logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 1

Chapter 1
Shane Chrystelle's POV
Nagising ako nang dahil sa sinag ng araw na tumatama sa 'king mukha. Itinakip ko ang kamay sa 'king mga mata, bago tumayo at nagsimulang mag-asikaso.
Matagal-tagal din magmula ng pansamantala kong maalis sa pagiging agent. Kaya pakiramdam ko ay unang araw ko na naman sa trabaho ngayon.
Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ay dumiretso na ko sa kusina para kumain. It will be a long day ahead, that's why I need all of the strength that I can get.
Bago ako tuluyang umalis ay pinasadahan ko ulit ng tingin ang sarili sa harap ng pahabang salamin sa huling pagkakataon.
The woman in front of me is far different since she used to be. Her past experience in life made her to become one.
Nasa malalim akong pag-iisip nang bigla kong makarinig ng sunod-sunod na katok mula sa pinto sa labas.
"Shane! Dalian mo riyan at baka ma-late na tayo!" malakas niyang sigaw, habang patuloy sa pagkatok.
Bakit ba nakalimutan kong kasabay ko nga pala ang isang 'to?
I rolled my eyes and irritably grabbed my things, then walked out of my room. Pagkabukas ko ng mismong pinto ng unit ko ay agad na bumungad sa 'kin ang nakakaloko niyang ngisi.
''Hi, best friend!''
I shook my head upon seeing him. He's still a pain in the ass until now. It seems that the word maturity was never in his vocabulary.
''Ano bang problema mo? Kung makasigaw at makakatok ka naman diyan ay akala mo wala ng bukas.''
Dire-diretso na kong lumabas, bago ko ni-lock ang pinto. Pagkatapos ay walang lingon likod na naglakad ako patungo sa elevator. I know that he's just following me from behind.
''Kanina pa kasi ako naghihintay sa baba. Ang sabi mo naman kasi sa text kanina ay palabas ka na. Kaya lang ay ilang tao na ata ang nabilang kung paroon at parito pero hindi ka pa rin dumadating,'' he teased the moment we entered the elevator.
"Sino ba kasing nagsabi na maghintay ka sa baba? Kanina pa kita pinapapunta sa itaas para ro'n ka na lang sana sa unit ko naghintay. Pero ang tigas naman ng ulo mo."
Kahit kailan talaga ay pasaway ang isang 'to. Siya na nga ang makikisabay sa pagpasok dahil may sira ang kotse niya.
Itinaas niya ang dalawang kamay. "Chill ka lang. Ito naman ang aga-aga highblood agad."
"Ikaw naman kasi, eh. Kung iwan kaya kita? Sanay ka naman mag-commute, ah." Nginisihan ko siya.
Napasimangot siya bigla. "Wala ko sa mood mag-commute. Isa pa ay masisira ang poise ko."
Napangiwi naman ako nang dahil sa sinabi niya. Sakto namang bumukas na ang elevator kaya dali-dali ulit akong naglakad palabas.
''Good morning po, Ma'am.''
I just smiled as a response to an employee who greeted me. Natahimik naman si Ralph hanggang sa makarating kami sa parking lot. Sa tuwing tatangkain niya kasing magsalita ay sakto namang may mga empleyado na bumabati sa 'kin.
Nang marating namin ang kinapaparadahan ng kotse ko ay agad na pinatunog ko 'yon. Pero bago pa man ako makapasok sa loob ay inunahan na ko ni Ralph.
"Now, you can't leave me." Itinaas baba niya pa ang kilay.
Napahinga na lang ako nang malalim, bago pumasok at inihagis ang dala-dalang bag at envelope sa back seat nang makaayos ako ng upo.
''Whatever. Swerte mo lang dahil naunahan mo ako sa pagpasok. Feeling may-ari kasi.'' I started the engine, then drove off.
''Nagsusungit ka na naman masyado, hah. Yumaman ka lang naging cannot be reach ka na.''
Saglit na nilingon ko siya. Umakto pa siyang nagpupunas ng luha kahit wala naman.
Binatukan ko nga. ''Hindi bagay sa 'yo ang magdrama. Ang halay mo tingnan.''
He pouted and scratch the back of his neck. Serves him right.
"Kinakabahan ka no?"
I gave him a sideways glance and I mentally curse when he wiggles his brows like an idiot.
"You wish. I have been doing this for a long time. Kaya bakit naman ako kakabahan?"
I rolled down the car windows on each side, so that the morning breeze can pass through. Tahimik naman sana ang magiging biyahe ko. Pero sa tuwing kasama ko si Ralph ay nagugulo ang mundo ko.
Bago pa man kami tuluyang makalabas ay nginitian din ako ng mga guard na nagbabantay sa exit. Binusinahan ko lang sila at tinanguan.
''Iba na talaga ang sikat." Patuloy pa rin siya sa pang-aasar.
''Inggit ka lang.'' I laughed at him.
''But seriously, you're nervous, right?''
My eyes were too focused on the road. But I know that this annoying best friend of mine beside me was smiling from ear to ear right now.
I sighed in defeat. ''Fine. Who wouldn't? Ngayon na lang ulit ako nakabalik pagkatapos akong parusahan ni Papa. It's all thanks to your previous co-worker, Ian.''
Six years. Six long years.
Sa loob ng mahabang panahon na 'yon ay ang dami ng nagbago sa 'kin at sa mismong buhay ko.
Mayroon mang mga nawala ay mayroon din namang dumating.
Two months after he left me, I found out that my mother was seeing my father again. Ito pala ang tinutukoy niyang mahalagang bagay na madalas niyang inaasikaso no'n kaya ilang araw siyang hindi nakakauwi.
Dalawang taong gulang pa lang daw ako no'n at kasalukuyan namang ipinagbubuntis ni Mama si Clark ng iwanan kami ni Papa. She's not used to talk about him, that's why I don't have any idea of who he is, where he is or does he have a new family already.
Pero isang araw ay nagulat na lang ako nang malaman kong nagmamay-ari pala ng isang land company ang pamilya ng Papa ko. That he chose to leave us because his parents threatened him that Mama will suffer. Hindi raw kasi gusto ng mga 'to si Mama.
He said that he's too weak back then. Hindi niya pa raw kami kayang ipaglaban kung kaya naman ay pinili niyang iwanan muna kami. I also learned that their wedding was even a secret.
Hindi ko siya nagawang tanggapin at intindihin no'ng una. Masyado na kasi akong maraming nalaman at hindi ko na alam kung ano pa ba ang paniniwalaan ko at sino pa ba ang pagkakatiwalaan ko. It seems that my life was built up with lies.
Isa pa, ng mga panahon din na 'yon ay hindi pa ko lubos na nakakabangon mula sa pagkawala ng dalawang importanteng tao sa buhay ko na halos ikabaliw ko.
But he's too persistent that I don't have any other choice but to give in. Ginawa niya ang lahat para lang mapunan ang mga naging pagkukulang niya sa 'min. Alam kong naging malungkot din siya dahil pinili niya ang maging mag-isa at maghintay ng tamang panahon para bumalik sa 'min. Napatunayan ko rin naman kung gaano niya kami kamahal at si Mama lang ang nag-iisang babae na minahal niya sa buong buhay niya.
Pinag-aral niya kami ni Clark sa isang magandang university. Nakapagtapos kami at sa ngayon nga ay nakabukod na ko sa kanila. I want to be independent that's why.
Habang silang tatlo naman ay magkakasama sa bahay ni Papa. My grandparents were already dead, that's why I didn't have the chance to meet them. Kahit naman kasi sila ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya namin ay gusto ko pa rin sana silang makilala.
I used to work in our company at the Marketing Department for six months. But later on, I realize that I want to be assigned to the field. I was a loner person back then. Kaya naman sa ngayon ay gusto ko namang makakausap at makihalubilo ng iba't ibang klase ng tao.
Sa kapatid ko naman ipagkakatiwala ang kumpanya balang araw. Kaya naman ay nagsimula na siyang mag-training at pag-aralan ang pasikot-sikot dito.
Pag-aari rin namin ang condominium building na tinitirahan ko ngayon. That's why all of the staff there knew me. Hangga't maaari nga sana ay ayokong itrato nila ko bilang anak ng may-ari. Pero mukhang hirap ata silang gawin 'yon at nakasanayan ko na lang din.
Napakurap ako nang bigla niyang kinalabit ang balikat ko.
''What?'' I glared at him.
''What? Just in case you didn't notice, we passed by on your building already.''
Nanlaki ang mga mata ko at do'n ko lang napansin na kakalampas nga lang namin. Mabilis ko namang itinabi ang kotse at inihinto.
''You're spacing out. As always.'' He shook his head while unbuckling his seatbelt.
''Sorry. Kaunti na lang naman ang lalakarin mo, eh.'' I bit my lower lip to control myself not to laugh.
He frowned. "Hindi naman 'yon ang inaalala ko."
I looked away when he said that. Alam ko na kung saan tutungo ang usapan na 'to at ayoko ng mapunta pa ulit 'yon do'n.
"Sige na. Baka ma-late ka pa." Pagtataboy ko pa sa kanya, habang nakatingin lang ako ng diretso sa daan.
I heard he sighed. "Oo na. You take care, okay? I-text mo ako kapag pauwi ka na para alam ko.''
I nod at him, then we bid goodbyes.
Tinanaw ko lang siya hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko.
Ralph is now working in our company. Sa HR Department siya na-assign. Halos kasisimula lang din niya. Masaya ako na sa kabila ng hindi magandang nangyari sa 'min ng kaibigan niya ay nanatili siya sa tabi ko at bilang isang matalik na kaibigan. He never leaves me in the toughest moment of my life. Hindi niya ko sinukuan at talaga namang ipinagpapasalamat ko 'yon.
Natigilan naman ako nang maramdaman ang pag-vibrate ng phone ko. Kinuha ko 'to mula sa bulsa at napangiti na lang ako nang makita kung sino ang tumatawag.
Dahil bukod kay Ralph ay isa siya sa hindi ko inaasahan na dadamay at magiging pinakamalapit sa 'kin. Silang dalawa lang din ang nakakaalam ng pinakamasakit na karanasan ko mula sa nakaraan.
Agad na sinagot ko ang tawag. ''Hey.''
He chuckled. ''Hey. I just want to say good luck. Are you there already?'' His voice sounds husky and it seems like he just got up in bed.
''Wala pa. Idinaan ko lang muna si Ralph sa kumpanya dahil may problema sa kotse niya. Pero malapit na rin ako.''
I look down at my wrist watch and good thing that I still have a lot of time. Napaaga lang naman ang alis ko nang dahil kay Ralph, eh.
''Okay. Just text me when you're done already.'' I heard he yawned. Mukhang antok pa ang loko.
I can't help but to roll my eyes. ''The two of you just told me the same thing. Malaki na ko. Kaya ko na ang sarili ko no.''
''Still, don't forget to text me because I'm going to pick you up. And I don't take no for an answer."
''Ano pa nga ba? Oo na lang,'' pagsusungit ko pa sa kanya kahit ang totoo ay nakangiti naman ako.
''Okay. I gotta go. You take care, okay?''
''Salamat. Mag-iingat ka rin, Dylan. Bye.'' I hung up.
Umayos na ko ng upo at muling pinaandar ang kotse. Minutes passed and I already parked in front of a nearby restaurant inside a hotel. Dito kasi gustong makipagkita ng kauna-unahan kong kliyente magmula ng makabalik ako. Ewan ko ba. Pwede namang sa mismong subdivision na kami magkita.
I actually don't want it here because...
Nevermind.
I occupied the empty chair near the window when I entered. Nakagawian ko na kasi ang magtingin-tingin sa labas. Watching people walk and vehicles go.
But my attention was diverted from the door when it opened. A lady with red, curly hair who seems in my same age came in wearing her corporate attire.
I guess it's her.
She roamed her eyes around until it locked into mine.
''Ms. Shane Sandoval?'' she asked, unsure when she finally came near me.
''Ms. Aileen Santiago?'' I asked back.
We both nodded to each other and shake hands. Oorder na sana ko ng pagkain ng bigla niya kong pinigilan.
''Ayos lang ba kung hintayin muna natin ang boss ko? Parating na rin naman siya. I hope you don't mind."
Napakunot noo naman ako. ''Boss mo? Ibig sabihin ay siya ang may balak na bumili ng bahay?''
She smiled. ''Oh, yes. I'm just the one who contacted you. I was his secretary.''
Napatango na lang ako, bago kami nagsimulang magkuwentuhan. She's easy to bond with. Ang gaan agad ng loob ko sa kanya. Kahit papaano ay nawawala na ang kabang nararamdaman ko.
Di hamak na mas matangkad siya sa 'kin at makinis din ang kanyang balat. May pagkasingkit naman ang kanyang mga mata. Kung titingnan ay masasabi kong bagay siya kay Ralph.
Tila may biglang umilaw na bombilya sa itaas ng ulo ko.
Oh, well. I'm being a cupid again. Sa oras na malaman ni Ralph ang binabalak ko ay paniguradong magwawala na naman siya. Nakagawian ko na kasi siyang ireto sa mga nagiging bagong kakilala ko.
Ayoko rin naman kasi na sa 'kin lang nakatuon ang atensyon niya. He has his own life too.
''Will you please excuse me for a while? I'll just go to the restroom,'' paalam ko sa kanya. Agad naman siyang tumango.
Pagkarating ko sa loob ay mabilis akong nag-retouch. Pakiramdam ko kasi ay ang haggard ko na agad kahit hindi pa naman kami nagsisimulang mag-tripping. This was indeed a hot day.
When I'm finally satisfied with my looks, I already decided to go out.
Malayo pa lang ay tanaw ko na ang isang lalaki na nakaupo sa tabi ni Ms. Santiago. Nakatungo siya at mukhang abala sa pagte-text kaya hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya.
Pero habang papalapit ako ng papalapit sa kanila ay pabilis naman ng pabilis ang pagtibok ng puso ko. Lalo na ng unti-unting maging pamilyar sa 'kin ang kanyang mukha.
No. It can't be.
Hanggang sa tuluyan na kong nakalapit sa kanila ay sakto namang nag-angat siya ng paningin. I was suddenly frozen on my spot the moment his eyes met mine.
Oh my God.
It's really him.

Komentar Buku (32)

  • avatar
    bagonteSaid

    good

    17d

      0
  • avatar
    Jaya Flor Cabante

    done

    26d

      0
  • avatar
    Wilmar Jarabe

    ilove this apps

    20/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru