logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

UNFORGETTABLE NIGHT

UNFORGETTABLE NIGHT

Jhansis


CHAPTER 1

ARAW ng Lunes at unang araw din ito ni Kyla sa unibersidad ng Del Prado University.

Isa itong sikat na paaralang pinagmamay-arian ng isa rin sa pinakasikat na pamilya sa lungsod.

Simpleng dalaga lamang si Kyla kung ikukumpara sa ibang mga kababaihan, na nag-aaral sa naturang unibersidad. Mainhin, magalang, at higit sa lahat palaging nakangiti. Iyon ang mga katangian na madalas nilang magustuhan sa kanya.

Sa kanilang paaralan, siya ang may bansag sa tawag na manang. Walang sapat na ayos at halatang hindi ito galing sa pamilyang may mataas na pangalan sa lipunan.

Ganu'n pa man, dahil sa scholarship na kanyang inaplayan, kung kaya't siya ay nakapasok sa unibersidad.

Madalas din siyang mapagsabihan at nakukutya sa katawagang, 'Manang na takot sa kalalakihan' dahil ito ay mailap at walang nagugustuhan.

Sa dami ng kanyang manliligaw, ni isa man lang sa kanila ay wala siyang napili. Lahat, ay sinusubukan lang siya.

Isang umaga sa caffeteria'y, nagmamadali niyang binabaybay ang daan tungo sa kanyang silid aralan. Dala ng pagmamadali at takot na baka mahuli ito sa kanilang klase, hindi niya namataan ang paparating na lalaki at isang babae. Tumilapon ang kanyang mga aklat maging ang bitbit nitong proyekto na isusumite niya sa kanilang guro.

Ganoon na lang ang lungkot na biglang gumuhit sa kanyang maamong mukha. Pinaghirapan niya ang proyekto, at ngayong araw mismo ang deadline nito. Gayon pa ma'y hindi naman iyon ganu'n kasira, kaya pa naman niya itong buuin, dahilan para mapabuga ito ng hangin.

Tiningnan nito ang kanyang nabangga. Kanina pa pala siya nito tinitingnan sa nanlilisik at mapagmataas nitong mga mata.

“Sorry. Hindi ko sinasadya,” anya saka bahagyang naupo habang paisa-isang pinupulot ang kanyang mga kagamitan na nakakalat na ngayon sa sahig.

Akmang pupulutin niya na sana ang kanyang proyekto para lang magutla sa sumunod na nangyari. Mulagat ang kanyang mga mata habang wala itong magawa.

Sinipa lang naman ng babae ang pinaghirapan niyang proyekto.

“Poor girl.” Nakairap na simula nito. “Alam mo miss, hindi ka nababagay sa paaralang ito. Paano ka ba nakapasok sa ganitong kamahal na eskuwelahan?” pang-uuyam nito sa kanya. “Hindi ko alam na nagiging cheap na rin pala ang sikat na University sa bansa. Isang cheap na manang,” sabay sipa nito sa aklat ng dalaga. “Nakapasok sa isang sikat at mamahaling eskwelahan.” Dugtong niya pa sa mapang-uyam pa rin nitong tono.

Bagamat nasasaktan gawa ng kanyang mga naririnig. Hindi naman iyon ikinahihiya ng dalaga. Bagkus, ay ipinagmamalaki pa niya ang kanyang sarili. Who knows, baka kapag nagsalita pa siya ay tumimbuwang ang babaeng nasa kanyang harapan.

Tumayo si Kyla saka nagpagpag ng kanyang kamay. Napabuga pa muna ito ng malalim na hininga, bago hinarap ang mapanuyang babae. “Scholar lang ako, kaya ako nakapasok dito. Pero, hindi naman siguro tamang sabihin mong cheap na ang paaralan, dahil lang sa nakakita ka ng cheap na babaeng nag-aaral sa pinapasukan mong eskuwelahan.” Malumanay na sagot naman ni Kyla na hindi man lang tinapunan ng tingin ang babaeng kanyang nabangga.

Patuloy pa rin ito sa pagpapagpag nang kanyang nadumihang libro.

Mas lalo itong nabigla, nang apakan ng babae ang kanyang proyekto, dahilan upang ito ay magkalasog-lasog. Sa pagkakataong iyon, ay natigilan na lalo si Kyla. Gusto niyang manakit ng tao, pero wala iyon sa kanyang bukabularyo. Tumulo ang luha ng dalaga sa pagkakataong iyon. Paano'y, ito lang naman ang pinagkaabalahan niya buong magdamag. Ngunit, sa isang iglap lang ay masisira dahil sa babaeng kanyang nabangga…

Nang hindi sinasadya.

“Ops!” kunwa'y napapatutop ito sa kanyang bibig habang nagugulat. “Sorry!” nagpapaawa ang kanyang mukha. “Hindi ko kasi nakita eh.” Mapang-uyam niyang wika sa dalaga. Nakangisi pa ito habang nakatingin sa kanya't kinukutya siya.

Napapaluha si Kyla habang nakatanaw sa proyekto niyang nasira. “Humihingi ako ng kapatawaran dahil sa pagkakabangga ko sa'yo nang hindi ko sinasadya.” Naisatinig niya. “Pero, Miss, sa pinapakita mo ngayon, hindi ka na iba sa tinatawag nilang walang grado.” Napapunas siya ng luha. “Nag-aral ka nga sa pribadong paaralan na katulad nito, pero nasa'n na ngayon ang iyong grado na pinagmamalaki mo? Iyan ba ang nagagawa ng pera mo, sa pagkatao mo?” diretsahang sagot ni Kyla.

Hindi nakasagot ang babae sa tinuran niya, kung kaya't nagpatuloy siya sa pagsasalita. Inilibot pa ng dalaga ang paningin sa paligid ng unibersidad na pinapasukan niya.

“Aminado ako, napakamahal nga naman ng unibersidad na ito. Pero alam mo ba ang hubog ng ugali mo, ay hubog ng ugaling aso sa kanto. At ang tabas ng dila mo? Ay kasing talas ng dila ng mga taong walang pinag-aralan.” Tinitigan niya ito mula ulo hanggang paa. “Sayang ka, maganda ka, mapera; pero akalain mo't pangit ka rin pala.” Napangiti naman ang lalaking noon ay tahimik lang habang nanonood sa kanilang dalawa. “Dahil hindi ang mukha mo ang nagdadala sa pagkatao mo ngayon, kundi ang ugali mong asal kanto na ngayon ay kusang lumalabas sa iyo.” Mahinahong wika niya sa babae.

Akmang sasampalin na siya nito ng bigla itong pigilan ng kasama nitong lalaki.

“Mariane!” pigil ng isang lalaki na kasama nito. Tiningnan nito si Kyla. “I’m sorry, Miss.”

Saka pa lamang napatingin si Kyla sa lalaki. Hinihinuha sa sarili kung tama ba ang nakikita ng kanyang mga mata. Napanganga siya pagkakita niya rito. Hindi siya makapaniwala na harap-harapan niya nang mapagmamasdan sa malapitan, ang mukha ng lalaking kay tagal na panahon din niyang pinagpapantasyahan.

Ni sa panaginip ay hindi niya ito inisip, na makikita niya ito sa malapitan.

“Javy?! Nakita mo naman siguro ang ginawa ng babaeng iyan diba? Bakit ako ang sinisita mo ngayon?” ang atungal ni Mariane. Nagpupuyos ang kaibuturan nito sa ginawang pagtatanggol ng lalaki sa babaeng bumangga sa kanya.

“Dahil hindi naman niya sinasadya.” Sagot ng binata. “Nag-sorry na nga diba? Grow up will you?” inis niyang suway sa babae.

Nakatunghay lang si Kyla sa lalaki habang ito ay nagsasalita, dahilan kung kaya't, hindi niya namalayan na nakalapit na pala ito sa kanya.

“Pasensiya ka na, Miss. Ako na ang bahala sa proyektong nasira ni Mariane.” Hinging paumanhin ng binata na siyang nagpagalit pa lalo kay Mariane.

“Teka nga, Javy. Bakit ka naman humihingi ng sorry d'yan? Dapat lang iyan sa babaeng 'yan. Walang galang at hindi niya yata kilala ang kaharap niya. Palibhasa kasi, isa siyang basahan na nababagay lang ipamunas at paliguan sa putikan.” Wika pa ni Mariane.

“P'wede ba, Mariane! Act in your age. Para kang bata,” baling nito kay Mariane. “Sige na miss, may pasok ka pa. At sa susunod tumingin ka na lamang sa dinadaanan mo, nang sa ganu'n ay maiwasan ang pangyayaring katulad nito.” Muli nitong sabi kay Kyla sabay hila nito kay Mariane upang ilayo na rin sa dalaga.

“Aray! Ano ba Javy! Nasasaktan mo na ako!”

“Shut up!” sigaw pa ng binata rito.

Tigagal si Kyla ng oras na iyon, habang hinahatid ng tanaw ang lalaking kay tagal na panahon din niyang pinangarap.

‘Hindi lang siya g'wapo, kundi maginoo rin.’ Anang kanyang isipan.

Napabuga siyang muli ng hangin. Paano na ang proyekto niya? Kahit pa sinabi nung lalaki na ito na ang bahala sa project niya, iba pa rin iyong siya ang gumawa.

Napayuko siya ng kanyang ulo. Doon palang nito napansin ang kwentas na nasa bandang paanan niya. Nang tingnan niya ito ay nakita nito ang pangalan ng binata sa likod ng pendant ng kwentas. Sa pagkakataong iyon ay hindi niya maiwasang hindi manlumo, at hindi maikumpara ang kanyang sarili sa katayuan at istado sa buhay ng lalaki. Kesa sa uri ng pamumuhay na mero'n sila, ngayon.

Kung siguro’y hindi siya umalis sa poder ng kanyang ama. Marahil ngayon ay kasal na siya sa iba, sa lalaking hindi naman niya mahal.

Naisip niya, 'Hanggang pantasya na lang kita Javy Del Prado.' Sabay napapangiti sa kanyang sarili.

Ano pa nga ba ang panama niya kung ang kanyang pinapantasya ay maituturing na isang langit at siya naman ay isang babaeng walang kinang sa lupa. Malungkot nitong ibinulsa ang kuwentas. Ibabalik niya na lang ito kapag nagkita silang muli. Sumunod nitong kinuha ang kanyang proyekto.

Nagsimula na siya sa paglalakad, tungo sa kaniyang silid aralan nang bigla niyang magunita sa isipan ang nangyari sa kanyang proyekto.

Iniangat niya ito sa ere para lang bumagsak ang kanyang katawan at napapapikit ng 'di oras.

“Ano na ang gagawin ko ngayon?” wika niya na halatang-halata ang pamo-mroblema.

SAMANTALANG hindi naman mawala sa isipan ni Mariane ang pagpapahiyang ginawa ng babae sa kanya kanina. Matalas ang paningin na ipinukol nito kay Javy.

“Stop eating me with your eyes.” Angil ng binata ng mapansin niya ito. Rason para lalong mainis si Mariane.

“Damn it, Javy! Kailan mo pa ako nagawang ipahiya sa harap ng iba, ha?” galit na tungyayaw ni Mariane ng makarating sila sa V.I.P room.

“I didn't do that,” wala sa mood na sagod ng binata. “And besides — ikaw lang naman ang nagpahiya sa sarili mo, dahil diyan sa asal kalye mo,” balewalang dagdag pa niya.

“How could you say that?” Napatayo ito sa galit. “Nakita mo ba ang ginawa ng babaeng iyon Javy? Ininsulto niya ako.”

Tumaas lang ang kilay ng binata.

“Nainsulto ka pala eh, tulad mo lang din siya't nainsulto dahil sa mga sinabi mo. Kung ayaw mo na ibalik sa 'yo ang mga sinasabi mo, dapat lang na manahimik ka at irespeto mo rin sila.” Sagot pa nito sa dalaga.

“That's bullshit, Javy. Fiancée mo ako, but it seems that you are against with me, kesa doon sa babaeng iyon!”

Tila nakaramdam ng pananakit ng ulo nito si Javy. Napahilot pa ito sa kanyang sentido. “Puwede ba, Mariane. Tumahimik ka na muna kahit sandali lang! Naririndi na ako sa iyo. At isa pa, hindi ko kagustuhan ang magpakasal sa'yo alam mo 'yan. So please lang, just half an hour ay itikom mo muna ang bibig mo!” napasigaw na ito ng huli dahil sa inis na nararamdaman sa babae.

“Da*n you, Javy!”

Sigaw naman ni Mariane saka nagmamadaling iniwan ang binata na noon ay napapahilot na naman sa sarili nitong sentido.

“Great! Now, it becomes my fault.”

Komentar Buku (66)

  • avatar
    Del ValleMaxwell Laurent

    Maganda ang kwento

    16/08

      0
  • avatar
    GuzmanKessiah

    Mukhang maganda ito ang babasahin ko rin

    08/08

      0
  • avatar
    Al-raffie HC Lacsaman

    krkekf

    21/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru