak pa namin ng may kalayuan mula sa 'ming village. Dahil nga sa nakatira kami sa iisang compound ay kailangan pa naming sumulong para marating ang tabing kalsada. 'Di rin nagtagal noong makasunod sina Lyca at Jhoma sa amin, pati sina Isabelita at Lourdell, dala ang mga naglalakihan nilang bagahe sa kanilang likuran. "Ang lungkot naman, matagal kong hindi makikita si Ihara," nakasimangot na sabi ni Ailyn. Sabay-sabay kaming napatingin sa kaniya. Nakahalukipkip siya't nakadantay sa pader ng waiting shed. Kanina lang ay napuno ng hiyaw niya ang waiting shed sa katitili dahil kilig na kilig daw siya sa pagpansin sa kaniya ng kapatid ko. "'Kuya', Ailyn. 'Kuya Ihara', okay?" pagpapaalala ko sa kaniya. Limang taon rin ang tanda sa amin ni Kuya, dapat ay galangin niya. "Killjoy!" Biglang sama ng tingin niya sa 'kin. "Hindi mo ba 'ko gustong maging hipag, ha?" ngitngit na tanong niya. Tinaasan ko lamang siya ng isang kilay. "Tinatanong pa ba 'yan? Siyempre, hindi. At saka, ang layo mo rin naman sa tipong babae ni Kuya, malabong magkagusto sa 'yo 'yon," paglilinaw ko. Hindi naman sa gusto kong basagin ang pag-asa ng kaibigan ko, nagsasabi lang ako ng opinyon. Base kasi sa obserbasyon ko sa mga naging nobya ni Kuya Ihara, lahat sila ay mga mahihinhin kumilos, mga feminine, may arte sa katawan, makikinis, magaganda, at matatangkad; maganda ang lahi, kumbaga. Mga pang-beauty queen ang datingan. Kung ikukumpara ko naman si Ailyn sa mga babaeng 'yon, sa pagiging feminine pa lang ay malayong-malayo na siya. Doon sa pagiging matangkad nga lang ay bagsak siya. "Ang bait mo talaga, e, 'no? Ba't ba ayaw mo sa akin? Dapat nga ay boto ka pa dahil best friend mo 'ko! Tayo-tayo na lang ang magkakakampi rito!" Ngumuso siya at humalukipkip. Nagtatampo yata itong natatanaw ko. "Anong tingin mo sa 'kin? Konsintidor?" tanong ko bago narinig ang sabay na pagtawa nina Jhoma't Lyca. "Kahit sino naman sa amin, ikahihiyang maging hipag ka, Ailyn. Ugali mo pa nga lang, pang-squatter na, tapos ay napakadugyot mo pang kumilos!" panggagatong pa ni Lyca; tawang-tawa. "Aha! At nagsalita ang mahilig mangulangot sa public! Parehas lang naman tayo!" sagot ni Ailyn, halatang naaasar na dahil sa pagsasalubong ng mga kilay niya. "Wooo! Away na 'yan! Away na 'yan!" pagtsi-cheer ni Lourdell at tumayo pa sa gitna nina Ailyn at Lyca. Umaala-referee na naman siya roon sa dalawa. Iiling-iling na nanonood si Isabelita habang tumatawa. Halos mawala na ang mga mata niyang may kasingkitan. "He! Anong parehas? Mandiri ka nga! Mas may class naman ako kaysa sa 'yo!" sagot pa ni Lyca, ang pikunin ay magkasalubong na rin ang mga kilay. "Tama na nga! Hayan, may paparating nang sasakyan, o!" Mabilis na pinara ni Jhoma ang paparating na bus. "Jhoma! KJ!" anas ni Lourdell, nakasimangot. "Manahimik ka! Ang dapat na unahin mo, mag-aral!" sagot ni Jhoma sa kaniya. Pumagitna na ako kaagad at baka sila naman ang mag-away. "Oy, tama na 'yan. Sumakay na tayo," aya ko sa dalawang masama ang tinginan sa isa't isa. "Sandali, Sania! Sigurado ka bang magiging okay ka lang?" bigla ay tanong ni Lourdell. Umingos siya't ininguso ang bus na huminto sa 'ming harapan. The mere sight of the huge transportation vehicle made my stomach turned upside down. Para akong masusuka at wala pa man ay nahihilo na ako. Narito pa lang kami sa labas ay tila ba nalalanghap ko na ang mabahong samyo ng aircon sa loob niyon. Pagkagayon ay tumango ako. Hindi ako puwedeng mag-inarte dahil tanging bus lang ang puwede naming sakyan tungo sa destinasyon namin. Isabel! Halika rito't dito tayo sa likuran ni Sania pumuwesto sa pagpasok. Oy, kayong tatlo riyan sa unahan, alam n'yo na ang gagawin kapag natumba si Sania, ha? Bubuhatin, tapos ihahagis palabas!" Iyong hawak kong panyo ay ipinamitik ko kay Lourdell. Siraulo rin ang babaeng 'to, e. Parang tanga 'tong mga kasama ko. Talagang pinalibutan nila ako sa pag-akyat namin ng bus. Si Lourdell nga ay nakahawak pa sa bagahe ko. Masasampal ko yata ang mga buwisit. Ginagawa nila akong taga-bundok na 'di sanay sa siyudad. Kung sana'y hindi gano'n kabaho at kalakas ang air-conditioning ng sasakyan, siguro, makasu-survive ako. Nagtungo kami sa pinakadulong bahagi ng bus para tabi-tabi kaming makaupo. Agad na nagpunta si Jhoma sa tabi ng bintana at inilapag ang dalang bag. Bago pa 'ko makaupo sa tabi niya ay inunahan na ako ni Lyca, ayaw yatang makatabi si Ailyn. Kaya doon pa lang naupo sa gawing kanan ko ang huli nang makaupo ako sa tabi ni Lyca. Sa kabila niya ay umupo naman si Lourdell at katabi ni Isabelita ang bintana sa gawing kanan. Kaagad akong naglabas ng panyo para maitakip sa 'king ilong. The cool breeze of smelly air is already getting into me. Tingin ko'y 'di na 'ko magtatagal. "Sania, o. Bonamin." Inabot sa akin ni Isabelita ang isang tableta niyong gamot. Nginitian ko siya at kinuha ang kaniyang ibinibigay upang kaagad nang mainom. "Wala bang nagdala ng snacks sa inyo?" tanong ni Lyca habang nag-a-apply ng foundation sa kaniyang mukha. Pinanood ko lang siya hanggang sa pati pulang lipstick ay makapagkabit siya sa kaniyang manipis na labi. "Ako, mayro'n!" Malapad ang ngisi ni Lourdell. "Kaso 'di ako mamimigay!" Iyon at naghanap kaming lahat ng maibabato sa kaniya. Siraulong nilalan. In the end, sa tulong ng mapanakit na si Ailyn, inilabas ni Lourdell ang dalawang naglalakihang wrapper ng chichirya. Sinaktan kasi ng husto ni Ailyn kaya bumigay. Isang Chicharon ni Mang Juan at ang isa naman ay Moby Caramel. Naglabas din si Jhoma niyong Pik-Nik kaya lahat kami ay ngumunguya habang nanonood ng TV. Of course, we made sure that Ailyn and I filmed some for our vlog, para may bago na namang upload sa YouTube channel naming 'di na namin masyadong nabibisita. Naging busy kami kaya ganoon. 'Di rin nagtagal ay pare-parehas kaming nakatulog habang sakop na sakop ang likurang bahagi ng bus. Siguro ay dahil na rin sa traffic, halos limang oras din ang naging biyahe at nagising naman ako sa huling oras n'on. Hindi na ako natulog ulit para makapagpara ako kapag naro'n na kami sa aming destinasyon na siya namang ginawa ko nang sa wakas ay nakarating na rin kami.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
deserve mo ng 500 tip Kasi maganda
25/05/2025
0Thank you for the help with me
12/10/2024
0nice stodyt
14/07/2024
0Lihat Semua