logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Downpour

Downpour

Cygnus Deneb


CHAPTER 1

HENTAKI
Tumigil ba ang ulan at naburyo na ako habang naka hilata sa kama. Buong araw ay nakaharap ko ang screen ng cellphone at screen ng TV.
"Tao po!" Sigaw ng familyar na boses.
"Tao po!"
"Oh? Sino po sila?" Rinig kong sabi ni Mama.
"Tita! Nandiyan po ba si Yuki?"
"Pasukin niyo lang sa kwarto tulog ang slim."
Hindi ako nag-aksaya na bumangon sa kama tutal papasok rin naman sila dito. Kahit alam ko na ang pakay nila galing lang kami nung isang araw nandoon o 'di naman kaya ay magyaya naman sila na mag-dota pustahan.
"Hoy Yuk! Punta tayo kay mang Belyot." Bungad niya sa akin, pagkapasok pa lamang niya sa kwarto at umupo siya sa kama.
"Kagagaling lang natin nung isang araw. Chul."
"Dumating raw 'yong apo. Tsaka ka-edad lang daw natin 'yon."
Napalingon ako sa kanya. Sino ba itong kausap ko? Si Raph ba itong kausap ko o si Jerald. Hindi masyado hilig sa  babae si Raph at paniguradong babae ang apo nung tinutukoy.
"Ayoko Chul."
"Shezz. Hihingi nalang tayo ng mangga."
Yay pagkain na naman.
"Sige." Tamad kong sagot at tumayo para magbihis. Pinagtulakan ko siya patungo sa labas.
"Ano ba naman 'yan ang bakla mo Yuk!" Reklamo niya dahil hinila ko siya sa labas.
"Tungunu! Lumabas ka nalang!"
Lumabas na siya at walang nagawa. Bago pa man ako tuluyang makapasok may narinig ako, dahilan kung bakit ako napatigil.
"Taeng in lab sa babaeng nakakasalubong niya sa iskinita!"
Ulol talaga. Agad akong humarap sa kanila at binigyan siya ng batok.
"Aray Yuk!"
"Ayon! Maganda ba Yuk?" Si Jerald
"Tara na."
Mga loko kapag maganda ambilis, mga ungas.
Nauna akong lumabas sa nang bahay. Sumunod ang mga loko. Kinukulit parin nila ako sa tungkol sa babaeng hindi ko alam kung bakit nangyayari sa akin na hipnotismo, sa tuwing titingin ako sa kanyang mga mata.
"Ayay! Ngumiti ang loko ng mag-isa. In lab nga!" Sabi ni Rus. Agad ko silang liningon at tinignan ko sila ng masama.
"Hops! Sorry naman, nakita ko lang."
"Taena! Magkwento ka nga Yuk!" Nae-excite nasabi ni Drae.
Napatigil kami sa harap ng gate sa isang farm. Napalingon kami kay Jerald  na may kausap sa kanyang cellphone pangiti-ngiti pa ito. Nagtama  ang tingin naming tatlo. Tinatanong sa isa't isa kung may jowa naba si Jerald, na hindi sinasabi ni Jerald sa amin.
"Guys maghintay lang daw tayo sandali." Masayang baling ni Jerald sa amin. Binigyan namin siya ng nakakalokong tingin.
"Oh? Anong tingin 'yan?"
"Sino 'yon?" Tanong ni Russ sa kanya.
"Kaya pala. Oi mga loko, si mang Belyot 'yon!" Sagot naman ni Jerald,  napa-iling nalang kami dahil sagot niya.
"Akala namin ay iyong apo ng amo ni Mang Belyot."
"Loko kayo!"
"Oh? Mga hijo kanina pa kayo rito?" May isang matandang lalaki na sumulpot sa harapan namin at ngumiti ito sa amin. Hindi ko man lang napansin ang pagbukas niya sa gate.
"Hindi  naman po." Magalang na aniya ni Raph. Hindi bagay pramis, malokong tao si Raph sabagay hindi ng bumagay ang kanyang mala-anghel na pangalan. Raphael.
"Pasensya natagalan dahil nandiyan kasi ang anak ng amo ko."
"Hindi po ba 'yon magagalit?"
"Hindi naman. Palagi na kasi itong galit." Sabi pa niya at tumawa. Kinabahan kami ng biglaan dahil sa sinabi niya.
"Mang Belyot naman!"
"Biro lang hijo, hindi ito magagalit maliban balang kung ang sadya niyo rito ay manligaw sa kanyang anak."
Naunang pumasok ang matanda at sumunod kami sa kanya.
"Maganda po ba?"
"Aba. Oo naman hijo pero 'yon ngalang ay hindi 'yon kikibo kung hindi mo rin kikibuin."
"Iyon po ba? Magaling si Jerald diyan."
"Oh? Bakit naman ?"
Napaismid ako sa usapan nila. Alam ko na 'to kung saan ang patutunguhan.
Mga ungas! Palaging naunang tinatanong kung maganda ba. Ni hindi nila tinatanong kung mabait ba.
Napangiwi ako sa pinag-iisip ko. Sabagay hindi naman kasi nakikita ang ugali kung sa isabg tingin at magtitigan lang kayo magdamag. Nilibot ko ang tingin sa paligid, bubungad sa iyo ang nakahirang mangga, at may mga bunga parin ang parin ito. Sa pagkakaalam ko kasi ay bago pa ito natapos mag-harvest. Napatigil ako sa paglalakad dahil natakam ako sa mangga no'ng may  nakita akong hinog na bunga nito.
"Oh? Akala ko ba ay interesado kang makilala ang apo ng nagmamay-ari nito?"
"Mauna muna kayo, susunod nalang ako."
"Sige." Sabi niya at hindi na siya nagdalawang isip na iwan ako.
Tsk. Tsk. Mga ungas, mangga daw ba ang ipinunta rito. Kumbinsihin niyo ako!
Tinuon ko ang tingin ko sa puno ng mangga.
Sinipat ko muna ang bunga at pinag-aralan  kung saan pwedeng dumaan, bago ko sinimulang akyatin ang puno. Hindi naman ako nahirapang umakyat, dahil hindi naman gaano kataas ang puno ito. Ilang metro pa ang layo ko sa bunga. Nagpatuloy ako sa pag-akyat. May narinig akong yapak at napatingin ako sa pinanggalingan nito. Napatulala ako sa kanya, parang hinahabol ng aso ang tibok ng puso ko, kay bilis nito. Nawawala na ako sa sarili ko.
Nanlaki ang mata ko dahil narinig ko ang pagkabali ng sanga na naapakan ko at sunod na nangyari ay pagkabagsak ko sa lupa. Namimilipit ako sa sakit,  at parang nanlabo ang aking paningin ko pero malinaw ang kanyang imahe na nakatingin sa akin.
"Leigh!"
Ang ganda niya.
Tuluyan ng dumilim ang paningin ko.
•    •    •
Iminulat ko ang aking mata tanging puting kisame ang bumungad sa akin. Naramdaman ko ang pananakit ng aking likuran.
Bakit nga ba ako nandito? Amoy hospital.
Pilit kong inalala ang nangyari.
Nahulog ako sa  puno ng mangga dahil nakita ko siya!
Nakakunot ang aking noo na napatitig sa kisame.
Ang lampa ko! Mendoksi!
"Arigatou guzaimasu! Gising ka na!" Napalingon ako kay Raph na nakatayo sa gilid ng couch. Agad napabangon si Risty. Ang sosyal naman ng kwartong ito. Private room.
"Chul! Wala na bang masakit?"
"Iyong likuran ko lang."
"Ano chul hindi ba nabali?"
"Loko ka talaga Drae!"
Tatlo lang yata sila. Napansin kong wala si Jerald.
"Nasan si Jerald?"
"Ayon naging attorney na naman."
Sagot ni Drae sa akin at napakamot pa sa kanyang batok. Nagtaka naman ako sa kanya.
"Huh?"
"Gabi na oi, tsaka paniguradong hinahanap na tayo."
"Pwede—"
"Bukas ka pa makakalabas, dahil dadaan kapa sa x-ray. Pina-admit ka ng amo ni Mang Belyot."
Napakamot ako sa aking ulo.
"Pwede namang umuwi tsaka babalik dito kinabukasan."
"Huwag gano'n chul! Malalaman ng mama mo baka ma-massacer kami no'n!"
"Namputcha! Bakit ka nga ba nahulog?" Hindi ako natigilan ako sa tanong ni Risty. Nakakabakla kasi at baka pagtawanan lang nila ako. Bumukas ang pintuan at iniluwa si Jerald na pawisan ang noo.
"Ba't ganyan ang mukha mo?"
"Wew! Apat na magulang daw ba ang tinawagan ko! Naging lima taena isali na ang magulang ko! Oi ikaw Hentaki Denver! Ang lampa mo chul!"
"We love you Jerald!"
"Tangina niyo! Overnight sa hospital huh?" Nagtawanan kami at nagpalipas ng gabi.

Komentar Buku (12)

  • avatar
    Marjorie Mendoza

    very nice

    27/07

      0
  • avatar
    Janah Chato

    cool

    25/06

      0
  • avatar
    Carin Sarino

    nice story🥰🥰🥰

    06/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru