logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 3 Careful

Dumating ang araw ng field trip namin. Maaga kaming nakarating ni Morrie sa meeting place na sinabi sa amin ni Ma'am. Habang naghihintay sa iba pa naming kaklase, biglang sumulpot sa kung saan si Liam.
" Hi, ladies" bati ni Liam. Tinanguan ko lamang siya samantalang nag-umpisa na naman silang magdaldalan ni Morrie. Nang makumpleto ay pumila kami papasok sa bus. Agad kumapit sa akin si Morrie at sinabing tabi kami sa upuan. Sumang-ayon naman ako dahil wala naman akong ibang makakatabi kung hindi siya. Samantalang si Liam naman ay nakasimangot. Palibhasa ay transferee, wala pa siyang masyadong ka-close sa amin maliban kay Morrie. Kaya naman wala siyang mahanap na makakatabi sa upuan.
" Huy! Morrie, tayo nalang tabi," himutok ni Liam habang kinakalabit si Morrie. " Ano ka ba, wala ka bang friends? Duh, ayaw kitang katabi no," sagot naman ni Morrie pero pinipilit pa rin siya ni Liam. Tinignan ko si Morrie at halata sakanya na nag-aalinlangan siya. Kahit ganoon ang sinagot niya kay Liam, nakikita kong parang gusto niya ring sumang-ayon sa sinabi nito. Hmmm. Tinignan ko naman si Liam nang masama habang nakataas pa ang kilay.
" Nanay mo ba 'to o baby sitter?" blangkong tanong ko kay Liam na nagpataas din ng kilay niya.
" O, baka naman may gusto ka sa kaibigan ko?" diretsong sabi ko sakanya. Sabay naman silang napaubo ni Morrie at bigla nalang siyang natahimik at hindi na kinulit si Morrie. Hmm? May hindi ba sinasabi 'to si Morrie sa akin?
Nang maayos na ang pila biglang sinabi ng aming adviser na hindi kami ang maaring pumili ng makakatabi namin sa upuan. Agad namang nagreklamo ang mga kaklase ko lalo na si Morrie.
" Pero ma'am, gano'n din naman yun. Paglabas ng bus hindi naman kami magpapartner-partner alphabetically." pagpapaliwanag ni Morrie
" Kaya nga! Sa labas hindi na nga kayo alphabetically arranged kasi for sure sasama na kayo sa mga kaibigan niyo. Kaya kahit sa bus man lang naka-organize kayo para iwas na rin ang ingay habang nasa byahe." Sabi naman ng adviser namin. Ending, wala rin kaming nagawa at sumunod na lang kay ma'am
Ang malas nga lang dahil hindi ko talaga nakatabi si Morrie at iba ang katabi niya. Samantalang ako, katabi ko itong Liam na 'to. Kung hindi sana nag-transfer 'to, si Morrie sana ang katabi ko dahil Reyes siya at Salvador naman ako. Kaya lang, dahil Sanz ang apelyido ni Liam, heto ako ngayon.
" Ako ang uupo sa malapit sa bintana," sabi ko agad nang malaman ko na siya ang katabi ko.
" Ako na please, mahihiluhin ako sa byahe eh." Umismid naman ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ko s'ya pinakinggan at naglakad ako patungo sa upuan namin at pumwesto ako sa malapit sa bintana. Sumunod naman si Liam na nakasimangot at naaasar sa akin. Wala siyang magawa dahil hindi ko talaga siya binigyan ng pagkakataon.
Nagsimula ang byahe at karamihan sa amin ay natulog. Ako naman ay nakikinig sa music para marelax ang isip ko. Maya-maya lang naramdaman kong bumagsak ang ulo ni Liam sa balikat ko.
" Aray! Ang bigat naman ng ulo nito," mahinang bulong ko at naisip kong itulak ang ulo niya. Kaya lang, hindi ko magawa dahil nahihiya ako at baka magmukha akong bastos at walang konsiderasyon. Hinayaan ko nalang doon si Liam at tiniis ang sakit ng balikat ko.
*Snores*
Sa kabila nang malakas na tunog na nanggagaling sa earphones ko naririnig ko ang hilik ng lalaking 'to. Nilingon ko siya at saglit kong natitigan nang malapitan ang mukha niya. Mukha naman siyang maamo kapag tulog. Hindi ganun katangos ang ilong niya, katamtaman lang. Makapal ang medyo pinkish niyang labi at mahaba ang pilik-mata niya. Hindi rin makinis ang mukha niya dahil sa mga bakas ng mga tigyawat niya. Natigil ako sa pagtitig nang gumalaw siya. Tumingin siya sa akin nang nakakakaloko.
" Tinititigan mo ba ako?" mapang-asar niyang sabi. Saglit naman ako natigilan at 'di ko naman pinahalata sa kaniya iyon. Pinanatili ko ang seryoso kong mukha at tinaasan ko siya ng kilay.
" Ang laki ng ulo mo. Mabigat. Malakas kang humilik, nakakarindi. Meron ding langaw sa bibig mo na lumilipad, nag-toothbrush ka ba?" blangkong tanong ko sakaniya. Gusto kong matawa sa itsura niya dahil halos lumuwa ang mata niya sa pagkagulat. Bigla siyang umiwas ng tingin. Pakiramdam ko napahiya siya HAHAHAHA. Serves you right feelingero!
" A-ano? O-oo n-naman nag-toothbrush ako no! Tsaka anong malaki ang ulo ko? S-sakto lang naman ah!" naiilang niyang sabi at pinipilit isalba ang sarili niya sa pagkapahiya. Tumingin ako sa bintana dahil 'di ko na mapigilan ang tawa ko.
" Hoy! Ang yabang mo naman nagbibiro lang naman ako. Grabe ka naman sa akin. Ba't ka ba ganyan? Ang sungit mo pa, masyado kang seryoso sa buhay. Robot ka ba ? Bakit wala ka man lang ekspresyon?" walang kwentang lintanya niya sa akin. Unti -unti naman akong humarap sa kaniya. Nginisian ko siya at parang namangha naman siya sa nakita niya. Para bang noon niya pa lang ako nakitang ngumiti.
" Shhhh! Baka bumalik ang mga langaw," mahinang bulong ko sakaniya at sinalpak ko na ulit sa tenga ko ang earphones ko. Naramdaman ko namang napahinto si Liam pero kalaunan yumuko siya sa mga tuhod niya. Baka matutulog ulit. Hay ang boring, ang tagal ng byahe.
Sa wakas, sa hinaba-haba ng byahe nakarating na rin kami sa una naming destinasyon. Nandito kami ngayon sa Quezon City, Memorial Circle. Nakatulala lang ako sa sa labas ng bintana dahil hinihintay ko pa na mawala ang siksikan at bumaba ang iba kong kaklase, nang may humawak sa kamay ko at pilit akong pinapatayo. Pagtingin ko, si Liam, siya ang may hawak ng kamay ko at si Morrie naman ay nakahawak sakanya habang nakatingin sa amin.
" Tara na , Shai! " Sabi niya sa akin habang nakahawak pa rin sa kamay ko. Tinignan ko yung kamay niya at saka kumunot ang noo ko. Napansin niya ata iyon kaya naman mabilis niyang tinanggal ang pagkakahawak sa kamay ko.
" Kanina ka pa kasi tinatawag ni Morrie, hindi ka tumitingin," kumakamot sa ulo niyang sabi. Tumango na lang ako at tumayo para makababa na ng bus. Inunahan ko na sila dahil iba ang napapansin ko kay Morrie at kung paano siya tumingin kay Liam sa tuwing lalapit ito sa akin.
Nagkaroon kami ng pagkakataon na makita ang mga naging sasakyan ng mga dating pangulo ng Pilipinas sa Museum na iyon. Interesting para sa akin at masasabi kong na-enjoy ko iyon. Matapos ang isang oras umalis kami roon at pumunta naman sa Art in Island sa Quezon City pa rin kung saan iba't-ibang optical illussion arts naman ang nakita ko. Ang ganda. Halos lahat ata ng 3D art doon ay may picture kaming tatlo nina Morrie at Liam.
Matapos sa Art Center, nagpunta na kami sa Enchanted Kingdom, ang pinaka-aabangan ng lahat. Medyo pagod na ako pero ayos lang nag-eenjoy naman ako 'di tulad ng inaasahan ko. Papasok palang turo na nang turo si Morrie kung anong uunahin namin sakyan.
" Hoy bes, dun tayo sa space shuttle agad para masaya. Ay! dun nalang pala sa vikings. Sa carousel na lang kaya para easy muna, ano sa tingin nyo? " Parang ewan na suggestion ni Morrie. Ang dami niya agad gustong i-try na rides to the point na 'di na siya makapili ng uunahin.
" Sa ferris wheel tayo. Gusto ko munang mag-relax," suhestiyon ko dahil gusto ko munang makita ang tanawin.
" Sige, sige! Ang galing mo talaga bes! " tuwang-tuwa na sabi ni Morrie habang niyayakap pa ako na akala mo napakagaling ng naisip ko.
" Let's go," sabi ni Liam.
Pumunta na nga kami kung nasaan ang ferris wheel at pumila para makasakay na kami. Nang time na namin, naunang sumakay si Morrie sa capsule or pod at medyo nahirapan siyang i-balance ang sarili niya dahil umiikot iyon. Buti nandoon si Liam at inalalayan siya. Sumunod si Liam na umupo at ako na lang ang hinihintay. Pag-tapak ko sa loob, gumalaw yung pod at na-out of balance ako. Unti-unting nanginig ang katawan ko sa hiya. Imagine, ang daming nakapila at naghihintay ng turn nila. Tapos, ako agaw-eksena. Feeling ko lahat ng mga mata nila sa akin nakatingin ng mga oras na iyon. Sana hindi na lang ako nagyaya rito.
" Hala, bes! " Dinig kong sabi ni Morrie.
" Peste, " bulong ko sa sarili ko dahil nakakahiya yung pangyayari na iyon. Gusto kong magpalamon sa lupa nang mga oras na iyon dahil sa kalampahan ko. But, luckily, before the situation get worse at sumubsob ako, Liam quickly grab my both hands to prevent me from falling.
" Careful, Shai " ano 'yon? Ba't may pag gano'n HAHAHA. WOHHH! Tinignan ko si Liam at dali-daling tumayo dahil kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko. Dala siguro ng pagkapahiya.
" Ayos ka lang bes? " nag-aalalang tanong ni Morrie. Tumango naman ako at umupo na lang, hindi na ako lumingon kay Liam at Morrie. Kinalma ko ang sarili ko sa pagtingin sa tanawin. Sinusubukan kong iwaglit sa isip ko ang kahihiyan na inabot ko kanina.

Komentar Buku (82)

  • avatar
    Rahman Amal

    hoppy

    16d

      0
  • avatar
    delacernaedoy

    sex

    22d

      0
  • avatar
    Angelica Lea Baligod

    so good

    23d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru