logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

sls 4

Napahilot naman ako sa noo ko nang matapos ko lahat ng assigment ko. Sinara ko ang laptop at sumipsip sa kapeng tinimpla ko kanina. Malamig na 'yon dahil sa tagal kong naging busy sa pagsasagot.
I groaned as I stretched my arms. Inimis ko na ang gamit ko and did a time check. Nagulat naman ako ng makitang lampas na ng 7, hindi ako tinawagan ni Linda.
Kukunin ko na sana ang cellphone ko para tawagan siya ng biglang may mag-doorbell. Binaba ko naman ang kamay ko at lumapit sa pinto.
"Oh," gulat kong wika ng mabuksan ko ang pinto. Nakatayo doon si Rash. Naka-simpleng black hoodie lang siya at fitted ripped jeans plus boots.
"Why are you here?" nagtataka kong tanong sa kaniya.
"Dito ka natutulog. Hindi ka ba naiingayan sa baba?" tanong niya - ignoring my question.
"Uhuh. Kapag busy dito, wala akong choice kung hindi dito matulog. Sound proof naman kaya ako nahihirapan," sagot ko sa tanong niya.
"Pinapunta ako dito ni Linda. Hindi ka daw niya ma-contact. Busy ka daw sa assignment mo?" tumango naman ako sa tanong niya. Tumalikod na ako at pumasok sa loob. Sumunod naman siya.
"Uhuh. Kakatapos ko lang. Magsisimula na daw ba kayo?" tanong konat tumuloy sa pag-liligpit ng gamit ko. Baka kasi malimutan ko bukas kung hindi ko pa liligpitin ngayon.
"You shouldn't have drank coffee, lalo kang hindi makakatulog ng maaga," sabi niya habang nakatingin sa mug kong may laman pa ding kape hanggang ngayon.
"Inaantok kasi ako. I can't sleep, kaya napilitan," pinatas ko ang gamit ko sa may sofa kung saan siya nakaupo. Ramdam ko ang pagsunod ng mga mata niya sa akin habang nagliligpit ako ng gamit.
Lastly, kinuha ko ang mug para ilagay na 'yon sa lababo, pero bigla niya 'yong kinuha at lumakad na papalit sa may lababo. I almost dropped my jaw, because of that. Bigla-bigla na lang siyang gagalaw ng ganoon.
"You live alone?" tanong niya.
"Hindi naman. Pinagawa ko lang itong apartment na 'to kay Papa dahil ang hassle kung uuwi pa kami sa bahay. I sometimes sleep there, minsan naman dito. Let's go? Baka hinihintay ka na nila," tumango naman siya at sumunod na sa akin.
Sabay kaming naglakad papunta sa baba. Medyo madilim sa hagdan, pero sumunod pa din siya. No choice naman kasi hindi kami magsasayang ng oras para lang maglagay ng elevator at saka claustrophobic ako kaya hindi talaga pwede.
"Linda said, tinanggihan mo daw siya. Suplado ka din daw," pagsisimula ko.
"Really? Hindi ko tanda," sagot niya. Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Bakit? Madaming nag-aalok sa inyo?" biro ko. Though I still think ganoon nga ang sitwasyon. Mukhang magaling talaga sila a.
"Parang ganoon na nga. Kadalasan naman ako lang gustong kunin kaya inaayawan ko agad," kwento niya.
"Why? Paniguradong malalaking offer 'yon."
"Isang banda kaming nag-perform sa harap nila kaya isang buong banda din dapat nila kaming i-re-recruit, hindi iyong ako lang," napangiti naman ako sa sinabi niya.
So he's not some kind of an asshole na kapag na-offeran ng ganiyan kahit pa nasa banda ka, diretso soloist siya.
"That's good. At least hindi mo iniwan mga kabanda mo para lang sa ganoong opportunity. Don't worry, hindi ako ganoon. I do prefer soloist than bands to perform here, pero kung magaling talaga kayo, i-ha-hire ko agad kayo," seryosong lumingon naman siya sa pwesto ko. Napakunot naman ang noo ko dahil sa ginawa niya.
"FA won't let you down, Astra. Hinding-hindi ako papayag na mangyari 'yon," he whispered the last line. I kinda heard it, pero hindi sobrang linaw, but still the first one struck on my heart.
Ang bilis naman ata. I'm just hoping na matuwa ang mga customer sa kanila, pero ganito na agad siya magbitiw ng mga salita. They won't let me down? I really hope so. Marami na ring napasikat ang resto bar namin.
Iyong mga dating part timer singer dito ay mga kilala na ngayon sa buong bansa. Kung papalarin, I believe sila na ang susunod. Maybe that's the reason kung bakit laging dinadayo itong resto bar bukod sa mga luto ni Papa—lahat ba naman ng singer na nagdaan dito ay mga kilala na ngayon. And I, being the daughter of the owner is so proud for them. Nakakatuwa dahil hindi nila nakakalimutang bumisita dito.
"Where are they?" tanong ko nang makababa na kami. Marami-rami na rin ang tao ngayon. Mukhang nabalita nila na may bagong singer dito.
"Nasa backstage sila," turo niya. Tumango naman ako at lumakad na papunta doon. May mga nakasalubong pa akong kakilala kaya mas lalo kaming nagtagal. Tahimik lang naman siyang naghihintay sa akin, na ikinataka ko dahil pwede naman siyang umuna na.
"Nandiyan na pala kayo, Astra. Sisimulan na ba natin?" bungad ni Linda sa akin pagkapasok namin ng backstage.
"Ready na ba kayo?" baling ko naman kay Rash. Lumingon naman siya sa mga lalaking nakaupo, nagsitanguan naman sila kaya tumango na din sa akin si Rash.
"Before we start, I want to introduce myself first. I'm Astral-" napatigil naman ako ng bigla silang nagsalita.
"Astral Keia Argos, we know you," sabay-sabay na wika noong tatlo. Gulat na napatango naman ako dahil doon.
"Crush ka kasi-" natigil naman siya nang biglang may tumakip sa bibig niya.
"Huwag mo siyang pansinin," awkward na sabi noong isa.
"Uh, ano bang pangalan niyo?" tanong ko na lang.
"Jax, Ajax Kalypso Morata - drummer," wika noong lalaking nagtakip ng bibig ni noong isa kanina. Kinamayan ko naman ang kamay niyang inoffer sa akin.
"Creon, Creon Aelous Acero - lead guitarist," wika noong lalaking tinakpan ng bibig kanina. I smiled at kinamayan din siya. Kita ko naman kung paano niya tiningnan si Rash habang magkahawak kami ng kamay. Masamang tingin ang ipinukol ni Rash sa kaniya.
"Girbaud, bass guitarist," pakilala noong isang lalaki. He somewhat looks like he's a half. Mukhang may lahi siya dahil sa features ng mukha niya. Lahat naman sila gwapo, pero iba ang features ni Girbaud.
"May lahi ka ba?" tanong ko.
"Oo, meron 'yan, Astra. Half pipi, Half tahimik," natatawang wika ni Creon. Sinamaan naman siya nang tingin ni Girbaud.
"Mayroon 'yan. Fil-Am," matinong sagot ni Jax. Tumango naman ako sa sinabi niya. Tumingin namang tatlo kay Rash kaya napatingin na din ako.
"What?" nagtataka niyang tanong sa kasamahan niya.
"Your turn," maikling wika ni Girbaud.
"Tsk. Rash. Rashiel Vonn Verilla - vocalist," I almost burst into laughter dahil busangot ang mukha siyang nagpakilala sa akin.
"Okay since kilala ko na kayo, let's start. Good luck Fifth Avenue."
"Huwag kang ganiyan, Astra. Baka may mahimatay sa kilig," tumatawang sabi ni Creon. Nagtatakang tumingin naman ako sa kaniya.
Did I say something wrong?
"Huh?" nagtataka kong bigkas. Umiling naman si Creon, pero tumatawa pa din.
"Huwag mo nang pansinin, Astra. Kulang sa gatas noong bata kaya nagka-ganiyan ang isang 'yan," iling na wika ni Jax. Natawa naman ako sa busangot na mukha ni Creon.
"I'll watch from the outside. Good luck, guys."
"Hayaan mo, Astra. Ganado na ang isa sa amin dahil sa 'yo," napailing na lang ako bago lumabas ng backstage. Nagkasalubong pa ang mata namin ni Rash noong tumalikod ako. Tinanguan ko siya at ngumiti bago lumabas.
"Linda, call Yanni for me, please. Nasa taas lang ang phone ko. Pakisabi start na," tumango naman si Linda at dinial na ang number ni Yanni.
Baka magtampo sa akin ang batang 'yon kapag hindi ko siya tinawagan. Hindi ko naman naibulsa ang cellphone ko noong lumabas kami ni Rash kanin.

Komentar Buku (207)

  • avatar
    AbanShaina

    kapagka magaling at talented ang Isang tao mapapanga nga kanalang talaga sa bawat gagawin Niya ..😘😘😘

    14d

      0
  • avatar
    Nhoj Amraleb

    nbb

    20/08

      0
  • avatar
    Cj Bert Monares

    I love

    19/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru